You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI-Kanlurang Bisayas
CABATUAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO
Baitang 7

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy ito sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.


a. Sanhi b. bunga c. epekto d. resulta
2. Ano tawag sa kinalalabasan o dulot ng isang pangyayari?
a. bunga b. dahilan c. sanhi d. ugat
3. Itinakbo sa ospital ang bata sapagkat nahimatay siya sa pagod. Ano ang pag-ugnay na ginamit sa sanhi at
bunga?
a. Sa b. pagkat c. sapagkat d. ang
4. Pumutok ang gulong ng sasakyan ni Jovanie kaya napatigil siya sa daan. Ano ang bungang ipinapahiwatig sa
pangungusap?
a. Pumutok ang gulong c. Gulong ng sasakyan
b. Napatigil siya sa daan d. Sasakyan ni Jovanie
5. Ang mga damit sa sampayan ay agad na natuyo pagkat sobrang matirik ang sikat ng araw. Ano ang sanhing
isinasaad sa pangungusap?
a. Ang mga damit sa sampayan c. Agad na natuyo
b. Matirik ang sikat ng araw d. Ang sikat ng araw
6. Nakapagatapos siya ng pag-aaral kaya umasenso ang kanyang buhay. Ano ang bungang ipinapahiwatig sa
pangyayari?
a. Umasenso ang kaniyang buhay c. Kaya umasenso
b. Nakapagtapos siya ng pag-aaral d. siya
7. Maraming naghihirap sa panahon ng krisis kasi tumaas ang presyo ng mga bilihin. Ano ang sanhing isinasaad sa
pangyayari?
a. Maraming naghihirap c. Sa panahon ng Krisis
b. Tumaas ang presyo ng bilihin d. Presyo ng mga bilihin
8. Tumutukoy ito sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
a. Sanhi b. bunga c. epekto d. resulta
9. Lumilinga-linga ang magnanakaw kung may nakakita sa kanya habang may isang nakatutok lamang sa
pagkakamasid sa kanya. Ano ang kasalungat ng lumilinga-linga?
a. Tanto b. Nakatutok c. Kulang d. mabilis
10. Kukuha ako ng cactus plant sa kanya. Kapalit nito, bibigyan ko siya ng makukulay na batong pandisenyo sa
kanyang paso. Ano ang kasalungat na salita ng salitang naka italisado?
a. Kulang b. mabilis c. Tanto d. Bibigyan
11. Ito’y isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal na naganap o
maaaring maganap.
a. Maikling Kwento b. Pabula c. Dula d. Kuwentong-Bayan
12. Ayon sa akdang ang Pilosopo, may isang bayan na ang naninirahan ay mga taong sunod-sunuran na lamang dahil
sa takot na masuway ang batas na umiiral. Mahihinuha na ang namumuno ay __________.
a. May ugaling mapagkumbaba
b. Mahigpit ang pagpapatupad ng batas
c. Mapang-alipusta sa kanyang mga sinasakupan
d. May pinanggagalingang sama ng loob sa pagpapatupad ng batas
13. Namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino
sa kanyang mga tauhan ang mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain. Mahihinuha na si Abed ay
__________.
a. Mapangpanggap lamang dahil masama ang totoong ugali nito
b. Mahigpit na pinuno subalit inaalala niya ang kalagayan ng kanyang mga tauhan
c. Mapagkumbaba sapagkat kahit may kasalanan ang mga ito ay kaya niyang patawarin
d. Lahat ay tama
14. Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng baton a tamang-tama lang ang bigat sa
kanila. Subalit hindi ito sinunod ni Subekat. Mahihinuha na si Subekat ay _________.
a. Matigas ang ulo at hindi sumusunod sa mga alituntunin
b. Mapagmataas dahil kaya niyang manindigan sa buhay
c. Magaling magdala ng sitwasyon kahit nahihirapan na siya.
d. Palaging may rason sa lahat ng pinagdaraanang pagsubok.
15. Isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at kagila-gilalas na pakikipagtunggali ng
pangunahing tauhan laban sa mga kaaway na halos hindi mapapaniwalaan dahil nagtataglay ito ng katangiang
higit sa karaniwang tao.
a. Pabula b. Epiko c. maikling kwento d. Dula
16. Ang Hudhud ni Aliguyon ang isang halimbawa ng Epiko ng __________.
a. Epiko ng Bikol c. Epiko ng Ifugao
b. Epiko ng Ilokano d. Epiko ng Maguindanao
17. Ang Epiko ay nanggaling salitang Griyego na ________ na ang ibig sabihin ay awit.
a. Ekos b. Epos c. Eros d. Ebos
18. Anong uri ng panitikang Pilipino ang nasa anyong tuluyan o prosa na ang mga kwento ay nagmula sa bawat pook
na naglalahad ng katangi-tanging salaysay sa kanilang lugar.
a. Kuwentong bayan c. Kasabihan
b. Alamat d. Salawikain
19. Isang uri ng lamang-lupa na pinaniniwalaang isang malaking taong naninigarilyo ng tabako at nakatira sa mga
malalaking punong-kahoy.
a. Manananggal b. duwende c. Tyanak d. kapre
20. Anong epiko mayroon ang mga taga-Bikol?
a. Lam-ang b.. Bantugen c. Bidasari d. Handiong

