Professional Documents
Culture Documents
Samantala, ang Istraktura at order ang pinakalansay ng teksto. Kaya kailangan na mapili ang wasto at angkop ang istraktura ng teksto depende sa
paksa at mga detalyeng kaugnay nito. Kailangan ding maisaayos ang nilalaman sa isang bukal na order
Samakatwid, sa pagsulat ng katawan ng teksto, mahalagang maisaalang-alang ang mga sumusunod na katangian :
a. Anu-ano ang mga mahahalagang impormasyon o detalyeng kailangan ilahad at talakayin sa katawan?
b. Bakit iyon mahalaga at kailangan?
c. Paano dapat ilahad ang mga impormasyon o detatyeng iyon?
Sa pagsulat ng bahaging ito ng teksto, mahalagang magamit ang kasanayan sa paglalagom at pagbuo ng konklusyon.
a. Ang lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling paraan.
b. Ang konklusyon ang naglalahad ng inferences, proposisyon deductions ha mahahango sa pagtatalakay sa teksto.
Ang akademikong papel ay may higit na masinsinang pagtalakay at may sinasagot na katanungan o larangan ng pananaliksik sa pamamagitan ng
mga datos o impormasyong makakalap mula sa mga makikitang pag-aaral at literatura.
Ang pagsulat ng akademikong papel ay nangangailangan ng masusi at maingat na pagsisiyasat at pangangalap ng mga datos upang mapagtibay,
maipaliwanag mapasubalian at mapahalagahan ang isang paksain.
a) Mapapaunlad ang kakayahan sa paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mapapaunlad ang mga pagpapahalagang iskolarli.
b) Malilinang ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng buod, pagtatala, pagbabalangkas ng mga ideya at pag-oorganisa
ng mga impormasyon sa isang mapanghikayat na sulatin.
c) Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng impormasyon at datos at ang mundo sa pangkalahatan bilang batis ng iba’t ibang kaalamang
kailangan salain at suriin para sa akademikong pagsulat.
d) Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan.
e) Malilinang ang pagpapahalaga sa paggalang sa katotohanan --- ang paggalang sa likha at akda ng iba bunga ng kanilang pag-aaral at akademikong
pagsisikap.
f) Sa pamamagitan ng pagtatala at maingat na dokumentasyon ng pinaghalawan ng mga ideya at impormasyon ay maaari ring masanay sa pagkilala ng
akda ng may akda at ang pagpapahalaga sa katapatang intelektwal bilang sangkap ng akademikong pagsulat.
g) Inaasahan ding mabubuksan ang isip ninyong mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagharap ng hamon ng pagiging obhetibo sa
pagtanaw sa mga pangyayari at impormasyon.
Mga Kasanayang Mahalagang Malinang Upang Makabuo Ng Isang Maayos Na Konseptong Papel
1. Mahalagang matutunan ang pagbuo ng isang konseptong papel bilang gabay sa masinop na pagsisiyasat at pananaliksik.
2. Mahalagang maisaloob ang sistematikong paghahanay ng mga ideya at ang pag-uugnay sa mga ito bilang batayan ng mga obserbasyong bubuuin.
3. Mahalagang matutunan ang kasanayan sa pagtatala, paggawa ng buod, presi, sintesis at hawig at ang maingat na pagsasalin ng mga datos sa Filipino
bilang pagtitiyak sa kawastuhan ng mga datos na makakalap.
4. Sa pag-oorganisa ng mga datos at obserbasyon, mahalagang malinang ang kasanayan sa pagbuo ng isang mapanghikayat at maayos na sulatin
upang matugunan ang simulaing naging tulak ng pagsisiyasat at pananaliksik sa napiling paksa
Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel ay ang pagpili at pagtiyak ng paksa o larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa.
Bawat paksain ay may isang pangkalahatang larangang kinabibilangan. Halimbawa nito ay ang larangan ng agham, pilosopiya, panitikan, kasarian,
etnisidad.
Maaaring limitahan ang mga paksain sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa mga usaping may kinalaman sa panahon, lugar o espasyong
pinangyarihan, heyograpiya, proseso ng paglikha o pag-iral, wika at ibang salik ng buhay at kulturang nakaaapekto sa isang paksain.
Halimbawa:
Larangan: Dula sa Pilipinas
Tiyak na paksa: Kasaysayan ng dula sa Pilipinas
Lalong tiyak na paksa: Kasaysayan at pagpapakahulugan sa salitang ilangan ng paksaing nais siyasatin, mangyayaring maihanay ang mga motibasyon at
inspirasyong nagtulak sa pagtatangi ng napiling paksain.
