You are on page 1of 10

1

Pangalan: ___________________________________ Guro: ______________

Baitang at Seksyon: __________________________ Petsa: ______________

Kahalagahan ng Media
Aralin
Y Iba’t ibang Uri ng Panghahip Panao
5 Isinulat ni Mildred Lasdoce

Mga Inaasahan

Masayang umaga sa iyo!


Sa araling ito, ay pag-aaralan mo ang paggamit ng iba’t ibang uri ng
Panghalip Panao sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.

Inaasahan sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kasanayan:
1. Naibibigay ang kahalagahan ng media (hal. Pang-impormasyon, pang-aliw,
panghikayat. (F4PFI-e-2)

- Nasasagot ang mga tanong sa binasa tungkol sa kahalagahan ng media


- Naibibigay ang kahalagahan ng media

2. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip (panao) sa usapan at pagsasabi tungkol
sa sariling karanasan. (F4WG-If-j-3)

- Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip panao sa usapan


- Nakasusulat ng maikling talata tungkol sa sariling karanasan gamit ang iba’t
ibang uri ng panghalip panao

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang
unang gawain.

Paunang Pagsubok

Punan ng mga panghalip panao ang patlang upang mabuo ang pangungusap.
Isulat ang letra ng tamang sagot.

____1. Ako at si Aira ay magkaklase, _____ ay matalik na magkaibigan.


A. ikaw B. sila C. natin D. kami

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
2

____2. Sina Ben, Dan, at Tino ay mamamasyal sa parke upang doon_______ ay


magpapalipad nang saranggola.
A. tayo B. sila C. natin D. ikaw
____3. ____ raw ang kasama ko bukas sa Manila Zoo.
A. kayo B. ikaw C. siya D. kami
____4. Planuhin ____ lahat ang pamamasyal sa tabing dagat bukas.
A. ikaw B. natin C. kami D. tayo
____5. Mario, ___ ba ang maghahatid sa paliparan kay kuya Isko?
A. ikaw B. kami C. tayo D. sila
Para sa bilang 6-10
Basahin ang talata, humanap ng limang magkakaibang panghalip panao na
ginamit sa talata at bilugan ito.
Nong nagbalik ang kaniyang isipan sa bangka at sa mga kaibigan. Nakita niya
ang marahang paglubog sa tubig ng tsinelas na hindi na makukuha kailanman pagkat
ang bangka ay hindi niya maaaring ipahinto upang kunin lamang ang kaniyang isang
pang tsinelas. Sandaling nag-isip si Pepe at sa gitna ng pagtataka ng lahat ay kinuha
nito ang isa pang tsinelas at itinapon sa malapit sa kinalubugan ng isa. Ang mga
kaibigan ay nagkatinginan. Hindi nila malaman kung si Pepe’y galit o nanloloko.
“Bakit mo ginawa iyon?” tanong ng isa.
“Hindi ko na makukuha pa iyong nahulog sa tubig. Ang natira sa paa ko’y
walang kabuluhan. Ang isa ay walang kabuluhan kung walang kaparis,” tugon ni
Pepe.

Balik-tanaw

Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Magrehistro sa Relief Agad app - panawagan ng DSWD sa mga benipisyado ng SAP


2nd tranche

ni Lucia F. Broño inilathala noong June 4, 2020

LUNGSOD CALOOCAN, Hunyo 4 (PIA) –Nanawagan ang Department of Social Welfare


& Development sa mga benipisyado ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program
(SAP) na magrehistro sa Relief Agad app.

Ayon sa Kagawaran, sa 13.5 milyong tukoy na benipisyado ng SAP 2nd tranche, 2


milyon pa lang ang nakapagrehistro sa Relief Agad app.

Ang Relief Agad app ay isang smartphone application na dinevelop para sa mga
benepisyado ng SAP upang mapadali ang pagtanggap ng ayuda para sa second
tranche.

Ito’y naglalayon na mabawasan ang tsansa na paglabas at pagpila ng mga benepisaryo


nito lalo na ang mga matanda, buntis, at PWD.

Paalala lamang ng DSWD na mga benepisyado sa National Capital Region (NCR) pa


lamang muna ang kauna-unahang makagagamit ng app dahil nasa pilot testing pa ito.

Ipinauunawa ng DSWD na ang mga unang nakatanggap ng SAP cash assistance at


ang mga idinagdag sa listahan o yaong mga mahihirap na pamilyang hindi naisama sa

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
3

pamimigay ng unang tranche o “left-outs” ay kailangang magrehistro sa Relief Agad


app upang mapadali ang ebalwasyon at pamimigay ng ayuda.

Sa huling datos ng Kagawaran, mula nang inilunsad ang Relief Agad app sa DSWD
Virtual Presser noong ika-14 ng Mayo, 2 milyon pa lang mula sa 17 na rehiyon ang
nakapagrehistro.

