You are on page 1of 20

Pag-aari ng Pamahalaan

4
HINDI IPINAGBIBILI

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Module 9:Linggo 6
Tahimik at Kaaya-ayang Kapaligiran

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 9 Kaaya-ayang Kapaligiran
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – isip. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa anumang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publishers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio
Development Team of the Module

Authors: Donna M. Carlos

Editor: Maria Fe C. Tayong

Reviewers: Jane C. Agpalza


Janette P. Cabaya
Phebe S. Antiquina, PSDS

Illustrator: Julius T. Bucar

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members:
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Yeselucio N. Patriarca Jr. EPS - ESP
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 9:Linggo 6
Tahimik at Kaaya-ayang Kapaligiran

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.
 
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at
rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


2
(This page is intentionally blank)
3
Ano ang Modyul na ito

Ang modyul na ito ay inihanda para mga ika-apat na baiting ng


mag-aaral upang gawin sa loob ng dalawang araw upang
mapapanatili ang tahimik, malinis at kaaya-ayang kapiligiran.

Inaasahan na pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay


magkaroon ng magandang pakikitungo sa kapwa.

Mga tala para sa Guro

Nagagabayan ng guro ang mga mag-


aaral upang magkaroon ng lubos na pang-
uunawa sa aralin at maaari nila ito
mapakinabangan ang mga nailathalang
kaalaman.

4
Alamin

Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahan na:

Kasanayan sa Pagtuto

1. Pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran


bilang paraan ng pakikipagkapwa-tao.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod mna hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

5
Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

6
iii

Subukin

Panuto: Lagyan ng hugis tala ( ) ang patlang kung ang


pangungusap ay nagpapakita ng katahimikan at kaayusan at hugis
kidlat ( ) naman kung hindi. Isulat sa isang papel o sa kwadernon
ang mga sagot.

__________1.Nagkagulo ang mga tao sa palengke dahil may


masangsang na amoy silang nalalanghap.

__________2. Maagang nakatulog nang mahimbing ang tatay dahil


sa malamig ang simoy ng hangin.

__________3. Maraming langaw ang dumadapo sa mga nakakalat


na basura.

__________4. Payapa at tahimik ang isang bayan kapag mayroong


disiplina ang mga taong nakatira dito.

__________5. Nakasanayan na ng Nanay na magtanim ng mga


gulay at iba’t- ibang bulaklak sa bakuran.

iv

7
Kaaya-ayang
Z

Leksyon

9 Kapaligiran: Sa Sarili at
Kapuwa
Pangarap ng bawat isa ang tahimik at kaaya-ayang kapaligiran. Ang
ideyal na paligid ay makakamtan kung ang lahat ay magtulong-tulong.
Kaya mo bang maging bahagi sa pagkamit nito?

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa isang papel o sa


kwadernon ang mga sagot.

Nakabubuti ba ang paggamit ng maayos na mga kagamitan sa


paaralan? Bakit?

Ang pagkakaroon ng tamang pangangalaga sa ating kapaligiran


ay nagbibigay kaayusan at katahimikan sa paligid. Magbigay ng
paraan kung paano mo mahikayat ang iba na gawin din ang kanilang
tungkulin.

8
Tuklasin

Basahin ang tula.

Disiplina ang Kailangan

Isang hatinggabing payapa, banayad ang hangin


Sa higaa’y nakalagak katawang nahihimbing
Pamamahinga’y natigil, natutulog na diwa’y nagising
Ingay ng mga tao at sasakyan sa labas ang gumising.

Isang magandang tanawin, matatagpuan sa hardin


Paruparo’y umaaligid, sumasayaw sa hangin
Sa isang iglap ay napawi magandang tanawin
Walang awing sinira ng batang kay hirap disiplinahin.

Pipiip! Pipiip! Busina ng trak ng basura


Hahakutin ang naipong kalat ng pamilya
Pero teka muna, tila ang iba’y walang nakikita!
Sa kanal at ilog pa rin itinatapon ang basura.

Paligid na tahimik, payapa, at paraiso


Sa isang iglap naglaho gandang taglay nito
Nasaan ang disiplina, bakit ganito ang tao?
Kailan kaya matututong alagaan ang paligid na
noo’y kaaya-ayang paraiso?

Source: ESP 4 p. 157

9
Gawain
Sagutin ang mga sumusunod. Isulat sa isang papel o sa
kwadernon ang mga sagot.

1. Ibigay ang mensahe ng binasang tula. Bigyan pansin ang


iyong damdamin matapos basahin ang tula.
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

2. Paano mo itutuwid ang maling gawain ng mga tao sa


pangangalaga ng kapaligiran?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

3. Paano mo tutugunan ang panawagan sa dalawang huling


linya ng tula?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

4. Bakit mahalaga na mapanatili ang malinis, tahimik,at kaaya-


ayang kapaligiran?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

5. Kung ikaw ang itinalaga upang pangunahan ang agpapanatili


ng katahimikan at kalinisan ng inyong paaralan o lugar, ano
ang gagawin mong hakbang?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
________________________________________________

10
Suriin

Pag-aralan ang mga salita na nasa loob ng kahon. Isulat sa loob


ng bulaklak ang mga salita tungkol sa pagpapanatili ng kaaya-ayang
kapaligiran mula sa kahon. Sa labas ng bulaklak, isulat ang mga
salitang tumutukoy sa pagpapanatili ng hindi kaaya-ayang kapaligiran.
Isulat sa inyong papel o sa kwaderno ang mga sagot.