2. Rasyunal
Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng paksaing nais siyasatin, mangyayaring maihanay ang mga motibasyon
at inspirasyong nagtulak sa pagtatangi ng napiling paksain.
3. Layunin
ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng isang katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat.
Halimbawa ay ang mga tanong na ano, sino, saan, kailan at bakit.
Bawat isang katanungan ay nagtatakda na rin ng isang antas ng lalim ng pagsusuring nais isagawa ng nagsisiyasat.
Halimbawa Maaaring ang pagtatanong ay nasa antas ng ano kung ang nais na siyasatin ay ang mga larangang may kinalaman sa paglalahad ng isang
bagay o pangyayari.
4. Panimulang Haka
pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin.
hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya lamang sa posibleng kahihinatnan ng pagsisiyasat at pananaliksik.
nagmula sa salitang “dula” mula sa Cebuano na ang ibig sabihin ay “laro”. Ang mga katangian ng “dula” ay maaaring nahalaw sa mga salita at
katuringang iniuugnay sa salitang “dula”.
1. Ang 3x5 notecard ay pinagtatalaan ng mga sanggunian. Isang kard kada isang sanggunian ng gamit upang madaling makita kung ilang sanggunian na
ang nasusuri ng mananaliksik.
- Sa 3X5 note card ng sanggunian, maaaring itala ang bibliographic entry ng sanggunian sa gitna.
- Sa kaliwang itaas na bahagi makikita ang Call numbero ang pinagmulan ng sanggunian(kung saan ito nakuha o nakita).
- Sa kanang itaas na bahagi naman ay ilalagay kugg -ano ang pangkalahatang paksa ng sanggunian.
2. Ang 5x8 note card naman ang pinaglalagyan ng mga datos o tala na makukuha sa mga babasahi. Maaaring ilagay rito ang iba’t ibang uri ng datos.
Makakatulong din kung maglalagay ng mga pamagat ng paksa at tanda ng tala sa bawat kard.
- sa 5x8 note card, nakasulat ang mga impormasyon mag-uugnay sa tala sa 3X5 reference card.
3. Sa pagtatala , maaring pumili ng iba’t ibang paraan ng pagkuha ng tala---paggawa ng buod, tuwirang sipi, presi, pagsasalin sa Filipino mula Ingles at
iba pang wikang banyaga.
a. Tuwirang Sipi-pinakamadaling pagtatala ang pagkuha ng tuwirang sipi. Walang ibang gagawin kundi ang kopyahin ang ideya sa kard. Mangyaring
ipaloob sa panipi ang sipi upang matandaan na ito ay tuwirang sipi.
- Kasunod ng tuwirang sipi, madalas ding gamitin ang paggawa ng buod o summary sa pagkuha ng tala.
- Maaaring ring gumawa ng presi o hawig(paraphrase) o di kaya ay salin sa Filipino ng datos na nakasulat sa wikang banyaga o rehiyunal na wika.
2. Ang presi ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay pruned or cut-down statement. Ibig sabihin , ito ay isang tiyak na paglalahad ng
mga mahahalagang ideya ng isang mahanang prosa o berso, gamit ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga ideya ng akd sa paraang
walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o tono, at punto de vista ng orihinal na akda, sa pinakamaikling paraan.
- Ang presi ay higit na maikli kaysa sa orihinal nang may 5 hanggang 40 porsyento ng haba ng orihinal na akda.
- Maaring ang presi ay isang pangungusap o isang talata na maaaring ito ang sentral na ideya o sintesis na mahahalagng ideya.
3. Bukod sa paggawa ng presi, mahalaga ring matutunan ang paggawa ng hawig. Di tulad ng presi na naglalahad ng mahahalagang pangyayari sa
orihinal na akda, ang hawig o paraphrase ay isang hustong paghahanay ng mga ideyang gamit ang higit n payak na salita ng nagbabasa.
- Mahalaga ang pagsasanay sa paggawa ng hawig. Sa pamamagitan ng hawig, nagagawang higit na nauunawaan ang mga akdang teknikal o
anumang akdang mahirap intindihin. Bukod dito, ang paggawa ng hawig ay pagsasanay sa maingat at mapanuring pagbasa.
8. Pagbabalangkas
Pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang kanilang ugnayan.
