You are on page 1of 5

I.

LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

a.Naipapahayag kung ano ang kahulugan ng pandiwa.

b. Natutukoy ang mga salitang nagssasaad ng kilos o galaw sa tulong ng larawan o aksyon;

c. Nagagamit ang mga salitang kilos sa pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Pandiwa

Kagamitan: Tsart at Larawan

Sanggunian:

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

Magandang Araw mga bata! Magandang Araw din po Ma’am.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan.

4. Balik-aral: Pangngalan

Ano ang Pangngalan? Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na


tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at
pangyayari.
Mahusay! Magbigay nga ng halimbawa ng Lamesa
pangngalan at gamitin ito sa pangungusap.
Papel

Sapatos

Guro

Ako ay may bagong sapatos.


Magaling! Lahat ng nakikita ninyo sa ating silid-
aralan ay mga halimbawa ng Pangngalan.

Mahalaga ang pangngalan dahil ginagamitnatin


itong pantawag sa ngalan ng tao, hayop , bagay,
pook o pangyayari.

Nauunawaan po ba? Opo Ma’am.

B. Pangganyak

Ngayon naman tayo ay tumayo at umawit.

Awitin natin lahat. Kung ikaw ay masaya , tumawa ka! (Ha ha ha )

Kung ikaw ay masaya , tumawa ka! (Ha ha ha )

Kung ikaw ay masaya , buhay mo ay sisigla

Kung ikaw ay masaya , tumawa ka! (Ha ha ha )


Kung ikaw ay masaya, pumalakpak ka! (palakpak 3x)

Kung ikaw ay masaya, pumalakpak ka! (palakpak 3x)

Kung ikaw ay masaya , buhay mo ay sisigla

Kung ikaw ay masaya, pumalakpak ka! (palakpak 3x)

Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak 3x)

Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak 3x)

Kung ikaw ay masaya , buhay mo ay sisigla

Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka! (padyak 3x)

Maraming salamat mga bata! Ngayon ay maaari na


kayong maupo.

Ngayon anu-ano ang mga kilos o galaw na ginawa


natin habang umaawit? Tumawa

Pumalakpak

Pumadyak

Umawit

Mahusay! Ang mga salitang ibinigay niyo ay


halimbawa ng salitang nagsasaad ng kilos o galaw
at tinatawag natin itong Pandiwa at ito ang ating
mapag-aaralan sa araw na ito.

C. Paglalahad ng Aralin

Ngayon ay mayroon akong ikwekwento sa inyo na


naglalaman ng salitang kilos o pandiwa.

Nauunawaan ba?
Opo Ma’am.
Anong gagawin kapag si Teacher ay
nagkwekwento? Makinig, tumahimik at umupo ng maayos.

Tama!Makinig, tumahimik, umupo ng maayos at


unawain ang kwento.

Handa na ba kayo?
Opo.

Ang Batang Masipag

Si Tina ay walong taong gulang na nag-aaral sa ika-


tatlong baitang. Sa bahay nila ay lagi mo siyang
makikitang may ginagawa, nagwawalis at
nagdidilig ng halaman, nagpupunas siya ng mga
alikabok sa upuan. Pagkatapos ng kanyang gawain
ay hindi nalilimutang mag-aral , nagbabasa siya ng
mga kwento,at gumuguhit ng larawan. Ang sipag
talaga ni Tina. Tuwang tuwa tuloy ang kanyang
ama’t ina.
Opo Ma’am.
Naintindihan niyo ang kwento?
Tina po.
Sino ang bata sa kwento?
Tama! Ang mga nabanggit niyo ay mga halimbawa
ng Pandiwa o salitang kilos.

Ngayon naman ay isasakilos natin ang mga bagay na


ginawa ni Tina. Lahat tayo ay tumayo.

Paano ang magwalis?

Magaling!

Paano magdilig ng halaman?

Paano magpunas ng upuan?

Mahusay!

D. Paglalahat

Noong ginawa ninyo ang mga ginawa ni Tina ano Kumilos po.
ang kanyang ipinakita?

Tama kayo ay gumalaw at kumilos. Ano ang tawag Pandiwa


sa salitang kilos o galaw?

Masasabi ba nating kayo ay kumilos kapag


nagwawalis tayo? Opo.

Pwede ba tayong magwalis ng hindi gumagalaw? Hindi po.

Magaling! Lahat ng mga ginawa ni Tina ay


nagpapakita ng kilos o galaw.

E. Paglalapat

Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo. Bawat grupo ay


may kanya kanyang gawain. Makinig at unawaing
mabuti ang panuto.

Unang grupo:

Magbibigay ako ng kahon at tsart. Sa loob ng kahon,


may mga papel na may nakasulat na salita.
Ilalagay/Ididikit niyo sa tsart ang mga papel na may
nakasulat na salitang kilos at kapag hindi naman ito
salitang kilos ay ibabalik ninyo ito sa
kahon.Nauunawaan ba ng unang grupo?
Opo.
Pangalawang Grupo:

Magbibigay ako ng kahon na may larawan . Piliin


ninyo ang mga larawan na nagpapakita ng kilos at
ibalik sa kahon kapag ito ay hindi nagpapakita ng Opo.
kilos. Nauunawaan po ba?
Pangatlong Grupo:

Magbibigay naman ako ng mga salitang kilos at pag


aaralan niyo dahil isasakilos niyo ito mamaya.

Nauunawaan ba?
Opo.
IV. PAGTATAYA

A. Ibigay ang salitang kilos na isinasaad ng larawan.

1. Ang isda ay _______________________________.

2. Ang aso ay _______________________________.

3. Ang kuneho ay ___________________________.

4. Ang bata ay ______________________________.

5. Ang ibon ay _____________________________.

V. Takdang Aralin

Magbigay ng isang salitang kilos na makikita sa iyong tahanan at gamitin ito sa pangungusap.

3 2 1

Wasto at malinaw ang Wasto at malinaw ang Di-malinaw ang paglalarawan gamit
paglalarawan ; angkop ang paglalarawan; di wasto ang pangkasalukuyan; angkop ang
mga panghalip na ginamit , ang paggamit ng bantas at panghalip.
bantas at malaking titik sa malaking titik sa
pangungusap. pangungusap.

You might also like