Sa kabila ng isinagawang pilot run sa NCR at encoding ng mga SAC form ng mga Field
Offices ng DSWD, ang nakapagtala ng pinakamataas na rehistro ang CALABARZON na
may 1,094,332 naitalang rehistro, kasunod ang NCR na may 789,719 at Central
Luzon na may naitalang 103,413 rehistro.

Ayon sa Kagawaran, nananatiling hamon ang maabot lahat ng benipisyado ng 2nd


tranche sa mga tukoy na rehiyon tulad nang NCR, Rehiyon 3 (maliban sa lalawigan ng
Aurora, Rehiyon IV-A, lalawigan ng Benguet, Pangasinan, lalawigan ng Iloilo, lalawigan
ng Cebu at ang mga “left out families sa buong bansa.

Sa utos ng Pangulong Rodrigo Duterte, tutulong ang Philippine National Police (PNP) at
ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamahagi ng 2nd tranche ng SAP lalo
na sa malalayong lugar at mga lugar na may banta ng panganib.

Sa virtual presser noong Mayo 28, ipinahayag ni DSWD Secretary Rolando Bautista na
masusi na silang nakikipag-ugnayan sa mga naturang tanggapan ng pamahalaan
kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa maayos at
mabilis na pamamahagi.

Sagutin Mo.

1. Sino-sino ang mga benipisyado ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program


(SAP)? ______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga benipisyo ng Relief Agad Application para sa mga tatanggap ng
ayuda? _____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Paano makakatulong ang Developers Connect Philippines (DEVCON) at ang United
States Agency for International Aid (USAID) sa mga benipisyado ng 2nd tranche?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay, ginagawa ba ng gobyerno ang lahat para maibigay ang SAP sa
mga nangangailangan?______________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
5. Kung ikaw halimbawa ay isa sa tatanggap ng 2nd tranche, ano ang mga dapat mong
gawin upang masegurong matanggap mo ang benepisyong para sa iyo?_______________
_____________________________________________________________________________________

Pagpapakilala sa Aralin

Halika na at simulan natin.

Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa kahalagahan ng media. Malalaman mo


ang kahalagahan ng media sa buhay ng tao.

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
4

Ang Kahalagahan at Importansiya ng Mass Media sa Komunidad


Isinulat ni Mark Moner

Ang mass media sa kasalukuyang panahon ay mahalagang bahagi ng


pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad. Sinasabing ito ay makapangyarihang
sandata o “tool” ng komunikasyon. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa
pagpapalaganap ng mga impormasyon na kinakailangang maipaalam sa mga
mamamayan. Ang telebisyon radio, at internet ay mga halimbawa ng
makapangyarihang mass media. Ito ay “accessible” kahit sa maliliit na pamayanan sa
ating bansa.

Kapag may kalamidad, malaki ang ginagampanan ng mass media sa


pagpapakalat ng mga advisories o babala sa mga komunidad. Sa pagdating pa lang ng
nagbabadyang bagyo, halimbawa, naipapaalam na agad sa mga mamamayan ang mga
dapat gawin upang makaiwas sa sakuna. Ang pagbibigay ayuda sa mga nasalanta ay
nabibigyan din ng mass media ng tulong. Upang malaman ng gobyerno ang kalagayan
ng mga biktima. Maging ang paghingi ng mga donasyon ng relief o tulong sa mga
pribadong mamamayan ay dinadaan sa mass media. Dahil dito, kahit ang mga liblib
na lugar sa Pilipinas ay nagkakaroon ng pagkakataong maabutan ng mga ayuda. Ang
pang araw-araw na pamumuhay, nabibigyan ng mass media ng tuwa o
“entertainment” ang mga tao sa isang komunidad. Katulad na lamang nang mga
panooring pangtanghali o sa gabi man. Ang mga balita sa ating bansa ay
naipapalaganap din sa pamamagitan ng mga telebisyon, radio, at internet. Sa mass
media, nalalaman ng bawa’t isa kung ano o “in” o “trending” na nakakatulong sa mga
negosyo sa mga komunidad. Ang patalastas o mga “advertisement” tungkol sa
makabagong produkto ay idinadaan din sa mass media. Kung kaya’t ang mass media
ay sinasabing “powerful tool” para sa kasalukuyang panahon ng komersyalismo.

