You are on page 1of 8

BANGHAY-ARALIN

SA
FILIPINO

“Pakitang Turo”

INIHANDA ni: MARVIN P. NAVA, LPT


Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

I. LAYUNIN

Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng 80% ng


kasanayan na;

1. Nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng mga salita na nagsasaad ng kilos o galaw;


F8PB-IVc-d-34
2. Naihahanay ang mga salitang kilos o galaw batay sa panahunan ng pandiwa; F8PB-
IVc-d-34
3. Nasasagot ang mga katanungang may kinalaman sa paksa. F8PB-IVc-d-36

II. PAKSANG-ARALIN

Paksa: Panahunan o Aspekto ng Pandiwa

Sanggunian: Aklat ng Balarilang Filipino

May-akda: Mamerto Paglinawan

Kagamitang Pampagtuturo: Laptop, Prodyektor, Biswal Aids, Speaker Aktibiti


Kards

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain;
1. Panalangin;
2. Pagbati sa klase;
3. Pagtatala ng lumiban at
4. Pagpapasa ng Takdang Aralin

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


B. Balik-Aral

Klas, bago tayo dumako sa ating panibagong


tatalakayin, magbalik-aral muna tayu sa paksang
tinalakay natin sa nakalipas na araw. Ano nga ba ulit
ang paksa na ito?
Sir, Pangngalan po at mga Uri nito.
Tama!
Sige nga klas, kung lubos nyo itong naunawan ay
may hinanda akong maikling palaro sa inyo. Tawagin
natin itong GUESS THE CROP PICTURE , ibig
sabihin klas magpapakita ako ng larawan sa inyo na
piling bahagi lang ang makikita, ang gagawin nyo
lang klas ay huhulaan nyo kung ano ang larawan at
ibibigay nyo kung anong Uri ito Ng Pangngalan, Opo Sir.
maliwanag ba klas?

1. 2.
1. 2.

2. 4. 3.
4.

Kasagutan:

1. Taylor Swift – Pantangi


2. Baboy – Pambalana
3. Malacañang – Pantangi
4. Paaralan - Pambalana
Natutuwa ako klas sapagkat lubos nyo naunawaan
ang paksang tinalakay natin sa nakalipas na araw,
kaya dumako na tayo sa panibago nating aralin
ngayong araw.

C. PAGGANYAK

Klas, sa pagpasok ng ating panibagong aralin, ako ay


naghanda muli ng munting palaro sa inyo. Ang palaro
na ito ay tawagin natin sa; GUESS THE SONG
EMOJI. Madali lang ang mekaniks natin klas, gamit
ang mga nagagamit nating emoji, huhulaan nyo kung
anong pinoy na awitin ang nais ipakahulugan o
ipahiwatig ng bawat emoji na magpaFLASH sa
screen sa bawat sampung segundo. Talas ng isip ang
kailangan at para mas mainit ang laban gumawa ako
ng RANDOM NAME PICKER sa bawat pangkat na
huhula. Handa na ba ang lahat klas? Opo Sir

Kung gayon at magsimula na tayo.


Kasagutan:

1. Awitin mo at Isasayaw Ko

1.
2. Tumatakbo

2.
3. Umiiyak ang Puso

3.
4. Lumuhod man Ako

4.
5. Natutulog ba ang diyos

5.
6. Gusto kong lumipad

6.
7. Huwag na huwag mong sasabihin

7.
8. Sumigaw sa galak

8.

Ok klas mukhang nahulaan nyo na ang lahat ng mga


pinahula ko. Balik tayo sa mga awit na nahulaan nyo.

Awitin mo at ISASAYAW ko
TUMATAKBO
UMIIYAK ang puso
LUMUHOD man ako
NATUTULOG ba ang diyos
Gusto kong LUMIPAD
Huwag na huwag mong SASABIHIN
SUMIGAW sa galak
Sir, yung mga highlighted word po parang mga
Ano ang inyong napapansin sa mga highlighted word kilos ng isang tao.
sa mga awit na nahulaan nyo?

