You are on page 1of 6

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9

TAONG PANURUAN 2022-2023

Pangalan:___________________________ Pangkat:________________

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

______1. Anong aral o mensahe tungkol sa realidad ng buhay ang nais ipabatid ng Parabula Banga?
A. Mag-aral nang mabuti upang maging maayos ang buhay.
B. Isaalang-alang ang payo ng mga malapit na kaibigan
C. Sundin ang sa palagay mo ay makabubuti sa iyo
D. Sumunod sa payo ng magulang
______2. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kaugnayan sa akdang Parabula ng Banga?
A. Pakikipagkaibigan ng anak sa kapuwa nito kabataan
B. Pagpapaalala ng ina sa pagkakaiba ng mahihirap at mayayaman
C. Pagpapaalala ng ina sa anak tungkol sa masamang dulot ng droga
D. Pagtatalo ng ina at anak tungkol sa kursong nais nito sa pagpasok sa kolehiyo
______3. Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral
ng kanyang ina. Anong aral ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
A. Habang may buhay, magpakasaya ka.
B. Umiwas sa kamay ng tukso sa paligid.
C. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
D. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
_____4. “Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang
bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan.” – Juan 3:16. Ano ang ibig sabihin ng matalinghagang
pahayag na bugtong na anak?
A. Maalalahanin B. Mabuti C. Mapagmahal D. Nag-iisa
_____5. Ang may-ari ng ubasan ay may ginintuang-puso. Ano ang nais ipakahulugan ng mga salitang may
salungguhit?
A. Maalalahanin B. Mabuti C. Masayahin D. Mayaman
_____6. Sino ang nakaaalam kung anong oras tayo mawawala sa mundo? Ano ang nais ipakahulugan ng
pahayag?
A. Kaguluhan B. Kapighatian C. Kasiyahan D. Katapusan

Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga, maniwalat dili panghihina at pagbagsak

______7. Batay sa mga pahayag na nasa kahon, ano ang damdaming ipinapahiwatig nito?
A. Pagkapoot C. Paghihinagpis
B. Pangamba D. Kawalan ng pag-asa

______8. Bakit mahalagang gumamit ng simbolo sa pagsulat ng isang elehiya?


A. Saklaw nito ang mensahe ng buong tula.
B. Ang simbolo ay maaaring magpalawak ng ating isipan.
C. Inihahambing nito ang iba’t ibang diwang ipinapakita ng elehiya.
D. Nakatutulong ito upang maging makulay ang isinusulat na elehiya.

______9. Napagtanto niya sa huli na ang kaniyang mahal ang nagbibigay ng liwanag sa kaniyang buhay,
alin sa sumusunod na elemento ng elehiya ang tinutukoy ng nakasalungguhit na salita?
A. Kaugalian C.Tauhan
B. Simbolo D. Wika

