You are on page 1of 37

Nagagamit Ang Iba't - Ibang Uri

ng Panghalip Sa Usapan at
Pagsasabi ng Tungkol Sa
Sariling Karanasan
Prepared by:
Rebecca V. Rubin
FILIPINO 4
Quarter 1 Week 4
Learning Competency:
Nagagamit ang iba’t-ibang uri ng panghalip
sa usapan at pagsasabi ng tungkol sa
sariling karanasan. (Panghalip na Panao)
Ako’y Isang Komunidad
Ako’y isang komunidad
Ako, ako, ako’y isang komunidad ( 3X )
Tayo ay sumayaw, ikaway ang kamay,
ikembot ang baywang at umikot (2X)
(Palitan ang Ako ng IKAW at TAYO)
Ano ang nararamdaman ninyo
habang inaawit ito?
Pansinin ang mga salitang may
salungguhit sa awit.
Sino ang tinutukoy ng ako? Tayo?
Ikaw?

Kailan ginagamit ang ako? Tayo?


Ikaw?
Ano ang tawag sa
mga salitang ito?
Ang panghalip ay
salitang ginagamit na
panghalili sa pangngalan.
Ang panghalip-
panao ay inihahalili sa
ngalan ng tao.
May 2 kaukulan ang
panghalip
Ang panghalip sa kaukulang
palagyo ay ginagamit na simuno o
paksa ng pangungusap.
Ang panghalip sa kaukulang
paari ay panghalip na nagsasaad
ng pag-aari ng isang bagay.
May tatlong panauhan:
1. Unang Panauhan- ay tumutukoy sa nagsasalita. Maaaring
isahan o maramihan.
Halimbawa: tayo, ako
2. Pangalawang Panauhan- tumutukoy sa kausap.
Halimbawa: ikaw, kayo
3. Ikatlong Panauhan- tumutukoy sa pinag-uusapan. Halimbawa:
sila, kanya
Kaukulan Panauhan Kailanan
Isahan Maramihan

Palagyo Unang Panauhan


(Taong Nagsasalita)
ako tayo, kami
Ikalawang Panauhan
(Taong Kausap)
ikaw kayo

Ikatlong Panauhan
(Taong Pinag-uusapan)
siya sila

Paari Unang Panauhan


(Taong Nagsasalita)
Akin, ko atin, natin,
namin
Ikalawang Panauhan Iyo, mo inyo, ninyo
(Taong Kausap)

Ikatlong Panauhan Kanya, niya Kanila, nila


(Taong Pinag-uusapan)
A. Suriin kung anong panghalip panao
ang ginamit.
1. Sila ay magsisimba.
2. Hiniwa niya ang tiyan ng manok.
3. Ako ay mag-aaral sa Butuan Central.
4. Ikaw ay kasama ko.
5. Iniisip ng mag-asawa na yayaman
sila.
B. Lagyan ng angkop na panghalip-panao sa
kaukulang palagyo ang pangungusap.
1. Sina Gng. Aragon at Go ay dumating na mula
sa Manila.
2. Si Sam na ang bahala sa mga panauhin.
3. Sina Ann at ako ang tutulong kay Bb. Cruz.
4. Ikaw at ako ay magkaibigan.
5. Ikaw at si Tony ay magdidilig ng halaman.
C. Piliin ang panghalip na panao sa bawat
pangungusap.
1. Gusto mo ba ang damit na ito?
2. Ayaw ko ng ganyang damit.
3. Naibigan niya ang damit na ito.
4. Ikaw ba ay sasama sa iyong kapatid sa
palengke?
5. Oo, sasama ako sa aking kapatid.
6. Sama-sama na tayong pumunta sa
palengke.
7. Hindi raw ninyo gustong isama si Nene.
8. Kasi’y napakalikot niya kaya baka siya
ay mawala.
9. Tayo nang maghanda papuntang
palengke.
10. Ating dalhin ang malaking basket.
D. Palitan ng panghalip na panao ang mga pangalan
ng tao sa pangungusap.
1. Si Mario ay isang batang matulungin.
2. Tinawag ni Mario ang ibang kabataan.
3. Si Lorena at si Rowena ay tunay na kapuri-puring
kabataan.
4. “Tungkulin nina Art at Jay ang tumulong sa
mahihirap,” ang sabi ni Jun.
5. Narinig ni Jonathan ang sinabi ni Jun.
6. Ikaw at ako ay pupunta sa paaralan.
7. Kaeskwela ko sina Evelyn at Rina.
______ ay matatalino.
8. Si Marie at Joey ay magkaklase.
9. Lito, nabasa ______ na ba ang bagong
pahayagan?
10. Ako at si Lenie ay kakain sa kanten.
E. Suriin kung anong panghalip panao ang ginamit sa
pangungusap. Kilalanin ang kanyang kaukulan,
panauhan at kailanan.
1. Ako ay bibisita sa bahay-ampunan.
2. Tumawag ka raw sa mommy mo.
3. Nagustuhan ba nila ang nilutong ulam ni Ana?
4. Magpaalam muna kayo bago umalis.
5. Simulan natin ang paglilinis sa silid-tulugan.
PANGKATANG GAWAIN
1. Siya ay nahalal na pangulo ng klase.
2. Sinipi ko ang mga tala sa pisara.
3. Ang tatlong aklat ay nabasa na niya.
4. Magsabay tayo sa pagpasok bukas.
5. Ubusin ninyo ang pagkain sa inyong
pinggan.
Pangkatang Gawain
Gamitin sa pangungusap ang bawat panghalip panao
na ibibigay sa pangkat.

