You are on page 1of 13

BANGHAY-ARALIN

SA
FILIPINO 8

“Pakitang Turo”

INIHANDA ni: MARVIN P. NAVA, LPT


Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 8

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng 80% ng


kasanayan na;

1. Nasusuri ang mahahalagang kaisipan at nilalaman ng mga saknong gayundin ang


kabuuan ng akda; F8PB-IVc-d-34
2. Naiuugnay ang mga kaganapan o pangyayari sa akdang napanood sa pamamagitan ng
pagtatanghal ng mga naatang na gawain sa bawat pangkat; F8PB-IVc-d-34
3. Nasasagot ang mga katanungang may kinalaman sa paksa. F8PB-IVc-d-36

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Florante at Laura

Halimbawang Akda: Dalawang Ama (Saknong 94-104)

Sanggunian: Obra Maestra: Florante at Laura

May-akda: Mrs. Maybel V. Amog

Kagamitang Pampagtuturo: Laptop, Prodyektor, Biswal Aids, Mga Larawan,


Aktibiti Kards at Sipi ng Tula

Pangkaisipan: Ang isang mapagmahal na ama ay kapakanan rin ng


anak ang nasa gunita hanggang sa huling sandali ng
kanyang buhay.

Pagpapahalaga: Ang ikinagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa


magulang kundi nasa itinuturo nila sa mga ito.

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain;
1. Panalangin;
2. Pagbati sa klase;
3. Pagtatala ng lumiban at
4. Pagpapasa ng Takdang Aralin
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
B . Balik-aral

Klas, bago tayo dumako sa ating panibagong paksa,


magbalik-aral muna tayo sa paksang tinalakay natin
kahapon.

Bawat isa sa atin ay may pinaghuhugutan sa buhay,


kaya ang mga pinaghuhugutan na ito ang gagamitin
natin sa pagbabalik-tanaw sa nakaraang paksang
tinalakay natin ito ay sa pamamagitan ng I-HUGOT
LINES MO, IKOKONEK KO. Gamit ang
pamamaraang ito bubunot ang representatib ng
pangkat ng isang hugot lines na nasa kahon at
ikokonek sa araling tinalakay natin kahapon.
Ipapaliwanag ng representatib at maglalahad ng
kaisipan sa kanyang napabatid at natutunan sa paksang
tinalakay natin na dapat ay konektado sa hugot lines
na mabubunot niya. Handa na ba kayo klas?

Kung gayon ay magsimula na tayo. Opo Sir

(pagpapaliwanag at pagkonek ng mag-aaral sa


tinalakay kahapon)

#hugotlines1

“Ang pag-ibig laging may pain.


Kahit mag-focus pa siya araw-araw
na alagaan ka, may magagawa at
magagawa sya para masaktan ka”
- PAPA JACK
Ang ibig sabihin po nito ay kapag umiibig ka ay
nakakaramdam ka ng sakit at kaligayahan kagaya po
ni Aladin at Florante na parehong umibig at
nagmahal di lamang sa kanilang minamahal pati sa
kanilang pamilya.
Tama, sa mga taong nagmamahal natural lamang na
makaranas ng ganitong pakiramdam subalit nasa tao
kung paano nyo ito titingnan at haharapin. #hugotlines2

“One Day, iiyak ka hindi dahil nasasaktan


ka kundi dahil namimiss mo sya”

PAPA JACK

Sir, sa linyang ito pinatunayan po ni Florante na miss


na miss na niya si Laura at ang kanyang pamilya
kaya nakaramdam siya ng pagkalungkot.
Tama, tulad ng binatang nakagapos ang Gererong
Moro na si Florante ay iyakin pero hindi ito pahiwatig
na siya ay duwag at mahina maaaring nagpakita
lamang siya ng kanyang emosyon at damdamin sa
isang sitwasyon kagaya ng sobrang kalungkutan at
paghihinagpis. #hugotlines3

“May kanya-kanya tayong


paraan ng pagmomove on para
makapag-adjust sa buhay”
PAPA JACK
Sir, ipinapakita po na dapat magpatuloy ang buhay sa
kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ni Florante
at Aladin.

