You are on page 1of 19

Filipino

Pagsulat sa Filipino sa Piling


Larang – Akademik
Ikalawang Markahan–Modyul 1:
Posisyong Papel
Filipino – Ika-12 Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Posisyong Papel
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Evelyn R. Fetalvero


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jesyl F. Avanceña
Editor: Marlyn A. Publico
Tagasuri: Vicente Pines, Ana Lorma A. Dahiroc
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Dee D. Silva
Mary Jeanne B. Aldeguer Eduard C. Amoguis
Analiza C. Almazan Ernie M. Aguan/Marilyn E. Sumicad
Ma. Cielo D. Estrada Lourdes Navarro
Mary Jane M. Mejorada Marlyn A. Publico

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Davao del Norte

Office Address: DepEd Building, Provincial Government Center, Mankilam, Tagum City,
Davao del Norte, Region XI, 8100
Telefax: (084) 216 0188
E-mail Address: depeddavnor.lrms@deped.gov.ph
Filipino
Pagsulat sa
Filipino sa Piling
Larang
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Posisyong Papel
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto.
Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Ang kasalukuyang sitwasyon ang nagtulak sa bawat isa na magbigay
ng kani-kaniyang opinyon. Bawat opinyon ay mahalaga. Bawat kuro
ay nag-uudyok sa bawat isa na mag-isip at magparinig din ng kanilang
opinyon. Bawat indibidwal ay may sariling posisyon hinggil sa kasalukuyang
pangyayari.
Ang araling ito ay isang malaking tulong upang mahahasa ang
karunungang taglay sa pagpapahayag ng sariling ideya tungkol sa mga
nangyayari sa kanilang paligid. Ito ay daan upang maibibigay ang sariling
posisyon tungkol sa isang bagay o pangyayari sa paligid at sa kasalukuyan.

Sundan lamang ang sumunod na kasanayang pampagkatuto upang


magagabayan sa paglalahad ng sariling kuro.

Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko (CS_FA11/12PB-


0m-o-102).

Upang magiging lubos ang pag-unawa sa araling pag-aaralan, sundan


ang sumusunod na mga layunin ng pagkatuto:

 Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbubuo ng posisyong papel.


 Nakapagpapahayag ng sariling paninindigan batay sa isang
sitwasyon.
 Nasusuri ang nilalamang napapaloob sa isang posisyong papel.

Subukin Natin

Halina’t subuking sagutin ang isang katanungan hinggil sa paksang


tatalakayin:

Panuto: Bago tingnan ang napapaloob sa modyul na ito ay subukin munang


palawakin ang sumusunod na mga salita na may kaugnayan sa paksang
tatalakayin. Gamitin ito sa pangungusap o di kaya’y sa isang pahayag.

1. opinyon
2. panig o posisyon
3. reaksiyon

1
Aralin Natin

Araw-araw ginugulo tayo ng iba’t ibang isyu na siyang dahilan ng


minsang hindi natin pagkakasundo. Sa labanan sa pagitan ng dalawang
magkaibang pagpipilian – mabuti man o masama, kanan o kaliwa, pataas o
pababa – ay siyang maghihila sa atin upang tayo’y magkakaroon ng
paninindigan.
Ayon kay Gabelo (2017), ang posisyong papel ay isang teknikal na papel
na nagpapahiwatig ng matibay na paninindigan o pahayag tungkol sa isang
kilalang isyu.
Ang sulating ito ay nagpapahayag ng tiyak na paninindigan ng isang
indibidwal o grupo tungkol sa isang makabuluhan at napapanahong isyu.
Naglalaman din ito ng mga katuwiran o ebidensiya para suportahan ang
paninindigan. Bukod sa paninindigan at mga katuwiran ng sumulat,
mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga katuwiran na kasalungat o
katunggaling panig.
Ayon naman kay Tucker, et. al, ang posisyong papel ay isang salaysay na
naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng
may-akda o ng nakatukoy sa kaniyang identidad, gaya ng isang partidong
politikal. Nilalathala ang mga posiyong papel sa akademya, sa politika, batas at
iba pang kaugnay nito.
Para naman kay Guilford, ito’y naglalayong mapatunayan ang isang
punto. Kagaya na lamang ng isang panukala na naglalayong manghimok ng
mambabasa o ng isang taong kinauukulan nito. Tunguhin nitong
magtataguyod ng isang punto o posisyon sa anyo ng pagkakaiba ng palagay
kasama ng kilalang argumento, pagpapabulaanan ng isang katuwiran, isang
pagpapakilala sa magkaparehong bahagi ng isang isyu na may konklusyon na
pumapanig sa ibang dako nito.

