You are on page 1of 5

Banghay Aralin

Filipino 8 Florante at Laura

I. Mga Layunin
Ang mga ma-aaral sa baitang 8 ay inaasahang:
a. nakikilala ang mga tauhan na napapabilang sa kabanata;
b. nasusuri ang sarili kung bakit gayon ang ipinakikitang ugali at nababatid ang
gawaing hindi mabuti;
c. nahihinuha ang aral sa akda at naiuugnay ito sa tunay na buhay.

II. Paksang Aralin


Aralin 4: Si Adolfo, Saknong 207-231. Pluma 8 p. 573-578.

III. Mga Pamaraan


Pambungad na Gawain:
a. Pagnalangin
b. Pagtala ng lumiban
c. Paalala
d. Pagbabalik Aral

A. Pagganyak
Gawain 1
4 Pics-1 Word.
 Ipapangkat ang klase sa apat na pangkat.
 Bawat pangkat ay bibigyan ng mga larawan.
 Kaakibat ng mga larawang ito ay ang mga nagkagulong letra.
 Huhulaan ng bawat pangkat ang ibig sabihin ng larawan gamit ang mga
nagkagulong letra.
 Bibigyan ang bawat pangkat ng anim na minuto para makasagot.
Paramihan ang bawat pangkat ng tamang sagot (5 puntos bawat tamang
sagot).

1. Sagot: Antenor- ang guro ni Florante sa Atenas.


2. Sagot: Florante- ang bida/ pangunahing tauhan ng Florante at Laura.

3. Sagot: dula- isang uri ng panitikan. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga
tagpo sa isang tanghalan o entablado.

4. Sagot: peke- isang manloloko.


5. Sagot: Matematika- isa sa mga pinag-aralan ni Florante sa Atenas.

6. Sagot: Adolfo-ang kontrabida o katunggaling tauhan ng kwento.


B. Paglinag sa Aralin

Pagpapabasa ng buod ng bawat saknong ng Aralin 4: Si Adolfo sa mga


mag-aaral. Ipapaliwanag ng guro ang bawat saknong.

Paglalapat
Gawain II. Panuto: Kumuha ng isang buong papel.

a. Iguhit kung ano sa inyong palagay ang sinabi ni Adolfo kay Florante na
pagalit, habang isanasadula nila ang “Oedipus Rex”.

b. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:


1. Bakit pinagtangkaan ni Adolfo ang buhay ni Florante?
2. May katwiran ba ang pag sama ng loob ni Adolfo kay Florante? Bakit?
3. Ipaliwanag ang kasabihang “kapag panibugho ang nanahan sa puso,
dulot nito’y palagiang pagkabigo.” Tama ba na makaramdam ng
ganito? Pangatwiranan ang sagot.

C. Pagpapahalaga

 Tatanungin ang mga piling mag-aaral kung sino na ang nakaranas ng


matinding pag selos, at kung paano nila ito nalampasan

 Tatanungin ang mga piling mag-aaral kung anong aral ang natutunan
nila sa kwento.

D. Ebalwasyon

I. PAGKILALA SA MGA TAUHAN. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa


patlang (5 puntos).

_________ 1. Siya ang katunggaling tauhan ng kwento.


_________ 2. Ang lugar na pinuntahan ni Florante para mag aral.
_________ 3. Ang guro ni Florante sa Atenas.
_________ 4. Ang naging kaibigan ni Florante na sumagip sa kanyang
buhay.
_________ 5. Ang pamagat ng dula na ginanapan ng tatlong magkaklase.

II. MAKAHULUGANG PAGSASAAYOS. Panuto: Isaayos ang mga


sumusunod na pahayag ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari. Isulat ang bilang sa patlang (10 puntos).

_________ 6. Sinangga ni Menandro ang tama na papatay sana kay


Florante.
_________ 7. Biglang bumigkas si Adolfo ng mga galiy na salita na wala
naman sa iskrip
_________ 8. Nabuking ang pagbabalat kayo ni Adolfo.
_________ 9. Halos isang buwan hindi makakain si Florante dahil sa
matinding kalungkutan.
_________ 10. Isinadula nila Florante ang “Oedipus Rex”.
_________ 11. Kinabukasan, pinabalik si Adolfo sa Albanya.
_________ 12. Gumanap si Florante bilang Eteocles. Sa eksena, kikilalanin
ni Florante si Adolfo bilang kapatid.
_________ 13. Pagkatapos ng anim na taon, naging dalubhasa si Florante sa
kanyang pag-aaral.
_________ 14. Tatlong beses sinubukang saktan ni Adolfo si Florante.
_________ 15. Nahigitan ni Florante ang talino ni Adolfo. Mas naging sikat si
Florante sa Atenas.

IV. Takdang Aralin


Magsaliksik ng mga sumusunod:
 buod ng saknong 232-256 (Trahedya sa Buhay ni Florante).
 ano ang ibig sabihin ng mga sumusunod na salita:
a. kinta
b. daungan
c. gerero
d. nagdadalamhati
e. pumanaw

Inihanda ni: Isinuri ni:

Bb. Justene Rae D. Santiago Gng. Jocelyn Simafranca

You might also like