You are on page 1of 9

E. S. P.

Class
To
Modyul 1
Pagtupad
sa Pangako,
Isang
Pananagutan
UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin
ang titik ng pinakatamang sagot

1. Ipinangako mong isasauli ang damit na hiniram mo sa iyong


kamag-aral, ngunit ito ay nasa labahan pa. Ano ang gagawin mo?
A. Pakikiusapan ko ang kamag-aral ko na sa isang linggo ko pa
isasauli ang damit.
B. Lalabhan ko ngayon ang damit upang maisauli ko bukas.
C. Isasauli ko ang damit kahit marumi pa ito.
D. Huwag munang isauli at ipahiram sa iba.
2. Sino ang hindi dapat tularan?
E. Nahuli si Emmanuel sa oras ng usapan.
F. Hindi dumating si Justine sa tinanggap na paanyaya.
G. Nagsasabi si Sean na hindi siya makakarating sa usapan
H. Kahit umuulan ay sinikap ni Kobe na makipagtagpo sa kausap
na kaibigan sa eksaktong oras ng usapan.
3. Ano ang nangyayari sa taong walang “Palabra de Honor
A. Lumalambot ang kanyang puso.
B. Dumarami ang kanyang kaibigan.
C. Tumitigas ang kanyang damdamin.
D. Nawawalan ng pagtitiwala ang ibang tao.
4. Nangako kang magbabayad ng utang sa kaklase mo ngunit wala
pang pera ang iyong magulang. Ano ang gagawin mo?
A. Mangungupit ako sa aking nanay .
B. Uutang muna ako sa iba para mabayaran siya.
C. Liliban muna ako sa klase hanggang makabayad.
D. magtitinda ako ng dyaryo’t bote para pambayad sa utang.
5. Bakit mahalaga na makatupad ka sa iyong pangako?
E. Ito ay makakaapekto sa ibang tao kapag hindi ka marunong
tumupad.
F. Ito ay makakabawas sa iyong marka.
G. Ito ay makakasira sa iyong marka.
H. Ito ay isang pag-uutos.
BALIK-TANAW

Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap


ay tumutukoy sa tamang gawi at M kung
mali.
_____ 1. Mangangako ng isang bagay na hindi
naman tutuparin.
_____ 2. Panlilinlang sa mga kaibigan.
_____ 3. Pagtupad sa binitawang salita.
_____ 4. Pagbibigay katuparan sa
pinagkasunduan.
_____ 5. Pag- iwas sa mga taong
napangakuan.
MAIKLING PAGPAPAKILALA SA
ARALIN
"Ang pagtupad ng pangako ay ang pagsunod ng totoo. Ang
binitawang salita ay hindi dapat isawalang bahala, dapat ang
katumbas nito ay ang pag-titiwala sa iyo. Mahalaga ang
pagtitiwala dahil ito ay hindi nababayaran ng anumang
salapi.
Para sa atin, ang pangako ay pagbibigay ng seguridad sa
isang bagay lalo na kung tayo ay mabilis magtiwala na
kapag pinangakuan tayo ay nakaka- ramdam tayo ng
kapanatagan. Tulad halimbawa ng pagsunod sa napagka
- sunduan o napag -usapan at pagkakaroon ng isang
salita na tinatawag nating
“Palabra de Honor.
Ang lahat ng ito ay nagpapamalas ng isang
responsableng tao na kayang tumupad ng ating kapwa sa
kanyang pangako.
PANGAKO NG PUSO

Magdikit ng larawan sa loob ng


frame para sa pinakamahalagang
tao sa iyong buhay na nais mong
bigyan ng pangako. Sa baba ng
kanyang larawan isulat ang iyong
pangako mula sa iyong puso na
magpapakita ng pagiging
responsableng tao.

You might also like