You are on page 1of 17

Senior High School

Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang Akademik
Kuwarter 2 – Modyul 9:
Posisyong Papel

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Filipino – Ikalabing-dalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 -Modyul 9: Posisyong Papel
Unang Edisyon 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.Gayunman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang mga hiniram na materyales ( awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon.Pinagsikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng mga materyales o mga kagamitang pampagtuturo na nasa online o sa mga aklat
at iba pa . Hindi inangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatangpagmamay-ari ng mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Dibisiyon ng Cagayan de Oro


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dr. Cherry Mae L. Limbaco, CESO V
Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: Daisy S. Sabidor
Mga Tagasuri: Anita M. Gomez, PSDS
Maria Dulce Cuerquiz, MT
Mga Tagaguhit at Nag-layout : Mr. Ryan Roa, Ms. Mary Sieras, Mr. Allan Guibone at
Mrs. Alma Sheila Alorro
Mga Tagapangasiwa
Tagapangulo: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Panrehiyong Direktor
Pangalawang Tagapangulo: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
Pumapangalawang Panrehiyong Direktor
Cherry Mae L. Limbaco, PhD, CESO V
Tagapamanihala
Alicia E. Anghay, PhD, CESE
Pumapangalawang Tagapamanihala
Mala Epra B. Magnaong, Hepe ES, CLMD
Mga Miyembro: Lorebina C. Carrasco, OIC-CID Chief
Sol P. Aceron, Ph.D, EPS-Filipino
Brenda P. Galarpe,SSP- 1
Marisa D. Cayetuna,P-1
Aniceta T. Batallones, MAFIL
Leonor C. Reyes,MAEDFIL
Joel D. Potane, LRMS Manager
Lanie O. Signo, Librarian II
Gemma Pajayon, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Cagayan de Oro
Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
Telephone Nos.: (08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph
Senior High School

Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larang
Akademik
Kuwarter 2 - Modyul 9:
Posisyong Papel

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan.
Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag- email ng inyong mga puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa depeddivofcdo@gmail.com
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


ARALIN
Katuturan, Layunin at
1 Kahalagahan ng Pagsulat
Baitang : 12 Markahan : Una
Panahong Igugugol : Unang Linggo

Alamin

1. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamitng wika


sa pagsulat ng larawang sanaysay. (CS_FA12WG-0p-r-93)

Alam mo ba na isa sa kasanayan na dapat mahubog ng mga


kabataan ay ang kakayahang magkaroon ng paninindigan sa isang
prinsipyo na nagtataglay ng katotohanan? Ang pangangatuwiran ay isang
desisyon batay sa isang matibay na ebidensiya na naglalayung
mapatunayan ang isang paksa upang makahikayat o makumbensi.

Subukin

Gawain 1
Panuto: Sagutin ng TAMA o MALI angmga pahayag tungkol sa pagsulat.

______ 1. Ang isang argumento ay pakikipag-away sa iyong katunggali.


______ 2. Kailangan ng isang matibay na ebidensiya upang maging obhetibo sa
pangangatuwiran.
______ 3. Nararapat lang na panindigan ang isang prinsipyo lalo na kung ito ay
pawang katotohanan.
______ 4. Ang pangangatuwiran ay maaaring nakabatay sa ating damdamin na wala
sa awtoridad.
______ 5. Maaaring gamitin ang isang opinion bilang isang matibay na ebidensiya
lalo na kung ito ay galing sa awtoridad o sa pamahalaan lalo na sa mga
kilalang tao na may sapat na kaalaman kaugnay sa paksa.

1
Balikan

Babalikan ang nakaraang aralin na natalakay na sa klase hinggil sa lakbay-sanaysay.

Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Sa iyong naintindihan sa klase sa nakaraang


leksyon, ano ang lakbay sanaysay?
____________________________________________
____________________________________________
________________________________

2. Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng


lakbay sanaysay?
____________________________________________
____________________________________________
________________________________

3. Mahalaga ba ito sa ating pag-aaral?


____________________________________________
____________________________________________
________________________________

Tuklasin

Gawain 3
Panuto: Batay sa napapanahong isyu sa ibaba, bigyan ito ng sariling opinyon. Pumili
kung sang-ayon ka ba o di sang-ayon sa isyung ibinigay.

ISYU: Pagpapatupad ng K-12 kurikulum sa Deped.