Panuto: Suriin ang mga pahayag at tukuyin ang elemento kung saan ito kabilang.
______10. “Ang lahat ay nagluksa, Ang burol ay bumaba,
Ang bukid ay dinaanan ng unos, Malungkot na lumisan ang tag-araw”
A. Damdamin C. Wikang Ginamit
B. Tema D. Simbolo o pahiwatig
______11. Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan Gaya ng paggunita
A. Damdamin C. Wikang Ginamit
B. Tema D. Simbolo o pahiwatig
______12. Mga mata’y nawalan ng luha, Ang lakas ay nawala
O’ Ano ang naganap, Ang buhay ay saglit na nawala
A. Damdamin C. Wikang Ginamit
B. Tema D. Simbolo o pahiwatig
______13. Bakit mahalagang nagkakaiba-iba ang antas ng damdamin ng salitang may ugnayang
magkatulad?
A. Maganda sa pandinig.
B. Nagiging malinaw ang nais ipakahulugan.
C. Naipakikita ang husay sa pakikipag-usap.
D. Natutukoy ang tunay na saloobin o nararamdaman ng nagsasalita.
_____14. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng eye-to-eye contact sa mga manonood habang bumibigkas
ng tula?
A. Mahikayat ang mga manonood
B. Bigyang-aliw ang mga manonood
C. Maipadama ang katapatan ng manunula
D. Makita sa mga mata ang samu’t saring emosyong nais ipahayag ng manunula
_____15. Ano ang tawag sa paraan ng pagkilos at paggalaw ng tumutula mula sa paghakbang pauna
paghakbang pauna, pakaliwa o pakanan man, pagkumpas ng kamay pataas, pababa, pakaliwa
o pakanan?
A. Hikayat C. Pagbigkas
B. Himig D. Pagkumpas
_____16. Ano ang isa sa mahahalagang elemento sa pagbigkas ng tula na tumutukoy sa kalidad at
kabuoan ng boses, suwabe at maganda ang dating sa nakikinig?
A. Pagbigkas C. Tindig
B. Pagkumpas D. Tinig
_____17. Paano masasabing epektibo sa mga manonood ang pagbigkas ng tula?
A. Ang mga manonood ay pumapalakpak.
B. Seryosong nakikinig ang mga manonood.
C. Ang mga linya ay tumitimo sa isipan ng mga manonood.
D. Natitinag ang mga manonood at nagagawa silang patawanin o paiyakin sang-ayon sa diwang
isinasaad ng tula.
_____18. Bakit kinakailangan ang pabago-bagong tinig sa pagbigkas ng tula?
A. Hindi maiinip ang mga manonood.
B. Magiging masaya ang gagawing pagtula.
C. Makukuha ng manunula ang pansin ng mga manonood.
D. Maipadadama ng bumibigkas sa mga manonood ang emosyon o diwa ng tula.
______19. Ilagay sa tamang kaantasan ang mga salita mula sa pinakapayak patungo sa
pinakamasidhi. Alin sa pagkakaayos ng salita (ayon sa bilang) ang tama?
1. gulanit 2. sira 3. wakwak 4.luma
A.2134 C. 4213
B. 3421 D. 4321
______20. Alin ang salitang nagpapakita ng pinakamababaw na antas ng damdamin?

1. asar 2. galit 3. inis 4.poot


A.1 B. 2 C. 3 D. 4

______21. Alin ang salitang nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin?


1. asar 2. galit 3. inis 4.poot

A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

______22. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin?


A. Paghanga B. Pagliyag C. Pagmamahal D. Pagsinta
______23. Ang pandaraya ng ibang kalahok ay nagdulot ng ________ sa mga miyembro ng organisasyon
Alin sa sumusunod ang angkop na pang-uring bubuo sa pangungusap?
A. Pagka-asar B. Pagkainis C. Pagkagalit D. Pagkapoot
______24. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na katangian ng elehiya?
A. Tulang panangis, pag-aalala, pagpaparangal
B. Tulang kasiyahan, kaligayahan, kagalakan
C. Tulang umiibig, umiirog, nagmamahal
D. Tulang masalimuot, nagpupuri, pagdakila
_____25. Dahil sa katagalan nang ‘di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at pagkabagot.
Anong tunggalian ang isinasaad ng pahayag?
A. Tao vs. tao C. Sarili vs. tao
B. Tao vs. sarili D. Sarili vs. sarili
_____26. “Kapatid ko ang lalaking ipinakulong ninyo, inaway nang hindi namin nakikilala, subalit
nagsinungaling ang lalaking tumestigo laban sa kaniya.” Anong tunggalian ang nanaig sa
pahayag?
A. Tao vs. tao C. Sarili vs. tao
B. Tao vs. sarili D. Sarili vs. sarili
_____27. Nais ng ina na mag-aral ng pagdodoktor ang anak subalit pagiging guro ang nais nito. Anong
tunggalian ang ipinakikita sa pahayag?
A. Tao vs. tao C. Sarili vs. tao
B. Tao vs. sarili D. Sarili vs. sarili
_____28. Sa kabuoan ng nobelang, “Isang Libo’t Isang Gabi”, anong tunggalian ang nangingibabaw rito?
A. Tao vs. tao C. Sarili vs. tao
B. Tao vs. sarili D. Sarili vs. sarili
______29. Kaugnay ng akdang “Ang Talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan”, alin sa mga sumusunod
ang pinakaangkop na kahulugan ng pagkakapantay-pantay?
A. Pagbibigay ng tulong sa lahat
B. Pare-parehong bilang ng salapi
C. Pare-parehong bilang ng oras ng pagtatrabaho
D. Pagbibigay ng tulong ayon sa pangangailangan
______30. Ano ang nais ipakita ng may-ari ng ubasan sa panghihikayat sa kalalakihan upang magtrabaho
sa kaniyang lupain?
A. Magpasikat C. Maging modelo
B. Magbigay ng salapi D. Magbigay ng tulong
______31. Sa pag-aaral ng parabula, ano ang maaaring malinang sa pagkatao ng mambabasa?
A. Paniniwala C. Sikolohikal na pag-iisip
B. Pisikal na anyo D. Espirituwalidad at moralidad
______32. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “parabole” isang akdang hinango sa Bibliya na
na kapupulutan ng aral at nagsisilbing gabay sa marangal na pamumuhay.
A. Anekdota B. Pabula C. Parabula D. Talambuhay
_______33. “Elegia” mula sa salitang Latin na ang kahulugan ay “tula ng pighati o lungkot”, Gresya ang
unang naglathala ng tula na inihandog sa mga yumao o mga diyos na may kaugnayan sa
kamatayan. Anong uri ng tula ito?
A. Anekdota B. Elihiya C. Pabula D. Parabula
_______34. Kahit saang lugar magpunta si Lorna, lagi siyang nagse-selfie. Ang salitang selfie ay
nagmula sa pagkuha ng litrato ng _______________.
A. Kaibigan B. Kalaro C. Kapatid D. Sarili

