You are on page 1of 2

Ang Kalupi

Abala si Aling Martha sa paghahanda para sa pagtatapos ng kaniyang anak. Dahil nais niyang
maghanda pa rito, napagpasiyahan niyang pumunta sa palengke at mamili.
Papasok sa palengke ay nakabangga niya ang isang batang madungis. Dahil sa hitsura at
anyo ng bata ay agad siyang nahusgahan ng ale. Sa isip-isip nito, walang modo at hindi gagawa nang
mabuti ang bata.
Nang makarating sa loob ng palengke at akmang babayaran na ang pinamili, napansin ni Aling
Martha na wala na ang kaniyang kalupi. Inisip maigi ng ale kung saan maaaring naroon ang kaniyang
kalupi.
Naalala niya ang nakabanggang bata. Sigurado siyang ito ang kumuha ng kaniyang lagayan ng
pera. Hinanap niya ang bata sa palengke at agad naman niyang nakita. Tinanong niya ang bata ngunit
tumatanggi ito.
Nagsisigaw na ang ale at tumawag na ng pulis. Pagdating ng mga awtoridad at akmang
lalagyan na ng posas at dadalhin sa presinto, tumakbo ang bata at hindi inaasahang nabangga ng
dyip. Hanggang sa huling hininga ng bata ay itinatanggi nito ang krimen.
Pag-uwi ni Aling Martha, nagtataka ang asawa nito kung saan galing ang pinamili niya gayung
naiwan naman daw ng ginang sa kanilang bahay ang kaniyang kalupi. Hindi kinaya ng ale ang
nalaman at nawalan ng malay.

Sanggunian: Filipino_HS.Com pp. 200 205 na mga salita

TALASALITAAN:
1. Napagpasiyahan- napagdesisyunan
Napagpasiyahan ng pamilya Cruz na mamuhay na lamang sa probinsya.
2. Madungis- marumi
Bakit madungis ang batang nasa hapag-kainan?
3. Kalupi- pitaka (wallet)
Niregaluhan si Aling Cora ng mamahaling kalupi ng kanyang amo.
4. Walang modo- lumaking bastos/walang galang
Pinagalitan ng pulis ang walang modong lalaki sa daan.
5. Awtoridad- tumutukoy sa kapangyarihan na taglay ng isang indibidwal o grupo para
pamahalaan ang kaniyang nasasakupan.
Mahalaga na sundin at igalang natin ang mga taong may awtoridad sa lipunan.

Mga Tanong:

1. Ano ang pinaghahandaan ni Aling Marta?


a. Pagtatapos ng kanyang anak c. kaarawan ng kanyang asawa
b. Hapunan d. kasal ng kanyang anak
2. Saan siya pumunta noong hapong iyon?
a. Sa kapitbahay c. sa paaralan
b. Sa palengke d. sa simbahan
3. Ano ang nangyari sa kanya sa papasok sa palengke?
a. Nakita niya ang kanyang kaibigan.
b. Nakabangga niya ang isang batang madungis.
c. Nalaglag ang kanyang bag.
d. Bumili muna siya ng meryenda.
4. Ano ang impresyon niya sa batang nakabangga niya?
a. May respeto ang bata. C. Walang modo ang bata.
b. Matulungin ang bata. D. mapagkakatiwalaan ang bata.
5. Matapos makapili ng mga bibilhin, ano ang nagyari kay Aling Marta?
a. Napansin niyang wala ang kalupi. C. Nagbayad siya at umuwi
na.
b. Nakabangga muli niya ang bata. D. Nakipagkwentuhan muna siya sa
magtitinda.
6. Sino agad ang naisip niyang kumuha ng kanyang kalupi?
a. Ang kanyang asawa c. ang kanyang anak
b. Ang magtitinda d. ang batang madungis
7. Ano ang nangyari sa bata matapos siyang pagbintangan ni Aling Marta?
a. Dinala siya ng mga pulis sa bilangguan
b. Dinala siya sa bahay ampunan
c. Tumkabo siya nang mabilis at nasagasaan ng isang humaharurot na sasakyan.
d. Inimbita siya ni Aling Marta.

Aral na Napulot sa Kwento:


Huwag nating husgahan ang isang tao batay sa panlabas na anyo nito. Tandaan na ang
pagbibintang sa kapwa ay walang maidudulot na maganda.

You might also like