Sang-ayon Pagpapaliwanag:

Di Sang-ayon Pagpapaliwanag:

2
Suriin

Posisyong Papel

Ang posisyong papel ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga


matitibay na katwiran ukol sa pinapanigang isyu. Kagaya ng isang debate,
naghihikayat itong maipaglaban ang pinapaniwalaang tama. Ang pangangatwiran ang
isang uri ng panghihikayat na naglalayong pumanig sa opinyon manunulat. Sa bawat
argumento ginagamitan ito ng mga matitibay na ebidensya mula sa pinagkakatiwaang
datos. Mahirap paniwalaan ang isang isyu kung walang pinagbabatayang ebidensya.
Ang mga ebidensya ay maaaring kunin sa obserbasyon, mga pahayag mula sa
awtoridad (pulis, abogado, dalubhasa, doctor o propesor, atbp) upang maipakita na
makakatohanan ng ipinaglalabang isyu.

Sa bawat paglalahad ng argumento mahalagang madepensahan ito upang


mapatunayang mali o di kapanipaniwala ang mga binabatong isyu. Mas makatotohan
ang pinapanigang isyu kung may tatlo o higit pang matitibay na ebidensya na
magpapatunay.

Nauuri sa dalawa ang mga ebidensyang magagamit sa pangangatwiran ayon


kina Constantino at Zafra, (1997) sinipi mula sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc,
(2016).
1. Mga katunayan (facts) - nakabatay ito sa makakatotohanang ideya mula sa
mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan at nadama. Maaarin gumamit ng mga
taong nakasaksi o mga nakaranas ng pangyayari ngunit siguruduhin ang mga
testimonya ay mapagkakatiwalaan. Ang mga datos ay hindi ibig sabihin
pangmatagalan na ebidensya maari itong magbago depende sa mga bagong
tukas na datos.
2. Mga opinyon- nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling
pananaw. Hindi ito makatotohan sapagkat nakabatay lamang ito sa sariling
pagsusuri o judgement. Maaaring gamiting itong ebidensya pero kinakailangan
ang mga opinyon ay nanggaling sa mga taong may awtoridad o mga kilalang tao
sa lipunan kagaya ng mga iskolar, propesyunal, politiko at siyentipiko.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel


Sa pagsulat ng posisyong papel, mahalagang pag-ukulang pansin ang
ibabahaging paksa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat ng
posisyong papel upang matulungan na makumbinsi ang mambabasa ng panigan ang
nasabing isyu.

Narito ang mga hakbang dapat taglayin sa pagsulat ng posisyong papel mula

3
sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016).

1. Pumili ng paksa na malapit sa iyong puso.


2. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa.
3. Bumuo ng thesis statement o pahayag ng tesis.
4. Subukin ang katibayan o kalakasan ng iyong pahayag ng tesis o posisyon.
5. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensya.
6. Buoing ang balangkas ng posisyong papel.

Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Sa pagbuo ng balangkas kailangan masunod ang pormat sa pagsulat ng posisyong papel.


1. Panimula
Sa pagsulat pa lamang ng simula kailangan mailahad na ng maayos ang paksa
at ang katwiran ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga
mambabasa na pumanig sa nasabing posisyon. Kapag sa simula ay maipakita
ang kahinaan ng argumento mas madali makukumbinsi ang mambabasa na
paniwalaan ang posisyon.
2. Katawan (Lohikal pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga ebidensya) –
Sa pagsulat ng katawan mahalaga ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng
mga argumento at mga ebidensya. Sa bawat argumento, mahalagang
mapatunayan na mali o walang katotohanan ang binabato o mga argumentong
tumutol sa iyong tesis. Sa bawat paglalahad ng pangangatwiran bigyan ito ng mga
matitibay na mga batayan mula sa mga pinagkakatiwalaang datos upang
maipakita na makatotohanan ang iyong posiyong pinaglalaban. Mas higit na
kapanipaniwala kapag may tatlo o higit pang matitibay na mga ebidensya na
gagamitin para madepensahan ang pinapanigang posisyon.
3. Kongklusyon
Sa kongklusyon, ilahad muli ang argumento at ang talakayin ang magiging
implikasyon nito.
Bawat isa ay may mga kanya-kanyang opinyon sa bawat isyu. May mga sang-
ayon at may mga di-sang-ayon sa isyu. Ang posisyon ng bawat indibidwal ay
makakatulong upang magkaroon ng kamalayan sa pangyayari sa ating lipunan.
Nariyan ang isyu ng pagtanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad. Anong
Paninindigan mo tungkol sa nasabing isyu? Sang-ayon ka ba o di ka sang-ayon?
Kapag nagsusulat ng posisyong papel, sa umpisa pa lamang ay
inilalahad na nag malinaw na komposisyon ng pagtututol. Dapat isa- isahin
ang malilinaw na batayan sa simpleng paraan at maiintindihan ng
karaniwang tao. Dapat isaalang-alang ang kultura ng bayang sinilangan sa
pagsulat ng posisyon. Isa sa layunin ng Posisyong papel ay manghikayat.