________35. Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa sitwasyon na nasa loob ng


kahon?

Nagkaroon ng mainit pagtatalo sa pagitan ng magkakaibigan kung sino ang nagpakalat ng


maling impormasyon . May ilang bagay na hindi napagkasunduan kaya tuluyan nang
nagkalamat ang kanilang relasyon at magpahanggang ngayon ay hindi na nila kinikibo
ang isa’t isa.

A. Tao laban sa tao B. Tao laban sa lipunan


B. Tao laban sa Sarili D. Tao laban sa kalikasan

______36. Anong uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa pahayag na nasa loob ng kahon?

Mabigat sa loob niya ang nabuong desisyon. Ang desisyong iwan ang kaniyang minamahal
subalit pinipilit pa rin niyang paniwalain ang sarili na iyon ang tamang gawin.

A. Tao laban sa tao B. Tao laban sa lipunan


B. Tao laban sa Sarili D. Tao laban sa kalikasan

______37. Alin sa sumusunod na tunggalian ng maikling kuwento ang tumutukoy sa paglaban ng


ng pangunahing tauhan sa kanyang sariling paniniwala, prinsipyo at palagay?
A. Tao laban sa tao C. Tao laban sa lipunan
B. Tao laban sa sarili D. Tao laban sa kalikasan

______38. Ano ang uri ng tunggalian ang nangingibabaw sa talata?

“Nakasasawa na ang ganitong buhay. Bakit kailangan kong akuing mag-isa ang responsibilidad
ng pag-aalaga kay inay. Dapat ko na ba siyang iwan?” Naguguluhang bulong ni Andeng sa
sarili.

