You are on page 1of 4

SANTOL ELEMENTARY SCHOOL

ALANGALANG II DISTRICT

Di-Masusing Banghay Aralin sa Filipino 5


(August 14, 2019)
I. Layunin
Nagagamit nang wasto ang pandiwa ayon sa panahunan sa pagsasalaysay
tungkol sa mahahalagang pangyayari. (F5WG-IIa-c-5.1)

II. Paksa at Kagamitan


a. Paggamit ng Wastong Pandiwa
b. Curriculum guide (Q2 week 1 day 2), Alab Filipino 5 pp 64-65
c. Plaskard, Powerpoint Presentation, Video clip
d. Lesson integration Araling Panlipunan (KRA 1, Objective 1)

III. Pamamaraan
(KRA 2, Objective 7)
A. Panimulang Gawain
Magandang umaga mga bata. Handa na ba kayong making?ipakita sa
akin na handa na kayo.
Bago natin simulan ang bago nating aralin, ano muna ang dapat gawin kung
may nagsasalita na sa harapan? (KRA 2, Objective 5)
 Makikinig sa nagsasalita.
 Itataas ang kamay kapag gustong sumagot/magtanong..
 Igagalang ang sagot ng kaklase.

1. Pagsasanay (KRA 1, Objective 1 & 2)


Ipapabasa ng guro ang mga pangungusap na nakatala sa projector,
pagkatapos ay ipapaskil ng mga bata ang mga salitang may salungguhit na
nakasulat sa plaskard sa pisara ayon sa pagkakasunod-sunod ng unang
titik sa alpabetong Filipino.
1. pagsasaka 6. namatay
2. mangingisda 7. digmaan
3. kagubatan 8. galyon
4. yungib 9. abaka
5. sinakop 10. kalakal
SANTOL ELEMENTARY SCHOOL
ALANGALANG II DISTRICT

2. Balik-aral
Ngayon tingnan naman natin kung naalala niyo pa ang ating napag-
aralan kahapon. Ano –ano ang mga bahagi ng liham? Sa anong bahagi ng
liham makikita natin ang pangalan ng sumulat? Saan naman makikita ang
mensahe ng sumulat? ang pangalan ng sinusulatan?

B. Panglinang na mga Gawain


1. Pag-ganyak (KRA 3, Objective 9)
Hahayaan ng guro na manood ang mga bata ng isang maikling
video. Bago magsimula ang video clip ay magtatanong muna nag guro kung
ano ang dapat gawin kapag nanonood ng isang video. (KRA 2, Objective
4)
 Manonood ng mabuti sa palabas.
 Hindi mag-iingay kung nagsisimula na ang palabras.
 Isusulat ang mahahalagang pangyayari sa palabras. (KRA 2,
Objective 5)
Pagkatapos ng panunood ay magtatanong ang guro; Batay sa
inyong napanood na maikling video, ano-ano ang mga ginawa ng bata?
(Magaling!!!) Bigyan natin ng wow clap ang inyong kakalsi. (KRA 2,
Objective 5)
2. Paglalahad
Magtatanong ang guro kung ano ulit ang mga ginawa ng bata sa
video. Isusulat ito ng guro sa pisara. Pansinin natin ang mga salitang
nakasulat sa pisara, an gang tawag sa mga salitang ito? Ano ang
ipinapakita ng mga salita? ano kaya ang ibig sabihin ng pandiwa? Bakit
kaya ito tinatawag na salitang kilos?
Tama, bigyan natin ng dionisia clap ang inyong kaklasi sa kanyang
magaling na sagot. (KRA 2, Objective 5)
Ngayong araw ang pag aaralan natin ay tungkol sa pandiwa at ang tatlong
kapanahunan nito.
Tatalakayin ng guro ang pandiwa at ang tatlong kapanahunan nito.
Pandiwa- salitang nagsasaad ng kilos.
Aspekto o Kapanahunan ng Pandiwa
1. Naganap na– ang kilos ay tapos nang gawin.
2. Ginaganap na- ang kilos ay kasalukuyang nagaganap
3. Magaganap pa lamang- ang kilos ay hindi pa naganap.
SANTOL ELEMENTARY SCHOOL
ALANGALANG II DISTRICT