Mga Elemento ng Posisyong Papel

Pahayag Pagkilala sa Kahulugan ng


ng tanong mga isyu at mga termino
Pahayag ng
sa mga punto (kung
o dahilan Posisyon na kinakailangan)
na
pagtatalunan
kailangan
Pigura 7.1 “Mga Elemento ng Posisyong Papel”
Nerissa C. Gabelo, Academic writing: writing across disciplines, p.315

2
Narito ang mga hakbang na makatutulong upang lubusang
mabubuo ang isang posisyong papel.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

1. Tiyakin ang paksa

Dalawang paraan sa pagbuo ng paksa

Maaaring Maaaring tugon sa


reaksiyon tungkol isang suliraning
sa isang isyu panlipunan

Hal. Legalisasyon Hal. Pagbabalik ng


ng Marijuana Death Penalty

Pigura 7.2 “Paraan sa Pagbuo ng Paksa”

2. Gumawa ng panimulang saliksik

Sa hakbang na ito, maaaring magbabasa ng diyaryo o magtanong


ng opinyon sa mga taong may awtoridad sa paksa para mapalalim
ang pag-unawa sa usapin. Sikaping magiging bukas muna ang isip
para makabubuo ng matalino at makatuwirang posisyon.

3. Bumuo ng posisyon o paninindigan batay sa inihahanay na mga


katuwiran
Maglista ng mga argumento at katuwiran sa magkaibang panig
upang matimbang ang dalawang posisyon. Mas makabubuting isulat
sa papel ang mga katuwiran sa dalawang hanay para magkaroon ng
biswal na representasyon ng mga ito.

4. Gumawa ng mas malalim na saliksik


Matapos matiyak ang sariling paninindigan sa isyu, maaaring
magsasagawa ng mas malawakan at malalimang saliksik tungkol sa
usapin. Maaaring sumangguni sa mga aklat at akademikong journal.
Maaring makikipanayam sa mga taong may awtoridad sa paksang
pinagtatalunan. Mahalaga ring gumamit ng mga ulat ng mga
ahensiya ng pamahalaan, pahayagan, at magasin upang
makapagtatampok ng mga napapanahong mga datos at
impormasyon.

3
5. Bumuo ng Balangkas
Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Introduksyon Mga katuwiran ng Mga sariling Mga pansuporta sa


kabilang panig katuwiran sariling katuwiran
Ipinakilala ang
paksa. Dito rin Ipaliwanag nang Isa-isang ihahanay Dito maaaring
ang konteksto ng bahagya ang bawat rito ang sariling palawigin ang mga
usapin. Maaari katuwiran. katuwiran. Sikaping paliwanag sa sariling
ding babanggitin Banggitin din ang may katapat na mga katuwiran.
sanggunian o
ang katuwiran ang Maaaring maglagay
pinagkunan ng
pangkalahatang bawat isa sa ng karagdagang
katuwiran- mga
usapin tungkol sa dokumento. kabilang panig. ebidensya.
paksa.

Pigura 7.3 “Balangkas sa Pagsulat ng Posisyong Papel”

6. Sulatin ang posisyong papel

Kung may malinaw na balangkas, madali nang maisusulat ang


posisyong papel. Kailangang buo ang tiwala sa paninindigan at katuwiran.
Patunayan na ang sariling paninindigan ang siyang tama at nararapat.

7. Ibahagi ang posisyong papel

Walang silbi ang posisyong papel kung hindi ito maibabahagi sa publiko.
Maaaring magpaparami ng kopya at ipamimigay sa komunidad, ipaskil sa mga
lugar na mababasa ng mga tao, ipalathala sa pahayagan, magpaabot ng kopya
sa mga estasyon ng telebisyon, radyo, at iba pang daluyan. Maaari ring gamitin
ang social media upang maipaaabot sa mas maraming mambabasa.

Halimbawa:

Ang sumusunod ay adaptasyon ng komunikasyon na inilathala sa


Philippine Daily Inquirer noong Abril 5, 1993 ng kompanya ng Teleponong
Pangmalayuan ng Pilipinas kung saan inilahad ang panig ng PLDT laban sa
mga isyung kinakaharap nito.