Tama, napakahusay ng inyong mga kasagutan. Sa


bawat pagtahak natin sa ating buhay may mga bagay o
pagkakataon na nagiging kumplikado at masalimuot
na kung saan may mga panahon na tayo’y may
pinaghuhugutan na magiging sandigan natin upang
magpatuloy ang buhay.

Kahapon ay tinalakay natin ang isa sa trahedyang


naranasan ni Florante ngayon naman ay itutuloy natin
ang mga pangyayari at ang mga pagsubok pa na
naranasan ni Florante at ni Aladin ngunit bago yan ay
magkaroon muna tayo pagganyak sa ating tatalakayin.

C. PAGGANYAK

Klas, bago tayo dumako sa panibagong paksang aralin,


magkaroon muna tayo ng palaro. Meron akong
CHARACTER DRAWER sa inyong harapan, ang sa
taas na bahagi ay kay MR. MAPAGMAHAL at ang
ibabang bahagi ay kay MR. MAPAGHANGAD. Ang
gagawin nyo lamang klas ay ilalagay sa tama ang mga
napaghalo-halong gamit ng dalawa sa kahon at ilagay
ito kanilang tamang lalagyanan sa kanilang drawer. Sa
isa namang kahon na ito nakalagay ang mga
mabubunot nyong pahiwatig (clue) para mailagay nyo
ng tama ang kanilang sariling gamit sa kanilang
drawer.

Mga Mabubunot na Pahiwatig o Clue

Mr. Mapagmahal

Ito ang gamit na ibinigay kong pamana sa aking


anak na magagamit nya sa pakikidigma.
Ito ang gamit na ibinigay ko sa aking anak na
magsisilbing agitmay niya sa pakikidigma.
Ito ang kasuotang ipinagawa ko sa aking anak
upang magsilbing panangga niya sa pakikidigma.

Mr. Mapaghangad

Ito ang kasuotan ng aking kasintahan na inagaw


ko sa aking anak.
Ito ang gamit na ginagamit ko panakit sa sino
mang hindi sumunod sa akin maski ang aking
anak.
Ito ang gamit na hangad ko sa buhay upang mabili
ang lahat ng aking naisin.
Ito ang sinusuot ko sa uloupang maging kaakit-akit
na Sultan.

Mr. Mapagmahal Mr. Mapaghangad

Sir, yung kay Mr. Mapagmahal po para po sa anak


nya yung mga kagamitan samantalang yung kay
Klas, base sa mga kagamitang isinaayos natin at sa Mr.Mapaghangad po ay parang sa kanya yung mga
mga pahiwatig na ibinigay nina Mr. Mapagmahal at gamit.
Mr. Mapaghangad, ano ang napapansin nyo sa
pagkakahati ng kanilang mga kagamitan? Sir, kung mapapansin po natin parang gamit po ng
ama yung mga nakalagay sa kabinet.
Tama, ano pa?

Sir, parang may kinalaman po sa Amang


Tama, ang mga gamit na ating nilagay ay galing sa Mapagmahal at Amang Makasarili.
mga ama, kung ang kay Mr.Mapagmahal ay gamit na
mula sa kanya na binigay nya sa kanyang anak, ang
kay Mr. Mapaghangad naman ay gamit na mula sa
sarili nya. Sa tingin nyo klas, ano kaya ang ating
tatalakayin sa araw na ito?

Tumpak! ang ating tatalakayin at ang panibagong


paksa natin para sa araw na ito ay patungkol sa Amang
Mapagmahal at Amang Mapaghangad.

D. PAGHAWAN NG SAGABAL

Sagutan muna natin ang mga talasalitaan na


magbibigay liwanag sa ating kaalaman.

Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga


salitang may salungguhit sa pangungusap sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga letrang nasa
tabi ng pangungusap.

