You are on page 1of 5

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem.

Isulat sa sagutang papel ang letra ng


tamang sagot.
1. Ano ang iba pang tawag sa tulang panudyo?
A. tugmang patula C. tugmang walang diwa
B. tugmang panlaro D. tugmang paawit
2. Ano ang tulang nagpapahayag ng buhay ng mga tsuper at ng mga pasahero sa dyip, bus at iba pang
transportasyon?
A. tugmang padula C. tugmang tuluyan
B. tugmang patula D. tugmang de gulong
3. Ano naman ang sinasambit bilang pagbibigay-galang sa makapangyarihang espiritu upang hindi sila magalit o
manakit, gayundin bilang pagpapahalaga sa kakaibang bagay at mahalagang pook?
A. bulong C. himno
B. panalangin D. papuri
4. Anong uri ng tula ang naglalarawan ng mga pang-araw-araw na gawain ng mga tao sa isang lugar?
A. bugtong C. awiting-bayan
B. tulang dula D. tulang panudyo
5. Ano ang layunin ng nagsasalita sa kasunod na bulong?
"Dagang malaki,
Dagang maliit,
Heto na ang ngipin kong sira at pangit,
Bigyan ng bagong kapalit."
A. ibinibigay lahat ng ng ipin sa daga
B. ipinaayos ang mga ngipin sa daga
C. inuutusan ang daga na palitan lahat ng ngipin niya
D. ibinibigay ang mga sira at pangit na mga ngipin at hinihiling na palitan ng mas maganda
6. Batay sa kasunod na saknong, ano ang layunin ng sumulat?
"Kotseng kakalog-kalog
Sindihan ng posporo
Itapon sa ilog."
A magpaalala
B. magpasaya
C. manlibang
D. manghikayat
7. Sa kasunod na awiting-bayan, ano ang ipinahahayag na diwang nakapaloob dito?
"Lalaking matapang, lalaking malakas Ikaw'y siya naming tinatawagan...
Hoy!
Halika, halika't tinatawag ka...
Hoy!
A. nagagalit C. naghahamon
B. naiinip D. natutuwa
8. Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig kapag binibigkas?
A. antala C. hinto
B. diin D. intonasyon
9. Kung ikaw ay bibigkas ng tula at gagamitin ang ponemang suprasegmental sa pagmamarka kung paano ito
bibigkasin, ano ang dalawang magiging pokus sa pagmamarka?
A. damdamin C. antala/hinto
B. kaisipan D. tono o intonasyon
10. Ano ang damdaming ipinahahayag ng kasunod na saknong?
"Putak, putak
Batang duwag!
Matapang ka't nasa pugad!
A. nagagalit C. nanunudyo
B. naiinis D. natutuwa
11. Suriin ang kasunod na awiting-bayan. Saang uri ito maihahanay?
"Ang nuno nating lahat
Sa kulog di nasindak
Sa labanan di naawat
Pinuhunan buhay hirap
Upang tayong mga anak
Mabuhay nang mapanatag…”
A. awit sa paggawa C. awit sa lansangan
B. awit sa pakikidigma D. awit sa pagpapatulog ng bata
12. Ano ang ipinahahayag ng pangungusap na, "harinawa'y makapasa ka sa pagsusulit?"
A. pagbibigay ng pag-asa C. paghihintay
B. pagmamalasakit D. pagpapaalaala
13. "Ang laki ng iyong ipinayat!" Ano ang tono ng pangungusap na ito?
A. nagpupuri C. nanunudyo
B. nagdududa D. pumupuri

14. "Hindi maganda." Ano ang mensaheng ipinahahayag ng pangungusap na ito?


A. Nagpapahayag ng kagandahan ang mga nasa paligid.
B. Pinasubalian ang isang bagay ay sinasabing maganda ito.
C. Sinasabing hindi maganda ang isang bagay.
D. Sinasabing kailangang maging maganda.
15. Sa pangungusap na:
Hindi akin iyan!
Hindi/akin iyan.
Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang malinaw na maihatid
ang mensaheng nais iparating?
A. tono C. hinto
B. diin D. antala
16. May mga paalaala kang nababasa sa loob ng sasakyan. Ano sa kasunod na mga tula ang halimbawa nito?
A. Ang di magbayad walang problema Sa karma pa lang bayad ka na.
B. Kotseng kakalog-kalog Sindihan ng posporo Itapon sa ilog.
C. Pungpung kasile Ipinanganak sa kabibe
D. Putak, putak Batang duwag! Matapang ka't nasa
17. Alin sa kasunod na mga tula ang halimbawa ng tulang panudyo?
A. "Ale, aleng namamangka Isakay mo yaring bata Pagdating mo sa Maynila Ipagpalit ng
kutsinta"
B. "Barya lang po sa umaga."
C. "Pung, pung kasili Ipinanganak sa kabibe Anong anak!? Babae!"
D. Tabi-tabi po, apo Baka po kayo ay mabunggo"
19. Ano ang angkop na mga salitang dapat ipuno sa kasunod na patlang?
"Tabi-tabi po
Baka po kayo _______"
A. malito C. mapuno
B. maupo D. mabunggo
20. Ano ang isa sa matandang uri ng panitikan sa Pilipinas na ang karaniwang tauhan ay higante, duwende, ada, hari,
reyna, diwata, at prinsesa at iba pangkakaibang nilikha?
A. alamat C. epiko
B. kuwentong-bayan D. mito

You might also like