4
Oras na sa Pagtuklas ng Katotohanan
Oo, oras na para tuklasin ang katotohanan sa pagitan ng pag-unawa
at realidad sapagkat nararapat lamang na ilantad ang dalawang panig ng
isyung ito kaugnay sa komunikasyon.
Pagpapahayag ng Problema
Ang kompanya ng Teleponong Pangmalayuan ng Pilipinas ay
kinakikitaan ng ilang mga sektor at ng publiko sa pagiging di mabisa,
kawalan ng kakayahan at paggawa ng isang hindi mabuting paglilingkod sa
bansa at sa mga tao.
Pagpapahayag ng Posisyon
Ang paratang ng kawalan ng kaalaman, kawalan ng kakayahan at
hindi mabuting paglilingkod sa bansa ay pinalaki at walang pinagbabatayan.
Mga Isyu
1. Hindi gumagana ang PLDT bilang panustos sa aplikasyon ng
telepono.
2. Ibinubulsa ng PLDT ang karamihan nilang kita.
3. Hindi maganda ang pamamahala ng PLDT.
4. Ang mga kagamitan ng PLDT ay hindi kwalipikado.
5. Ang dibidendo ng mga gumagamit ay konti lamang at wala silang
magagawa sa desisyon ng namamahala.

Katotohanan

1. Sa isyu bilang 1: Hindi gumagana ang PLDT bilang panustos sa


aplikasyon ng telepono.
Ang PLDT ay nagtataglay ng 3,849,189 karagdagang telepono ngayon at sa
susunod pa na sampung taon. At dahil lahat ng pangtelekomunikasyong pasilidad
ng PLDT ay binili sa ibang bansa, ang kompanya ay napilitang humawak ng mga
programa simula 1981 hanggang 1987. Sa mga panahong ito, ang PLDT ay wala
nang pagpipilian kundi ang palawakin na ang paggamit ng mga umiiral na mga
pasilidad. Ang resulta: isang panustos sa 600,000 na mga telepono ngayon.

Sa oras na nabigyan ng pahintulot ang PLDT na ipagpatuloy ito, ang


kompanya ay biglang nagtamo ng pagpapalawak ng mga programa: X-5 IMPACT,
kung saan 189,700 telepono ang nailagay noong 1992 at naitungo ito hanggang sa
kasalukuyang sampung taon ang pagpapalawak ng programa (1993-2002) at
paglalagay ng 3,489,189 na mga telepono sa buong bansa.

5
Ang kasunod na talahanayan ay tungkol sa pagpapalawak ng programa ng
PLDT sa loob ng sampung taon ng kanilang serbisyo.
Sampung Taong Pagpapalawak ng Programa (1993-2002)
Mga Nakalaang Gugugulin

Malawakang Programa ng Karagdagang Kapasidad Kabuuang kita


PLDT ng Telepono
X-5C 430,974 P23.6B

WB 161,870 7.7B

Karagdagang Proyekto 161,500 9.2B

X-6 831,329 26.9B

X-7 2,263,516 70.8B

Iba pa Pamalit 32.5B

3,849,189 179.7B

Isa pang halimbawa:

“PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG


PATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO
NG FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO.”

Posiyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of


2013

Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong


Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino
(SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga
Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng
Talino at Kagalingan.

Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na


Edukasyon (CHED) nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas nilang
Memorandum Order Blg. 20 na may petsang Hunyo 28 serye 2013. Bagaman
sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro sa Ingles o Filipino ang
mga asignaturang binalangkas nila, bilang halimbawa ay ang Purposive
Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid
namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles
sa mga kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi
pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa ay aangkinin lamang ito ng

6
mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad at kolehiyong mabuway ang
Filipino dahil halata namang nakakiling ang Purposive Communication sa
Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/ Departamento ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad ng
Pilipinas. Higit pa rito, maraming guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang
mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na mangyari ang mga bagay na ito.
Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo
XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. Kung
susuriing mabuti ang CHED Memorandum malinaw na lihis sa hangarin at
konteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang
Filipino dahil nakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito:
“General education enables the Filipino to find and locate her/himself in
the community and the world, take pride in and hopefully assert her/his
identity and sense of community and nationhood amid the forces of
globalization. As life becomes more complex, the necessity of appreciating
the gifts of nature and addressing social problems in the general
education program increasingly become more pressing.” Hindi ba’t ang
asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak at tutugon sa hangarin at
kontekstong isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon
sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika,
kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayan sa
bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa
mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng
mamamayang Pilipino, at makapag-aambag ng kalinangan at katarungan sa
daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-
pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malaking
puwang na kung tutuusi’y hindi naman makatwiran.