1. Ang kanyang luha’y tumatagistis ng maibsan ang


hirap na tinitiis.TULOMUTU
2. Akala ng nakagapos nagsukab na ang kanyang 1 TULOMOTU TUMULOTU TUMUTULO
kasintahan.LISKATNAG
3. Nais na niyang makitil ang buhay uppang hindi na 2 LISKATNAG NAGTAKSIL
NAGTAKLIS
tumagal ang kanyang paghihirap. LAGMAOT
4. Masarap mag-andukha ang kanyang ama.GAM- 3 LAGMAOT MALGAOT MALAGOT
AGAUR
5. Hindi siya nakalasap ng kaligayahan dahil 4 GAM-AGAUR MAG-ARUAG MAG-ARUGA
maagang namatay ang kanyang ina. NIMAKAKAT
5 NIMAKAKAT KANAKAMIT NAKAKAMIT

E. PAGTALAKAY SA ARALIN

Klas, ang ating kabanatang tatalakayin ay may


pinamagatang “Amang Mapagmahal, Amang
Mapaghangad”. Kahapon klas ay ibinigay ko ang sipi
ng tula sa inyo at ipinatakdang-aralin ko na basahin at
unawain sa inyong tahanan, binasa at inunawa ba klas?

Upang mas lalo nyo pa itong maunawaan may hinanda


akong Video Clip dito ng ating tula. Hindi ito basta
video clip klas sapagkat at mga binabanggit dito ay
mga pili at mahahalagang saknong ng ating tula kaya’t
upang makita ko na mahusay rin kayong bumasa ng
ating tula hindi lang dalawa kundi tatlo tayong
magsasalisalitan sa pagbabasa ng ating tula. May
nilagay ako sa inyong sipi ng tula kung sino ang
magbabasa ng saknong maaaring ang nasa video clip,
ako na inyong guro o kayong mag-aaral. Sundan ang
pagbasa, buksan ang mata, isipan at manahimik
SILIP sa BIDYO
sapagkat pagkayari nating manood at magbasa ay
magkakaroon tayo ng pangkatang gawain para suriin
ang ang tula.Maliwanag ba klas?

Amang Mapagmahal, Amang Mapaghangad

94 (VIDEO CLIP)
"Pananalangin mo'y 'di pa nagaganap,
sa liig mo'y biglang nahulog ang tabak;
nasnaw sa bibig mong huling pangungusap
ang "Adiyos, bunso"'t buhay mo'y lumipas."
95 (GURO)
"Ay, amang ama ko! Kung magunam-gunam
madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
ipinapalaso ng kapighatian
luha niring pusong sa mata'y nunukal."
96 (MAG-AARAL)
"Walang ikalawang ama ka sa lupa
sa anak ng kandong sa pag-aaruga;
ang munting hapis kong sumungaw sa mukha,
sa habag mo'y agad nanalong ang luha."
97 (GURO)
"Ang lahat ng tuwa'y natapos sa akin,
sampu niring buhay ay naging hilahil;
ama ko'y hindi na malaong hihintin
ako't sa payapang baya'y yayakapin."
98 (VIDEO CLIP)
Sandaling tumigil itong nananangis
binigyang-panahong luha'y tumagistis
niyong naaawang Morong nakikinig ...
sa habag ay halos magputok ang dibdib.
99 (MAG-AARAL)
Tinutop ang puso at saka nagsaysay,
"Kailan," aniya, "luha ko'y bubukal
ng habag kay ama at panghihinayang
para ng panaghoy ng nananambitan?"
100 (GURO)
"Sa sintang inagaw ang itinatangis,
dahilan ng aking luhang nagbabatis;
yao'y nananaghoy dahil sa pag-ibig
sa amang namatay na mapagtangkilik."
101 (VIDEO CLIP)
"Kung ang walang patid na ibinabaha
ng mga mata ko'y sa hinayang mula
sa mga palayaw ni ama't aruga
malaking palad ko't matamis na luha."
102 (MAG-AARAL)
"Ngunit ang nananahang maralitang tubig ...
sa mukha't dibdib ko'y laging dumidilig,
kay ama nga galing dapuwa't sa bangis,
hindi sa andukha at pagtatangkilik."
103 (VIDEO CLIP) Opo Sir.
"Ang matatawag kong palayaw sa akin
ng ama ko'y itong ako'y pagliluhin, Sir ipinakita po kung paano po pinagkumpara yung
agawan ng sinta't panasa-nasaing ama ni Florante sa kanyang pagsasalaysay at ama ni
lumubog sa dusa't buhay ko'y makitil." Aladin sa kanyang pag-iisip.
104 (VIDEO CLIP)
"May para kong anak na napanganyaya,
ang layaw sa ama'y dusa't pawang luha,
hindi nakalasap kahit munting tuwa
sa masintang inang pagdaka'y nawala!" Sir si Duke Briseo po yung ama na mapagmahal si
Sultan Ali Adab naman po yung amang
Klas, naunawaan ba ang bidyong napananood at mapaghangad at masama kay Aladin.
kasabay ng ating pagbasa?