A. Tao laban sa tao C. Tao laban sa lipunan


B. Tao laban sa Sarili D. Tao laban sa kalikasan
______39. Ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa mismong sarili ng tauhan. Kabilang dito
ang suliraning moralidad at paniniwala. Karaniwang pinoproblema ng tauhan ay kung ano ang
kaniyang pipiliin, ang tama o mali, mabuti o masama.
A. Tao laban sa tao C. Tao laban sa lipunan
B. Tao laban sa sarili D. Tao laban sa kalikasan
______40. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kaniyang buhok. Nagdasal siya na sana makita iyon ni Rama
para masundan siya at mailigtas. Ano ang katangiang taglay ni Sita sa aksiyong kaniyang
ginawa?
A. Kabutihan C. Kasipagan
B. Kababaang loob D. Katalinuhan
______41. Ano sa palagay mo ang kahulugan ng kilos ni Prahnbun nang hinuli niya si Prinsesa Manorah?
A. Upang makasama niya sa mga lakad
B. Para maging asawa niya at makapamuhay sila sa palasyo
C. Maibenta niya kay Prinsipe Suton at makatanggap siya ng malaking halaga.
D. Mairegalo niya sa mayamang hari upang pakawalan ang kanyang mahal na ina.
______42. Anong pilosopiya ng mga taga India ang pinatunayan sa hindi paglaban ni Maritsa sa
magkapatid?
A. Pinagpapala ng Diyos ang naaapi sa kanilang lipunan.
B. Pinagpapala ng Diyos ang matatapang nilang mandirigma.
C. Pinagpapala ng Diyos ang mahusay nilang mandirigma.
D. Pinagpapala ng Diyos ang maganda, matalino, at kumikilos ng naaayon sa kabutihan.
______43. Sinundan pa rin ni Lakshaman ang kapatid na si Rama kahit hindi niya alam kung makakabalik
pa rin siya. Anong kultura ang masasalamin sa pangyayaring ito?
A. Pagiging matapang C. Padalos-dalos na desisyon
B. Pagpapahalaga sa pamilya D. Marunong makipagsapalaran
_____44. Nakatira sa maalamat na Bundok ng Grairat si Manorah. Ano ang panandang ginamit sa
pangungusap upang matukoy ang pang-abay na panlunan?
A. ang B. ng C. sa D. walang panandang ginamit
_____45. Sa loob ng kagubatan nakakubli ang maganda at kaaya-ayang lawa kung saan ang pitong
Kinnaree ay masayang dumadalaw lalo na sa araw ng Panarasi. Ano ang Panarasi na sasagot
sa tanong na tuwing kailan dumadalaw ang mga Kinnaree sa kagubatan?
A. Kalakihan ng buwan C. Pagsikat ng araw
B. Kawalan ng bituin D. Paglubog ng araw
_____46. Napakahirap hulihin ng mga Kinnaree dahil agad-agad itong lumilipad kapag tinatakot.
Ano ang panandang ginamit sa pangungusap upang matukoy ang pang-abay na pamaraan?
A. agad-agad B. dahil C. itong D. ng mga
_____47. Batay sa Alamat ni Prinsesa Manorah, paano pinasalamatan ng binata ang ermitanyo?
A. Nagpasalamat ang binata at patakbong umalis dala-dala ang makapangyarihang lubid.
B. Nagpasalamat ang binatilyo at patakbong umalis dala-dala ang makapangyarihang lubid.
C. Nagpasalamat ang dalaga at patakbong umalis dala-dala ang makapangyarihang lubid.
D. Nagpasalamat ang diwata at patakbong umalis dala-dala ang makapangyarihang lubid.
_____48. Matapos ibigay sa binata ang halaga kapalit ni Prinsesa Manorah saan dinala ni Prinsipe Satun
ang prinsesa?
A. Palasyo ng Berbanya C. Palasyo ng Udon Panjah
B. Palasyo ng Udon Madjapahit D. Palasyo ng Thailand
______49. Ano ang maaaring maging epekto ng hindi pagsasabi ng katotohanan ni Surpanaka sa kanyang
kapatid na si Ravana?
A. Magkaroon ng pag-aaway C. Makamit ang kapayapaan
B. Magkasundo ang samahan D. Magkaroon ng katiwasayan
______50. Isa ito sa bansa sa Timog Kanlurang Asya kagandahan, katotohanan at kabutihan ang
pinahahalagahan nila.
A. Bhutan B. India C. Israel D. Nepal

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9


TAONG PANURUAN 2022-2023

SUSI SA PAGWAWASTO
FILIPINO 9
1.D 26. A
2.C 27. C
3.C 28. A
4.D 29. D
5.B 30. D
6. D 31. D
7. D 32. B
8. B 33. B
9. B 34. D
10.C 35. A
11. A 36. B
12. B 37. B
13. D 38. B
14. D 39. B
15. A 40. D
16. D 41. C
17. D 42. D
18. D 43. B
19. B 44. C
20. C 45. A
21. D 46. A
22. C 47. A
23. C 48. C
24. A 49. A
25. D 50. B

You might also like