Batay sa binasang teksto sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang kabutihang dulot sa iyo ng mass media?
__________________________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan nakakatulong sa atin ang mass media?
___________________________________________________________________________________
3. Paano nakatutulong ang media sa komersiyalismo ng bansa?
____________________________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mahahalagang impormasyon ang maaring maibigay ng media?
____________________________________________________________________________________
5. Bilang isang mag-aaral paano makatutulong sa iyo ang social media?
____________________________________________________________________________________

Narito ang mga dahilan kung bakit mahalaga ang media sa edukasyon:

1. Nagtuturo ito kung paano mapatunayan ang impormasyon at makilala ang iba
pang mga pananaw.
▪ Nagtuturo ito kung paano magsuri ng may kredibilidad ang impormasyon.
Halimbawa kung totoo ba ang ipinapakita ng litrato sa iyo o nagsasaad ba ang
artikulo sa sinasabi ng partikular na tao.
2. Hinihikayat nito ang kritikal na pag-iisip.
▪ Sa pag-iisip na kritikal, makikita natin kung walang kabuluhan ang
impormasyon na nakikita natin.
3. Hinihikayat din nito na magpapakita ng iba pang mga pinagkukunan na media na
responsable.
▪ Ang pagiging malaya sa pagli-like, pagkokoment, o pagbabahagi ng mga
impormasyon online ay mayroon ding panganib. Kaya mag-ingat tayo sa
pagbabahagi ng mga impormasyon na pinagkukunan natin.
4. Nagsasaad ito sa mga mambabasa kung paano nito maapektuhan ang kultura
natin.

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
5

Ang media ay may kakayahan na mag-endorso ng ating kultura sa iba’t ibang



paraan.
5. Nakatutulong ito sa atin na matukoy at makilala ang mga planong
pangkomunikasyon at pangkalakalan.
▪ Halimbawa nito ay ang mga nakikita natin mga kasabihang pangganyak na
nila-like natin at ibinabahagi sa Facebook

Balikan mo ang teksto at itala mo sa graphic organizer ang mga kahalagahan ng


media (5 puntos).

“Ang Kahalagahan at Importansiya ng Mass Media sa Komunidad”

Ngayon ay naunawaan mo na ang kahalagahan ng media, pag-aaralan mo


naman ang paggamit ng iba’t ibang uri ng panghalip panao sa usapan at pagsasabi
tungkol sa sariling karanasan.

Isa sa mga aralin na tinatalakay sa elementarya ay ang mga bahagi ng


pananalita. Ito ay sa ilalim ng asignaturang Filipino. Mayroon tayong walong (8)
bahagi ng pananalita.

Isa sa mga bahagi ng pananalita ay ang panghalip o sa Ingles ay pronoun. Ito


ay ginagamit panghalili or pamalit sa ngalan ng tao, bagay, pook, o pangyayari.
Maraming uri ang panghalip, isa na rito ang panghalip panao.

Ang panghalip panao ay inihahalili sa pangalan ng tao. Nahahati sa anyong


ang, ng at sa ang ganitong panghalip.

May panauhan din ang panghalip panao. Malalaman sa pamamagitan ng


panauhan kung nag panghalip ay tumutukoy sa taong nagsasalita (unang panauhan),
sa taong kinakausap (ikalawang panauhan), o sa taong pinag-uusapan (ikatlong
panauhan). Tingnan ang tsart sa kasunod na bahagi.

Panauhan Anyong ang Anyong ng Anyong sa


Una ako ko akin
kita, kata natin atin
kami, tayo naming amin
Ikalawa ikaw, ka mo iyo
kayo ninyo inyo
Ikatlo iya niya kaniya
sila nila kanila

Kapag tayo ay nakikipag-usap madalas tayong gumagamit ng mga panghalip


panao. Gayundin kung tayo ay nagsasabi ng ating sariling karanasan ginagamit natin
ito upang hindi natin babanggitin ng paulit-ulit ang ngalan ng tao na ating tinutukoy.

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
6

Annie, mabuti at nagkita


tayo. Balita ko ay umuwi na
kayo sa inyong probinsya sa
Bicol.

Maaari mo bang banggitin ang mga panghalip na ginamit sa usapan. Tama! Sa


unang pahayag ay gumamit ng mga panghalip na tayo, ko, kayo, at inyo. At sa
pangalawa naman ay gumamit ng panghalip na atin.

Inaasahan ko na maliwanag na sa iyo ang ating aralin. Ngayon ay dumako na


tayo sa mga gawain. Kayang-kaya mo itong gawin!

Mga Gawain
Gawain 1.1 Basahin ang teksto sa ibaba at itala ang lahat ng panghalip panao na
ginamit sa pangungusap sa loob ng uod.

Sa panahon ngayon, hindi na bago sa atin ang katotohanang malaki ang


naiaambag nang social media sa lahat lalo na sa pagpapauunlad ng anumang aspeto
ng buhay ng isang tao.

Ayon sa depinisyon ng Google, Ang Social Media ay tumutukoy sa sistema ng


pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi, at
nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga
network.

Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga


aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng mga nilalaman na binubuo ng
gumagamit. Hindi katulad sa mga textbook na hahanapin natin pa sa mga iba’t ibang
libro para lang mahanap ang mga impormasyon na angkop sa iyong hinahanap pero
kung ating susumahin mas maganda pa rin ang paghahanap sa libro.