Sir, may panahon po kung kailan isasaad yung


Tama, ang mga salita na yan klas ay mga salitang kilos base po sa pahayag.
nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao. Ano pa?

Tumpak, kung mapapnsin nyo klas hindi lang sila


basta mga salita lamang na nagsasaad ng kilos kundi
may nakalaan na panahon kung kailan ito nagsasaad
at yan ay may kinalaman sa ating panibagong aralin
na tawagin natin sa paksang ASPEKTO o
PANAHUNAN NG PANDIWA. Makinig ang lahat
klas mamaya-maya lang ay may ilan tayong
pagsasanay at aktibidad na gagawin.

D. PAGTALAKAY SA ARALIN
Pandiwa – bahagi ng pananalita na nagsasaad ng
kilos at galaw ng ngalan.

Aspekto o Panahunan - - panahon kung kailan,


MAGAGANAP, GINAGANAP, NAGANAP o
NATAPOS ang pagsasaad ng pandiwa.

3 Aspekto ng Pandiwa
1. Kontemplatibo o Magaganap
2. Imperpektibo o Nagaganap
3. Perpektibo o Naganap at Katatapos

Klas balik ulit tayo sa mga salitang nagsasaad ng


kilos na pinahula ko sa inyo kanina sa ating palaro.
May hinanda akong tsart dito na kaakibat ng ating
paksa.

Kontemplatib Imperpektibo Perpektibo


o

Kasagutan;
Sa tingin nyo klas ano kaya sa mga salitang hinulaan
Kontemplatibo Imperpektibo Perpektibo
nyo kanina sa ating palaro ang Kontemplatibo,
Isasayaw Isinasayaw Isinayaw –
Imperpektibo, at Perpektibo? Anong katumbas na
kasasayaw
salita kung babaguhin natin ang aspekto nito?
Tatakbo Tumatakbo Tumakbo -
katatakbo
Iiyak Umiiyak Umiyak –
kaiiyak
Luluhod Lumuluhod Lumuhod –
kaluluhod
Matutulog Natutulog Natulog -
katutulog
Lilipad Lumilipad Lumipad –
kalilipad
Sasabihin Sinasabi
Sinabi -
sisigaw sinisigaw kasasabi
Sumigaw –
kasisigaw

Pagbibigay ng iba pang halimbawa...

E. PANGKATANG GAWAIN
Pagbunot ng mga representatib.
Klas, upang lubos nyo pang maunawaan ang atin UNANG MAGTATANGHAL - “The
paksang tinalakay, magkakaroon tayo ng pangkatang Tiktoker’s”: Bumuo ng isang tiktok presentation
gawain. na nagpapakita ng mga aksyon gaya ng pagkanta,
Pangpapangkat ng guro sa klase sa TATLONG pagsayaw at pag-arte. Isa hanggang dalawang
PANGKAT minuto ang haba. Maaaring gumamit ng cellphone
at speaker kung kinakailangan.

IKALAWANG MAGTATANGHAL – The


Poeter’s: Bumuo ng dalawang saknong ng tula na
malayaan na ginamitan ng 3 aspekto ng pandiwa.
Gamitin ang Manila paper at panulat sa loob ng
hard enbelop.

IKATLONG MAGTATANGHAL – The


Actor’s & Actresses: Mag-isip ng limang salitang
kilos na maaaring iarte gamit ang tatlong apekto
ng pandiwa. Ang isang miyembro ang
magpapaliwanag kung ano kilos ang ginagawa ng
kanyang kamiyembro.

PAMANTAYAN
5 3 2
NILALAMAN Madetalyeng Hindi Malayo na
naipakita gaanong sa paksa
ang nailahad ang ang
nilalaman nilalaman pinakita.

