You are on page 1of 45

Ang mga Paglalahad ay mga

Tagakupkup sa Pana-panahon
ng Kaunlanan
-William Mckinley
Tekstong Ekspository
-Ito ay pagpapaliwanag. Isang uri
ng teksto na nagpapahayag ng mga
ideya, kaisipan, at impormasyon
sakop ng kaalaman ng tao na
inihanay sa isang maayos at malinaw
na pamamaraan upang maging daan
sa pagkakaroon ng bago at/o dagdag
na kaalaman ng ibang tao.
 Kahalagahan at Layunin
-Mahalagang teksto ang ekspositori
dahil ito ay nagiging daan ng
pagkakaroon ng bago at/o karagdagang
kaalaman ng tao kaugnay ng mga bagay
na nagaganap sa kanyang kapaligiran.
 Kahalagahan at Layunin
- Pangunahing layunin ng tekstong
ekspositori ay upang makapagbigay ng
impormasyon. Ayon kina Bernales, et al.
(2006), layunin ng eksposisyon na
gumawa ng isang malinaw, sapat, at
walang pagkiling na pagpapaliwanag
sa ano mang bagay na nasasaklaw ng
kaalaman ng tao.
Mga katangian ng mabuting
tekstong ekspository
1. Malinaw- Maituturing na malinaw
ang eksposisyon kung ito ay agad na
mauunawaan ng mambabasa o
tagapakinig at kanyang maikakapit ang
kaalaman sa anumang bagay na ito ay
magiging kapaki-pakinabang.
2. Tiyak- nararapat na ang mismong tagapahayag
ay magagawang mapanindigan ang kanyang
pahayag.

3. May kohirens- Sa ano mang pagpapahayag ay


mahalaga ang maayos na daloy ng kaisipan.

4. Empasis- Kailangang hindi malunod sa mga ideya


ang mababasa o tagapakinig.
Mga hulwaran ng teKstong
ekspository
1. Depinisyon- Kapag nais bigyang-
kahulugan ang isang di-pamilyar na
termino o mga salitang bago sa pandinig
at susulat ng isang sanaysay o ano pa
man, kalimitang ginagamit ang estilong
depinisyon o pagbibigay ng kahulugan.
Ang depinisyon ay karaniwang
nagtataglay ito ng tatlong bahagi:
Ang termino o salitang binibigyang
kahulugan.
Uri, class, o specie kung saan kabilang o
nauuri ang terminong binibigyang kahulugan.
Mga natatanging katangian nito
(distinguishing characteristics) o kung paano
ito naiiba sa mga katulad na uri.
... sa pagbibigay ng kahulugan, may tatlong
paraan na maaaring gamitin ang isang
manunulat:
a. una’y ang paggamit ng mga sinonim o mga
kasingkahulugan
b. Ang pangalawa’y intensib na pagbibigay ng
kahulugan
c. Ang pangatlo’y ekstensib na pagbibigay na
kahulugan
2. Pag-iisa-isa o Enumerasyon- Ang
enumerasyon o pag-iisa-isa ay nauuri sa dalawa,
ang simple at komplikadong pag-iisa-isa.
-Simpleng pag-iisa-isa: pagtalakay sa
pangunahing paksa at pagbabangit ng mga
kaugnay at mahahalagang salita.
-Komplikadong pag-iisa-isa: pagtalakay sa
pamamaraang patalata na pangunahing paksa
at mga kaugnayan na kaisipan na maliwanag
sa paksa.

01/30/21
3. Pagsusunod-sunod o Order.

-paraan ng pag-oorganisa ng isang


tekstong ekspositori ay ang paggamit
ng paraang pag-sunod-sunod o Order
ng mga pangyayari o isang proseso.
Dalawang batayang uri ng Order:

01/30/21
a. Sikwensyal-Kronolohikal- ang sekwensal
ay mga serye ng mga bagay na konektado sa
isa’t-isa at ang kronolohiya namay ay mga
pagkakasunod-sunod ng mga baagay.

01/30/21
Samakatuwid, sikwensal ang isang teksto kung ito
ay kinapapalooban ng serye ng pangyayari sa isang
pinapaksa ng teksto. Gamitin ang mga ganitong
organisasyon sa mga akdang naratib tulad ng kwento,
talambuhay, balita, historikal na teksto at iba pa.
Samantala, kronolohikal naman ang tekstong ang
paksa nito ay mga tao o kung ano pa mang bagay na
inilalahad sa isang paraan batay sa isang tiyak na baryabol
tulad ng edad, distansya, tindi, halaga, lokasyon, posisyon,
bilang, dami at iba pa.

01/30/21
b. Prosidyural- isang uri ng
teksto tungkol sa serye ng mga
gawain upang matamo ang
inaasahang hangganan o resulta.

01/30/21
4. Paghahambing at Pagkokontrast.
-Ang paghahambing at pagkokontrast ay isang tekstong
nagbibigay-diin sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa
o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at maging ng
pangyayari.

