You are on page 1of 5

GRADES 1 to 12 Paaralan: SAN PABLO ELEMENTARY SCHOOL Baitang/Antas: VI-DAFFODIL

DAILY Guro: JAMILA M. CRUZ Asignatura: FILIPINO


LESSON LOG Petsa/ Oras Markahan: IKATLONG MARKAHAN
(Pang-Araw-araw na Tala sa Pagtuturo)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
B. Pamantayang sa Pagganap Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan
C. Mga Kasanayan sa
Nakikinig at nakatutugon ng angkop at wasto sa paksa
Pagkatuto
II. NILALAMAN
A. Paksa Naibibigay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari F6PN-IIIc-18
B. Sub-Topic Pagtukoy sa sanhi at bunga
III.KAGAMITANGPANGTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng TG p. 124-125
Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang
Pang Mang-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Larawan, powerpoint, chart
Pangturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang Sabihin kung pang-abay na pamaraan, panalunan at pamanahon ang mga ginamit sa pangungusap
aralin at/o pagsisimula ng 1. Madalas siyang lumiliban sa klase
bagong aralin 2. Pupunta ako sa Maynila upang magtrabaho
3. Bukas ay araw ng Mahal na Birhen, tayo nat magsimba tayo.
4. Masidhi ang aking pagnanais na makapasok sa isang kilalang paaralan sa kolehiyo.
5. May pagsusulit sa makalawa kaya dapat ay mag-aral akong mabuti.
B. Paghahabi sa layunin ng Basahin ang pangungusap at sabihin ang magiging bunga ng mga sumusunod na sitwasyon
aralin 1.Nagbubuga ng usok ang mga sasakyan
2.Nagkalat ang basura sa kanal at estero
3. Kailangan ang muling pagtatanim sa nakakalbong kagubatan.
Basahin ang pangungusap at ibigay ang sanhi ng mga sumusunod na sitwasyon.
1. Bumagsak sa klase.
2. Sumakit ang tiyan
3. Ipinagmamalaki si Romel ng kanyang magulang.
C. Pag-uugnay ng mga (Pagpapakita ng Larawan ng kalikasan)
halimbawa sa bagong aralin. May napapansin ba kayo sa ating kalikasan?
Ano-ano ang mga pagbabagong ito?
Nakabubuti ba o nakasasama ito?
Sa inyong palagay, nagagalit din ba ang kalikasan?

1. Paghawan ng balakid
Pagdiriwang
Dukha
Tradisyon
Baryo
Pagoda

D. Pagtalakay ng bagong *Pagpapakita ng larawan ng isang Pluvial Parade o Parada sa Ilog.


konsepto at paglalahad ng *Pagbibigay ng panuntunan sa pagbabasa
bagong kasanayan #1. *Pagbasa ng Kwento “ Minsan Nagalit ang Ilog”
Pagsagot sa mga tanong:
1. Sinong patron ang ipinagdiriwang sa pista ng baryo?
2. Ilang araw naghanda ang mga tagaroon?
3. Ano ang pinakatampok na bahagi ng pagdiriwang?
4. Bakit nagdiriwang ang mga tagabaryo sa kapistahan ng kanilang patron?
5. Ano ang pagoda?

E. Pagtalakay ng bagong Pangkatang gawain


konsepto at paglalahad ng I. Iarte mo
bagong kasanayan #2. II. Itula mo
III. Ikanta mo
IV. Ikwento mo
F. Paglinang sa Kabihasaan Paguugnay ng mga pangyayari sa kwento.
(Tungo sa Formative Assessment)

SANHI BUNGA
Tinambakan ng basura ng mga
Naging marumi ang ilog
ito ang ilog.
Hindi nakinig ang mga tao at sila
Lumubog ang pagoda
ay sumakay sa pagoda kahit
punung-puno