Sa pamamagitan nito, magagabayan ang pagsasaayos ng mga ideya mula sa pinakamalawak at tiyak na ideya.
ANYO NG BALANGKAS
Pamagat ng Pananaliksiksik/Papel
Punong ideya o Panimulang Haka
Balangkas
I. (Unang Ulo ng Balangkas)
A. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
B. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
II. (Pangalawang Ulo ng Balangkas)
A. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
B. (Suportang Ideya)
1. (Kaugnay na ideya)
2. (Kaugnay na ideya)
Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy sa pinakamalawak na konsepto sa pananaliksik.
Dahil ito’y malawak na konsepto, maaari pang maglagay ng suporta at kaugnay na ideya.
Sa pinakamahigpit na kaayusan mg balangkas, ang suportang ideya sa bawat ulo ng balangkas ay kinakailangang pantay-pantay.
Ang lalim at detalye ng mga ideyang nakapaloob sa balangkas ay tinitiyak ng bilang ng antas ng balagkas.
KAANTASAN NG PAGBABALANGKAS
1. Unang Antas
I. ________________________________
II. ________________________________
2. Dalawang Antas
I. ________________________________
A. _______________________________
B. _______________________________
II. ________________________________
A. _______________________________
B. _______________________________
3. Tatlong Antas
I. ________________________________
A. _______________________________
1. _______________________________
2. _______________________________
B. _______________________________
1. _______________________________
2. _______________________________
II. ________________________________
A. _______________________________
1. _______________________________
2. _______________________________
B. _______________________________
1. _______________________________
2. _______________________________
4. Apat na antas
I. __________________________________
A. _______________________________
1. ______________________________
a. ____________________________
b. ____________________________
2. ______________________________
a. ____________________________
b. ____________________________
B. _______________________________
1. ______________________________
a. ____________________________
b. ____________________________
2. ______________________________
a. ____________________________
b. ____________________________
HALIMBAWA
Ang mabilis na pag-unlad ng mga Tsino kaysa sa mga Pilipino sa larangan ng pagnenegosyo sa Pilipinas
I. Panimula
A. Panukalang Pahayag
B. Paglalahad ng Suliranin
C. Kabuluhan ng Pananaliksik
D. Layunin ng Pananaliksik
E. Saklaw at Delimitasyon
F. Metodolohiya
II. Kahulugan ng mga Katawagan
III. Katawan
A. Intoduksyon sa Negosyo
B. Kasaysayan ng pagnenegosyo sa Pilipina
C. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Tsino
1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam
D. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Pilipino
1. Unang kapanayam
2. Ikalawang kapanayam
3. Ikatlong kapanayam
IV. Pagtalakay at Pagsusuri ng Resulta/Panayam
V. Konklusyon
1. __________________________________
1.1. _______________________________
1.1.1. ______________________________
1.1.1.1. ____________________________
1.1.1.2. ____________________________
1.1.2. ______________________________
1.1.2.1. ____________________________
1.1.2.2. ____________________________
1.2. _______________________________
1.2.1. ______________________________
1.2.1.1. ____________________________
1.2.1.2. ____________________________
1.2.2. ______________________________
1.2.2.1. ____________________________
1.2.2.2. ____________________________
Uri ng Balangkas
A. Balangkas na talata
-paghahanay nang isa-isang mga ideya.
-ang mga ideya ay inihahanay lamang sa pamamagitan ng mga buong pangungusap na nasa anyong pasalaysay(deklarativ)
Halmbawa
I. (Ulo ng Balangkas)
_______________________________
___________________________________
___________________________________
B. Balangkas na Paksa
-gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas.
-gumagamit ng salita,parirala sa paghahanay ng datos.
-ang mga salita,parirala ay nagsisimula sa malaking titik at hindi gumagamit ng tuldok sa pagtatapos ng talata.
Halimbawa
I. ________________________________
A. _______________________________
B. _______________________________
II. ________________________________
A. _______________________________
B. _______________________________
C. Balangkas na Pangungusap
-gumagamit ng buong pangungusap sa paghahanay ng mga datos.
-pasalaysay kung tiyak na ang datos na ilalagay;patanong kung nasa antas pa lamang ng pagbuo ng mga datos na nais kalapin.
-kailangan maging konsistent sa gamit ng uri ng pangungusap.
-kailangan maipakita rin dito ang wastong gamit ng malaki at maliit na titik at wastong pagbabantas.
