You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)
Pasuquin, Ilocos Norte

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

PANGALAN: __________________________________________________ ISKOR: _________________


TAON AT SEKSIYON: ___________________________________________ PETSA: _________________

I. PAGPIPILI

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot. ISULAT ANG SAGOT BAGO
ANG BAWAT BILANG.

1. Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng


kahulugan ng pahayag
a. Tono b. Intonasyon c. Diin d. Haba
2. Ang ________ ay nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap.
a. Tono b. Intonasyon c. Diin d. Haba
3. Tinatawag itong rehiyonal na tunog o accent. Sa anumang lugar mayroon tayong pagkakaiba sa
pagsasalita. Ano ang tawag dito?
a. Diin b. Haba c. Punto d. Intonasyon
4. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
a.Punto b. Hinto o Antala c. Diin d. Intonasyon
5. Ang ______ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat pantig.
a.Punto b. Hinto o Antala c. Intonasyon d.Haba
6. Ito ay bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
ipahatid sa kausap.
a. Intonasyon b. Haba c. Hinto o Antala d. Haba
7. Ano sa tingin mong mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa pagsasalita isang tao?
a. Mas maganda ang pagsasalita
b. Magiging mas malinaw ang pagsasalita
c. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
d. Walang ideya
8. Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay nakakatulong din sa mabisang pagpapahayag ang mga
_______?
a. di berbal na palatandaan c. ponema
b. berbal na palatandaan d. Ponemang segmental
9. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di berbal na palatandaan maliban sa isa?
a. kumpas ng kamay c. pagbigkas ng tula
b. galaw ng katawan d. galaw ng mata
10. Anong bantas ang ginagamit sa pagkuha ng diin ng isang salita?
a. Kuwit (,) c. Gitling (-)
b.Tutuldok o Kolon (:) d. Patlang (_)
11. “SItsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang ‘para sa tabi, tayo’y hihinto.’ Ito ay isang uri ng tulang
_______________.
a. Panudyo c. palaisipan
b.tugmang de gulong d.bugtong
12. “Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.” Ito ay isang uri ng
___________________.
a. Panudyo c. palaisipan
b.tugmang de gulong d.bugtong
13. “Mga pare, please lang kayo’y tumabi, pagkat dala ko’y sandatang walang kinikilala----ang aking
MANIBELA.” Ito ay isang uri ng __________________________.
a. Panudyo c. palaisipan
b.tugmang de gulong d.bugtong

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 1 FSS2019


14. Ang __________________________ ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang
katalinuhan ng lumulutas nito.
a. Panudyo c. palaisipan
b.tugmang de gulong d.bugtong
15. Ito ay mga paalala na maaari nating matagpuan o mabasa sa mga pampublikong sasakyam tulad
ng dyip, bus, at traysikel.
a. Panudyo c. palaisipan
b.tugmang de gulong d.bugtong

II. TAMA O MALI

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Kung ang pahayag ay tama, isulat ang MAHAL, at kung
mali naman isulat ang KITA. ISULAT ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG.

16. Ang bugtong ay mayroon ding sukat at tugma, at karaniwang binubuo ng dalawa
hanggang apat na taludtod.

17. Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng
lumulutas nito.

18. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lulutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng


pagsasama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon at
maging isang uri ng libangan.

19. Ang unang dalawang linya sa bugtong ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa
kapaligiran.

20. Ang huling dalawang linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging katangian sa bagay
na binanggit sa naunang linya.

21. Ang ponemang suprasegmental ay kumakatawan o nagbibigay-diin sa bahagi ng


pananalita at sulatin sa pamamagitan ng diin, tono, at antala.

22. Ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makatutulong sa pag-unawa sa
kahalagan ng mga salita.

23. Ang antala ay tumutukoy sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita


upang higit na maging malinaw ang mensahe.

24. Si Juan at ang Alimango ay isang halimbawa ng Kuwentong-bayan.

25. Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan ay isang halimbawa ng mitolohiya.

26. Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isup na mga tauhang
kumakatawan sa uri ng mga mamamayan.

27. Kaugnay ng kuwentong-bayan ang almat at mga mito na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa


pamamagitan ng mga bibig.

28. Ang pagbubuod ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin. Ito ay
paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa.

29. Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto.

30. Ang mitolohiya ay pinagsama-samang tradisyonal na kuwento o mito na binubuo ng isang


partikular na relihiyon o paniniwala.

III. PAGHAHANAY

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na bugtong na nasa Hanay Felibeth. Hanapin ang sagot sa hanay
Saladino. ISULAT LAMANG ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG.

