You are on page 1of 6

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region XI
Division of Davao City
Marilog A District
COLUMBUS ELEMENTARY SCHOOL

DEMONSTRATION LESSON PLAN IN FILIPINO 3 SECOND QUARTER


(tagalog po nito)

Name of Teacher APRIL D. ESCABARTE Section SANTAN


Learning Area FILIPINO Time 11:00 – 11:50 (50 Minutes)
March 3,2021
Grade Level IKATLO Date
Miyerkules

A. Pamantayang Pangnilalaman Nakagagamit ng mga palantandaang nagbibigay ng kahulugan ng salita.

B. Pamantayang Pagganap Natutukoy ang pormal na depinisyon ng salita.

C .Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng
Isulat ang code ng bawat kasanayan paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan (katuturan o kahulugan ng
salita, sitwasyong pinaggamitan ng salita, at pormal na depinisyon ng salita) F3PT-lc-
1.5 F3PT-llc-1.5 FPT-lld-1.7 F3PT-llla-2.3
II. NILALAMAN

III.KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian K-12 MELC with CG Codes

1.Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga Pahina Sa Kagamitang Pang-mag- SLM Filipino Ikalawang Markahan Sariling Linangan Kit 4: Mga Salitang Pahiwatig
aaral pahina 3-13
3. Mga Pahina Sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan Mula sa


