You are on page 1of 2

Department of Education

Division of Agusan del Sur


Guadalupe National High School
Guadalupe, Esperanza, Agusan del Sur

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


QUARTER 2 WEEK 3-4
(Modyul 4-5)

Pangalan:_____________________________________________________ Pangkat: LOYALTY


Guro: Bb. GENEROSE G. TABULO Petsa: _________

MARAMIHANG PAGPIPILI
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Maging noong unang panahon ang ating mga ninuno ay nagkaroon na ng mga
karunungang- bayan na kinabibilangan ng alamat.
Mula sa pahayag masasabi na ang mga ninuno ay__________.
a. Marurunong c. maalamat
b. mahilig sa panitikan d. manunulat
2. Sa panahong ito, higit na umunlad ang wika at paraan ng pagsulat. Marami sa mga alamat
ang naisulat at naipalaganap.
Mula sa pahayag masasabi na na ang alamat ay bahagi na ng _________ ng mga Pilipino.
a. buhay c. pamumuhay
b. kuwento d. kasarinlan
3. Inaanyayahan ng mga binata ang mga dalaga, bagaman pumayag agad ang mga ito ngunit
nagpaalam pa rin sila sa kanilang ama.
Masasabi mula sa pahayag na ang pagpaalam sa mga magulang ay bahagi na ng
ating____________________________.
a. kultura c. aral
b. alamat d. paniniwala
4. Maagang pumalaot ang nag-aalalang ama upang muling sundan at hanapin ang kanyang
mga anak. Ngunit laking panlulumo niya nang matanaw niya ang pitong maliliit na islang tila
isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras.
Mahihinuha mula sa pahayag na ang mga islang nakikita ay ang mga________________.
a. pitong isla c. pitong suwail na anak
b. pitong pulo d. pitong bayan
5. Ang pitong mumunting isla sa Kabisayaan na pinangalanang Isla de los Siete Picados ay
pinaniniwalaang paalaala sa pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong suwail na dalaga
sa kanilang mapagmahal na ama.
Mahihinuha mula sa pahayag na ang mga suwail na anak ay________________.
a. napahamak c. napabuti
b. naging isla d. namatay
Kilalanin at bigyang-kahulugan ang salitang nakasalungguhit sa bawat
pangungusap

6. Kapirasong tela ang ibinigkis paikot sa tiyan ng sanggol.


a. itinali c. ipinunas
b. inihampas d. inilagay
7. Hindi nagbabayad ng matrikula ang mga magulang ni Margene dahil siya ay iskolar.
a. matalinong bata c. mapagbigay na bata
b. mahirap na bata d. mayaman na bata
8. Masalimuot ang mga pangyayari sa pagkamatay ni Marlon.
a. makulay c. magulo
b. mapayapa d. masaya
9. Si Dan ay palaging nagbibilang ng poste.
a. mahusay magtrabaho c. naghahanap ng trabaho
b. walang trabaho d. ayaw magtrabaho
10. Si Ariel ay ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
a. mahirap c. mapanukso
b. mabait d. mayaman
11. Mahirap makisama sa mga taong balat-sibuyas.
a. mayabang c. mayamot
b. mayaman d. maramdamin
12. Lumaki ang ulo ng mga kamag-anak nang sila ay naging mayaman.
a. bumait c. tumaas
b. yumabang d. tumigas
13. Masamang damo lang ang nagtataksil sa bayan.
a. mabait na tao c. mangmang na tao
b. masamang tao d. matalinong tao
14. Nagpuputok ang butse ni Lea nang makita niyang punit ang kanyang mamahaling bag.
a. masayang-masaya c. galit na galit
b. malungkot na malungkot d. iyak ng iyak
15. Mababaw ang luha ni Emma kaya kaunting pantutukso lang ay humagulgol na ito.
a. madaling tumawa c. madaling magalit
b. madaling malungkot d. madaling umiyak

You might also like