4
Pagyamanin

Gawain 4.1
Panuto 1: Basahin ang Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil
sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad.
Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa
Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG


PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA
GURO NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of


2013

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga
Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan
ng Talino at Kagalingan

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na


Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang
Memorandum Order Blg. 20 na may petsang hunyo 28 serye 2013. Bagaman
sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang
mga asignaturang binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive
Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid
namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles
sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi
pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkinin lamang ito ng
mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang
Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive Communication sa
Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa
Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang
mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito.
Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV,
itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung susuriing
mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng
Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil
nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito:
5
"General education enables the Filipino to find and locate her/himself in the
community and the world, take pride in and hopefully assert her/his identity and
sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As life
becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and
addressing social problems in the general education program increasingly
become more pressing." Hindi ba't ang asignaturang Filipino ang pangunahing
tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad? apagkat ang mga
asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa
kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng
mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na
makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa
pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan
at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mga
asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan
ng malaking puwang na kung tutuusi'y hindi naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na tinaguriang "largest state university in
the country" na binubuo ng humigit kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na
nagmula sa iba't ibang panig ng bansa katuwang ang iba pang mga
organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang
asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.

Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang
Filipino sa kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na
magiging pundasyon nito. hindi ba't paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin
ang asignaturang Filipino ng technical panel ng pangkalahatang edukasyon ng
CHED na binuo lamang ng iilang mga tao na at walang malinaw na konsultasyong
isinagawa. Samantalang sa maraming unibersidad sa labas ng ating bansa ay
pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii at University of
Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University sa Japan, St. Petersburg
University at University of Moscow sa Russia.

Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng


Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika,
pangliteratura, pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik at
pagdarao ng mga kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang
larangan. Taong 2013 nang hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng
Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino, bago pa ito,
natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered Colleges and
Universities in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon
(Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang programang
AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF) ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino.

6
Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa
Filipino sa bansa ay kabilang sa Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit,
ang lakas at pagsisikap ng mga Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa
PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa bagong kurikulum na binalangkas ng
CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at malinaw na puwang ang
disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino kung hindi
tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't
muli naming igigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na
nakasaad sa Kontitusyon ng Pilipinas.

Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad


at pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang
Filipino sa kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang
Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa
Wikang Filipino na may temang "Mga Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-aalis
ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang Magiging Kalagayan ng mga Guro sa
Filipino sa Hamon ng Programang K-12" kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng
Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang Komisyon
para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro, mga mag-
aaral, at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino.

Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito
ng mga mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't
ibang mga unibersidad at kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na
asignaturang Filipino sa Kolehiyo.

Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng


CHED ang malinaw na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na gagawa ng malaking hakbang ang
pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa pangunguna ng
Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino
sa kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito,


umiiral at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga
Pilipino ang kusang tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-
tangi ang tatag nito dahil ito ang identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang
pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung ihihiwalay sa mga mag-aaral ng
kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang Filipino, tinanggal natin
ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon ang
identidad mo!

Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.

SANGGUNIAN:
https://www.facebook.com/notes/kirt-john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-
ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal- ng/727134210658842/

7
Gawain 4.2
Panuto 2: Suriin ang nilalaman ng binasang Posisyong Papel ng Kagawaran ng
Filipinolohiya ng PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad at ibigay ang mga sumusunod:

Pamagat: Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggil sa


Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

Pangunahing posisyong:

Argumento 1:

Ebidensya 1:

Ebidensya 2:

Argumento 2:

Ebidensya 1:

Ebidensya 2:

Aksyon kaugnay ng isyu:

Isaisip

Gawain 5
Panuto: Inaasahang masasagot ang mga tanong tungkol sa binasang posiyong papel
tungkol sa isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad. Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

1. Tungkol saan ang binasang posisyong papel?

2. Ano ang pangunahing layunin nito?

3. Napatibay ba ang mga ebidensyang inihain sa


argumento? Ipaliwanag ang iyong sagot.

4. Naging kongkreto ba ang aksyon sa ginawang

8
kongklusyon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

5. Sang-ayon ka ba isyung Pagtatanggal ng Filipino sa


mga Kolehiyo at Unibersidad? Ipaliwanag ang iyong
sagot.

6. Bakit mahalaga ang iyong paninindigan tungkol sa


isyung Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at
Unibersidad? Ipaliwanag ang sagot.

Isagawa

Gawain 6
Panuto: Magsaliksik ng mainit na isyu sa ating kasalukuyang panahon. Isulat sa
talahanayan sa unang hanay. Pagkatapos maghanap ng sampung makakapanayam
para kunin ang kanilang sagot kung pabor ba sila o di-pabor sa isyu at ano ang
dahilan.