Itatanong ng guro, ano ang tawag sa pandiwa kung tapos na itong gawin?
Paano naman kung bukas o sa susunod pa na araw ito gagawin? Kung ang
kilos ay ginagawa ngayon ano naman ang tawag dito?
C. Mga Pagsasanay
A. Pagsasanay A
Punan ng angkop na pandiwa ang bawat patlang batay sa
nakasaad na aspekto o kapanahunan nito.
Iyak 1. (naganap na) ang bata kahapon.
Bigay 2. Sa darating na lingo ay (magaganap pa lamang) siya ng
regalo ni Ben.
Kain 3. Si Katkat ay (Nagaganap na) ng masarap na pagkain sa
canteen.
Tapon 4.(magaganap pa lamang) na ni ate ang mga lumang gamit
niya sa darating na sabado.
Sabi 5. (nagaganap na) mo ngayon ba na sinungaling ako?
B. Pagsasanay B
Pangkatang gawain. Hatiin sa tatlong pangkat ang mga bata.
Paramihan ng tamang sago tang may pinakamaraming tamang
sagot ang siyang tatanghaling panalong pangkat.

Naganap Na Ginaganap Pa Gaganapin Pa


1. Tumawa
2. Sumasayaw
3. Mag-iigib
4. Natutulog
5. pinagalitan

C. Pagsasanay C
Gamit ang isang hugis bilog ng mga papel, ang guro ay
magpapatugtug ng isang awitin habang pinapasa ito. Kung sino man
ang may hawak nito sa paghinto ng musika ay kukuha ng isang
piraso ng papel sa bolang papel na ito at ibibigay ang angkop na
kapanahunan ng pandiwa.
D. Paglalahat (KRA 1, Objective 3)
Ano ang tinatawag na pandiwa?bakit ito tinatawag na salitang kilos?
Ano ang tatlong aspekto o kapanahunan ng pandiwa? Ano ang tawag sa
aspekto kung ang kilos ay tapos ng gawin?kung kasalukuyang
ginagawa?kung bukas o sa susunod pang araw gagawin?
SANTOL ELEMENTARY SCHOOL
ALANGALANG II DISTRICT

E. Paglalapat (KRA 1, Objective 3)


Tatawag ang guro ng ilang bata na magbabahagi sa kung ano ang
kanilang ginagawa tuwing umaga bago sila pumasok sa paaralan, tatawag
rin ng ilang bata na magbabahagi ng kanilang ginagawa sa paaralan at
pagkauwi galling paaralan.

IV. Pagtataya (Item Bank Q2 Week 1 Day 2)


Panuto: Punan ang tsart ng angkop na aspekto ng pandiwa.
Naganap Na Ginaganap Pa Gaganapin Pa
1. Nagluto
2. U maawit
3. Tatawag
4. Tumatakbo
5. Kumain

Panuto: Punan ng tamang pandiwa ang patlang upang mabuo ang pangungusap. Piliin
ang tamang sagot sa loob ng panaklong

(nagturo, naglaba, bumili, ginagawa, naghahanap, nagtuturo)

6. Ang aming guro ay______________kahapon.


7. ____________________namin ang takdang aralin araw-araw.
8. ____________________ako ng akin mapapasukan.
9. Ang nanay ay_________________kahapon ng damit.
10. Ang aking kaibigan ay______________ng regalo sa akin.

V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng talaarawan sa loob ng 5 araw, gamitin ang tatlong
kapahunan ng pandiwa..

Prepared by:

JOHN PAUL CYRIL D. JORDIAS


Teacher I

Noted by:

SHERNAN CARLO Y. APURILLO


Master Teacher I

You might also like