You are on page 1of 4

LASIP NATIONAL HIGH SCHOOL

LINGAYEN
S.Y.2015-2016
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 9
PANUTO:Basahin ang bawat talata at sagutin ang bawat katanungang sumusunod:

Anak,maghugas ka na ng pinggan!Yung kwarto mo,nalinis mo na ba?Mamaya may ipabibili ako sa iyo


ha,huwag kang aalis.Ito ay mga linyang marahil ay memoryado mo na dahil palagi mong naririnig mula sa
iyong mga magulang o kapamilya.At tiyak ko, may mga pagkakataong napapagod ka na sa sunod-sunod na
utos at ipinapagawa sayo.Ganito ba talaga kapag tumatanda na? Buti pa nung bata ako wala akong
ginagawa kundi maglaro ito ang madalas mong katanungan sa iyong sarili.
Totoo, nag-iiba na ang sitwasyon kapag nadaragdagan ang edad,kasama rito ay ang pagparagdag ng
mga responsibilidad na kailangan harapin.May malalim na dahilan kung bakit kinakailangang iatang na sa
iyo ng iyong mga magulang ang ilang mga responsibilidad sa tahanan at sa pamilya.

PANUTO:Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin


pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa patlang.
_____1.Alin sa mga sumusunod ang tamang asal ng isang tinedyer kapag inuutusan ng mga magulang?

a. patuloy sa panonood ng tv kahit narinig na ang utos mula sa magulang


b.opo,sandali lang po! kahit wala naman itong ginagawa.
c. Ipapasa sa nakababatang kapatid ang iniuutos ng magulang
d. Agad-agad kikilos sa paggawa ng utos ng magulang ng walang pagdadabog.
_____2.Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa utos ng magulang?
a.naipapakita sa mga tao na ikaw ay mapagmahal na anak
b.naipaparamdam sa magulang na tunay mo silang mahal
c.upang magkaroon ng pagkakataon na makuha ang ipinabibiling damit
d.dahil obligasyon mong sumunod sa mga magulang kahit labag sa iyong kalooban
_____3.Alin sa mga dahilan ng paggawa ang hindi makatwiran?
a.upang magkaroon ng maraming pera at magkaroon din ng maraming kaibigan
b.upang matamasa ang bunga ng pinagpaguran
c.upang kitain niya ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga
pangunahing pangangailangan.
d. sapagkat layunin mong makatugon at makatulong sa pangangailangan ng iyong kapwa.
_____4.Ang mga sumusunod ay ang mga pagbabagong nagaganap sa tuwing nadaragdagan ang edad
ng isang tao.,maliban sa:
a.nadaragdagan ang responsibilidad na kailangang harapin
b. nakakakilala at nagkakaroon ng mga ibat-ibang tao at kasama sa buhay.
c.naiintindihan ng mabuti ang mga tungkulin at karapatan at tungkulin bilang isang indibidwal
d.lahat ng nabanggit
_____5.

