You are on page 1of 6

Aralin 3 Pagpag For Sale

ISAISIP AT ISAPUSO
“Mga kabataan, pag-asa ng bayan, pangangalaga, at pagmamahal sa kanila
ay ilaan upang ganap na mahubog kanilang katauhan.”

INAASAHANG PAGKATUTO
 Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling papanaw, opinyon at
saloobin.
 Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang
mga pamantayan
 Nakilala ang ugnayang lohikal na taglay ng pangungusap.

Gulong ng Buhay Telebisyon


SILAY Magbigay ka ng mga dahilan kung bakit mo pinanonood ang
programang pantelebisyon.

PAMAGAT NG PROGRAMA DAHILAN KUNG BAKIT PINANONOOD

Isa pang mahalagang midyum sa larangan ng broadcast media


suhay at hindi maikakailang bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang
telebisyon. Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa daily
routine ng mga Pilipino ang panonood ng mga palabas sa telebisyon simula sa paggising sa
umaga sa mga morning show hanggang sa oras na bago matulog sa mga prime time na mga
panoorin kabilang na ang mga teledrama, balita at mga dokumentaryong pantelebisyon.

Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon noong panahon ng Batas


Militar, sumibol naman ang mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas
makabuluhang gampanin ng telebisyon sa mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang
telebisyon bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang kaganapan sa bawat sulok ng
bansa sa pamamagitan ng dokumentaryong pantelebisyon. Dito kinilala ang mga batikang
mamamahayag na sina CheChe Lazaro, Abner Mercado, Jessica Soho, Howie Severino, Sandra
Aguinaldo, Jay Taruc at Kara David at iba pa.

Nais mo rin bang maging isang sikat at pinagtitiwalaang dokumentaristang gaya nila?
Paano mo lilinangin ang iyong kakayahan?

Sa araling ito, tatalakayin naman natin ang ilang mga hakbang upang maging isa kang
mahusay na dokumentarista sa telebisyon - kung papaanong ang bawat galaw ng tao sa tunay
na buhay ay mabibigyang-kulay sa likod ng kamera, at kung paanong ang katotohanang
ipinakikita ng isang dokumentaryong palabas sa telebisyon ay naihahatid sa kaalaman ng
bawat mamamayan.

Teleisipan ng Buhay
Saliksikin at panoorin ang dokumentaryong “PAGPAG FOR SALE” SineTotoo ni
Howie Severino na matatagpuan sa Youtube gamit ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=XOaVzEOnDrU. Matapos nito, ipahayag ang iyong mga
saloobin gamit ang mga gabay sa Telementaryo.

Telementaryo
Maraming makabuluhang kaisipan ang tinalakay sa dokumentaryong iyong napanood.
Subukin mong dugtungan ang kasunod na mga pahayag upang makabuo ng kaisipang
inilalahad nito.

1. Dadalhin ang pagpag sa karinderya para __________________________________________


______________________________________________________________________________.
2. Dahil __________________________________________________________________ kaya
binubura sa isipan ang pinanggagalingan ng pagkain.
3. Nililinis nilang mabuti ang pagpag nang sa ganoo’y _________________________________
______________________________________________________________________________.
4. Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito ___________________
______________________________________________________________________________.
5. Matapos kong mapanood ang dokumentaryo, _____________________________________
______________________________________________________________________________.
6. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang dokumentaryo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
7. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
8. Anong gamapanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Dagdag Kaalaman

GayaGaya ng ng pelikula
pelikula angang mga mgaprogramang
programang
pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng
nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng
isang tao. Ito ay mahalaga at mabisang sangay ng
isang
kabatirang Itopanlipunan,
tao. ay mahalaga at mabisang
pang-ispirituwal, sangay ng
pangkultura,
kabatirang panlipunan,
pangmoralidad, pang-edukasyon,pang-ispirituwal,
at iba pa. Malaki pangkultura,
ang
pangmoralidad, pang-edukasyon,
nagagawang impluwensiya at iba ng
nito sa katauhan pa.isang
Malaki ang
nagagawang impluwensiya
nilalang. Ang mga nito sa at
kaisipan, ugali, kabuluhan katauhan
pananaw ngng isang
nilalang. Ang mga
isang nilikha kaisipan,
ay maaaring ugali, kabuluhan
maimpluwensiyahan ng at
mgapananaw
ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng mga
pinanonood na mga programa sa telebisyon.
pinanonood na mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon– Mga palabras ay
naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong
Dokumentaryong Pantelebisyon– Mga palabras ay
proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at
naglalayong maghatid ng komprehensibo
at
tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan
ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa
isang lipunan.

MGA KONSEPTONG MAY KAUGNAYANG LOHIKAL

May mga konseptong higit na nagiging makahulugan kapag pinag-


Ugnay-Wika ugnay o pinagsama. Halimbawa nito ang mga konseptong nagpapahayag
ng relasyon o kaugnayang lohikal tulad ng dahilan at bunga, layunin at
paraan, paraan at resulta, kondisyon at bunga o kinalabasan.

1. Dahilan at Bunga/ Resulta

Nagpapahayag ng sanhi o dahilan ang dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi naman ng


bunga o kinalabasan ang resulta nito.