Mga Sagot
Isyu Dahilan
Pabor di-pabor
1.
2.

3.
4.

5.

Tayahin

Gawain 7
Bago magtapos ang paglalakbay mo sa modyul na ito, susukatin muna natin
kung lubos mo bang naunawaan ang paksang tinalakay.

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Isulat ang TAMA kung wasto ang
ipinahahayag ng mga pangungusap; kung hindi naman, isulat ang MALI.
___ 1. Popular ang nakalarawang sanaysay sapagkat hindi ito katulad ng
tradisyunal na sanaysay ay naglalahad na kaisipan o ideya gamit ang mga

9
salita lamang.
___ 2. Sa pagsusulat ng nakalarawang sanaysay at lakbay sanaysay, hindi
kinakailangang taglayin ng mananalaysay/manlalakbay ang katangian ng
isang mananaliksik.
___ 3. Ang mga iba’t ibang uri ng sanaysay tulad ng nakalarawang sanaysay ay
hindi lamang humahasa sa pananaliksik, pagbuo ng matibay na argumento,
kundi ito ay naghahasa rin sa pagkamalikhain ng mag-aaral.
___ 4. Hindi mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng larawan upang mabisa
itong makapaglahad ng kwento sapagkat sa paraang kaakit- akit at lohikal
ay mas madali makuha ang impormasyong hatid nito.
___ 5. Mabisang kagamitan ng isang mananaysay ang kaniyang dyornal o
kwaderno upang itala dito ang mga nakikita, naririnig, naaamoy o anumang
obserbasyon sa isang lugar.
___ 6. Kailangang mapatunayang tama ang counterargument na nailahad.
___ 7. Sinusuportahan ng mga matitibay na ebidensya ang akademikong sulatin.
___ 8. Ang iyong posisyon o stand tungkol sa isyu ay mababasa sa kongklusyon.
___ 9. Mapagkakatiwalaan ang mga testimonyang nakabatay sa nakita, narinig,
naamoy at nadama.
___ 10. Ang mga ebidensya ay mula sa obserbasyon, mga pahayag ng awtoridad
(pulis, abogado, doctor, atbp.).

Karagdagang Gawain

Gawain 8.1
Panuto: Gamit ang Venn diagram, ihambing at ihalintulad ang Nakalarawang
Sanaysay at Lakbay-Sanaysay.

Lakbay
Nakalarawang Sanaysay
Sanaysay

10
Gawain 8.2
Panuto: Pumili ng isang napapanahong paksa at gawan ng posisyong papel. Dapat
lagyan ng kawili-wiling introduksyon, lohikal na pagkakasunod-sunod na argumento,
mga ebidensya at pagtalakay sa implikasyon bilang kongklusyon.

GABAY SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL

PAMANTAYAN PUNTOS
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng
5
posisyong papel.
Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- paniwalang sulatin
5
na posisyong papel.
Nakakasulat ng posisyong papel batay sa maingat, wasto, at angkop
5
na paggamit ng wika.
Nakabatay sa pananaliksik at matitibay na ebidensya ang posisyong
5
papel na nabuo.
KABUUAN 20
sinipi sa aklat nina Baisan-Julian at Lontoc, (2016)

Sa wakas ay natapos mo rin ang aralin na ito. Napakahusay mo na!


Binabati kita sapagkat na dagdagan mo na naman ang iyong kaalaman. Sana
magamit mo ito bilang instrumento sa pag-abot ng iyong tagumpay.

11
Susi sa Pagwawasto

12
SANGGUNIAN:

Aklat:
Baisa-Julian, A. at Lantoc, N. (2016). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang (Akdemiks). Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.

Dela Cruz, M.A. (2016). Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik. Makati City,
Philippines: DIWA Textbooks

Evasco, E., & Ortiz, W. (2017). Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling


Larangan (Akademik). Quezon City: C & E Publishing Inc.

Internet:

https://www.slideshare.net/ https://http543. Wordpress.com/2016/10/17/lakbay-


sanaysay-baguio-trip/ accessed on January 18, 2018.

http://depedvalenzuela.ph/ als-secondary-module-6/

https://unsplash.com

Aklat

Julian A.B. at N.S. Lantoc (2017). Pinagyamang Pluma: Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larang (Akademik). Quezon City, Quezon City, Phoenix Publishing House Inc.

Pamela, C.C. at G.S. Zafra (2017). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Manila
Philippines: Rex Bookstore Publishing House Inc.

Internet

https://pinoymovieshub.co/movies/anak-2000/

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Division of Cagayan de Oro City


Office Address: Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang,
Cagayan de Oro 9000
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

14

You might also like