You are on page 1of 2

GRADE 9 ESP

WRITTEN TEST NO. 1 / Quarter 3/ Week 1-2

NAME: ___________________________ DATE: _________________


SECTION: _________________________ SCORE: ________________

“Datapwa’t sinasabi ko sa inyo, na ang bawat tumingin sa isang babae na taglay ang masamang
hangad ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kanyang puso.”

-Mateo 5:28

TOPIC: KATARUNGANG PANLIPUNAN


PANUTO: Basahin at unawain ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat ang pinakatamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
_____1. Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita nito?
a. Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.
b. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.
c. May “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang mahirap man o mayaman.
d. May bumibili sa lahat ng paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.
_____2. Alin sa sumusunod ang kilos ng isang makatarungang tao?
a. Pinag-uusapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.
b. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at Karapatan sa lipunan.
c. Binisita ng guro ang mga mag-aaral na ayaw pumasok upang kausapin siya at ang kanyang mga magulang na
bumalik ito sa pag-aaral.
d. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang
maglaro ng basketball.
______3. Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?
a. Palaging nakasasalamuha ang kapwa
b. Paggalang sa Karapatan ng bawat isa
c. Tutulong ang mga mayayaman sa mga mahihirap
d. May ugnayan na namamagitan sa dalawang tao
______4. Alin ang nagpapatunay na nagsisimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
a. Natututong tumayo sa sarili at hindi na umaasa ng tulong mula sa pamilya.
b. Nagiging bukas ang loob na tumanggap sa pagkakamali at hindi naninisi ng iba.
c. Nagkakaroon ng kamalayan sa sarili sa tulong ng mga magulang at mga kapatid.
d. Nagagabayan ng mga mahal sa buhay na lumaking may paggalang sa Karapatan ng iba.
______5. Bakit mahalaga sa katarungan na ibinabatay sa moral na batas ang legal na batas?
a. Ang moral na batas ay napapaloob sa Sampung Utos ng Diyos.
b. Ang moral at legal na batas ay parehong nagdudulot ng kabutihan sa buhay ng tao.
c. Ang pagpapakatao ay nagpapatingkad kung ang legal na batas ay alinsunod sa moral na batas.
d. Hindi maaaring paghiwalayin ang moral at legal na batas upang magkaroon ng katarungan sa lipunan.
______6. “Ang batas ay para sa tao at hindi ang tao para sa batas”. Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Nakatakda na ang mga batas na kailangang sundin ng tao habang siya ay nabubuhay.
b. Ang mga itinakda na batas ay para sa ikabubuti ng tao kaya dapat niyang sundin lahat ng mga ito.
c. Malalaman ng tao ang mangyayari sa kanyang buhay kung susuwayin niya ang mga itinakda na batas.
d. Itinatakda ang batas upang gabayan ang tao sa kaniyang pamumuhay at hindi upang diktahan nito ang
kaniyang buhay.
_____7. Alin ang makabuluhang paraan ng pagsasabuhay ng katarungang panlipunan?
a. Sundin ang batas trapiko at ang mga alituntunin ng paaralan.
b. Maging mabuting mag-aaral at mamamayan ng bansa.
c. Igalang ang karapan ng kapuwa.
d. Pag-aralan at sundinang mga alituntunin ng tahanan, paaralan, lipunan at simbahan.
_____8. Bakit isinasaalang-alang ng katarungang panlipunan ang paggalang sa dignidad ng tao?
a. Binubuo ng tao ang lipunan.
b. Magkakasama na umiiral sa lipunan ang mga tao.
c. Mahalaga ang pakikipagkapuwa sa lipunang kinabibilangan.
d. May halaga ang tao ayon sa kanyang kalikasang taglay bilang tao.
_____9. Ang mga sumusunod ay mabisang pagsasanay sa pagiging makatarungan maliban sa
a. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase.
b. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.
c. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.
d. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapuwa araw-araw.
_____10. Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan?
a. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.
b. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.
c. Mabisang paraan ito sa iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan
sa kapuwa.

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin at isulat ang T kung ang pangungusap ay tama at M
kung mali. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____11. Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr, ang katarungan ay isang pagbibigay at hindi isang pagtanggap.
_____12. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na gumagamit lagi
ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
_____13. Ayon kay Leandro Assuncion (2003), isa kang makatarungang tao kung ginagamit mo
ang iyong lakas sa paggalang sa batas at sakarapatan ng kapuwa.
_____14. Ang kilos-loob na isang makatuwirang pagkagusto ay magpapatatag sa iyong pagiging
makatarungang tao.
_____15. Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa dignidad ng tao

Prepared by:
_________________________ _________________________________
CAMILLE P. LIQUE Parent’s Signature Over Printed
Teacher I

You might also like