You are on page 1of 17

E. S. P.

Class
To
Modyul 1
Pagsusuri sa Sarili
at mga Pangyayari
Pagsusuri/ebalwasyon
isang proseso na tumatalakay sa tamang paghusga at
obserbasyon. Matuturing isa sa mga dahilan kung paano mo
malawakan mapagdedesisyunan ang sarili, kapwa at higit sa
lahat ang pangyayari. Mahalaga ang ginagampanan ng
Pagsusuri/ebalwasyon sa iyong buhay, lalo na ngayon sa gitna ng
krisis na kinakaharap ng bawat Pilipino.
Unahin mo sa iyong sarili ang “Self-Assessment”. Malaki
ang hakbang nito upang mas lalo mo pang makilala ang iyong
sarili sa paraan ng paggawa ng tama o mali at pagdedesisyon.
Nakakatulong rin ang self-assessment sa gabay at paglaki ng
bawat indibidwal sa mundo, lalo na sa edukasyon. Dito
binibigyan ng oportunidad ang bawat bata kung paano nya
magagampanan at matutukoy ang wastong paggawa ng tama
at mali, mapagkukumpara ang mali sa tama at kung paano nya
maihahantulad sa totong buhay (applied in real life events).
Unahin mo sa iyong sarili ang “Self-Assessment”.
Malaki ang hakbang nito upang mas lalo mo pang
makilala ang iyong sarili sa paraan ng paggawa ng
tama o mali at pagdedesisyon. Nakakatulong rin
ang self-assessment sa gabay at paglaki ng bawat
indibidwal sa mundo, lalo na sa edukasyon. Dito
binibigyan ng oportunidad ang bawat bata kung
paano nya magagampanan at matutukoy ang
wastong paggawa ng tama at mali,
mapagkukumpara ang mali sa tama at kung paano
nya maihahantulad sa totong buhay (applied in real
life events).
Patungkol naman sa Pagsusuri sa Pangyayari, ito ay
masasabi na “gulong ng palad” ibig sabihin lahat ng
ating desisyon sa buhay ay nagiging resulta sa takbo
ng ating pagkakataon sa buhay. Tulad mo, ang ibang
mga bata ay may kanya-kanyang kwento na binubuo sa
bawat araw, nasasabi dito na ang bawat desisyon,
oportunidad at pag asa ay magiging resulta kung paano
mo gawin at sundan ang daloy ng iyong buhay. Sa
Edukasyon, ang bawat bata ay nagkakaroon din ng
pagsusuri/ebalwasyon sa bawat baitang na kanyang
nilalakbay ay tungo ito sa “Self-Assesment”
at Pagsusuri sa Pangyayari. Mahalaga din ang
nakapaloob dito dahil tinutukoy nya ang tamang
pagdedesisyon, oportunidad, pagkakataon at progreso
sa kaalaman tungo Edukasyon.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa
sagutang papel ang titik ng napiling sagot.
1. Ano ang pagsusuri?
a. Tamang paghusga c. ebalwasyon
b. Maling desisyon d. panalangin
2. Sino ba ang tinutukoy sa “Self-Assesment”?
a. Diyos c. Pangyayari
b. Sarili d. Tao
3. Anong ibig sabihin ng “Gulong ng Palad”?
a. Ang desisyon ang magiging basehan ng atingbuhay
b. b. Ang desisyon ay magmumula sayo
c. c. Ito lamang makakapagsabi sa iyo kung ano ang tatahikin mo
d. d. Lahat nang nabanggit 3
4. Alin sa mga sumusunod na salita ang maihahambiing mo sa salitang
pagsusuri?
a. Ebalwasyon c. Paglalahad
b. Paghahambing d. Analisis
5. Ang pagsusuri ay mahalaga upang ____________.
a. Malaman ang tama at mali b. Maging maunlad ang bawat isa
c. Magkaroon ng kabuhayan d. Maging malaya
Gawain 1: Pagtuklas at Pagkilala sa Sarili
Ang Pangit na Bibe
Ito ay isang magandang araw ng tag-init. Ang araw ay
kumikinang na mainit sa isang lumang bahay malapit sa isang
ilog. Sa likod ng bahay isang inahing pato ang nakaupo sa
sampung itlog."Tsik". At isa-isa silang napisa. Lahat ay napisa
maliban sa isa; iyo ay ang pinakamalaking itlog sa lahat. Mul, ang
inahing pato ay umupo sa malaking itlog. Sa wakas ito ay
bumukas, "Tsik, tsik!" Lumabas ang huling sisiw. Mukhang itong
malaki at malakas. Ito ay kulay-abo at pangit. Kinabukasan ay
inaatasan ng inahing pato ang lahat ng maliliit na bibe na
pumunta sa ilog. Ang lahat ng kanyang mga sisiw ay tumalon. Ang
malaking pangit na sisiw ay tumalon din. Lahat sila ay lumangoy
at naglaro nang sama-sama. Ang pangit na sisiw ay mas mahusay
kaysa sa lahat ng iba pang mga bibe. “Kwak, kwak, sumama ka
sa bakuran sa sakahan” sabi ng inang pato sa kanyang mga sisiw
at pumunta ang lahat sa sakahan.
Ang bakuran ng sakahan ay napakaingay. Ang malaking pangit na
bibe ay malungkot doon. Kawawang bibe.Tinuka siya ng isang
malaking manok, kinagat siya ng mga pato at sinipa siya ng
magsasaka Isang araw ay tumakbo ng pangit na bibe nang mabilis
hanggang makarating siya sa isang ilog. Nakakita siya roon ng
maraming magaganda at malalaking ibon na lumilipad. Ang
kanilang mga balahibo ay mapuputi, ang kanilang mga leeg ay 4
napakahaba at ang kanilang mga pakpak ay napakaganda.
Tuwang-tuwa niyang pinanood at tinitigan ang mga ito. Nais niyang
makasama sila. Nais niyang makipaglaro sa kanila. Nalaman niya
na sila ay mga gansa. “Oh gusto kong maging kagaya nila”, sambit
niya sa sarili. Lumipas ang panahon at dumating ang tagsibol. Ang
araw ay kumikinang at ang paligid ay sariwa at kulay berde. Isang
umaga, ang pangit na bibe ay nakakita muli ang magagandang
gansa. Gusto niya talaga silang kasama lumangoy sa ilog. Ngunit
natatakot siya sa kanila. Kaya tumakbo siya papunta sa ilog
tinitingnan niya ang tubig. Doon sa tubig nakikita niya ang isang
magandang gansa. Siya ito! Hindi na siya isang pangit na sisiw na
pato. Siya ay isang magandang puting gansa.
Sagutin ang mga tanong: 1. Kung ikaw si Bibe,
sa paanong paraan mo maipapakita ang iyong
positibong pananaw patungkol sa mga negatibo o
hindi kaaya-ayang komento tungkol sa iyong
pisikal na anyo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_________________________.
2. Sa kwento ng paglalakbay ni Bibe upang
mahanap niya ang kanyang sarili, Ito ba ay
makakatulong upang mas lalo mo pang makilala
ang iyong sarili?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
____________________.
Gawain 2:
Pagkilala sa Sarili Panuto: Gumuhit ng isang
“Gansa” sa iyong kwaderno. Isulat sa loob nito
ang ugali na nagpapakita ng pagkilala sa sarili
at ilagay ang mga dahilan kung bakit mahalaga
ito para sayo.
A. Isagawa Mo: Pagsusuri sa Tamang Desisyon
Gawain 3
Panuto: Isulat sa bawat bilog ang naglalarawan ng iyong
pagsusuring pansarili at ibahagi mo sa klase ang mga bagay na
nakatulong iyong wastong pagdedesisyon,

