You are on page 1of 5

School: BAAO ELEMENTARY SCHOOL Grade: FIVE – JUAN LUNA

Teacher: SHIELA MAE T. PALACIO Learning Area: FILIPINO


Date: February 14, 2022 1:00 – 3:00 pm Quarter: THIRD –WEEK 1
IDEA (INTRODUCTION DEVELOPMENT ENGAGEMENT ASSIMILATION) EXEMPLAR
FILIPINO
I. OBJECTIVES
A. Content Standards (Pamantayang - Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa
Pangnilalaman) pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin
B. Performance Standards - Nakagagawa ng isang ulat o panayam
(Pamantayan sa Pagaganap)
C. Most Essential Learning  Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos - F5WG-
Competencies (MELC) IIIa-c-6
 Nagagamit ang pang-abay at pang-uri sa paglalarawan -
F5WG-IIId-e-9
D. Enabling Competencies
(if available, write the indicated MELC)

II. CONTENT Gamit ng Pang-abay at Pang-uri sa Paglalarawan


III. LEARNING RESOURCES
Teacher’s Guide Pages MELC Filipino G5 Q3 p163, PIVOT BOW R4QUBE p.63,
Curriculum Guide p.93
Learner’s Material Pages
Textbook Pages PIVOT Learners Packet (LeaP) week 1
Additional Materials from Learning
Resources
List of Learning Resources for
Development and Engagement Powerpoint, Computer, Television, Pictures, Videos, organizer
Activities
IV. PROCEDURES
Panimulang Gawain: Ipakikita Ko, Ilalarawan Mo
Magpapakita ng larawan ang guro, gamit ang iba’t ibang
emoticons, ilalarawan mo kung ano ang gusto ipahayag ng mga
larawan.

A. PANIMULA - masustansya - malusog

- mabango - mabagal

- mabilis

- Pagkatapos sagutan, gumawa ng pangungusap batay sa larawan at


mga salita.
PAGBASA NG KUWENTO:
(Bago basahin ang kwento ay ipalahad muli sa mga bata ang
mga pamantayan sa pakikinig ng kwento at pagbasa ng kwento.)
Ang Magkapatid na si Marco at Marta
ni Gng. Jackielyn M. Pajarillo

Sina Marco at Marta ay magkapatid ngunit Malaki ang


pagkakaiba nilang dalawa. Si Marco ay isang batang malakas
ang loob habang si Marta naman ay mahiyain.

Isang umaga habang masayang naglalaro ang magkapatid


ay dumating ang kanilang tiyahin na galing pa sa malayong
probinsya. Agad na nagmano si Marco habang si Marta naman
ay nahihiya pang lumapit.

Nakita ito ni Marco, walang atubili ay hinawakan niya


ang kamay ni Marta at sinamahan niya ito na lumapit sa
kanilang tiyahin.

Pabalik n asana sina Marco at Marta sa kanilang kwarto


nang biglang tinawag sila ng kanilang mabait na tiyahin at
laking gulat nil ana inaabot nitong regalo. Binigyan sila nito ng
makukulay na isda upang alagaan.

Kulay kahel at pula para kay Marta, asul at berde naman


para kay Marco. Natuwa ang magkapatid at nagpasalamat sa
natanggap nilang regalo. Agad nila itong inilagay sa isang
malinis na aquarium.

Simula noon, araw-araw nilang pinapalitan ang tubig g


kailang alagang isda at araw-araw nila itong pinapakain.
Masayang-masaya at aliw na aliw ang magkapatid habang
- pinagmamasdan angngpag-indak
Pagkatapos basahin ng kanilang
guro, ay babasahin mga
muli ng alaga sa loob
mga mag-aaral
ang
ng kwento.
aquarium.
- Pagkatapos ng pagbasa ay sasagutin ang mga tanong base sa
kwentong binasa.

Sagutin ang mga Tanong:


1. Sino ang magkapatid sa kwento?
2. Sino sa magkapatid ang malakas ang loob?
3. Ano ang ginagawa nang magkapatid ng dumating ang
kanilang tiyahin?
4. Ano ang ibinigay ng kailang tiyahin sa kanila bilang regalo?
5. Saan nila inilagay ang regalong isda ng kanilang tiyahin?
6. Kailan pinapalitan ng magkapatid ang tubig sa aquarium?
7. Paano ipinakita ng magkapatid ang kailang paggalang sa
B. Pagpapaunlad kailang tiyahin?
8. Bakit natutuwa ang magkapatid sa regalo ng kanilang
tiyahin?

(Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungan.)

Hanay A

 Araw-araw pinapakain ni Marta at Marco ang kanilang


alaga.
 Inilagay nila ang isda sa aquarium.
 Nahihiyang lumapit si Marta sa kanyang tiyahin.