Portal ng Learning Resource
B.Iba pang Kagamitang Panturo Powerpoint, larawan,flashcard
Integrasyon:ESP,Arts
IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Before the Lesson
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o Magandang umaga mga bata.. Magandang umaga din po..
pagsisimula sa bagong aralin Laro: (Pictionary race)
1. Hatiin sa dalawang grupo ang mga bata.
2. Pipili ang bawat grupo ng lider na pupumta sa
Harapan upang idrowing ang salitang nakasulat sa papel na
binunot galing sa guro.
Ang mga miyembro ng bawat grupo ay magpaligsahan
kung sino ang unang makasasagot sa nais ipahiwatig na salita.
Gagawin ito sa loob lamang ng 5 minuto.
Balik-aral:
Pabasahin ang mga mag-aaral sa inihandang flashcards ng guro.
Tungkol saan ang mga salitang inyong binasa? -tungkol sa mga salitang magkatugma
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Gamit ang mga pahiwatig na salita, tukuyin ang
kahulugan ng salita o pariralang pangalawang
babanggitin ng guro.
1. Magbubukang-liwayway pa lamang ay
bumabangon na si Aling Lisa upang magluto ng 1. D.madaling-araw
almusal.
A. Tanghali b. hating-gabi c. dapit-hapon d.
madaling araw
2. Binigyan ni Mario ng bulaklak ang kanilang 2. A.ina
ilaw ng tahanan.
A. Ina b. ama c. ate d. kapatid 3. D.agam-agam
3. Masama ang naghihinala sa kapwa.
A. Pagkalito b. panaginip c. pagsisikap d.agam- 4. A. Ama
agam
4. Si Mang Roy ay isang masipag na haligi ng 5.B.magutom
tahanan.
A. ama b. kuya c. kaibigan d. kapatid
5. Kailangang magtrabaho ni Mang Lando upang
may makain at hindi kumalam ang tiyan.
A. Magkasakit b. magutom c. maghirap d.
mabusog
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa May mga salitang hindi natin kaagad na
layunin ng bagong aralin mauunawaan kung hindi natin ito ginagamit sa
pangugusap. Ang bawat salita kasi ay nag-iiba ang
kahulugan, depende sa paggamit nito.sa araling
ito, ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong
mapalawak ang iyong kaalaman sa pagtukoy sa
mga pahiwatig at ang kahulugan nito.
Bago tayo magsisimula, maglaro tayo ng hula-
salita.
Pangkatin ang klase sa tig dadalawa.
Panuto: Gamit ang gabay na pahiwatig,hulaan ang - PALENGKE
mga titik upang makabuo ng isang salita.
1.Dito tayo bumili ng prutas, gulay at isda. P_ _ _ -ULILA
_ _ _E -PAARALAN
1. Wala ng magulang. U_ _ _ _
2. Dito tayo natutung magbasa at magsulat. P_ _ _ -GURO
_ _ _N -KAPATID
3. Sila ay nagtuturo sa paaralan ng mga bata. G_ _
_
4. Sila ay ating kuya, ate, at bunso. K_ _ _ _ _D
During the Lesson May kilala ka bang kaibigang katulad sa bida sa
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at ating kwento? Ganito ba ang iyong gagawin kung
paglalahad ng bagong kasanayan #1 ikaw ay ulila na? Halika, tunghayan natin ang
kaniyang buhay.
Si Andoy
Ni: Jayson T. Ruego
Si Andoy ay ulila na sa magulang. Siya ay
kinupkop ng kaniyang kapatid na babae na si
Marlina na may dalawang anak. Magbukang-
liwayway pa lamang ay gising na siya upang
ihanda ang mga galon ng suka para ibenta sa
kanilang suki sa palengke.
Gayonpaman,hindi niya pinabayaan ang kaniyang
pag-aaral. Hinangaan siya ng mga kaklase at guro
sa paaralan. Bukod sa masipag ay matalino rin
siyang bata.
Nagsunog siya ng kilay para sa kaniyang mga
pangarap. Gusto niyang maging guro balang araw.
Naniwala siya na ang kahirapan ay hindi hadlang - Andoy
sa pag-abot ng mga pangarap sa buhay. -Marlina
Sagutin ang mga tanong. -Upang ihanda ang mga galon ng
1. Sino ang ulila na sa magulang? Suka na ibenta sa kanilang suki sa
2. Sino ang kumupkop sa kaniya? Palengke
3. Bakit maaga siyamg gumigising? -maging guro
4. Bakit hinangaan si Andoy ng kaniyang mga -iba-iba ang mga sagot
kaklase at guro?
5. Ano ang kaniyang pangarap?
6. Sa kwentong iyong binasa, ano ang kahulugan
ng mga salitang,ulila,kinupkop, magbukang-
liwayway, hinangaan at nagsusuonog ng kilay?
Nasagot mo ba ang mga tanong sa ating kwento?
Huwag kang mag-alala, marami ka pang
pagsasanay na matutuhan sa araling ito.
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at Alam mo ba?
paglalahad ng bagong kasanayan #2  May dalawang uri ng pagpapakahulugan ng
salita; ang Denotasyon at Konotasyon.
 Ang Denotasyon ay literal na kahulugang
makikita sa diksyunaryo. Hal: Pakipatay ng
ilaw sa kusina. (bagay na nagbibigay
liwanag)
Mabango ang bulaklak ng rosas. (bahagi ng
halaman)
 Ang konotasyon ay angkop na gamit sa
isang pahayag. Kadalasang ginagamit ito sa
idyomatikong pahayag.
Hal: Mapagmahal na ilaw ng tahanan si Aling
Marlina. (ina)
Tulad mo’y isang magandang bulaklak. (dalaga)
 Narito ang iilang salitang di-pamilyar at ang
kahulugan nito.
Mga Salita Kahulugan
Ulila wala ng mga
magulang
Kinupkop inalagaan
Magbukang-liwayway madaling araw
Maghanap-buhay magtrabaho
Hinangaan inidolo
Kumalam ang tiyan nagutom
Nagsusunog ng kilay nag-aaral nang
mabuti
Pumanaw namatay
Pagsulong pag-unlad
Pighati kalungkutan
Dumatal dumating
 Mga paraan upang matukoy ang kahulugan
ng pahiwatig sa loob ng pangungusap:
Depinisyon-direktang mababasa ang kahulugan ng
salita sa loob ng pangungusap.
Karanasan-nahango ang kahulugan batay sa
mismong karanasang nabanggit sa pangungusap.
Salungatan-maliban sa kasingkahulugan, mainam
na malaman ang kasalungat nito.
Pahiwatig-ito ay kahulugan batay sa sanhi at
bunga ng pahayag.
Pagsusuri- kailangan dito ng kakayahang pang
linggwistika upang masuring maigi ang salita.
F. Paglinang sa Kabihasaan Larawan ko, Kahulugan mo!
(Tungo sa Formative Test) Nasagot mo ba ang mga tanong sa kwento?
Huwag kang mag-alala, marami pang mga
pagsasanay sa araling ito. Handa na ba kayo? Tara
na!
Pangkatin ang mga bata sa dalawa ayon sa
kanilang kakayahan ng pagkatuto. Bigyan ng
gawain ang bawat pangkat. Ipaliwanang sa bawat
grupo ang nakatakdang gawain.
Pangkat I: Grupong Pares-Pares.Tukuyin ang
pahiwatig na salita batay sa larawan at ibigay ang
kahulugan nito.
Larawan Pahiwatig na Salita Kahulugan
1. Nag-aaral nang mabuti