Gawin Natin

Panuto: Basahing muli ang halimbawa ng posisyong papel. Sagutin nang


buong husay batay sa sariling pagsusuri ang sumusunod na katanungan.

1. Sa pangkalahatang pahayag, ano ang isyung inilahad ng kompanya ng


Philippine Long Distance?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

7
2. Ano-anong mga argumento ang inihayag ng kompanya upang mailahad
ang kanilang posisyon tungkol sa isyu?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Sanayin Natin

Bilang patunay na nauunawaan ang aralin, bigyang-laya natin ang ating


sarili na masagot ang sumunod na gawain.

Panuto: Magbigay ng sariling kuro-kuro o opinyon hinggil sa sumusunod na


gabay-pangkalusugan laban sa COVID-19. Paninindigan ang sariling
opinyon. Isa hanggang dalawang pangungusap lamang ang isusulat sa
bawat bilang.
1. Pagsusuot ng mask at face shield
2. Pagtapak sa footbath bago makapapasok sa isang establisyemento.
3. Paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol bago at pagkatapos
humawak ng anumang bagay.
4. Pag-disinfect sa kapaligiran
5. Pagbibilad sa araw ng mga modyul bago isasauli sa mga guro

Gawing gabay sa wastong pagsagot ang kasunod na panuntunan ng


pagwawasto.

8
• Ang kasagutan ng gawaing ito ay iba-iba. Ang pagmamarka
ay maaaring gagawin ng guro batay sa kasunod na pamantayan:

Pinagkukunan ng Deskripsiyon Puntos


Punto
Nilalaman (pagbuo ng mga ideya 20
na may kaugnayan
sa paksa
Organisasyon kaisahan ng talata, 20
konstruksyon ng mga
pangungusap, gamit
ng mga bantas
Balarila gramatikal na isyu 20
Kabuoan 50

9
Tandaan Natin

Punan ang hinihinging impormasyon sa sumusunod na


ilustrasyon.

Katuturan ng Posisyong Papel:

E
L
E
M
E
N
T
O

H
A
K
B
A
N
G

10
Suriin Natin!

Batay sa kasalukuyang pandemya at sa mga hakbang na ginagawa


ng pamahalaan upang mabigyan ng solusyon ang suliraning ito, ilahad
ang inyong panig o posisyon tungkol dito. Sumulat ng dalawang talata
lamang na may apat hanggang limang pangungusap sa bawat talata.
Gamiting gabay ang rubrik na ibinigay sa bahagi ng “Sanayin
Natin”.

Payabungin Natin

Panuto: Magbigay ng kuro o opinyon.

Para sa iyo, ano ang katangiang dapat tataglayin ng isang


mahusay na posisyong papel? Pangatuwiranan.

Tandaan: Muli ay gamitin ang rubrik upang magagabayan sa


pagsagot.

11
Pagnilayan Natin

Mahalaga sa tao ang may paninindigan. Ito kasi ang nagbibigay sa


kaniya ng sandata upang mabibigyan niya ng pagkakataong
maipababatid ang kaniyang opinyon, pananaw at prinsipyo. Bukod pa
rito, nagkakaroon ng sapat na kaalaman ang isang tao kung paano
maninindigan at magiging matatag sa kaniyang pinaniniwalaan tungkol
sa isang paksa.

Sa pang-araw-araw nating buhay ay laging sangkot ang


pagkakaroon ng paninindigan. Samakatuwid, ito’y mahalaga sa buhay
natin. Upang mapahahalagahan ang nabanggit, dapat ito’y lakipan ng
pag-unawa. Sa araling ito, tinuruan tayo ng iba’t ibang pamamaraan
upang mapahusay pa ang isang posisyong papel. Inilahad din dito ang
mga gabay upang maging kaakit-akit ang sulating ito. – Susan Bodiongan –
Dipolog at Jesyl Forsuelo – Avanceña

12
Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian

Susan B. Dipolog at Jesyl F. Avanceña, Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan:


DiocesanPrinting Press and Publishing, Inc., 2017, 71-81.

14
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education –Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax: (082) 291-1665, (082) 221-6147

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like