Halimbawa
I. ________________________________.
A. _______________________________.
B. _______________________________.
II. ________________________________.
A. _______________________________.
B. _______________________________.
Madalas din, kinakailangang maglatag ng mga ebidensya upang lumakas ang isang argumento. Ngunit tandaang ang ebidensya ay kailangang mahalaga,
matibay at nauugnay sa argumento.
May iba’t ibang ebidensyang maaring magamit. Ito ay ang mga sumusunod:
a. Pangyayaring nauugnay sa argumento;
b. Obserbasyong pansarili o kaya’y ng ibang tao;
c. Mga saksi; at
d. Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang argumento.
Lohikal na Pangangatwiran
1) Tiyakang Silohismo
i) Pangunahing Premis:
Lahat ng katoliko ay Kristiyano
ii) Pangalawang Premis:
Si Juan ay Katoliko
iii) Kongklusyon:
Si Juan ay Kristiyano
2) Kondisyunal na Silohismo
i) Pangunahing Premis:
Kung si Juan ay isang mabuting Kristiyano, siya ay pupunta sa langit.
ii) Pangalawang Premis:
Si Juan ay isang mabuting Kristiyano.
iii) Kongklusyon:
Si Juan ay pupunta sa langit.
3) Pasakaling Silohismo
i) Pangunahing Premis:
Kung masama kang Kristiyano, hindi makakarating sa langit.
ii) Pangalawang Premis:
Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano
iii) Kongklusyon:
Makakarating si Pedro sa langit.
Palasi ng Pangangatwiran
Sa Pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahil nagpapahina ang mga ito ng isang argumento .
Narito ang mga karaniwang palasi na madalas katisuran ng marami:
c. Argumentun ad ignorantiam – nagpapalagay na hindi tototo ang anumang hindi napatutunuyan o kaya’y totoo ang anumang hindi napagsisinungalingan.
Halimbawa: Ito ay isang ebidensya at kailangang
tanggapin dahil wala namang tumututol dito.
f. Ignoratio elenchi – pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang dapat patotohanan.
Halimbawa: Hindi siya ang naggahasa sa dalaga, sa katunaya’y isa siyang mabuting anak at mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid,
kamag-anak at kaibigan.
k. Dilemma – pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternatib.
Halimbawa: Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o kaya ay mamatay.
l. Mapanlinlang na Tanong – paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay ng isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.
Halimbawa: Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?
m. Argumentum ad misericordiam – pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran.
Halimbawa: Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa- awa kung sila ay lalagpak.
n. Argumentun ad ignorantiam – nagpapalagay na hindi tototo ang anumang hindi napatutunuyan o kaya’y totoo ang anumang hindi napagsisinungalingan.
Halimbawa: Ito ay isang ebidensya at kailangang tanggapin dahil wala namang tumututol dito
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-kaalaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa
pamamagitan ng pagpapatunay (o hindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraaan (sistema), at sa pagsubok sa mas mainan na
pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang
kinikilingan (obhetibo).
Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng
kaalaman hingil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng
kaalaman hingil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.
Uri ng Pananaliksik
1. Lantay na Pananaliksik: Ito ay tinatawag na na saligang pananaliksik na naglalayong tuklasin ang saligang katotohanan at mga simulain
2. Gamiting Pananaliksik: Isang uri ng pananaliksik na kinabibilangan ng paghahangad ng pagkakaroon ng bagong paglalapat ng makaagham na
kaalaman sa paglutas ng isang suliranin tulad ng paglinang ng bagong sistema o prosidyur, bagong kagamitan o device, o bagong metodo
upang masolusyonan ang sulirain.
3. Aksyong Pananaliksik: Ito ay tinatawag na decision-oriented na pananaliksik na kinapapalooban ng paglalapat sa mga hakbang na makaagham
na metodo bilang tugon sa isang kagyat na pananailang upang mapaunlad ang isang umiiral na kasanayan.
4. Palarawan – sinasaklw nito ang kasalukuyan, pinag-aaralan ang mga kasalukuyang ginagawa, pamantayan at kalagayan.
Halimbawa. Ang pag-aaral sa mga opinion ng mga babaeng may-asawa tungkol sa pagplaplano ng pamilya,
5. Eksperimental-ang pinag-uukulan dito ng pansin ay ang hinaharap at kung ano ang mangyayari.
Halimbawa. Ang eksperimentong gagawin ng guro upang malaman niya kung aling paraan ng pagtuturo ang gagamitin niya upang madaling
matuto ang kanyang mga mag-aaral. Susubukin niya ang iba’t ibang paraan ng pagtuturo.
