You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte

PAGSUSULIT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN(AKADEMIK) (2ND SEMESTER)

“Ang pandaraya ay ‘di nagtatamong pala.”

PANGALAN: ________________________________________________ PETSA_______________

TAON at SEKSIYON: _________________________________________ ISKOR:______________

PANGKALAHATANG PANUTO
1. Basahing mabuti ang mga tanong. Gaya ng pagkilatis mo sa syota mo noong nililigawan mo.
2. Isulat ang sagot BAGO(BEFORE) ang bawat bilang. Dapat malinaw ang pagkakasulat.
Hindi katulad ng feelings niyang hindi mo maintindihan.
3. ERASURE/S MEANS WRONG! Pag-isipang mabuti bago isulat. Hindi lahat ng pagkakamali ay
maaari pang itama.
4. HUWAG MANGOPYA! Huwag tumulad sa bestfriend mong inaagaw ang hindi kanya.
5. Tapusin ang pagsusulit sa ISANG ORAS lamang. Alam mo dapat kung kalian ka na maaaring
sumuko. Kung tapos na, tapos na.

I. PAGPAPALIWANAG NA TAMA O MALI

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa pagsulat. Tukuyin kung ito ay tama o
mali. Kung tama isulat ang MAHAL at kung mali naman ay KITA. Sa nakalaang linya, magbigay ng
maikling paliwanag kaugnay ng inyong sagot. (3 puntos bawat bilang)

_________1-3. Ang wikang Filipino ay isang wika ng intelektuwalisyon.

Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_________4-6. Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ay isa sa mga opisyal na wikang panturo sa
mga paaralan.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_________7-9. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na natutuhan mula sa elementarya hanggang
sekondarya ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_________10-12. Ang sanaysay, maikling kuwento, awit, at dula ay hindi kabilang o maituturing na isang
akademikong pagsulat.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_________13-15. Ang pagsulat ng balita, pananaliksik, at iba pang korespondensiya ay bahagi ng
pagsulat na pakikipag-ugnayan ng tao sa lipunan.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_________16-18. Mahalagang isaalang-alang ang wika, paksa, at layunin sa anumang uri ng pagsulat.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_________19-21. Ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal ay mahalagang bigyang-pansin sa pormal
na pagsulat ng pananaliksik.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_________22-24. Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa maituturing na akademikong
pagsulat.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_________25-27. Ang mga guro, manunulat, at mga mag-aaral lamang ang dapat na matuto ng
propesyonal na pagsulat.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA PILING LARANGAN 12 1 FSS2019

_________28-30. Layunin ng reperensiyal na pagsulat na bigyang-pagkilala at rekomendasyon ang mga
sangguniang maaaring mapagkunan ng kaalaman.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________

II. BINAGONG TAMA O MALI

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa pagsulat. Tukuyin kung ito ay tama o mali.
Kung tama ang pahayag isulat ang TAMA at kung mali nama’y palitan ng akma o angkop na salita ang
nasalungguhitan upang maging tama ang pahayag. ISULAT ANG WASTONG SAGOT SA HULIHANG
PATLANG.

_________ 31-32. Ang pagsulat ay nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi
nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa
kanila._______________________
_________33-34. Ang paksa ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pa. ________________
_________35-36. Mahalagang magamit ang wika sa malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.
_____________________
_________37-38. Huwag isaalang-alang ang pagkakaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat.
_________________
_________339-40. Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat ay napakahalaga upang
maging malaman. Makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.
_____________________
_________ 41-42. Ang paksa ang magsisilbing giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong
isusulat. _____________________
_________ 43-44. Sa pagsulat, dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng
mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa
akdang isusulat. ____________________
_________ 45-46. Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika
at retorika. _________________
_________ 47-48. Kinakailangan ding may kakayahan kang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa
isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o
komposisyon hanggang sa wakas nito. ____________________
_________ 49-50. Kailangang maging obhetibo sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga impormasyon at
kaisipang ilalahad sa sulatin. __________________

III. PAGKILALA SA MGA MAHAHALAGANG KAISIPAN(IDENTIFICATION)

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Kilalanin ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.

Teknikal na Pagsulat Layunin Akademikong Pagsulat

Pammaraan ng Pagsulat
Paraang Ekspresibo Wika Dyornalistik na Pagsulat
Propesyonal na Pagsulat Reperensiyal na Pagsulat Paksa

________________________51. Ang pagbuo ng isang pag-aaral o proyekto ang pangunahing layunin ng

pagsulat na ito.
________________________52. Ang paraang argumentatibo, impormatibo, naratibo, deskriptibo, at
ekspresibo ay nakapaloob sa pangangailangang ito.
________________________53. Isang gamit ng pagsulat kung saan pangkalahatang umiikot ang
pangunahing ideyang dapat nakapaloob sa sinusulat.
_________________________54. Ito ay anyo ng pagsulat na dapat mahasa sa mga propesyonal gaya ng
mga doctor, nars, inhinyero, at iba pa.

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA PILING LARANGAN 12 2 FSS2019

_________________________ 55. Ito ay nagsisilbing giya sa pagbuo o paghabi ng kaalaman at nilalaman ng
pagsulat.
________________________56. Ito ay nagsisilbing midyum o behikulo upang maisatitik ang pagsulat.
_________________________57. Layunin ng pagsulat nito ay nakabatay sa sariling pananaw, karanasan,
naiisip o nadarama gaya ng tula, dula, awit, at iba pang katulad.
________________________58. Sulatin itong may kinalaman sa pagpapahayag gaya ng pagsulat ng balita,
editorial, lathalain, at iba pa.
______________________59. Ito ay isang intelektuwal na pagsulat na nakatutulong sa pagpapataas ng
kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
_______________________60. Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman
o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at disertasyon.

IV. ENUMERASYON
PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.

61-67. Ibigay ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat

61. _____________________________________________________________
62. _____________________________________________________________
63. _____________________________________________________________
64. _____________________________________________________________
65. _____________________________________________________________
66-71. Ibigay ang anim na uri ng pagsulat
66. _____________________________________________________________
67. _____________________________________________________________
68. _____________________________________________________________
69. _____________________________________________________________
70. _____________________________________________________________
71. _____________________________________________________________

V. PAGSULAT
PANUTO: Ibahagi ang iyong opinyon o kuro-kuro tungkol sa Akademikong Pagsulat.

72-80. Bakit mahalagang matutuhan ang kahalagahan, kalikasan, at katangian ng pagsulat partikular
ang pagsulat ng akademikong sulatin?

AKADEMIKONG PAGSULAT

_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

Inihanda ni: Ninotahan ni:

FELIBETH S. SALADINO ORIENTE P. BELLO

Guro sa Filipino Punongguro

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA PILING LARANGAN 12 3 FSS2019

You might also like