Pagsasanay:
Gawain 1
Ibigay ang maaring kalabasan ng kwento. Pagtapatin ang kolum A sa kolum B.
Kolum A Kolum B
1.Malakas ang ulan kagabi tumagas ang tubig a. Nahirapan siyang maghanap
sa bahay nila Santa, nabasa ang gamit nila. trabaho.
2.Nanunuod ng paboritong tele novella si Celia, b. Pumasa siya sa pagsusulit.
sinundan pa ng isa pang tele novella,halos
magdamag na siyang gising.
3.Sa ganap ng ika-apat ng hapon uwian na nila c. Nagkaroon ng baha
Sydney, habang laglalakad siya bumuhos ang
ulan.
4.Napakatamad pumasok ni Ben sa paaralan, d.Hindi siya nakapasok sa
hindi siya nag-aaral ng kanyang leksiyon, paaralan.
kaya hindi siya nakatapos ng kurso.
5.Nag-aaral ng leksiyon ang bata gabi-gabi, e.Nagkasakit siya.
at pati sa kanyang mga bakanteng oras.
Gawain 2.
Punan ang tsart. Bumuo ng sanhi obunga ng sumusunod na kaisipan. Gawin ito sa sagutang papel.

Sanhi Bunga
1. ______________________________ 1. Hindi nakatapos ng pag-aaral
2. Tumulong sa gawaing bahay kng walang pasok 2. _________________________________
3. Tinuturuan ang nakababatang kapatid sa kanilang 3. _________________________________
aralin
4. ________________________________ 4. Naging kilala sa kanilang lugar
5. ________________________________ 5. Lumusog ang katawan

Gawain 3
Basahin ang kalagayan. Ibigay ang sanhi at bunga. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Nagsawalang bahala si Jay sa pagsusulit, lumagpak siya.
Sanhi: __________________________________________________
Bunga: __________________________________________________
2. Palaging nagtutulungan ang kasapi sa pamilya ni Mang Luis kaya nakaraos sila.
Sanhi: __________________________________________________
Bunga: __________________________________________________
3. Malakas ang buhos ng ulan sa kanayunan dahil may bagyong paparating.
Sanhi: __________________________________________________
Bunga: __________________________________________________
4. Mataas ang marka sa mga aralin dahil nagsusumikap sap ag-aaral.
Sanhi: __________________________________________________
Bunga: __________________________________________________
5. Naparangalan ng punong guro dahil sa angking katapatan.
Sanhi: __________________________________________________
Bunga: __________________________________________________
G. Paglalapat ng aralin sa pang- Nakagawa naba kayo ng isang desisyon na nagkaroon ng isang magandang bunga at maayos na sanhi na hindi ninyo pinagsisihan?
araw-araw na buhay.
H. Paglalahat ng Aralin Tandaan Natin
Ang mga pangyayari ay may ugnayang sanhi at bunga. Ang sanhi ay ang
pangyayaring nagsasaad ng dahilan at ang bunga ay ang kinalabasan o epekto.

I. Pagtataya ng Aralin Pagtataya:


Punan ng angkop na sanhi at bunga ang mga kahon kaugnay ng sinundang detalye. Gawin ito sa saguting papel.

Sulyap sa Buhay Mag-aaral

Mga Sanhi Mga Bunga

1.Tamad na mag-aaral 1._____________________


2.________________ 2. Nagkasakit sa baga
3.Mahilig maglakwatsa 3.______________________
4________________ 4.Nakulong sa bilanggoan
5. Mataas ang pangarap sa buhay 5. _____________________

J. Karagdagang Gawain para Takdang -Aralin


sa takdang aralin at Basahin ang kalagayan. Ibigay ang sanhi at bunga. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
remediation. 1. Unti-unting naglalaho ang mga isda at iba pang lamang-dagat dahil sa polusyon dito.
Sanhi: _________________________________________________
Bunga: _________________________________________________
2. Laging napaglilipasan ng gutom si Miel kaya nagkasakit siya.
Sanhi: _________________________________________________
Bunga: _________________________________________________
3. Nakatulog nang mahimbing ang guardiya ng grocery store kaya
napasok ito ng magnanakaw.
Sanhi: _________________________________________________
Bunga: _________________________________________________
4. Lumawak ang kaalaman ni Faye dahil sa pagbabasa niya ng sarisaring aklat.
Sanhi: _________________________________________________
Bunga: _________________________________________________
5. Dahil sa sagupaan ng mga sundalo at rebelde, nagsilikas ang mga tao.
Sanhi: _________________________________________________
Bunga: _________________________________________________

Inihanda ni:

JAMILA M. CRUZ
Teacher III

You might also like