Ano ang inyong nasuri rito?

Tama,nasuri natin kung anong klaseng ama sina duke


Briseo at Sultan Ali Adab sa kanilang anak. Sino ang
sinasabing amang mapagmahal at amang
mapaghangad?

Tama, klas upang mas lalo nyo pang maunawaan ang


ating paksa,magkakaroon tayo ng pangkatang gawain

F. PANGKATANG GAWAIN

Hinati ko na kayo klas sa tatlong pangkat, lumapit sa


akin ang representatib ng bawat pangkat at bumunot
ng kanilang gagawin.

UNANG MAGTATANGHAL: SONG


INTERPRETATION SAKNONG 94-97. Lumikha
ng isang maikling awit na nagpapakita ng pag-ibig
ng ama sa kanyang anak tulad ng kay Duke Briseo
at Florante.

IKALAWANG MAGTATANGHAL: DANCE


INTERPRETATION SAKNONG 98-101. Bumuo ng
maikling sayaw kung paano naipakahulugan nina
Duke Briseo at Sultan Ali Adab ang pagiging ama
sa kanilang anak.

IKATLONG MAGTATANGHAL: DULAAN


SAKNONG 102-104: Magsagawa ng maikling dula
na nagpapakita ng pagtataksil at pagmamalupit ni
Sultan Ali Adab sa kanyang anak na si Aladin.

Pamantayan sa Pangkatang Gawain

5 3 2
NILALAMAN Madetalyeng Hindi Malayo na
naipakita ang gaanong sa paksa
nilalaman nailahad ang ang
nilalaman pinakita.
PAGSASAGAWA
PRESENTASYON Lubhang May kunting Magulo at
kaakit-akit at kaguluhan hindi PAGTATANGHAL NG UNANG PANGKAT:
nasiyahan atkakaunti kasiya siya. SAKNONG 94-97, SONG INTERPRETATION
ang mga ang
nanonood nasiyahan
KOOPERASYON Lahat ng Iilan lamang Iisang
miyembro ay ang may miyembro Sir nasuri ko po sa kanilang awit kung paano po
may kooperasyon lamang ang pinakita ang pagmamahal ng ama sa kanyang anak na
kooperasyon at kumilos kumilos halos magkatulad po sa pagmamahal ni Duke Briseo
at kumikilos sa kanyang anak na si Florante.

Klas, bibigyan ko kayo ng 10 minuto upang isagawa


ang atin pangkatang gawain. Maaaring pumunta na sa Sir mapag-alaga po at handang mamatay sa
kanya-kanyang kagrupo. kapakanan ng anak.

PAGSASAGAWA

Klas, ano ang inyong nasuri sa isinagawang


pagtatanghal ng unang pangkat?
Sir sa saknong 97 po na handa rin po mamatay si
Florante kung nasa piligro man din ang kanyang
ama.

Tama, ano bang klaseng ama si Duke Briseo sa


kanyang anak?

Tama, tulad sa mga nabanggit na liriko ng awit ng


unang pangkat, ang ama daw ay handang magbuwis
ng buhay para sa kapakanan at ikaaayos ng buhay ng
kanyang anak.

