You are on page 1of 3

Pangalan: Seksyon: Iskor:

FILIPINO 6
PANUTO: Basahin ang teksto sa nakabukod na papel at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Bilugan lamang ang titik ng sagot.
1. Ano ang nangyayari kapag may El Niño?
a. tagtuyo b. red tide c. ipu-ipo d. bagyo
2. Maliban sa tao, ano-ano pa ang maapektuhan sa El Niño?
a. hayop, halaman at gubat b. hangin, lupa at buhangin
c. Bato, semento, at tubig d. ulap, araw at bituin
3. Ano ang HINDI nagaganap kapag tagtuyot?
a. Pag-ihip ng hangin b.pag-ulan c. pagdilim d. pag-araw
4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao kapag El Niño?
a. giniginaw b. masigla c. naiinitan d. nanlalamig
5. Bakit kaya maaaring maraming magutom kapag tagtuyot?
a. Magakakasakit ang mga tao b. tatamarin magluto ang mga tao
c. Kukulangin ang tubig sa pagluluto d. Hindi makakapagtanim ang magsasaka

PANUTO: Piliin ang angkop na pang-ugnay sa bawat pangungusap. Piliin at bilugan ang tamang sagot.
6. Umalis patungo probinsiya ang mag-anak.
a. -ng b.na c. ang d. at
7. Maliligo rin sila sa malilinis ilog sa tabi ng kanilang bahay.
a. -ng b.na c. ang d. at
8. Iniipon ni Lita ang kaunti ______ kinikita at ibinibigay sa kanyang nanay.
a. -g b. na c. -ng d. sa
9. Ang enerhiya geothermal ay malinis dahil hindi ito nagbubuga ng usok _____ nakakasama sa katawan.
a. ng b. g c. at d. na
10. Si Andrew ay mahilig kumain ng mga pagkain _____ masasarap.
a. na b. g c. ng d. o

PANUTO:Piliin ang pangatnig na pang-ugnay sa bawat pangungusap.Piliin at bilugan ang tamang sagot.
11. Malusog malakas ang katawan ni Bryan.
a. at b.ngunit c. pagkat d. nang
12. Kailangan ang regular na ehersisyo manatili sa kondisyon ang katawan.
a. dahil b. upang c. dahil d. kapag
13. Aalis ka ba ____ maghihintay ka sa akin?
a. o b. at c. kung d. dahil
14. Ang pagtanggap sa sariling kamalian ay kailangan _____ mapaunlad mo ang iyong sarili.
a. sapagkat b. dahil c. upang d. kaya
15. Si Abegail ay umawit ______ tumutugtog ng gitara.
a. o b. habang c. dahil d. ngunit
16. Tutulungan kita ______ maging magaan ang iyong pagtatrabaho sa bukid.
a. ngunit b. upang c. at d. dahil
17. Iwasan ang droga _____ hindi madisgrasya.
a. subalit b. upang c. dahil d. kaya

PANUTO: Bumuo ng bagong salita sa pamamagitan ng naibigay na salitang ugat at panlapi. Isulat ang inyong sagot sa loob
ng kolum.
Salitang-ugat Panlapi Mabubuong Salita
18. harap -an
19. sayaw Nag-
20. lasa Ma-,-han

PANUTO: Suriing mabuti ang pangungusap. Tukuyin ang panlapi na angkop sa salitang nakapanaklong.

21. (akyat)____ si Leo sa bundok ng Hibok-hibok kahapon kasama ang kanyang mga kaibigan.
a. um- b. –an c. –in d. in-,-an
22. Dali-daling (kuha)____ ni Aling Beth ang kanyang bag upang makahabol sa susunod na byahe ng bus.
a. -in b. –um- c. –an d. –in-

PANUTO:Basahin at isulat sa patlang ang O kung ang pahayag na isinasaad ay Opinyon at K kung Katotohanan.
23. Ang usok ng mga sasakyan ay nagpaparumi ng hangin.
24. Marahil, bibilis ang pag-unlad ng ating bansa kung tayong lahat ay magtutulungan.
25. Napakalamig ng hangin, umulan siguro sa ibang lugar.
26. Sinasabing ang mga taong may malapad na noo ay matalino.
27. May dalawang uri ng panahon sa Pilipinas, ang tag-ulan at tag-araw.

PANUTO: Suriing mabuti ang bawat pahayag kung ito ay katotohanan o opinyon. Piliin at bilugan ang titik ng sagot.
28. Para sa akin, si Nina ang pinakamagaling na mag-aaral sa aming klase.
A. Katotohanan B. Opinyon
29. Ang bangko ay lugar kung saan ipinatatago ng isang tao ang kaniyang pera gaya ni Alona.
A. Katotohanan B. Opinyon
30. Sa aking palagay, si Vice Ganda ang pinakanakakatawang komedyante sa buong bansa.
A. Katotohanan B. Opinyon

PANUTO:Pag-aralan mo ang mga sumusunod na talatang bumubuo sa isang talambuhay. Sa loob ng kahon, piliin mo ang
katumbas ng buod. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A. Mga gawaing ginampanan at trabahong pinasukan ni Bonifacio


B. Ang pagkakatatag ng samahang katipunan
C. Kapanganakan at Kabataan ng Dakilang Maralita
D. Mga taguri kay Andres Bonifacio
E. Mga akdang binasa ni Bonifacio