PRESENTASYON Lubhang May Magulo at


kaakit-akit kunting hindi kasiya
at nasiyahan kaguluhan siya.
ang mga atkakaunti
nanonood ang
nasiyahan
KOOPERASYON Lahat ng Iilan lamang Iisang
miyembro ang may miyembro
ay may kooperasyo lamang ang
kooperasyon n at kumilos kumilos
at kumikilos Sir, hinaan lang ang boses, makilahok at tumulong
po sa kamiyembro.
Klas, bago kayo magsimula ano-ano ang dapat nating
isaalang-alang sa pagsasagawa ng pangkatang
gawain?
Opo Sir.
Tama. Bibigayan ko lamang kayo ng 10 minuto para
isagawa ang inyong pangakatang gawain kung may
katanungan kayo ay maaari kayong lumapit sa akin.
PAGSASAGAWA
Maliwanag ba klas?
PAGTATANGHAL NG PANGKATANG
GAWAIN
Kung gayon ay maaari na kayong magsimula at
pumunta sa inyo mga kagrupo.

PAGSASAGAWA

EBALWASYON NG GURO

F. PAGLALAHAT

“BUOD PAKSA (NEW JOURNAL)”


Klas, bago tayo dumako sa ating maikling pagsusulit
nais ko na magbigay kayo ng inyong natutunan sa
ating paksang tinalakay. Gumawa ako ng NAME
WHEEL na nakalagay ang inyong mga pangalan,
papaikutin ko ito at kung sino ang matapatan ng
palaso ay siyang bubuo ng pahayag na nasa ibaba.

Sir, Natutunan ko sa araw na ito ang/ang mga


PANDIWA AT MGA ASPEKTO NITO NA
KONTEMPLATIBO, IMPERPEKTIBO at
PERPEKTIBO NA MAY KANYA-KANYANG
PANAHON KUNG KAILAN NAGSASAAD
Napakagandang kasagutan ang binigay mo para sa ANG KILOS na nakapagbigay sa akin ng
pagtamo ng iyong natutunan sa araw na ito at ako KARAGDAGANG KAALAMAN SA ATING
naman ay nagagalak klas dahil isa namang paksa ASIGNATURA na maaari kong magamit sa
paukol sa bahagi ng pananalita ang naituro ko sa inyo PANG-ARAW-ARAW NA
at upang masiguro akong lubos niyo itong natutunan PAKIKIPAGTALASTASAN SA TAMANG
dumako na tayo sa ating maikling pagsusulit. GAMIT NG BALARILA.
Kumuha ng ¼ na bahagi ng papel. Bibigyan ko
lamang kayo ng 3 minuto para sagutin ito.

IV. PAGSUBOK

Panuto: Punan ng wastong angkop ng pandiwa


ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin
kung anong aspekto ito ng pandiwa. Gawing
batayan ang mga salitang nasa panaklong bago
ang bilang. (2 points each)

(tula) 1. Si Cleo ay _________ habang ako


ay nakikinig.
(palakpak) 2. __________ ang mga manonod sa
husay na pinapakita ni Karen sa pag-awit.
(sulat) 3. Mamaya lang ay __________ si
Thea sa kanyang dayari ng kanyang mga natutunan sa
paaralan.
(langoy) 4. Agad na _________ ni David ang
dagat masagip lang ang kanyang kapatid na
nalulunod.
(laba) 5. _________ lang ni Anna ng mga
maruming damit at makakapagpahinga na siya.

Kasagutan
V. TAKDANG-ARALIN 1. Tumutula – Imperpektibo
2. Pumapalakpak – Imperpektibo
Sagutan sa isang buong papel. 3. Magsusulat – Kontemplatibo
Pahina: 37-38, Pagsasanay 2 4. Nilangoy – Perpektibo
Aklat: Balarilang Filipino ni Mamerto Paglinawan 5. Kalalaba – Perpektibong Katatapos

MARVIN P. NAVA
Aplikante

You might also like