Sa tingin nyo klas si Florante ba bilang anak ay handa PAGTATANGHAL NG IKALAWANG PANGKAT:
ring mamatay para sa kanyang ama? Sa anong SAKNONG 94-97, DANCE INTERPRETATION
saknong natin ito mababasa?

Sir ipinakita po kung anong uri ng ama sina Duke


Briseo at Sultan Ali Adab.
Tama ito ay nasa sakanong 97, ipinararangal ni
Florante na mayroon syang mapagmahal at mapag-
alagang ama at kung mamamatay man ang kanyang Opo sir kung si Duke Briseo mahal ang kanyang
ama gusto nya na ring mamatay at magkasama sila sa anak si Sultan Ali Adab po hindi nya mahal ang
langit. kanyang anak halos galit po sya rito.

EBALWASYON at ENERGIZING CLAP para sa


unang pangkat

Dumako naman tayo sa Dance Interpretation ng Sir, inagaw po kasi ng kanyang ama ang kanyang
ikalawang pangkat para sa saknong 98-101 kasintahan na si Flerida.

Ano naman ang nasuri nyo sa dance interpretation ng


ikalawang pangkat para sa saknong 98-101?

Tama, malayong-malayo ba ang ugali nila sa isat-isa?


Patunayan nyo klas.
Tama, malayong malayo ang ugali ng dalawang ama PAGTATANGHAL NG IKATLONG PANGKAT:
sa isat-isa at magkasalungat ang kanilang pag-uugali. SAKNONG 94-97, DULA
Sa tingin nyo bakit galit ang nadarama ni Aladin sa
kanyang ama?
Pagmamalupit po ni Sultan Ali Adab sa kanyang
anak
Tumpak, gaya nang mababasa natin sa ika-100
saknong nagpapahiwatig ito na ang isa sa dahilan ng
matinding galit ni Aladin sa kanyang ama ay ang pag- Sir bukod po sa pagtataksil na inagaw ng kanyang
agaw nito sa kanyang kasintahan na si Flerida. ama ang kanyang mahal, madalas po syang pisikal na
sinasaktan kapag nakakagawa ng mali
EBALWASYON at ENERGIZING CLAP para sa
ikalawang pangkat Sir pinagmamalupitan po sya at dumating sa punto
po na pinapalayas na po sya nito. Lumayas naman po
Para sa mga sumunod na pangyayari tunghayan natin si Aladin para hindi na sya pagmalupitan nito.
ang ikatlo at huling magtatanghal para sa pagsasadula
ng saknong 102-104.

Klas, base sa isinagawang pagsasadula ng ikatlong


pangkat, ano ang inyong nasuri?

Ano-ano pang paghihirap ang naranasan ni Aladin sa


kanyang ama?

Tama, ano pa?

Tama, dahil sa sobrang pagmamalupit ng kanyang


ama, nagawa ni Aladin ang lumayas na lamang upang
makaiwas sa mga masasama pang balak nito,
Napasakamay ni Sultan Ali Adab si Flerida at ginawa
ni Aladin ang paglalayas dahil sa pagmamahal nya
rito.

EBALWASYON at ENERGIZING CLAP para sa


ikatlong pangkat

G. PAGLALAHAT

Klas, upang makasiguro ako na naunawaan nyo na ang


ating paksang araling tinalakay magkaroon tayo ng
munting palaro. sa palarong ito ay tatlong pangkat ulit
tayo.
Tawagin natin ang palarong ito na ipaFACT kay
DUKE, IbaBLUFF kay SULTAN. Kapag ang
isinasaad ng pahayag ay Tama o FACT itataas ng
representatib ng bawat pangkat ang larawan ni Duke
Briseo ngunit kapag ito naman ay Mali o BLUFF, Kasagutan:
itataas naman ang larawan ni Sultan Ali Adab. 1. BLUFF – Sultan Ali Adab
2. FACT – Duke Briseo
3. FACT- Duke Briseo
FACT 4. BLUFF – Sultan Ali Adab
BLUFF