May dalawang uri ang paghahambing, ito ay


maaaring halinhinan (alternating) o isahan (block) na ang
ibig sabihin ay magkasunod na pagtataya sa katangian ng
dalawang paksang pinaghambing at pinagkontrast.

01/30/21
5. Problema at Solusyon
-Pagtalakay naman sa isa o ilang suliranin at paglalapat ng
kalutasan ang pokus ng hulwarang ito. Karaniwang inuuna
ang pagtalakay sa problema bago ang solusyon sa
hulwarang ito.
Ang problema ay maaaring panlipunan o pang-
agham na nangangailangan ng solusyon. Sa mga sulating
teknikal at sayantipik ay napakagamitin ng hulwarang ito.

01/30/21
6. Sanhi at bunga.
-Sa hulwarang sanhi at bunga, tinatalakay ang
mga kadahilanan ng isang bagay o
pangyayari at mga epekto nito. Makilala ito
sa paggamit ng mga salitang dahil, kaya at
iba pang salitang nagpapahayag ng ugnayang
sanhi at bunga.

01/30/21
Tekstong
argumentatib-
persweysib

01/30/21
Hindi man ako sang-ayon sa iyong sinasabi,
ngunit aking ipagtatanggol hanggang
kamatayan ang iyong karapatang
sabihin iyon.

- Voltaire

01/30/21
Ang mag-isip ay isang prosesong natural
lamang sa isang tao. Batay sa katotohanang
ito, hinid maiiwasang may mga
pagkakataong ang iniisip ng isa ay salungat
sa maaaring isipin ng iba. Kung pakaiisipin, sa
batas man ng Diyos o maging ng tao,
mababasa ang pagtiyak sa karapatang
magpahayag ng kani-kaniyang opinyon. Dito
nabubuhay ang prinsipyo ng demokrasya at
maging ang banal na aral ng kalayaan ng
kalooban.
01/30/21
 Mga bahagi ng argumentatibong teksto
- ang isang argumentatibong teksto ay
nararapat na buoin ng mga epektibong
talataan na mahusay na inilahad.

01/30/21
1. Paksa
Ang paksa ang mismong dahilan kung bakit sinusulat
at binabasa ang isang teksto. Kung gayon, marapat
lamang na maging layon ng panimula o pamabungad
na bahagi ang ihanda ang mga mambabasa.

2. Gitna o Katawan
ang bahaging ito ang magsisilbing dahilan ng mga
mambabasa upang manatiling tapat sila sa iyo matapos ang
isang mabisang simula, at kung papalarin ay nakatutok pa
rin sila sa bawat mensaheng iyong ipinararating hanggang
sa iyong mabisang pagwawakas.

01/30/21
2. Wakas
Ang wakas naman ang huling suntok, kumbaga sa
boksing, na magpapabagsak sa kalaban. Ang pahayag
ditto, kung gayon, ay kailangang maging tuwiran,
payak, mariin, malinaw, at mabisa. May dating ika
nga. Kailangang tinitiyak sa pagwawakas na ang
sinumang maaaring may taliwas na opinyon ay
makukumbinsi na ng manunulat.

01/30/21
Dalawang uri ng argumentasyon
1. PABUOD NA PANGANGATUWIRAN
Ang pangangatuwirang ito ay nagsisimula sa
isang maliit at ispesipik na halimbawa o
katotohanan at magtatapos sa isang panlahat na
pahayag. Itinuturing na makaagham ang
pamamaraang ito dahil makailang ulit na
dumaraan sa iba’t ibang obserbasyon at pagsusuri
bago ang paglalahat.

01/30/21
2. PASAKLAW NA PANGANGATUWIRAN

Dito, ang isang masaklaw na katotohanan ay


ikinapit sa isang tiyak na pangyayari.
Nagsisimula ito sa isang malaking kaisipan
patungo sa paghahati-hati nito sa maliit na
kaisipan.

01/30/21
MGA URI NG MALING
PANGANGATUWIRAN (Fallacies of
Reasoning)
1. Argumentum ad hominem – isang nakahihiyang
pag-atake sa personal na katangian/ katayuan ng
katalo at hindi sa isyung tinatalakay o
pinagtatalunan.
Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyong iboto ang aking
katunggali gayong ni hindi siya naging pinuno ng
kanyang klase o ng kanyang barangay kaya?
Balita ko’y under de saya pa yata!

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

2. Argumentum ad baculum
Puwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang
isyu at tuloy maipanalo ang argumento.
Halimbawa:
Tumigil ka sa sinasabi mo! Anak lang kita at
wala kang karapatan magsalita sa akin nang ganyan!
Baka sampalin kita at nang makita mo ang hinahanap
mo!

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

3. Argumentum ad misericordiam
Upang makamit ang awa at pagkampi ng mga
nakikinig/ bumabasa, ginagamit ito sa paraang
pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at
hind sa kaisipan.

