You are on page 1of 20

ESP 4 D

Pag-iwas sa Pagkakaroon ng A
Sakit at Paggalang sa Kapwa- Y
Tao
2
QUARTER 4 WEEK 1
Balik-aral

Ano –ano ang biyayang bigay/kaloob


sa atin ng Diyos?
Tignan ang mga larawan.
Basahin at unawain ang maikling salaysay.
“Alam Ko Na!”

Noon, madalas akong kumain ng


fries at uminom ng softdrinks tuwing
recess. Sa pananghalian, pritong manok o
kaya’y sinigang na baboy lamang ang gusto
kung kainin. Ayaw na ayaw kong makakita
ng ampalaya, kalabasa kangkong o
anumang gulay. Mas nanaisin ko pang
kumain ng tsokolate mula sa refrigerator
kaysa sa kumain ng saging o atis.
Madalas ay nanonood lamang ako
ng telebisyon o naglalaro ng computer
games. Mahilig din akong magbabad sa
harao ng laptop at mag upload ng selfie
pictures sa Facebook o makipag text sa mga
kaibigan. Madalas puyat, pero ayos lang sa
akin, ikinatutuwa at masaya naman ako sa
ginagawa ko.
Ilang panahon ang lumipas, napansin
ko na bumibigat ang aking timbang. Ako’y
nagtataka. Bakit ako nanghihina gayong
malakas naman akong kumain? Bakit
madalas sumasakit ang aking mga mata?
Parang kinakailangan ko nang gumamit ng
salamin dahil lumalabo na ang aking
paningin. Madalas ay nagkakasakit ako.
Laging bugnutin at umikli ang aking
pasensiya. Ang aking mga kaibigan,
kamag-aral at pamilya ay napansin ang
pagbabago ng aking ugali.
Dahil sa mga pagbabagong ito ay
bumaba ang aking marka. Iniiwasan din
ako ng aking mga kamag-aral at kaibigan
dahil madali akong mapikon sa mga biro
nila na naging sanhi ng aking
pagkabugnutin.Nanibago ako sa mga
nangyayari. Napagtanto kong hindi ito ang
gusto ko. Hindi rin ito ang pinangarap ko.
Tandang-tanda ko pa ang pangaral ni
Inay at Itay. “Anak, ingatan mo ang iyong
sarili. Handog ito sa iyo ng Diyos. Ang bawat
handog ng Diyos ay may kaakibat na
pananagutan.”“Tama si Inay at si Itay,” wika
ko sa aking sarili.
Ano-ano ang paboritong kainin at madalas
gawin ni Adrian?
Itala ang mga ito.
Paano nakaapekto ang mga ito sa kanyang:
a. Ugali-
_________________________________________
b. Kalusugan-
_____________________________________
c. pakikipagkapwa-tao-
______________________________
Kung ipagpapatuloy ni Adrian ang ganitong
gawi, ano kaya ang magiging epekto nito sa
kaniyang:
a. Sarili-
___________________________________________
b. Kapwa-
_________________________________________
c. relasyon sa Diyos-
_________________________________
Ipaliwanag ang linyang ito: “Anak, ingatan
mo ang iyong sarili. Handog ito sa iyo ng
Diyos. Ang bawat handog ng Diyos ay may
kaakibat na responsibilidad at
pananagutan.”
Paano ninyo ipapakita ang
pagpapahalaga sa inyong
sarili sa pamamagitan ng
pag-iwas sa pagkakaroon ng
sakit?
Panuto: Salungguhitan ang tamang
salita na nasa panaklong para mabuo
ang pangungusap.
1. Biyaya galing sa (Diyos, tao) ang
ating buhay.
2. (Ipahamak, Ingatan) natin ang ating
kalusugan.
3. Kumain ng (gulay, junkfoods) para
maging malakas.
4. Maligo (araw-araw, kapag gusto) para
maging malinis ang katawan.
5. Bilang nilikha ng Diyos dapat
(alagaan, pabayaan) natin ang ating
sarili
Panuto: Isulat ang (/) kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa sarili para
makaiwas sa sakit at (X) naman kung hindi.
Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. Si Kiara ay natutulog ng 8 oras bawat
araw.
2. Kumakain si Michael ng junkfoods araw-
araw.
3. Nag-eehersisyo si Ninio 3-4 beses bawat
linggo.
4. Kumakain si Jepsey ng gulay.
5. Naliligo si Maya araw-araw.
6. Palaging kumakain ng chocolates si Jake.
7. Hindi nagsisipilyo ng ngipin si Rhea.
8. Nagsusuot si Mikay ng maruruming damit.
9. Madaling araw na kung matulog si CJ
dahil sa paglalaro ng computer games.
10. Iniingatan ni Chandy ang kanyang
ngipin.
Takdang Aralin
Panuto: Magbigay ng 5 paraan na
ginawa mo sa buhay mo para
maiwasan mong magkasakit.

You might also like