Tanong:
1. Bakit mahalaga na malaman mo ang tamang pagdedesisyon?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
______
C. Isapuso Mo
Gawain 4: Ako at ang Aking Paligid.
Panuto: Magsulat ng isang pangyayari sa iyong buhay na
nagpamalas ng kalakasan at katatagan ng loob sa pagharap sa
maraming tao.

Tanong: Ano ang iyong naramdaman habang ito’y sinusulat mo.


Ipaliwanag.
Dismayado masaya malungkot
_______________________________________________________________________
_________________________________________________________
C. Isabuhay Mo
Gawain 5: Repleksyon sa mga bagay na may kaugnayan sa sarili at
pangyayari.
Panuto: Iguhit sa kuwadro ang nais mong ipahiwatig tungkol isang
pangyayari na nagbigay sa iyo ng aral.

Tanong:
1. Anong nais mong baguhin sa ‘yong
sarili para maitama sa mga
nasayang na panahon at pangyayari?
_______________________________________________ __________________________________________________
_

____________________________________________________________________________________ .

2. Ano ang maibibigay mong aral sa


mga taong madaling kumillala ng
pagkatao?
_____________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________ ._
Gawain 6: Pasasalamat sa mga aral dulot ng pagsubok.
Panuto: Sumulat ng mga gawain na nagsasabi ng tagumpay sa
hamon ng iyong buhay. Isulat ang mga ito sa loob ng bawat talulod.
III. Pangwakas na Pagtataya:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng
tamanng sagot.
1.Saan bansa nagmula ang salitang French na “evaluer”?
A. Pransya B. Canada C. Japan D. Korea
2. Bakit mahalaga ang pagsususuri sa pagkatao ngisang tao?
A. Upang malaman niya ang kanyang kamalian sa buhay.
B. Upang malaman ng bawat indibidwal ang tama at mali.
C. Dahil ito ay sinasabi ng iba.
D. Para sa sariling kapakanan lamang.
3. Kung ang self- assessment ay tumutukoy sa sarili, sa paanong
paraan mo ito naipapakita?
A. Pagtukoy nang tama at mali sa bawat sitwasyon.
B. Inaalam muna bawat panig bago magsabi nang saloobin.
C. Ipagwalang-bahala na lang
D. Umayon na lang sa nakakarami.
4. Sa pagsusuri ng isang pangyayari, paano mo masasabi na ito’y
“Gulong ng Palad”?
A. Dahil kung ano ang mga desisyon mo sa buhay ikaw lang
makakapagsabi nang iyong tadhana.
B. Dito mo malalaman ang mali sa buhay mo.
C. Tama at mali nasa iyo ang kapakanan.
D. Ikaw ang bida nang iyong buhay at desisyon.
5. Kung ikaw ang papipilin, ano mas hahangarin mo sa buhay?
A. Magkaroon ng malayang pananaw at tamang desisyon sa
buhay.
B. Piliing maging tama sa bawat sitwasyon.
C. Maging alipin ng sarili at ng ibang tao.
D. Magkaroon ng malawak at malayang paghangad ng opinyon
ng ibang tao.
Bernadette C. Careo
Guro sa E.S.P

You might also like