You are on page 1of 7

ISANG SURING-BASA SA

AKDANG
ANG KALUPI
NI BENJAMIN P. PASCUAL
III. Paksa

Ang paksa ng akda o kwento nito ay makatotohanan na mapapamulat ang mambabasa na huwag agad
mangbintang kung wala ka naman talagang sapat na ebdensiya. Wala din tayong karapatan manghusga ng
tao dahil tao lang din naman tayo at di porket mahirap e kaya na nilang magnakaw sa kapwa nila tao. Kahit di
man natin aminin ay mayroon talaga tayong pag uugali na maging mapanghusga lalo na kung mahirap ang tao
ang tingin agad natin ay masama sila dahil sa ating panghuhusga mayroon din naming mga mayayaman na
magnanakaw at pati narin sa ating pamahalaan na isa sa mga namumuno sa ating bansa. Wala din tayong
karapatan na manakit ng taong dihil di naman ikaw ang magulang ng batang yun. Ang nais lamang ni
Benjamin P. Pascual ay mapamulat tayo sa realidad at may sa kanyang sinulat na maikling kwento.
IV. Mga bisa

Bisang pangkaisipan
Ang bisang pangkaisipan ang kalupi ay maging mapanuri o siguraduhin na may sapat ka na
ebidensya para pagbintanggan ang bata. Dahil lang sa kanyang pitaka at gusto niya ng saktan ang bata na
wala naming ginawang masama sa kanya.

Bisang pandamdamin
Ang damdamin na aking nararamdaman ay awa sa batang wala namang kinalaman sa pagkawala
ng pitaka ni aling Marta. At dahil din sa kanyang panlabas na anyo ay agad siyang hinusgahan ni aling Marta
at umabot pa sa puntong sinasaktan na niya ang bata. Dahil sa takot na nararamdaman niya siya ay tumakas
dahil alam niya sa sarili niya na wala naman talaga siyang kinuha na pitaka at nasagasaan siya ng kotse.
V. Mensahe

Para sa akin ang kalupi ay nagbibigay ng malay na kahit mahirap ang isang tao ay hindi
nangangahulugang mayroon itong masamang binabalak sayo. Huwag dapat tayo manghusga dahil tao lang
din naman tayo at di naman talaga natin napapatunayan dahil wala sapat na ebidensya. Dapat bago tayo
mangbintang siguraduhin muna natin na may sapat na tayo na ebidensya. Di rin natin maiiwasan ang
manghusga ng kapwa natin. Isa ito sa magagandang halimbawa na huwag tayo manghuhusga at
mambibintang dapat alamin muna natin at mas maganda ay bigyan natin ng pansin an gating sarili. Ipasadiyos
nalang natin at ipanalangin.
VI. Talasalitaan

1. Kalupi – Pitaka
Halimbawa:
May bago akong kalupi na binili pa ni mama sa divisoria.
2. Ikabuwal – Ikatumba
Halimbawa:
Baka ikabuwal mo yang ginagawa mo.
3. Kwartel- Kulungan
Halimbawa:
Ipasok niyo sa kwartel si Bon dahil siya ay may nagawang mali.
4. Kawad – Tali
Halimbawa:
Ang kawad ng kuryente ay nasira.
5. Bulyaw – Sigawan
Halimbawa:
Huwag mo bulyawan si Jose dahil lang sa nagawa niya.

6. Humahangos – Mabilis na tumakbo


Halimbawa:
humanagos si Fred dahil siya ay nagmamadali.
7.Mabalasik – Matapang
Halimbawa:
Mabalasik niyang hinarap ang kanyang pagsubok
8. Sisidlan – Lagayan
Halimbawa:
Kumuha ka ng sisidlan para Malaga na natin to
9. Pasinghal – Pasigaw
Halimbawa:
Pasinghal na nagsalita si Jan
10. Korakang – Agad-agad
Halimbawa:
Karakanhg umalis si Van ng paaralan
II. Buod

Mataas na ang araw nang lumabas si aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong. Araw ng
pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang
natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Mamimili si aling Marta bitbit ng isang kamay ng
isang pangnang sisidlan ng kanyang panimiling uulamin.Hindi karaniwang pangkaraniwang araw ito at
kailangang magkaroon sila ng mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Mag-ikakasisiyam na nang
dumating siya sa pamilihan. Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Nang dumating siya sa gitnang
pasilyo at umakmang hahakbang na papasok,ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki,at
ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabulwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang dibdib.
Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili
ng ilang kartong mantika. Dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad,wala ang kanyang kalupi!
Gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Dali-dali siyang tumalikod at
patakbong lumabas. Nakita niya ang kanyang hinahanap. Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig.
"Nakita rin kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot sa pitaka ko,ano? Huwag kang magkakaila!"
Ngunit ang bata ay mahinang sumagot. "Ano hong pitaka?" ang sabi. "wala ho akong kinukuha sa inyong
pitaka". Tinignan ng pulis ang bata at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na pag dating ng pulis ay
tuluyang nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes
sentimos na papel at tigbenteng bangos. Inakbayan ng pulis ang bata at inilakad na patungo sa outpost.
"Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili," ang sabi sa kanya at pumasok. May
kung anong sumalak sa kanyang ulo sabay tingin sa batang kaharap at hinawaka niya ito sa isang bisig, at sa
pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalingat niyang pinilit sa likod nito. Napahiyaw ang bata sa sakit. Nais
lamang niya ay nakaalpas sa matitigas na bisig ni aling Marta;nang siya ay bitawan ng nasaktan si aling Marta.
Walang lingun-lingon na tumakbo,patungo sa ibayo nang maluwag na daan.Malakad na busina ng ilang
humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanyang buong paligid ay nakatunghay sa
kanyang lupaypay at duguang katawan. "Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo." At tungkol sa ulam
mangungutang siya ng pera sa tindahan ni aling Gondang at iyon ang ipapamili. Tanghali na nang siya ay
umuwi. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyanh asawa. "Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan" "Ang
pitaka mo e naiwan mo! sabi ng kanyang asawa. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para
siyang pinanganga-pusan ng hininga at sa palagay na niya ay umiikot ang buong paligid at ang papaliit na
lumabing salita Bakit kaya? Bakit kaya?
I. Pamagat, May-Akda, Genre

Pamagat

• Huwag basta basta magbintang ng tao kung wala ka namang sapat na ebidensya at huwag maging
mapanghusgang tao.

May-akda

• Si Benjamin Pascual ay isang sikat na kuwentista.Marami na siyang nasulat na mga maikling kuwento sa
wikang Ilokano at isa sa mga sikat niyang maikling kwento ay ang kalupi.Ipinanganak siya sa lungsod ng
Laoag,Ilocos Norte.Nagsimula siyang sumulat ny mga kwento noong 1950's.Nanalo siya sa palanca meniorial
awards for literature noong 1965 dahil sa kanyang Landas sa bahaghari.

Genre

• Ang kalupi ay isang maikling kuwento.Ito ay nagpapakita ng realidad sa may mga bagay na hindi nabigyab
ng hustisya sa lipunan.At ang kalupi at isang teoryang realismo dahil sa layunin nito na na ipakita ang mga
karanasan ng may-akda sa lipunan.

You might also like