6. Pangkasaysayan- sinasaklaw ng uring ito ang nakalipas , binabakas dito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari, ang pag-unlad , ang
dahilan ng bagay-bagay at sanhi at bunga.
Halimbawa. Ang Pag-aaral sa pag-unlad ng ating Wikang Pambansa.
7. Pag-aaral sa isang kaso- ito’y malawak na pag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan ng isang pasyente, isang usapin, o kaso sa hukuman ,
o kaya’y isang mabigat na suliranin.
Halimbawa. Pag-aaral sa kaso ng isang sugapa sa ipinagbabawal na gamot na nasa loob ng rehab.center
8. Genetic study- pinag-aaralan at sinusuri nito ang pagsulong at pag-unlad ng isang paksa.
Halimbawa. Pag-aaral sa yugto ng pagbibinata/pagdadalaga ng isang tao.
9. Pamamaaraang nababatay sa pamantayan ( normative) – dito’y inihahahambing ang resulta ng isang pag-aaral sa isang umiiral na
pamantayan.
Halimbawa. Paghahambing ng nagampanan ng Matematika sa ika-4 na baitang ng mga mag-aaral sa Elementarya sa isang dibisyon sa
pambansang pamantayan .
10. hambingang pamamaraan (Comparative)- ginagamitan ito ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos.
Halimbawa. Ang pag-aaral ng resulta o bunga ng edukasyon sa mga mag-aaral.
11. Pagsisiyasat o sarbey- ito ay pinakagamiting paraan upang ilarawang mabuti ang mga populasyon ng inimbestigahan o tignan ang
kasalukuyang kondisyon at relasyon ng mga pangyayari. Ang sarbey ay nagsisiyasat sa pamamagitan ng mga palatanungan o pakikipanayam.
12. Pag-aaral ng Nilalaman –(Content analysis) - madalas na gamitin sa mga gawaing pangkomunikasyon o pag-aaral ng pampanitikan.
-ito’y obhektibo , sistematikong paglalarawan ng mga manipestasyon ng komunikasyon. Nagagamit na sanggunian ang mga dokumentong ay
kinalaman sa sinasaliksik gaya ng diary, aklat, health records, pelikula, mga larawan at mga babasahin.
13. Feasibility Study- isang pag-aaral na naglalayong makita ang potensyal ng pagbukas ng isang negosyo, pagtatayo ng isang establishimento,
pagbuo ng isang programa o ng isang organisasyon. Ang pag-aaral ay sumasakop sa mga aspeto ng pagbibili, pananalapi, pamamahala at
bisang panlipunan.
14. Pag-aaral na Pagpapahalaga- (evaluation studies)
-ang layon ng ganitong pag-aaral ay makita ang kinahantungan ng mga programang inilunsad ng isang institusyon. Nakaangkla ang pag-aaral sa
mga misyon at bisyon ng pagkakalunsad ng mga programa. Isinasama dito ang mga rekomendasyon batay sa mga lumabas na pagsisiyasat.
15. Pag-aaral na pang-etnograpiya- nilalayon ng pag-aaral na etnograpiya na madalumat ang kakanyahan ng lupon ng tao hinggil sa kanilang
pamumuhay, mga paniniwala, gawi at kultura. Ang nagsasaliksik ay nakikisalamuha at nakikisanib sa komunidad ng pinag-aaralan na grupo.
16. Aksyon riserts (action research)- may kinalaman sa pananaliksik na nangangailanagan ng kagyat na pagpapasya o desisyon at ito ay
ginagamitan ng makaagham na pamamaraan bilang pagtugon sa dagliang pagbabago sa kasalukuyan kalagayan.
Bahaging Ng Pananaliksik
1. Paksa at Saligan:
a. Rasyunal – Pinanggalingan o kaisipan at ang kadahilanan kung bakit napili ang paksa ng pag-aaral. Bahagi rin nito ang talakayan at
kabuluhan at halaga ng paksa. Ipinapahayag dito ang pakay o nais na makuha ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral.
b. Batayang Konseptwal- Batay sa ideya o konsepto ng mananaliksik.
c. Batayang Teoretikal- Batay sa una nang mga pag-aaral o prinsipyo sa ginamit sa pag-aaral, Ginagamit ito bilang legal na batayan upang
ilarawang mabuti ang proseso ng isang pag-aaral.
d. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
e. Pagbibigay-kahulugan sa mga salita.