______31. Itinuring ng ating kasaysayan bilang “Tunay na Bayani ng Masa.” Maraming taguri kay Andres Bonifacio.
Tinatawag siyang “Ang Dakilang Mahirap.” Nakikilala na siya bilang “Ama ng Katipunan” at “Ama ng Demokrasyang
Pilipino.
______32. Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila noong Nobyembre 30, 1863. Maralita ang angkang kanyang
pinagmulan. Maaga siyang naulila. Labing-apat na taong gulang siya nang mapaatang sa kanyang balikat ang pangangalaga sa
lima niyang kapatid.
______33. Gumawa siya ng mga baston, tungkod at pamaypay na naging mabili sa mga nakaririwasang angkan at maging sa
mga Español. Nagtrabaho siya bilang mensahero sa istasyon ng tren sa Tutuban ` at isa ring bodegero. Upang maragdagan ang
kanilang pang-araw-araw na panustos, nagtitinda siya at nag-aahente ng iba’t-ibang paninda at produkto.
______34. Hindi siya nagkapalad na makapag-aral at makatungtong ng kolehiyo. Gayunpaman, buong tiyaga niyang binasa ang
ilang mga aklat pangkaisipan. Ilan sa mga ito ang History of the French Revolution at ang Noli at Fili ni Rizal.
______35, Noong gabi ng Hulyo 17, 1892, itinatag ni Bonifacio ang isang makabayang samahan. Tinawag niya itong KKK
sagisag ng Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan . Layunin nito na mapalaya ang mga Pilipino
sa mapaniil na pananakop ng mga Español.

PANUTO: Basahin ang sumusunod na talata at tukuyin ang pinakaangkop na maaaring mangyari sa bawat sitwasyon gamit
ang iyong dating karanasan/kaalaman. Piliin at bilugan ang titik ng iyong nais na sagot.

36. Habang namamalengke ang mag-amang sina Mang Cardo at Bugoy


napansin nilang walang suot na face mask ang ilang mamimili doon.
Biglang dumating ang mga pulis, ___________________________________.
A. at namili sila ng gulay.
B. at naglaro ang mga ito nang habol-habulan.
C. nagsipag-uwian ang mga mamimili at nagluto ng tanghalian.
D. pinagsabihan ng mga pulis ang mga mamimili na kailangan nilang magsuot ng face mask.
37. Nakikinig sa radyo si Mang Ambo habang humihigop ng isang tasang mainit na kape nang marinig niya na mayroon ng
positibo sa COVID-19 sa kanilang lugar. _______________________________.
A. Sinabayan ni Mang Ambo ang kumakanta sa radyo.
B. Pinatulog agad niya ang kaniyang asawa at mga anak.
C. Pagkaubos niya ng kaniyang kape, hinugasan niya ang pinagkainan ng kaniyang mag-iina.
D. Tinawag ni Mang Ambo ang asawa at mga anak para paalalahanan na manatili sa bahay at maging maingat para
hindi mahawaan.

38. Inutusan ni Bebeng ang kaniyang nakababatang kapatid na bumili ng asin sa tindahan ni Aling Nena ilang metro lang ang
layo sa kanilang bahay, ngunit mag-iisang oras na ay hindi pa ito nakauuwi.________________.
A. Nag-ensayo ng sayaw si Bebeng.
B. Lumabas siya ng bahay para maglaro.
C. Nakatulog si Bebeng habang nanonood ng telebisyon.
D. Sinundo niya ito sa tindahan at nadatnan niyang nawili sa paglalaro ang kapatid.
39. Napasigaw nang malakas si Fatima nang makita niyang nabundol ng kotse ang alaga niyang
aso.________________________.
A. Mangiyak-ngiyak siya sa sobrang galak.
B. Hinimatay siya sa sobrang pagkagutom.
C. Bumili siya ng laruang aso upang hindi malungkot.
D. Tumakbo siya patungo sa kaniyang aso at tiningnan ang kalagayan nito.
40. Nagwawalis ng bakuran si Aling Magding nang biglang kumidlat nang malakas. __________________________________.
A. Nagtawanan ang mga batang naglalaro.
B. Sa pagkagulat ay tumakbo siya papasok ng bahay.
C. Nagbihis siya at nagtungo sa palengke para bumili ng lulutuing ulam.
D. Pumasok siya sa bahay at nagluto ng pagkaing ihahain sa mga bisitang dadating.

TAGTUYOT HATID NG EL NIÑO

Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito, bumababa ang water level at
nakukulang sa suplay ng tubig sa mga anyong tubig, gaya ng mga ilog at batis. Nagkukulang din
sa suplay ng tubig sa mga imbakan gaya ng La Mesa Dam na matatagpuan sa lungsod Quezon at
Angat Dam sa Bulacan. Ang mga ito ang pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at sa mga
karatig probinsiya nito.

Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa buhay ng mga tao. Kukulangin ang
suplay ng tubig na inumin, pati na rin ang gagamiting tubig para sa iba pang pangangailangan.

Hindi lamang tao ang mahihirapan sa epekto ng tagtuyot. Kung kulang ang tubig,
magkakasakit ang mga hayop at maaari rin silang mamatay.

Ang tubig ay kailangan din ng mga halaman at kagubatan. Maraming apektadong


taniman kung kulang ang patubig. Dahil sa sobrang init, maaaring mag-apoy ang mga puno na
nagdudulot ng sunog.

Isang malaking tulong sa panahon ng El Niño ay ang pagtitiid ng tubig. Iwasang


aksayahin at gamitin ang tubig sa hindi mahahalagang bagay.

You might also like