Malaya man tayo sa pagbibigay ng sariling opinion at mas naibabahagi sa buong


mundo nararapat pa rin na malaman ng bawat isa ang tamang paggamit ng mga sites
at ang kahalagahan nito.

Gawain 1.2 Hanapin at bilugan ang sampung ( 10 ) panghalip panao sa puzzle

N I L A A K A N T N

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
7

I N K A Y O T k A I

Y Y K A M I I O Y Y

O O S I L A M N O A

1. ___________________________ 6. __________________________
2. ___________________________ 7. __________________________
3. ___________________________ 8. __________________________
4. ___________________________ 9. __________________________
5. ___________________________ 10. _________________________

Gawain 1.3 Basahin mo ang tula. Lagyan ng usapan ang komiks style sa ibaba. Gamit
ang mga panghalip panao na makikita sa tula.
Pamilya

Lubos na kasiyahan ang aking nararamdaman


Kapag nakikita kong masaya ang aking angkan
Di mapapantayan ng kung ano-ano pa man
Kaya’t pamilya dapat ay pahalagahan.
Aanhin mo pa ang dami ng yaman
Kung pamilya mo ay sobrang gulo naman
Di nagkakaintindihan at laging nagbabangayan
Konting bagay na dapat sana mauwi nalang sa pagtutulungan
Kaya’t kung lahat ay pagmamahalan ang pinaiiral
At ang bawat isa ay mamuhay ng marangal
Ikaw, ako, sila, tayo ay dapat na magtulungan para ating ikararangal.

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
8

Tandaan

Malaki ang papel na ginagampanan ng media upang


maghatid ng impormasyong totoo, mahalaga at kapaki-
pakinabang sa mamamayan. Hindi mapasusubalian ang ambag
ng media sa pagpapaunlad ng ating kultura.

Ang Panghalip na Panao ay ginagamit na panghalili sa


ngalan ng tao sa Ingles ito ay tinatawag na personal pronoun.

Para sa isahan: ako, ikaw, siya, ko, mo


Maramihan: sila, kayo, tayo, kami

Pag-alam sa Natutuhan

Gumawa ng dayalogo tungkol sa social media gamit ang panghalip panao.

https://www.freepik.com/free-vector/flat-design-group-therapy-illustration_10104739.htm

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
9

Pangwakas na Pagsusulit
Punan ang patlang ng mga panghalip. Piliin sa loob ng kahon ang wastong
panghalip panao sa bawat pangungusap.

ako kanilang tayo

nila siya ko

kami sila

niya kayo
Anna Cruz ang pangalan ko. (1) ___ ay nasa ikaapat na baitang. Sina Mae,
Levee, at Crisa ang matatalik na kaibigan ko. (2) ___ ang aking mga kamag-aral.
Tuwing uwian pumupunta (3) ___ sa parke upang maglaro.

Isang araw naisipan naming pumunta sa Luneta habang nagpapahinga sa


ilalim ng puno, may dalawang babae ang nag-alok ng (4) ______ panindang tinapay.
Sabi (5)____ ito po ang tinda naming tinapay baka gusto ninyong tikman .

Nagpakilala (6) ______kaya nalaman ko ang pangalan ng batang kasama ay ang


( 7 )____ ay kaniyang anak na si Sara.

Habang umiinom si Sara ay biglang ( 8 )_____ natabing ang kaniyang kamay .

( 9)____ ba ay madalas na pumasyal dito, ilang minuto na lang at palubong na ang


araw at malapit na pa lang gumabi, oras na para umuwi ( 10 ) ____ sa tahanan,”
sabi ni Aling Carmina.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawain ibinigay. Patuloy mo pang palawakin


ang iyong kaalaman.

Pagninilay

Isulat ang iyong karanasan sa nangyaring quarantine kasama ang iyong


pamilya. Salungguhitan ang mga panghalip panao na ginamit sa talata . Sundin
at gawing gabay ang mga sumusunod na pamantayan.

1. Ang paglalahad ay binubuo ng limang talata lamang.


2. Inilalarawan ang mga mahahalagang pangyayari at aral na natutuhan mo sa
panahon ng pandemic.
3. Maayos at wasto ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
4. Sikaping magamit ang mga natutuhang panghalip panao.
Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa mga sumusunod:

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo
10

4 - Napakahusay 2 - Katamtaman
3 - Mahusay 1- Dapat paunlarin

Magaling napagtagumpayan mo ang mga pagsusulit. Binabati kita sapagkat


ipinakita mo ang pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong bahagi sa modyul na ito
na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka sa iyong guro.

Modyul sa Filipino 4
Unang Markahan: Ikalimang Linggo

You might also like