1. Konseptwal – Batay sa kahulugan sa diksyunaryo at iba pang basahin.
2. Operasyonal – Batay sa konsepto o ideya kung papaano ginamit ang salita sa pag-aaral.
2. Maga kaugnay na Pag-aaral at Babasahin.
3. Pamaraang ginamit sa pag-aaral.
4. Paglalahad, pagsusuri at pagbibigay ng interpretasyon sa mga datos.
5. Buod, konklusyon at Rekomendasyon.
Bibliyograpi
Apendiks
Katangian ng Pananaliksik
1. Ang Pananaliksik ay Sistematik. -Mayroon itong proseso o magkakasunod na hakbang na dapat sundin tungo sa pagtuklas sa kasagutan sa
kung anumang layunin ng pananaliksik
2. Ang Pananaliksik ay Kontrolado.- Dapat ay hindi mabago ang mga baryabol na sinusuri, lalo na sa ga eksperimental na pananaliksik. Dahil
anumang pagbabagong magaganap dito ay makaaapekto sa pananaliksik.
3. Ang Pananaliksik ay Empirikal.- Dapat ang mga pamamaraan at baryabol na gagamitin sa pananaliksik, gayundin ang mga datos sa makakalap,
ay katanggap-tanggap. Hindi ito dapat maging isang teorya lamang o kya nama’y gawa-gawa lamang. Dapat ito ay maging katotohanan na
sasang-ayun ng nakararami. Dapat ay may basehan na karanasan o obserbasyon.
4. Ang Pananaliksik ay Mapanuri.- Ang mga datos na nakalap sa pananaliksik ay dapat suriin nang mabuti upang hindi magkamali sa pag-
iinterpret ang mananaliksik. Madalas na ginagamitan ng estadistika ang pagsusuri upang masabing analitikal ang pananaliksik.
5. Ang Pananaliksik at Obhetibo, Lohikal at Walang Pagkiling. - Anuman ang lumabas na resulta sa pananaliksik ay hindi dapat mabago o
mabahiran ng personal na saloobin ng mga mananaliksik.
6. Ang Pananaliksik ay gumagamit ng Kwantiteytib o Istatistikal na Metodo. - Nakalahad na numerikal na pamamaraan ang mga datos at
ginagamit ng istatistikal upang maging mas akyureyt ang resulta. Madalas na ginagamitan ng porsyento, ratio at distribusyon ang paglalahad
ng mga numerikal na datos.
7. Ang Pananaliksik ay isang Orihinal na Akda. - Ang isang pananaliksik ay naglalaman ng mga datos na nakalap sa isang mananaliksik na
nagmula mismo sa kanyang paghahanap at pagtuklas dahil kailangan na ang mga datos ang galing sa praymari sorses. Hindi ito galing sa pag-
aaral ng ibang mananaliksik.
8. Ang Pananaliksik ay Matiyaga at Hindi Madali. - Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang na gagawin sa pananaliksik upang mapanatili ang
accuracy ng mga datos na makakalap, pati na rin ang magiging resulta nito. Pinaglalaanan ito nang sapat na panahon at ibayong pag-iingat
dahil kung hindi ay hindi magiging matagumpay ang pananaliksik at hindi magiging matibay ang mga resulta at kongklusyon.
9. Ang Pananaliksik ay Nangangailangan ng Tapang. - Dapat ay maging matapang ang isang mananaliksik sapagkat hindi maiiwasan na
makaranas siya ng hindi magandang bagay habang ginagawa ang kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding hindi sumasang-ayon ang
lipunan sa resulta ng pag-aaral, o kaya nama’y magkaroon ng hindi pakakaunawaan sa pagitan ng mga mananaliksik.
10. Ang Pananaliksik ay isang Akyureyt na Imbestigasyon, Obserbasyon at Deskripsyon. - Bawat hakbang na na gagawin sa sa pananaliksik ay
dapat na maisagawa nang tama upang maging tama rin ang mga resulta. Nararapat lamang na ang kongklusyon sa isang pag-aaral ay may
kaakibat na ebidesya upang sumuporta dito.
Bahagi ng Pananaliksik PDF
Ang pamagat-pananaliksik ay isa sa mga unang hakbang sa pagsasagawa ng pag aaral Ngunit pakatandaan na upang makabuo nang mahusay na pamagat av
kalangan munang matukoy ang pangunahing paksa Sa pangunahing paksa ng pag-aaral nakasalalay ang magiging kabuuan ng pamagat.