Walis halaman basurahan plastik basura disiplina pandilig


metro aid
Punongkahoy maayos na tindahan
mausok na sasakyan mabahong kanal
Malinis na kalsada malakas na tugtog
Pansinin ang mga salita na nasa loob at mga salita na nasa labas ng
bulaklak. Bumuo ng isang kaisipan tungkol sa iyong kasagutan.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

11
Pagyamanin

Panuto: Isulat sa isang papel o sa kwaderno ang mga


sagot.

Mapapanatili ko ang malinis at kaaya-ayang


kapaligiran
kung_______________________________
___________________________________
___________________________________

Upang mapanatili ang tahimik na kapaligiran


ako
ay___________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

Paano mo mapahalagahan ang malinis , tahimik at kaaya-ayang


kapaligiran?

12
Isaisip

Ang pamahalaan ay nagtatakda ng mga alituntunin sa


pagpapanatili ng tahimik, malinis,at kaaya-ayang kapaligiran. Sa
pamamagitan ng iba’t ibang programa, napangangalagaan nito ang
kapaligiran tulad ng sistema ng pangongolekta ng basura, pagtatalaga
ng mga pulis na tumitiyak sa katahimikan at kaayusan ng lugar, pulis
trapiko na nagsasaayos ng daloy-trapiko, at mga programa na
nangangalaga sa kalikasan. Nagtatakda rin ang local na pamahalaan
ng mga ordinansa sa oras ng paggamit ng videoke, maayos na
pangangalaga sa mga alagang hayop, pagbabawal ng paggamit ng
plastic, at tamang lugar na tawiran,babaan at sakayan. May mga
nakalaan ding pampublikong palikuran na maaaring magamit ng kahit
na sinong mamamayan.

May mga hakbang din na ginagawa ang paaralan upang


mapanatili ang kaayusan ng paligid nito. May mga basurahan na
matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng paaralan. Nagkakaroon din ng
mga kampanya para sa wastong pangangalaga ng kapaligiran.
Malaki ang kontribusyon ng malinis na kapaligiran sa pagkakaroon ng
malusog ng katawan at isipan ng mga mamamayan. Dahil dito ang
disiplina at pakikiisa ng mga tao sa lahat ng programang ipinapatupad
ay kailangan upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng
kapaligiran.

13
Isagawa

Gumawa ng action plan bilang paglahok ng OPLAN LINIS sa


paaralan. Ilahad ang mga hakbang ng pakikilahok. Ilagay ag inyong
mga sagot sa isang papel o sa kwaderno.

Layunin Pangalan ng Mga Dapat Kagamitan na


Proyekto gawin kinakailangan

Tayahin

Panuto: Sagutin sa pamamagitan ng pagpili sa mga salitang


nagpapakita ng katangian ng isang lugar tahimik , maayos, malinis
at isulat ang sagot sa patlang. Isulat sa isang papel o sa kwaderno
ang mga sagot.

__________1. Nakatulog nang mahimbing ang tatay.

__________2. Nagkaisa ang mga tao sa palengke;

__________3. Isinasauli kaagad sa tamang lalagyan ang mga aklat.

__________4. May disiplina ang mga tao kaya walang gulo na


nangyayari sa kanilang barangay.

__________5 Walang kalat ng dahon ang paligid ng kanilang bahay

14
Karagdagang Gawain

Magkolekta ng mga larawan ng kapaligiran na mayroong


larawan ng isang pamayanan na tahimik, malinis, maayos at kaaya-
ayang paligid na makikita sa mga lumang magazine. Gawin itong
collage ng kapaligiran.

15
Answer Key
Subukin
1.
2.
3.
4.
5.

Tayahin
1 tahimik
2. tahimik
3. maayos
4. tahimik
5. malinis

Mga Sanggunian:

16
Abac, F.E. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon

Amoyen, G.A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon

Antiquiera, J.M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon

Bringas, H.A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon.Kagawaran ng Edukasyon

Capati, G. R. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Caraan, MC. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaaran ng Edukasyon

Castillo, R.A. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Catapang, R.B. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon

Gonzales, I. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon

Gulapa, J.B. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Ortega, N. S. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

Pandino, M. D. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang


Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon

Reyes, A. M. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon.


Kagawaran ng Edukasyon

17
Soriano, P. R. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang
Edisyon.
Kagawaran ng Edukasyon

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615


18
19

You might also like