1. Si Sultan Ali Adab ay amang Mapagmahal.


2. Pinapatay ni Konde Adolfo ang ama ni Florante na
si Duke Briceo.
3. Habang nakagapos, iniisip ni Florante ang lagay ng
kanyang ama kung ano na ang kalagayan nito sa
kaharian ng Albanya.
4. Nakikinig si Aladin kay Florante sa salaysay nito
tungkol kay Konde Adolfo.
EMOJI
KATANGIAN
- Maraming hangad at
pangarap sa buhay
H. PAGLALAPAT ngunit hindi nawawala
ang pamilya.
“Facebook Emoji Reaction” - Napakamapagmahal at
lahat gagawin para sa
ikabubuti ng pamilya.
- Napakamasayahin,
Ang guro ay magbibigay sa mga mag-aaral ng emoji mapagbiro at hindi
sticks, may kaakibat na katangian sa bawat emoji, alintala ang mga
gamit ito ilalanatad ng mag-aaral ang katangian ng problema.
kanilang ama na maiuugnay nila sa mga katangiang - May ibubuga at may
nakalagay sa bawat emoji. ipagmamalaki sa lahat
ng bagay.
- Malayo ka sa iyong
ama o hindi mo na siya
kapiling. Ina mo ang
tumatayong haligi ng
tahanan.
- Napakaistrikto sa lahat
ng bagay para sa
ikabubuti ng kanyang
pamilya.

Sagot ng Mag-aaral
Lagi nating tatandaan klas na anuman sa mga emoji na
yan ang lumantad sa katangian ng inyong ama,
ipagmalaki natin sila sapagkat sila ang humuhubog sa
ating sarili darating ang panahon tayo rin ay magiging
magulang para gumabay sa magiging anak natin at
“Ang ikinagagaan ng buhay ng mga anak ay wala
sa magulang kundi nasa itinuturo nila sa mga ito”.

IV. PAGSUBOK

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Paano inilarawan ni Aladin ang kanyang ama


matapos ang mapait nyang sinapit sa kamay nito?
a. Isang amang maraming bisyo sa buhay
b. Isang amang walang pakialam sa sarili
c. Isang amang makasarili at taksil
d. Isang amang pumapatay ng kapwa Moro
2. Bakit nagawa ni Aladin na umalis ng kanyang
tahanan sa kaharian ng Persya?
a. upang makalimot sa pagmamalupit ng ama.
b. dahil sa pagmamahal niya sa kasintahang si Flerida
c. dahil gusto nyang tulungan si Florante sa
pagkagapos Kasagutan:
d. upang iligtas ang Albanya sa kasamaan ni Adolfo 1. C
3. "Walang ikalawang ama sa lupa 2. A
sa anak ng kandong sa pag-aaruga” ang pahayag na ito 3. D
ay nagpapatunay sa isang ama na isa syang _______ 4. B
na ama. 5. A
a. mapag-alaga
b. makasarili
c. mapagwalang bahala
d. mapagmahal
4. "May para kong anak na napanganyaya,
ang layaw sa ama'y dusa't pawang luha” ang pahayag
na ito ay nagpapatunay na ang isang anak ay
_________
a.hindi nakaranas ng pag mamahal sa kanyang ama.
b. nakakaranas ng pagmamalupit sa kanyang ama.
c. nakalimot na sa kanyang mahal na ama.
d. nalulungot sapagkat ang ama niya ay isang taksil.
5. Gaano ang ama bilang isang haligi ng tahanan?
a. sapagkat siya ang nagtataguyod at nagtatrabaho sa
pamilya.
b. sapagkat ang ama ang gumagawa ng mga gawaing
bahay.
c. ang ama ang pinakamahalagang parte ng pamilya.
d. ang ama ang siyang pinagkakatiwalaan ng kanyang
anak sa mga pangangailangan.

V. TAKDANG-ARALIN

Basahin at unawain ang ikawalong kabanata ng


Florante at Laura ang “Paalam Bayan, Paalam Laura”
Saknong 108-125
Aklat: Obra Maestra (Florante at Laura) ni Maybel
Amog
Pahina: 65-67

You might also like