2. Personal na Pananaliksik. May kalayaan ang isang mananaliksik irebyu ang mga pag-aaral na nailathala o hindi nailathala na upang gawing batayan
sa pag-aaral. Kaugnay nito ay malaya siyang magsaliksik sa mg silıd-aklatan Mula sa kanıyang pagbabasa, uusbong sa kanıyang inspan kung paano
mapauunlad ang isa nang pag-aaral o i-develop ang isang paksa.
3. Pagtatanong sa mga Awtoridad. Maaaring makakakalap impormasyon ang isang mananaliksik mula sa pagtatanong sa mga maalam na indibidwal
hinggil sa pagsasagawa ng pag-aaral. Pasok dito ang mga kakilalang guro, kaklase at mga kaibigan na mayroong pag unawa hinggil sa pagsasagawa
ng pananaliksik Maaaring ihanay nito ang pagsasagawa ng impormal na interbyu sa mga organisasyon, grupo, samahan at iba pang pangkat at
maging sa mga kakilalang nakapagsagawa na ng pag-aaral.
Ikatlo. Pinansvai na kakayahan. Magastos ang pagsasagawa ng pananaliksik kaya pilin lamang ang paksang wika nga ay hindi masyadong mabigat a
bulsa. Magtanong-tanong sa mga kakilalang mag-aaral na dumaan na nito Ang kanilang opinyon av mahalaga upang mataya, humigit- kurmulang,
kung magkano ang pagugulungın (budget) sa iniisip na paksa
Pang-apat Saklaw na oras/panahon ng pagsasagawa ng pananaliksik Tandaan na ang Filipino 2/ Filipino 102 (Filipino sa Ibat Ibang Disiplina), ang
kurso kung saan pangunahing pangangailangan ang pananaliksik ay sang semestre lamang Kung gavon, piliin ang paksa na kayang tapusın sa loob
ng isang semester. Sa aming karanasan, hindi na ilan lamang ang nagkamali ng kalkulasyon hinggil sa bagay na ito.
Panglima: Interes ng mananaliksik. Magiging mas kasiya-siya ang pagsasagawa ng pananaliksik kung ang paksang pag aaralan ay naayon sa iyong
interes. Kung gayon, i-drop o huwag tatangkaing pag aralan ang paksang para sa iyo ay boring upang maiwasan ang pagkabagot na siyang
itinuturong saların kaya ang iba ay hindi nakakapagpasa on time ng kanilang pananaliksik.
Suriin natin. Hindi malinaw ang pagkakagamit ng Kabataan, Media at Epekto kaya't maituturing itong violation sa tuntunin ng pagpapamagat ng papel-
pananaliksık. Nanto ang mga dahilan kung bakit hindi namın tinanggap ang naturang pamagat:
a) Ang paggamit ng terminong kabataan ay hindi angkop dahil hindi malinaw kung sino at ano ang edad ng ispesipikong indibidwal na tinutukoy
Kabataan ba ang mga nasa edad 6-13? Ang mga nasa edad 21-30? Ang mga 30-pataas? O ang teenagers lamang? Isa pa, lahat ba ng kabataan? Sa
Filipınas? Sa buong mundo? Lahat ba ay kukuning respondente? Huwag naman. Dahil ito'y magastos at gagahulin sa oras dahil ang itinakdang
panahon para sa pagsasagawa ng papel-pananaliksik ay isang semestre lamang.
b) Ang media ay nakaangkla sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan. Maraming paksa ang iniaalingawngaw ng media kung kaya't napaka
interesante itong pag-aralan. Sa katunayan, maraming mananaliksik ang nagsasagawa ng pag-aaral hinggil sa mga palabas (teleserye at pelikula),
mga babasahın (tabloid at broadsheet) at iba pang mga paksa na napapanood at/o nababasa sa internet. Gayunpaman, kung ang media ay Isasama
sa pamagat ng pamanahong papel, lubhang malawak ang paksa para sa isang semestre Ito'y dahil ang media ay hindi lamang tungkol sa mga
palabas. Marami itong klasipikasyon Broadcast Media (teleserye, pelikula at iba pang palabas sa telebisyon), Print Media magasin, diyaryo at mga
polyeto), at Digital Media (mga website sa internet). Kung isasama talaga ang media, dapat ay banggitin kung anong uri iting media at mas manam
kung babanggtan din ang ispesipikong pamiapat n palabas, ng awitin, ng babasahın, atbp.) ng media na pag aaralan
c) Ang pagkakagamit ng salitang epekto ay hindi rin malinaw dahil hird tinukoy kung anong uri ito ng epekto (sikolohikal bar pinansyal poika
espiritwal? pisyolohikal? O aba pa?) at kung ano o sino ang direktang maapektuhan nito (akademik performans, pakikipag kapwa, kultura, atbp.).