- Ang mga pangungusap sa Hanay A ay nagtataglay ng mga


salitang naglalarawan bilang Pang-abay.

- Ipapaliwanag ang pang-abay at ang iba’t ibang uri nito.

 Pang-abay na Pamanahon
 Pang-abay na Panlunan
 Pang-abay na Pamaraan

Hanay B

 Mahiyain si Marta.
 Kahel ang isda ni Marta.
 Malayo ang probinsya.
 Malinis ang aquarium.
 Siya ay mabait.

- Ang mga pangungusap sa Hanay B ay nagtataglay ng mga


salitang naglalarawan nilang Pang-uri.

- Tatalakayin ang pang-uri at ang pagkakaiba nito sa pang-abay


base sa mga pangungusap na naibigay.

-Magbibigay pa ng ibang halimbawa ang mga mag-aaral. Balikan


din muli ang mga pangungusap sa Panimulang Gawain. Alamin
kung ito ay pang-abay o kaya pang-uri.

- Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magtanong.

Gawain 1: Salitang Naglalarawan, Pang-Uri o Pang-abay?


Tukuyin kung ang mga salitang may salungguhit ay ginamit na
pang-uri o pang-abay. Isulat ang PU kung Pang-uri at PA kung
pang-abay.

_______1. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.


________ Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa
kagubatan.

_______2. Minahal niya nang wagas ang kanyang inang-bayan.


________ Ang pagmamahal niya sa kanyang inang-bayan ay
wagas.

_______3. Mahigpit na niyakap ng ina ang kanyang mga anak.


________ Mahigpit ang yakap ng ina sa kanyang mga anak.

_______4. Siya ay magalang habang nakikipag-usap sa mga


nakatanda sa kanya.
C. Pakikipagpalihan ________ Siya ay magalang na nakikipag-usap sa mga nakatatanda
sa kanya.

_______5. Ang lalaking nagnakaw ng bag ay nagmamadali.


________ Nagmamadaling lumabas ang lalaking nagnakaw ng bag.

Gawain 2: PANGKATANG GAWAIN

Pangkatin ang klase sa dalawang grupo. Isagawa ang mga Gawain


para sa bawat pangkat. Pagkatapos ay iuulat ng bawat grupo ang
kanilang gawa.

(Bago isagawa ay maglagay muna ng panuntunan sa pagsasagawa


ng pangkatang gawain)

Pangkat I – Punan ng angkop na pang-uri ang puwang sa pangungusap.


Piliin sa loob ng kahon ang sagot.

lumang sapat maliwanag buong Marikina

1. Nagtutulong-tulong ang _____ pamilya sa pagtitipid sa kanilang


tahanan.

2. Pinapatay nila ang ilaw kapag _____ naman ang silid o kung
walang tao rito.

3. Sulit na sulit ang sapatos na gawang _____ dahil abot-kaya na,


matibay pa.

4. Upang walang masayang, nagluluto lamang sila ng pagkaing


_____ para sa kanila.

5. Tuwing bakasyon, itinatabi ang mga _____ lapis, pangkulay, at


bolpen na puwede pang gamitin sa darating na pasukan.

Pangkat II- Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita


bilang pang-uri at pang-abay. Maaaring iugnay ang sariling
karanasan ngayong panahon ng pandemya.

1. matiyaga 2. malinis 3. masipag 4. masaya 5. tahimik

 Ano ang pang-abay?


 Ano-ano ang uri ng pang-abay?
 Ano ang pang-uri?
 Paano mo malalaman ang pagkakaiba ng pang-abay sa pang-
uri?
 Bakit kailangan natin malaman ang kahalagahan ng pagagamit
ng mga bahagi ng pananalita?
D. Paglalapat

Gawain 3: Naglalarawang salita, Tukuyin Mo!


Suriin ang pangungusap. Tukuyin ang salitang naglalarawan kung
ito ay pang-abay o pang-uri. Isulat ang A- kung pang-uri at B kung
pang-abay.
1. Mabilis kumalat ang sakit na COVID-19. _______
2. Maraming mamamayan ang sumusunod sa alituntunin ng
Pamahalaan. ________
3. Nagmamadaling inagapan ng pamahalaan ang pagkalat ng
sakit. _________
4. Napanatag na ang isipan ng mga tao nang dumating ang
bakuna laban sa sakit. ________
5. Magiging malaya na ang bansa sa sakit. ________

V. REFLECTION Naunawaan ko na ________. Nabatid ko na


___________________.

Prepared by:

SHIELA MAE T. PALACIO


Teacher I
\

Checked and Verified:

AMOR R. MANCENIDO
Head Teacher III

Noted:
AUREA J. GANDIA
Public School District Supervisor

You might also like