Tingnan ang halimbawang mga pangungusap na nagpapakita ng relasyong dahilan/sanhi at


resulta/ bunga. Pansinin ang mga pang-ugnay na ginamit, gayon din ang padron ng
pagsusunod-sunod ng mga konsepto. (nakaturo sa resulta ang arrow o palaso)
Nag-aaral siyang mabuti (dahilan + pang-ugnay+resulta)

kaya/kaya naman natuto


siya nang husto.

Nag-aaral siyang mabuti. (dahilan + pu + resulta; may


hinto
dahil dito/Bunga nito/Tuloy sa pagitan ng dahilan at
resulta)
natuto siya nang husto.

Sapagkat/Pagkat/Dahil (pu + dahilan + resulta; may

hinto
nag-aral siyang mabuti pagkatapos ng dahilan)
natuto siya nang husto.

Natuto siya nang husto (resulta + pu + dahilan)

sapagkat/pagkat/kasi/ dahil
nag-aral siyang mabuti

Makikitang maipahahayag ang relasyong dahilan at bunga sa iba’t ibang paraan.


Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat, dahil, dahilan sa at kasi sa
pagsasabi ng dahilan o sanhi samantalang naghuhudyat ng resulta o bunga ang mga pang-
ugnay na kaya, kaya naman, dahilan dito at bunga nito.

2. Paraan at Layunin

Ipinakikita ng relasyong ito kung paano makakamit ang isang layunin o naiisipan sa
tulong ng isang paraan. Tingnan ang halimbawa. Pansinin ang mga pang-ugnay, pati na ang
padron ng pagpapahayag ng relasyon. (Nakatuon sa layunin ang arrow o palaso)

Upang/Para matuto nang husto, (pu + layunin + paraan


nag-aaral siyang mabuti. May hinto pagkatapos
ng
Layunin)
Nag-aaral siyang mabuti
upang /para/nang sa ganoo’y (paraan + pu + layunin)
matuto nang husto.

Sa relasyong ito, ginagamit ang mga pang-ugnay na para, upang, o nang sa ganoon
upang maihudyat ang layunin.

3. Paraan at Resulta

Nagpapakita ang relasyong ito kung paano nakukuha ang resulta. Sa mga halimbawa,
nakaturo sa resulta ang arrow.
Sa matiyagang pag-aaral, (paraan + resulta)
nakatapos siya ng kaniyang kurso.

Nakatapos siya ng kaniyang (resulta + paraan)


kurso sa matiyagang pag-aaral.

Mapapansing walang ginamit na pang-ugnay sa relasyong ito. Inihuhudyat ng sa ang


paraang ginamit upang makamit ang resulta.

4. Kondisyon at Bunga o Kinalabasan

Maihahayag ang relasyong ito sa dalawang paraan: Una, tumbalik o salungat sa


katotohanan ang kondisyon. Tingnan ang halimbawa kung saan nakaturo sa bunga o
kinalabasan ng arrow.

Kung nag-aaral ka lang nang mabuti, (pu + kondisyon +


bunga)

sana’y natuto ka nang husto.

Natuto ka sana nang husto (bunga + pu +


kondisyon)

kung nag-aral kang mabuti.

At ikalawa, haypotetikal ang kondisyon; tulad nito:

Kapag/Sa sandaling/ basta’t (pu+ kondisyon +


bunga)

nag-aral kang mabuti,


matututo ka nang husto.

Matututo ka nang husto (bunga + pu +


kondisyon)

kapag/ sa sandaling/ bastat


nag-aral kang mabuti.

Sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon), ginamit ang pang-ugnay


na kung at karaniwan itong sinamahan ng sana upang maipakitang salungat nga sa
katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa ikalawa, ginamit ang kapag, sandaling… o basta’t
upang ipahayag na maaaring maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili

Ito ay magkaugnay sapagkat ang nag-aalinlangan o nagdududa ay nag-aatubili o hindi kaagad


isinakatuparan o pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin, ang isang nag-aatubili ay bunga
ng pag-aalinlangan. Ang mga salitang hindi sigurado, yata, tila, baka, marahil, at iba pa ay
maaaring gamitin sa ganitong pahayag kasama ang pang-ugnay na kaya, samakatuwid, kung
gayon.

Halimbawa:
Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa ang bagay na iyan.

6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi
ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit
dito ay ang siyang tunay, walang duda, sa katotohanan, talaga, tunay, siyempre kasama ang
pang-ugnay na na at nang.
Halimbawa:
Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at walang dudang napatunayan ko
ito.

Isulat sa kahon ang ugnayang lohikal mayroon sa pangungusap. Bilugan


sanay ang espresyong hudyat na ginamit.

_________________1. Ang karapatan ng mga bata ay dapat nating isulong sapagkat parami na
nang parami ang mga batang nabibiktima ng pang-aabuso.
_________________2. Kung hindi sana matigas ang kanilang mga ulo ay maganda na ang
kanilang buhay ngayon.
_________________3. Hindi ako sigurado sa aking nakita kaya’t hindi ko alam kung tutulungan
ko ba ang mga batang ito o hindi.
_________________4. Upang maiwasan ang problema ay kailangang gumawa ng hakbang ang
pamahalaan.
_________________5. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat masusugpo ang
problemang ito.

You might also like