1. Nagsusunog ng kilay _________


2. Bagay na ginagamit para lumi-
Wanag
2. ilaw _________
3. Ama

3. Haligi ng tahanan _________

4. Magtrabaho

4. Maghanap-buhay _________

5. Galit na galit
5. Nagbabagang-apoy _________
Pangkat II: Grupong Bilog
Hanapin ang limang salita o pariralang di-
pamilyar sa iyo. Bilugan ang mga sagot. - pumanaw
Sa edad na labindalawa ay pumanaw ang ina ni -kinupkop
Andoy. Kinupkop siya ng kaniyang -kumalam ang tiyan
kapatid.Tumulong siya sa pagbebenta ng suka -nagbabanat ng buto
para hindi kumalam ang tiyan. Nagbanat ng buto -dumatal
para may baon sa paaralan. Hanggang sa dumatal
ang pinakamasayang araw niya sa elementarya
ang “Araw ng Pagtatapos”.
Tandaan Natin
May mga salita sa pangungusap na nakabatay ang
kahulugan sa konteksto o gamit nito sa pahayag
(context clues).
Matutukoy ang kahulugan ng mga salitang di-
pamilyar kapag iniintindi natin nang mabuti ang
mga salita sa pangungusap gamit ang mga
pahiwatig na salita.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-
araw na buhay
After the Lesson Suriin Natin
H. Paglalahat ng Aralin Panuto: Gamit ang mga pahiwatig na salita,
tukuyin ang kahulugan ng salitang may
salungguhit. Isulat ang titik sa sagutang papel.
1. Bata pa lamang si Andoy ay natuto ng 1. D.magtrabaho
maghanap-buhay upang makatulong sa kaniyang
kapatid.
A. Maglaro b.magtipid c.mamasyal 2. A.Nag-aaral
d.magtrabaho
2. Inabot ng hating-gabi sa pagbabasa ng aralin si
Andoy.Nagsusunog ng kilay para makapagtapos
siya ng pag-aaral. 3. B.namatay
A. Nag-aaral b.naglalaro c.natutulog d.nanonood
3. Sa edad na labindalawa ay pumanaw na ang
mga magulang ni Andoy kaya maaga siyang 4. A.ipinasok
naulila.
A. Namasyal b.namatay c.bumalik d.umalis
4. Isinilid ni Andoy ang suka sa galon para ibenta 5. C.dumating
sa palengke.
A. ipinasok b.inilabas c.isinara d. itinabi
5. Dumatal ang araw ng pagtatapos ni Andoy sa
elementarya at pakiwari niya siya ang
pinakamasayang tao sa panahong iyon.
a. Lumipas b.umalis c.dumating d.tumakbo
I. Pagtataya ng Aralin Ngayon ay bibigyan ko kayo ng pagkakataon
upang palawakin ang iyong kaalaman tungkol sa
ating aralin.
Palaisipan ko,Hanapin Mo!
Panuto: Isulat sa papel ang mga salitang
pahiwatig batay sa kahulugan nito.

PAHIWATIG NA SALITA

PAHALANG: PABABA:
4.Kinukuha ang isang bagay 1.madaling araw
5.wala ng mga magulang 2.ilaw ng tahanan
3. kalungkutan
J. Karagdagang gawain para sa takdang- Magtala ng limang pahiwatig na salita at isulat ito
aralin at remediation sa iyong kwaderno.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial Bilang ng
mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo
ang nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan


na nasolusyunan sa tulong ng aking
punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
naidibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Inihanda ni:

APRIL D. ESCABARTE,LPT
Guro I

Nabatid:
BENITO B. LUMANAO,JR.,MAELT,MAEM
MASTER TEACHER 1
Notes:

1. Follow the Header


2. Red-Colored Sentence kindly translate to Tagalog.
3. Arrange the entire tables properly.
4. Kindly double check the Pangmantayan Pangnilalaman, refer to your CG or MELC.

You might also like