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari batay sa akdang “Bangkang Papel”. Lagyan ng bilang 1 para sa
pinakauna at 5 para sa pinakahuling pangyayari. (21-25)

_____ Sa pangalawang pagkakataon ay nainis na ang bata sa naging utos ng kanyang ate kaya siya
napatingin ng matalas dahilan para kurutin ito ng kanyang ate at mapaiyak.
_____ Labis ang saya ng mga batang ninanamnam ang pagpatak ng ulan sa kanilang katawan.
Masaayang naglalaro sa lubak-lubak na kalsadang kinaiimbakan ng tubig habang natatamaan
sila ng tubig mula rito.
_____ Tawanan ang lahat ng binato ni Sonny ang isa ang isa sa mga bangkang papel hanggang sa
ang lahat ay tuluyan nang Mabasa.
_____ Pumasok siya sa kanyang kwarto at kumuha ng papel, napaupo siya sa bangko kung saan
niya ginagawa ang bangkang papel sabay lingon sa bintana.
_____ “Uulan na” ang wika ng bata sa kanyang isipan. Sabik na sabik para sa larong pinakahihintay
nilang magkakaibigan sa tuwing sasapit ang tag-ulan.

Panuto: Isulat sa patlang ang wastong pag-ugnay sa bawat pangungusap. Piliin ang mga pag-ugnay sa loob ng kahon.

Dahil sa sapagkat bunga ng kaya sanhi ng


26. Naligalig ang kaharian ng Kembayat __________ pagdating ng dambuhalang ibon.
27. Nanganak ang sultana sa tabing ilog __________ sobrang takot.
28. Natatakot si Lila Sari na umibig sa iba ang sultan __________ lagi niyang tinatanong ang sultan kung mahal
siya nito.
29. Iniwan ng sultan si Lila Sari sa kaharian __________ galit na galit sang Sultan sa ginawa niya kay Bidasari.
30. Naiingit si Lila Sari kay Bidasari __________ kagandahang taglay nito.

Panuto: Salungguhitan ang angkop na pang-ugnay sa sumusunod na pangungusap.


31. (Ayon sa, Para kay, Tungkol kay) Jose ang biniling damit ni Ana bilang regalo sa kanyang kaarawan.
32. Napasailalim sa mahigit isang buwan na Commumity Quarantine ang probinsya ng Iloilo (dahil sa, kaya,
sapagkat) COVID-19 virus.
33. Nabundol nang matulin (-g, ng, at) sasakyan ang pulubing nakaupo sa bangketa.
34. Ang wastong uri ng pagkain (at, o, ni) tamang pag-ehersisyo ay mabisa para sa kalusugan.
35. Ibibili kita ng sapatos (kung, o, sapagkat) mataas ang iyong grado.

Inihanda ni: Gng. Michelle Dellava-Dailan

Checked by: Noted by:


BB. LINA D. CLAVERIA GNG. AILYN M. GAMES

You might also like