You are on page 1of 4

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN

SA FILIPINO 5

I. LAYUNIN
a. Naibibigay ang tamang panlapi na gagamitin sa bawat aspekto ng pandiwa.
b. Naipapaliwanag ang wastong gamit ng aspekto ng pandiwa
c. Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay tungkol
sa mahahalagang pangyayari. (F5WG-IIa-c-5.1)

II. PAKSANG-ARALIN
Paksa: Aspekto ng Pandiwa
Kagamitan: Manila Paper, Cartolina, Powerpoint Presentation
Sanggunian: Alab Filipino 5

III. PAMAMARAAN
a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pagtala ng lumiban sa klase
d. Pagtsek ng takdang-aralin
e. Balik-Aral
Pangkatin sa dalawa ang klase. Ang bawat miyembro ay bubunot ng isang papel
na naglalaman ng mga pandiwa. Huhulaan ng mga miyembro ang salitang nasa
papel sa pamamagitan ng galaw na ipapakita ng kasamahang nasa harapan. Ang
pinakamaraming nahulaang salita sa loob ng dalawang minuto ang siyang panalo.

f. Pagganyak
i. Itanong:
1. Ano ang iyong pinakamasayang karanasan?
2. Anu-ano ang mga hilig o interes mong mga gawain sa kasalukuyan?
3. Labin-limang taon mula ngayon, sa iyong palagay, ano na kaya ang buhay na
mayroon ka?

ii. Pangkatang Gawain:


Pangkatin ang klase sa apat. Bigyan ng tig-iisang envelop na naglalaman ng
maliliit na piraso ng papel. Ang unang makabuo ng tamang sagot ay ang
mananalo.

g. Pagtatalakay

Nagbabago ang anyo ng pandiwa ayon sa panahon kung kailan nagawa o naganap
ang kilos.
Ito ang tinatawag na panahunan o aspekto ng pandiwa. Ang tatlong
aspekto o panahunan ng pandiwa ay ang mga sumusunod:
Naganap, Nagaganap, at Magagaganap.

Tingnan natin ang mga halimbawa sa mga susunod na slides at pansinin


kung paano nagbabago ang anyo ng bawat pandiwa sa panahunan nito.

1. Sa aspektong naganap, isingit ang “um” sa gitna ng unang pantig.


Kung nagsisimula sa patinig ang pandiwa, ilagay ang “um” sa unahan nito.
Mga Halimbawa:
lumapit
sumayaw
umawit

2. Sa aspektong naganap, ilagay ang “na”, “nag”, o “nang” sa unahan


ng pandiwa.

Mga Halimbawa:
naakit
naglaro
nag-ingat

3. Sa aspektong naganap, ilagay ang “in” sa gitna ng unang pantig ng


pandiwa. Kung nagsisimula sa patinig ang pandiwa, ilagay ang “in” sa
unahan.

Mga Halimbawa:
sinabi
tinapon
inalam

4. Sa aspektong nagaganap, ulitin ang unang pantig ng salitang-ugat


at ilagay ang “in” sa gitna nito. Kung nagsisimula sa patinig ang pandiwa,
ilagay ang “in” sa unahan.

Mga Halimbawa:
sinasabi
tinatapon
inaalam

5. Sa aspektong magaganap, ulitin ang unang pantig ng salitang-ugat


at ilagay ang “i” sa umpisa nito. Para sa mga pandiwang banghay sa –an, -
han, -in, o –hin, ilagay ang “in” o “hin” sa dulo.

Mga Halimbawa:
sasabihin
itatapon
aalamin

Ang pawatas ay ang panagano ng padiwa na binubuo ng panlaping


makadiwa at ng salitang ugat.

Mga Halimbawa:
basahin
matulog
kumain

h. Paglalapat
Pangkatang Gawain:
Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa ibaba sa pamamagitan ng paglalagay ng wastong
aspekto ng pandiwa.

PAWATAS NAGANAP NAGAGANAP MAGAGANAP


Maghatid
Tuklasin
Hatiin
Maglakbay
Magsabi

i. Paglalahat
Itanong:
1. Anu-ano ang tatlong aspekto ng pandiwa?
2. Ano ang pagkakaiba ng tatlong aspekto?
3. Bakit mahalagang malaman natin ang wastong paggamit ng aspekto ng
pandiwa?

IV. PAGTATAYA

Suriin ang mga pandiwang nasa susunod na slides at isulat ang mga ito sa
talahanayan ayon sa panahunan o aspekto.

sumasayaw hinahanap umupo nasira tatakbo matutulog kumakain


iinom naglalaro nagsuklay sinasabi ginupit maghihintay humiga
susunod tumulong
magwawalis tumatawid

Panahunang Naganap Panahunang Panahunang


Nagaganap Magaganap

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Gamitin ang sumusunod na mga salita sa pagbuo ng pangungusap.
1. SAYAW
Naganap:
Nagaganap:
Magaganap:

2. TALON
Naganap:
Nagaganap:
Magaganap:

3. LABA
Naganap:
Nagaganap:
Magaganap:

4. HINTO
Naganap:
Nagaganap:
Magaganap:

5. AWIT
Naganap:
Nagaganap:
Magaganap:

You might also like