II.
Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang.Ito dapat ay isang patuloy na proseso hanggat
kaya mo at mayroon kang kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong lipunan,sapagkat mula
ditto nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging TAO na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.
Sa pamamagitan ng pakikilahok ang tao ay nagiging mapanagutan hindi lamang sa kanyang
sarili kundi sa kaniyang kapwa.Nakikilala niya ang kaniyang mga kakayahan,talento at
kahinaan na makatutulong upang magkaroon siya ng tiwala sa kanyang sarili.Nakikibahagi
siya sa lipunan bilang isang aktibong kasapi nito at nagkakaroon ng kaganapan ang kaniyang
buhay.
PANUTO:Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik nito sa patlang.
_____1.Ang mga sumusunod ay kahulugan mg pakikilahok maliban sa:
a.Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at
pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
b.Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili.Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa
ito.
c.Ang pakikilahok ay maaaring tawaging bayanihan,damayan o kawanggawa.
d.Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
_____2.Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula
sa kaniyang kapwa. a.Bolunterismo
b.Dignidad
c.Pakikilahok d.Pananagutan
_____3.Bakit mahalaga na dapat may kamalayan at pananagutan sa Pakikilahok?
a.Upang matugunan ang panganagilangan ng lipunan
b.Upang magampanan ang mga Gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
c.Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat
d.Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
_____4.Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng kanilang taos
pusong pakikilahok at bolunterismo?
a.Pagkakaisa b.Kabutihang panlahat
c.Pag-unlad d.Naitataguyod ang pananagutan
_____5.Bilang isang responsableng mamamayan,bakit kailangan mong makilahok?
a .tutulong ng kusa sapagkat may hinihintay na kapalit at kabayaran
b. sapagkat ito ay tungkulin na dapat isakatuparan ng bawat tao
c. upang mapatunayan sa lahat na ikaw ay responsableng mamamayan
d. upang magkaroon ng kasanayan sa lahat ng mga Gawain
III.
Ang tao ay may angking malalim na kahulugan at pinagmulan.Ang halaga ng tao ay nasa
kaniyang dignidad bilang isang nilikha ng mga Banal na Nilalang.Bilang isang tao,siya ay
angking karapatan.Ang simulain o ang ugat ng mga karapatang pantao ay masusumpungan o
makikita sa dignidad na taglay ng bawat tao.
Ang karapatang pantao ay mga prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato
ng kaniyang kapwa,at sa dignidad niya bilang tao.Marami sa mga ito ang ginawa nang batas
upang mapangalagaan ang bawat tao sa mundo.Ngunit isaisip na nararapat ding pangalagaan ng
tao ang kanyang mga karapatan.
PANUTO:Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik nito sa patlang.
_____1.Ano ang totoo para sa karapatan,kasunduan,kabutihan,at kawanggawa?
a.Ito ay mga bagay na pansarili lamang
b.Ito ay mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang
c.Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao
d.Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao
_____2.Ano sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao?
a.konsensiya b.dignidad
c.Katwiran
d.Kilos-loob

_____3.Ang pagiging may pananagutan,mapagpalaya at may pagpapahalag sa dignidad ay_____


a.inaasahang magawa at maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunanng kanyang ginagalawan
b.maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan
c.magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay
d.ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay

_____4.Ang Karapatan ay ang mga sumusunod,maliban lamang sa;


a.Ito ay isang prinsipyong gumagabay sa pananaw ng tao tungkol sa pagtrato ng kaniyang kapwa,at sa
dignidad niya bilang tao
b.Ito ay tumutukoy sa kung ano ang nararapat o dapat para sa isang nilalang o bagay

c.Ang pagpapasya sa kung ano ang nararapat gampanan sa mga tungkulin


d.Ipagtanggol ang kaibigan kahit mali ito
_____5.Paano ka kikilos upang maituwid ang nasaksihang mga paglabag sa mga karapatang pantao sa
pamilya,paaralan,baranggay/pamayanan,o lipunan/bansa?
a.Ipagbigay alam ang anumang nasaksihang katiwalian o paglabag sa may kapangyarihan o sa
otoridad.
b.Manahimik na lang at magsawalang-kibo para hindi mapag-initan at madamay sa gulo
c.Kausapin ang taong gumawa ng paglabag na huwag ng ulitin ang kaniyang ginawa sapagkat ito ay
kasalanan
d.Tulungan ang taong ito upang mapagtakpan ang paglabag na kanyang ginawa.
IV.
Lahat ng tao ay naghahangad ng magandang buhay.Ito ay hindi lamang para sa ating mga
sarili,kundi pati na rin sa ating minamahal sa buhay.Kung mas maganda o magiging sagana an
pagkakataon na makapagbigay o tumulong sa ating kapwa.Mahalaga sa tao ang maging masipag
upang siya ay mayroong maabot o marating na magandang bukas.
Kung ikaw ay masipag sa iyong pag-aaral ay makapagtatapos ka.Kung ang isang empleyado
ay masipag siya ay kikita at aasenso.At kung ang isang nilikha ng Diyos ay masipag na gumawa
ng kabutihan makakamit niya ang buhay na walang hanggan.Lagi nating tandaan na ang
kasipagan sa paggawa ng may kabutihan ang nagpapaunlad sa ating bayan.
PANUTO:Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik nito sa patlang.
_____1.Ang mga sumusunod ay kahulugan ng kasipagan maliban sa;
a. Ito ay pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad
b. Ito ay pagtingin ng kasiyahan at positibo sa isang gawain
c. Nakatutulong ito sa tao sa kanyang pakikipagrelasyon sa kaniyang gawain,kapwa at lipunan
d. Tumutulong ito sa taona malinang ang mabubuting katangian tulad ng tiwala sa sarili,mahabang
pasensiya,katapatan,at disiplina.
_____2.Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa buhay na may kalakip na
pagtitiyaga,pagtitiis,at determinasyon.
a.Kasipagan
b.Katatagan
c.Pagsisikap
d.Pagpupunyagi
_____3.Si Alexx ay sadyang masipag,hindi siya nagmamadali sa kanyang gawain at sinisiguro niya na magiging
maayos ang kalalabasan nito.Ano kayang palatandaan sa kasipagan ang taglay ni Alexx?
a. hindi umiiwas sa anumang gawain
b. ginagawa ang gawain ng may pagmamahal
c. nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa d. hindi nagrereklamo sa ginagawa
_____4.Ang isa sa mga palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan ay hindi umiiwas sa anumang gawain.
Alin sa mga halimbawa ang nagpapakita nito?
a. Si Ela ay hindi na kailangan pang utusan ng kaniyang ina sa gawaing bahay.Siya ay gumagawa ng mayroong
pagkukusa.
b. Si Louren ay palaging nagbibigay ng kaniyang malasakit sa anumang gawain na ipinapagawa sa kaniya ng
kanyang ina.
c. Masipag na mag-aaral Edriel,sa tuwing siya ay nag-aaral ay ibinibigay niya ang kaniyang panahon at oras
ditto ng buong husay
d. Sa tuwing gumagawa ng proyekto sa paaralan si Efren,ay hindi niya ginagawa ito basta lamang
matapos,kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.

