You are on page 1of 2

Department of Education

Division of Agusan del Sur


Guadalupe National High School
Guadalupe, Esperanza, Agusan del Sur

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


QUARTER 2 (Modyul 9-10)

Pangalan:_____________________________________________________ Pangkat: Loyalty


Guro: Bb. GENEROSE G. TABULO Petsa: _________

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang awiting – bayan ay nagsimula bilang ___________ mula sa madamdaming pananalitang


may kaugnayan sa awit at sayaw.
a. awit – pambayan c. alamat
b. kwento d. tulang – bayan
2. Alin sa mga sumusunod ang awit sa inuman?
a. ang dilis c. kung tag-ani
b. biray d. hele sa batang lalaki
3. Bakit nakarating sa ating panahon ang mga awiting – bayan?
a. dahil palagi itong inaawit
b. dahil pinauso at pinasikat ito ng mga kabataan
c. dahil nagpasalin-salin ito sa bawat henerasyon
d. dahil kahit saan ka man magpunta ay lagi mo itong naririnig
4. Kung ang balitaw ay awit tungkol sa pag-ibig, ano naman ang diona?
a. awit sa patay c. awit panrelihiyon
b. awit sa pakikipagdigma d. awit sa pamamangka
5. Tungkol saan ang awiting – bayang pinamagatang “Ay, Ay , Kay Lungkot”?
a. tungkol sa isang dalagang nabigo sa pag-ibig
b. tungkol sa isang dalagang gustong magpakamatay
c. tungkol sa isang dalagang naulila sa mga magulang
d. tungkol sa isang dalagang mahilig umawit
6. Nagsimula bilang tula o tugma na nilapatan ng melodiya o himig.
a. awiting – bayan c. dalit
b. bulong d. tula

7. Awit sa pakikipagdigma o pakikipaglaban.


a. balitaw c. diona
b. dalit d. kumintang
8. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga awiting – bayan, maliban sa;
a. Bahay - kubo c. Pusong Bato
b. Dalagang Pilipina d. Leron – Leron Sinta
9. Uri ng awiting - bayan na karaniwang inaawit habang naglalaro ang mga bata.
a. awit-panghanapbuhay c. awit sa inuman
b. awit – pambata d. awit sa pamamangka
10. Uri ng awiting – bayan na nauukol sa pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan sa
Kabisayaan.
a. awit-panghanapbuhay c. awit sa inuman
b. awit – pambata d. awit sa pamamangka
11. Kumbensyon sa pagbuo ng awitin na maaaring mga salita , parirala o isang pangungusap na
sumisimbolo sa isang bagay.

a. larawang – diwa c. tayutay


b. simbolismo d. sukat

12. Mga salitang binabanggit sa tula na nag-iiwan nang malinaw na larawan sa isipan ng
mambabasa.
a. larawang – diwa c. tayutay
b. simbolismo d. sukat

13. Bakit bahagi ng kulturang Pilipino ang panghaharana noon?


a. dahil paraan ito ng panliligaw ng mga kalalakihan
b. dahil mahilig umawit ang mga Pilipino noon
c. dahil libangan ito ng mga Pilipino
d. dahil nakaugalian na

14. Batay sa awit na “ Harana” , anong bagay ang sumisimbolo sa dalaga?


a. rosas c. awit
b. pantalon d. bituin

15. Ang mga sumusunod ay mga kumbensyon sa pagbuo ng awiting – bayan, maliban sa isa.
a. tayutay c. parirala
b. tugma d. sukat

You might also like