You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Bisayas
CABATUAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO
Baitang 7

Panuto: Pilin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Akdang pampanitikan na tumutukoy sa pinagmulan ng bagay-bagay sa mundo.


a. Sanaysay b. Epiko c. Alamat d. Tula
2. Sa binasang alamat, sa pagitan ng Dumangas at Guimaras matatagpuan ang mumunting isla.
a. Tama b. mali c. maaaring tama d. maaaring mali
3. Ang salitang alamat o legend sa Ingles ay mula sa salitang legendus sa nangangahulugang______.
a. Upang mapakinggan c. upang masulat
b. Upang Mabasa d. upang makopya.
4. Karaniwan sa paksang ginagamit sa tula ay ang sumusunod maliban sa isa __________.
a. Katutubong kultura c. kapaligiran
b. Mga kaugalian d. ayon sa pelikula
5. Ano ang nangyari sa mga suwail na dalaga?
a. Nasawi sila dulot ng sama ng panahon c. Naging masaya sila sa piling ng mga binatang dayo.
b. Nagkaroon sila ng kanya-kanyang pamilya. d. Matagumpay silang nakaalis sa magandang islang kinalakihan.
6. Matapos mabigo sa hangaring mahabol ang kanyang mga anak ay umuwi ang matandang malungkot. Ano ang ginawa ng
matanda pag-uwi ng kanilang bahay?
a. Itinapon ang mga gamit ng anak sa labas ng bahay. C. Higit na malungkot ang matanda kaya umiyak na lamang siya.
b. Sinumpa niya ang kanyang mga apnak na dalaga. D. Sinunog ang kanilang kubo para mawala na rin ang alaala ng kanyang mga anak.
7. Ang pitong anak ng matanda ay kilala sa buong bayan sa taglay nilang__________.
a. Kabaitan b. Kagandahan c. Kasipagan d. katalinuhan
8. Ano ang trabaho ng matandang tauhan sa binasang alamat?
a. Mangangalakal b. Mananahi c. Mangingisda d. Hardinero

Panuto: Lagyang ng tsek ang wastong pag-uugaling ipinakita at ekis naman kung mali.
_______ 1. Sinigawan ni Maria ang kanyang Lolang ulyanin mnatapos nitong masira ang kanyang pinakainingatang damit.
_______ 2. Palaging binibilhan ng kanyang anak ng paborito niyang siopao si Mang Kanor pagkagaling sa trabaho.
_______ 3. Tiniis ni Ana ang sobrang pagod sa pagbebenta buong araw ng basahan para lamang mapagamot ang kanyang
maysakit na ama.
_______ 4. Niyayakap ni Cassandra ang kanyang Ina sa tuwing umaalis ito at sa kanyang pag-uwi galing paaralan.
_______ 5. Sinuway ng magkakapatid ang kanilang ama upang masunod ang kanilang kagustuhan kahit na ito ay mali.

Panuto: Isulat ang titik L sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay palamang. Isulat ang titik B kung ito ay
pasahol.
_____ 1. Ang panahon tuwing Mayo ay higit na mainit kaysa panahon ng Disyembre.
_____ 2. Di-gaanong mahal ang sibuyas ngayon na tulad ng presyo nito noong isang buwan.
_____ 3. Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa sa byahe sa barko.
_____ 4. Ang pelikulang napanood ko ay mas nakakatawa sa pelikulang The Mall, The Merrier.
_____ 5. Ang pagdiriwang na nag-iisa ay di-masyadong masaya na gaya ng pagdiriwang kung saan ay buo ang pamilya.
_____ 6. Di-gasinong maingay si Leila na tulad ni Mae ann.
_____ 7. Ang lugar na ito ay di-hamak na mapanganib kaysa sa bayan ng Dueñas.
_____ 8. Ayon sa aking pamangkin, di-gaanong mahirap ang asignaturang Filipino kung ihahambing sa ibang asignatura.
_____ 9. Mas marami ang kinakain ko sa agahan kaysa tanghalian.
_____ 10. Ang dagat ay mas maalon ngayong gabi kaysa kaninang umaga.

Panuto: Gumuhit ng masayang mukha ( ) sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay magkatulad. Gumuhit naman ng
malungkot na mukha ( ) kung ang paghahambing ay di-magkatulad. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.

_____ 1. Higit na maraming netizens ang nakilahok sa PBB ngayon kaysa nakalipas na taon.
_____ 2. Si Aljohn ay di-gaanong masipag na gaya ni Elmer.
_____ 3. Kung pagsasayaw ang pag-uusapan, Si Reyver ay kasinggaling ni Maja.
_____ 4. Ang nakita kong cellphone sa SM ay kasintibay ng naipadala ni Nanay.
_____ 5. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap, tulad ng nakaraang pagsusulit.
_____ 6. Kasimbagsik ng Leon ang nakita naming Tigre.
_____ 7. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa sa nakaraang taon.
_____ 8. Di-hamak n amalakas ang ulan ngayon kaysa sa kahapon.
_____ 9. Ang magkapatid ay magkasingtangkad.
_____ 10. Gabutil ang luhang pumatak sa mga mata niya noong naghiwalay sila.
_____ 11. Ang kuponan namin ay di-masyadong hand ana gaya ng kuponan ni Sir Rex.
_____ 12. Ang hugot sa bagong kanta ni Moira ay magkasing trending sa mga nauna.
_____ 13. Ang daloy ng trapiko ngayon sa Jaro ay di-gaanong mabigat na tulad ng daloy ng trapiko kahapon.
_____ 14. Lalong mahirap ang pamumuhay naming dito kung ihahambing ito sa buhay namin sa probinsiya.
_____ 15. Ang ulam kahapon ay mas masarap kaysa sa ngayon.

You might also like