_____5.Bakit mahalaga ang kasipagan?


a. mahirap ang buhay kayat ang tao ay dapat na magtiis at magtrabaho
b. kung ikaw ay masipag sa paggawa ang buhay mo ay aasenso
c. kung ikaw ay masipag mag-aral,ikaw ay magkakaroon ng magandang kinabukasan
d. lahat ng nabanggit
V.

KATARUNGAN.Madalas mong marinig ito sa mga rally kapag ipinaglalaban ang karapatan sa
lupa o kaya sa balita tulad ng iyak ng isang inang pinagnakawan ng buhay ng anak.Katarungan
ang sigaw kapag may inapi.Katarungan ang hinihingi kapag hindi patas ang turing sa tao.
Ang usaping katarungan ay lumalabas lamang sa diskursyo kapag nawawala na ito o kapag
umiiral ang inhustisya (kawalang-katarungan) at sa maraming panahon na hindi nawawala ang
katarungan,ang ibig sabihin nito ay umiiral ang katarungan.
PANUTO:Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.Piliin ang pinakaangkop
na sagot at isulat ang titik nito sa patlang.
_____1.Ano ang katarungan?
a. Paggalang sa sarili
b. Pagsunod sa batas

c. Pagtrato sa tao bilang kapwa

d. lahat ng nabanggit

_____2.Ano ang tamang pagpapatupad ng katarungan?


a. Ikulong ang lumabag sa batas
c. Tumawid sa tamang tawiran
b. Patawarin ang humihingi ng tawad
d. Bigyan ng limos ang namamalimos
_____3.Sino ang may tungkuling ipatupad ang batas?
a. mamamayan
b. pamahalaan
c. pulis
d. lahat ng nabanggit
_____4.Ang mga sumusunod ay mga panukalang makatarungan maliban sa:
a.mata sa mata,ngipin sa ngipin
c.Walang sala hanggat hindi napapatunayang nagkasala
b.kunin mo lamang ang kailangan mo d.tulungan ang lahat ng nanghihingi ng tulong
_____5.Bakit kailangan ng mga batas?
a. upang matakot ang mga tao at magtino sa sila
c. upang parusahan ang mga nagkakamali
b. upang magabayan ang mga tao sa tamang pagkilos
d. lahat ng nabanggit

INIHANDA NI:
LOUIE R. FERRER
Teacher III

INIWASTO:
ZENAIDA F. PERALTA
Head Teacher III

INAPRUBAHAN:
ROSARIO C. FERRER ED.D.
Principal IV

You might also like