01/30/21
Halimbawa:

Limusan natin ang mga kapuspalad na taong ito sa


lansangan. Hindi ba natin nakikita ang marurumi
nilang damit, payat na pangangatuwiran at nanlalalim
na mga mata? Ano na lamang ba ang magbigay ng
ilang sentimos bilang pantawid-gutom?

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

4. Non-sequitur
Sa ingles ang ibig sabihin nito ay It doesn’t follow.
Pagbibigay ito ng konklusyon sa kabila ng mga
walang kaugnayang batayan.
Halimbawa:
Ang santol ay hindi magbubunga ng mangga.
Masamang pamilya ang pinagmulan niya. Magulong
paligid ang kanyang nilakhan. Ano pa ang inaasahan mo
sa ganyang uri ng tao kundi kawalang-hiyaan.

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

5. Ignorado elenchi
Gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang
barberya, wika nga. Ito ang tinatawag sa Ingles na
circular reasoning o paligoy-ligoy

01/30/21
Halimbawa:

Ano mang bagay na magpapatunay sa aking pagkatao


ay maipapaliwanag ng aking butihing maybahay.
Tiyak ko namang pinaniniwalaan ninyo siya sapagkat
aking naging mabuti siyang ina aking mga anak kahit
tanungin pa ninyo siya ngayon.

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

6. Maling Paglalahat
Dahil lamang sa ilang aytem/ sitwasyon, nagbibigay na
agad ng isang konklusyong sumasaklaw sa
pangkalahatan.
Halimbawa:
Ang artistang ito ay naging tiwali sa kanyang
panunungkulan. Ang artista naming iyon ay maraming
asawa, samantalang bobo naman ang isang ito na tumatakbo
bilang konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista.

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

7. Maling Paghahambing
Karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang
ganitong uri pagkat mayroon ngang hambingan
ngunit sumasala naman sa matinong konklusyon.
Halimbawa:
(Sagot ng anak sa ina) Bakit ninyo ako
patutulugin agad? Kung kayo nga ay gising pa!

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

8. Maling Saligan
Nagsisimula ito sa maling akala na siya namang
naging batayan. Ipinagpatuloy ang gayon hanggang
magkaroon ng konklusyong wala sa katuwiran.

01/30/21
Halimbawa:

Lahat ng kabataan ay pag-aasawa ang iniisip. Sa pag-


aasawa, kailangan ang katapatan at kasipagan upang
magtagumpay. Dahil dito, dapat lamang na maging
tapat at masipag ang mga kabataan.

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

9. Maling Awtoridad
Naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman
sa isyung kasangkot.

Halimbawa:
Ang Kristiyanismo ay pananampalataya ng mga
mahihina. Iyan ang ipinahayag ni Karl Marx.

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

10. Dilemma
Naghahandog lamang ng dalawang oposisyon/
pagpipilian na para bang iyon lamang at wala nang
iba pang alternatibo
Halimbawa:
Upang hindi ka mapahiya sa ating debate, ganito
na lamang ang gawin mo huwag ka nang pumunta o
kaya ay magsabmit ka ng papel na nagsasaad ng
iyong pag-urong.

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

11. Argumentum ad numeram (Batay sa dami ng


naniniwala sa argumento)
Ang paninindigan sa katotohanan ng isang argumento
ay batay sa dami ng naniniwala rito.
Halimbawa:
Marami akong kakilalang malakas uminom ng
Coke pero wala silang diabetes kaya naman hindi ako
naniniwalang masama ito sa kalusugan.

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

12. Argumentum ad Ignorantiam (Batay sa kawalan


ng sapat na ebidensiya)

Ang proposisyon o pahayag ay pinaninindigan dahil


hindi pa napatutunayan ang kamalian nito at walang
sapat na patunay kung mali o tama ang pahayag.

01/30/21
Halimbawa:

Wala pa namang tumututol sa bagong patakaran ng


pagsusuot ng uniporme, samakatuwid, marami ang
sumasang-ayon dito.

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

13. Cum Hoc ergo propter Hoc (Batay sa


pagkakaugnay ng dalawang pangyayari)

Ang pangangatuwiran ay batay sa sabay na


pangyayari; ang isa ay dapat dahilan ng isa o may
ugnayang sanhi at bunga agad ang dalawang
pangyayaring ito.

01/30/21
Halimbawa:

Nakatapak ng nuno sa punso si Lotlot. Makalipas ang


dalawang araw ay nilagnat siya.

01/30/21
MGA URI NG MALING PANGANGATUWIRAN
(Fallacies of Reasoning)

14. Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa


pagkakasunod ng mga pangyayari)

Ang pagmamatuwid ay batay sa magkakasunod-


sunod na pattern ng mga pangyayari, ang nauna ay
pinaniniwalaang dahilan ng kasunod na pangyayari.

01/30/21
Halimbawa:

Tumilaok na ang manok. Ibig sabihin ay umaga na.

Talo na naman ang Tamaraw. Nanood kasi ako, eh.


Sa tuwing nanonood ako ng laro nito ay lagi na
lamang silang natatalo.

01/30/21

You might also like