Kung irerebosa ang pamagat ng paksa, mas mainam kung papalitan ang termino ng kabataan ng terminong mag-aaral Sa gayon ay mas limitado ang
paksa. Banggtin din ang un ng media at kung sa anong perspective sa panig ng mga mag-aaral ang epektong nais pag-aralan Ang pamagat ay
magiging: Sikolohikal na Epekto ng mga Koreanovela sa Pasulat at Pasalitang Performans ng mga Mag-aaral ng Kursong Sikolohiya, Seksyon 1A at 1B
sa Kolehiyo ng San Luas, sa Taong Akademiko 2018-2019.
Ang sumusunod ang mga batayan sa paglilimita ng paksa ayon kina Bernales, et al (2012): panahon, edad, kasarian, perspektibo, luga, propesyon o
grupong kinabibilangan, anyo o uri, partikular na halimbawa o kaso, at kumbınasyon ng dalawa o higit pang paksa
Ayon se pagbanggit nina Bernales, et al (2012), ang pamagat ng isang papel na pananalikk na siyang pangunahing akademikong pangangailangan sa Filipino 2
ay karaniwang naglalaman ng 10 hanggang 20 salita Tandaan hindi kasamang bibilangn ang mga salitang pangkayarian---
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a) Pangatnig (conjunction) - ito ay mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
b) Pang-angkop (ligature) - ito ay mga katagang nag-uugnay sa panuring a: alitang tinuturingan,
c) Pang-ukol (preposition) - ito ay mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.
Ang pamagat ng paapel-pananaliksik ay hindi dapat na masining, mabuaklak at/o masaklaw. Ito ay dapat mainaw, tuwiran at tiyak; taglay ang sapat na
kaisipang naglalaman ng kabuoan ng pag-aaral.
Kapag tayo ay magsasagawa ng pananaliksik at mayroon nang paksa at mga layuning nais matamo o kaya ay mga suliraning nais masagot, ang sunod nating
alamin ay kung ano ang metodolohiyang gagamitin sa pag-aaral. Kung paano maisasakatuparan ang layunin ng pananaliksik o kaya ay kung paano
maaaringmalapatan ng mga sagot ang suliraning inilatag sa isang pananaliksik ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng iba't ibang metodolohiya. Kung
walang metodolohiya, hundi magtatagumpay ang pananaliksik. Napakahalaga na ang isang mananaliksik ay may taglay na kahusayan sa mga batayang
kaalaman sa iba't ibang metodolohiya sapagkat sa pamamagitan nito ay mailalapat ang pinakamabisang paraan (ways) at mga pamamaraan (means) na
magagamit sa pagtugon sa mga layunin o kaya ay suliranin.
Kaalaman
a) Matukoy ang iba't ibang batayang kaalaman sa metodolohiya ng pananaliksik panlipunan;
b) Maipaliwanag at mapanuring mailapat sa pananaliksik ang angkop na metodolohiya, piling makabuluhang konsepto at teoryang ukol sa
pananaliksik na ayon sa konteksto ng komunidad at bansa.
Kasanayan
a) Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik laloo na sa pagtukoy ng angkop na metodolohiya ng pananaliksik; 2.
b) Makapagbasa, makapagsalin at makapag buod ng artikulo, impormasyon, estadistika, datos at iba pa mula sa mga babasahing Filipino sa iba't ibang
larangan;
c) Makapag Saliksik hinggil sa mga sanhi at bunga ng mga suliraning lokal at nasyonal gamit ang mga tradisyonal at modernong mga sanggunian.
d) Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang akma sa kontekstong Filipino 5.
e) Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon at analısis na akma sa iba't ibang konteksto;
f) Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at pananaliksik na nakaugat sa mga realidad ng lipunang Filipino.
Halagahan
a) Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng mga Filipino sa iba't ibang larangan.
b) Malinang ang adhikaing makibahagi sa pagbabagong panlipunan at maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa
ng pananaliksik;
c) Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan n makabuluhan at mataas na antas ng diskurso na akma at nakaugat sa lipune
Filipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa pangangailangan ne komunidad at bansa.