FELIBETH SALADINO

31. Kung kelan pinatay, saka humaba ang buhay.


a. ampalaya
b. anino
32. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako
c. balimbing
33. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
d. ballpen/pluma
34. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
e. banig
35. Ako'y may kaibigan, kasama ko kahit saan.
f. baril
36. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
g. basket/bayong

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 2 FSS2019


37. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. h. batingaw/kampana
38. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. I. batya
39. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. j. bayabas
40. Abot na ng kamay, ipinaggawa pa sa tulay. k. bote
41. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. l. gamu-gamo
42. Maliit pa si kumare, malakas na kung humuni. m. gumamela
43. Baka sa palupandan, ang unga ay nakakarating kahit saan. n. ilaw
44. May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan. o. kamiseta
45. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. p. kandila
46. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. q. kasoy
47. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. r. kubyertos
48. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. s. kulambo
49. Kay lapit-lapit na sa mata, hindi mo pa rin makita. t. kulog
50. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit. u. kuliglig
51. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. v. kumpisalan
52. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. w. langka
53. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. x. mata
54. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad. y. palaka
55. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. z. paruparo
56. Nagbibigay na, sinasakal pa. aa. posporo
57. May puno walang bunga, may dahon walang sanga bb. sandok
58. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. cc. saranggola
59. Yumuko man ang reyna, di malaglag ang korona dd. siper
60. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa ee. tenga

IV. PAGPIPILI (PONEMANG SUPRASEGMENTAL)

PANUTO: Suriin at piliin ang tamang letra ng angkop na salita. Gamitin ang iba’t ibang uri ng diin upang
makilala ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. ISULAT LAMANG ANG SAGOT
BAGO ANG BAWAT BILANG.

61. Paikuha ang (a. TAsa b. taSA) sa mesa.


62. May (a. PIto b. piTO) akong kulay ng medyas sa bahay.
63. Ang sabi ni Ma’am Felibeth, gagamit kami ng (a. PIto b. piTO) sap ag-eensayo ng sayaw dahil
walang kuryente.
64. Malaki ang (a. TUbo b. tuBO) ng ating tindahan kahapon.
65. Malalaki ang kakailanganing (a. TUbo b. tuBO) para sa ipatatayong bahay upang hindi
magbara.
66. May (a. TAsa b. taSA) na baa ng lapis na gagamitin mo sa iyong pagsusulit?
67. Maganda ang damit na binili mo para sa padating na (a. BAta b. baTA)
68. Ako ay (a. nagBAta b. nagbaTA) upang makamit ko ang aking diploma.
69. (a. PUno b. puNO) na ang tapayan kaya isalin mon a ang tubig sa timba sa ibang sisidlan.
70. Malago na ang (a. PUno b. puNO) ng Papaya sa likod ng bahay.

V. ENUMERASYON

PANUTO: IBIGAY ANG HINIHINGI NG BAWAT BILANG.

MGA ANYO NG BALITA TATLONG SANGKAP NG SANAYSAY


71. ____________________ 80. ____________________
72. ____________________ 81. ____________________
82. ____________________

DALAWANG URI NG SANAYSAY MGA BAHAGI NG SANAYSAY


73. ____________________ 83. ____________________
74. ____________________ ` 84. ____________________
85. ____________________

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 3 FSS2019


LIMANG KATANGIAN NG IMPORMAL NA SANAYSAY
75. _____________________________________________________________________________________
76. _____________________________________________________________________________________
77. _____________________________________________________________________________________
78. _____________________________________________________________________________________
79. _____________________________________________________________________________________

VI. KOHESYONG GRAMATIKAL

PANUTO: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa tapat ng bilang
kung ito ay ANAPORA o KATAPORA.

_______________ 86. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal siya kay
Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon.
_______________ 87. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng Katarungang
Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya sa mga nangangailangan at kapuspalad.
_______________ 88. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay pumunta sa
Amerika. Doon ay tumulong siya sa American Red Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga
pinunong bayan.
_______________ 89. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas.Gayunpaman, tumulong si
Donya Aurora sa Pangulong Manuel A. Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula.
_______________ 90. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay taglay niya hanggang
kamatayan.
_______________ 91. Patuloy nilang dinarayo ang Isla ng Boracay sa Aklan dahil ang mga turistay totoong
nagagandahan dito.
_______________ 92. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa
Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito niya itong pasyalan.

_______________ 93. Isa sa mga panlipunang sakit ng mga Pilipino ay pagkakaroon ng kaisipang kolonyal
kung kaya tayo ay nawawalan ng pagpapahalaga sa ating lahi.

_______________ 94. Ang pagdaong ng mga Amerikano sa Pilipinas ay maituturing na sumpa at


pagpapala, sila ay nakabuti at nakasama.

_______________ 95. Mananatili itong sakit na papatay sa ating lipunan, dahil ang Amerikanisasyon ay tila
isang sakit na nakakahawa.

_______________ 96. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas sa Palawan dahil totoong
magandang pumunta rito.

_______________ 97. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapasusubalian. Ito ay taglay niya hanggang
kamatayan.

_______________ 98. nawiwili sila sa ating bayan sapagkat sagana tayo sa magagandang tanawin.

_______________ 99. Ang mga mag-aaral ay dumating, naglinis, at umalis, naiwan ang bag nila.

_______________ 100. Magkapiling muli sina G. Januine at Gng. Felibeth kaya’y masayang-masaya sila.

INIHANDA NI: NINOTAHAN NI:

GNG. FELIBETH S. SALADINO GNG. ORIENTE P. BELLO


Guro sa Filipino Punongguro

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 4 FSS2019

You might also like