Unang Pangkat- ako, ikaw, kami


Pangalawang Pangkat- siya, kayo, sila
Ikatlong Pangkat- akin, atin, amin
Ikaapat na Pangkat – inyo, ninyo, kaniya
Ikalimang Pangkat- kanila, natin, tayo
E, p. 23

Gawin Ninyo
C. Buuin mo ang usapang ito sa pamamagitan ng pagpuno
ng wastong panghalip panao sa bawat patlang.
Bing: Magandang umaga sa (1) _____ Denice.
Denice: Magandang umaga rin sa (2) _____ Bing
Bing: Nakapunta ka na ba sa Encantadia?
Denice: Hindi pa. ( 3) _______, nakapunta ka na ba?
Bing:Oo, nakapunta na (4) _____. Kasama ko ang
aking mga magulang, sina Kuya Henry at Nene. (5)
______ pa nga ang nagyaya sa akin pagpunta roon.
Bing: Kasama rin ba ang lolo at lola mo?
Denice: Hindi (6) ____ nakasama dahil nagbabakasyon
sila sa Quezon.
Bing:Naku sayang naman. Kailan ulit (7) _____
pupunta roon?
Denice: Hindi ko alam eh. Sasabihan kita agad
kapag pupunta ulit (8) _____.
Bing: Sana makasama ako sa pagpunta
(9)________.
Denice: O, sige. Sasabihin ko kina Mama at Papa.
Nakatitiyak kong papayag at matutuwa (10)
_______.
Gawin Mo

Basahin “ Ang Gintong Hiyas ng


Magulang” na nasa aklat Pagyamanin
Natin Gawin Mo A, p. 23-24.
Kumpletuhin ang talaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng
hinihingi nito mula sa tekstong binasa.

Panghalip Kailanan Panauhan Kaukulan


Panghalip Kailanan Panauhan Kaukulan

Kanila Maramihan Ikatlo Paari


Kanya Isahan Ikatlo Paari
Niya Isahan Ikatlo paari
Nila Maramihan Ikatlo Paari
Mo Isahan Ikalawa Paari
Iyo Isahan Ikalawa Paari
Natin Maramihan Una Paari
Atin Maramihan
Una Paari
Tayo Maramihan Una Paari
Sila Maramihan Ikatlo Palagyo
Paglalahat

Ano ang panghalip na panao?


Ang panghalip panao ay inihahalili
sa ngalan ng tao.
Paglalahat
Ano-ano ang panauhan ng
Ano ang
panghalip? panghalip na panao?
Ang 3 panauhan ay ang una, ikalawa
at ikatlong panauhan.
Ano-ano ang kailanan ng
panghalip?
Ang 2 kailanan ng panghalip ay ang
isahan o maramihan.
Ano-ano ang kaukulan ng panghalip-
panao?
Ang 2 kaukulan ng panghalip panao
ay palagyo at paari.
Pagsasapuso ( Isaisip A,p.25)
Punan ang Bintana ng Pag-unawa. Sa loob ng
bawat kahon, gumuhit ng isang bagay na
magpapaalala sa iyo kung ano ang hinihingi ng
bawat bintana.
BINTANA ng PAG-UNAWA
PANGHALIP KAILANAN

PANAUHAN KAUKULAN
SALAMAT!

You might also like