You are on page 1of 2

PASIL ELEMENTARY SCHOOL

3rd Review Test in Filipino 3


SY 2023 - 2024
Pangalan:_________________________________ Grade & Sec:_____________
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Si Mang Carlos ay may alagang bibe, baboy at manok. Ito’y nagsisilbing hanapbuhay. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
A. ehersisyo B. libangan C. trabaho o pinagkikitaan
2. Nagtrabaho si Jonathan sa yelohan sa piyer simula dapithapon. Ano ang tambalang salita sa pangungusap?
A. dapithapon B. nagtrabaho C. yelohan
3. Ang whale shark ay napakalaking isda.Ito ay isa sa pinakamalaking uri ng isda. Ang haba nito ay 59
talampakan at tumitimbang ng 15 tonelada. Ano ang tamang paksa sa talatang ito?
A. malaking isda B. tiger shark C. whale shark
4. Ang batang magalang ay kayamanan ng magulang. Siya ay matulungin lalo na sa mga nakakatanda sa
tahanan. Siya ay tunay na magtatagumpay. Alin dito ang wastong paksa?
A. Ang Batang Magalang B. Ang Kayamanan C. Ang Tagumpay
5. __________ni Amelia ang kanyang bagong medyas at sapatos sa pagpasok niya sa paaralan. Anong
pandiwa ang dapat isulat sa patlang upang mabuo ang diwa?
A. Isinuot B. Isinusuot c. Isusuot
6. “Paano na ___ayo ngayon at di pa ako makapagtrabaho?” sabi ni Mang Lando.
A. M B. p C. t
7. Tigil na mga bata ang ___igil ni Lolo Tasyong. Anong tunog ang idadagdag sa pangungusap?
A. m B. P C. t
8. Masarap mamasyal at umakyat sa bundok. Para kang isang reynang tinatanaw ang iyong kaharian kung ikaw
ay nasa tuktok. Anong pangungusap ang sumusuporta sa pangunahing kaisipan?
A. Masarap mamasyal at umakyat sa bundok.
B. Makalalanghap ka ng sariwang hangin at madarama mo ang katahimikan.
C.Walang halaga ang pag-akyat sa bundok dahil ito ay nakakapagod.
9. Dito nakasaad ang lugar ng sumulat at petsa kung kailan ito isinulat.
A. Bating Panimula B. Bating Pangwakas C. Pamuhatan
10. Ito ay isinusulat nang patalata. Nakapasok sa palugit ang unang linya ng talata nito. Nagtataglay ito ng mga
bagay na nais sabihin ng sumulat.
A. Katawan ng Liham B. Lagda C. Pamuhatan
11. Isang gabi bumuhos ang napakalakas na ulan. Paggising ni Rumi nagulat siya
sa kanyang nakita. Bakit kaya? Dahil _____________________________.
A. ang mga basurang itinatapon niya ay nakita niya sa loob ng kanilang bahay.
B. maraming tubig ang naipon mula sa ulan
C. maraming tao ang gusto niya
12. Hindi nakadalo si Mario sa nakaraang pagdiriwang ng Sinulog Festival. Bakit kaya?
A. Maaaring may karamdaman si Mario.
B.Nasiyahan si Mario sa panonood ng Sinulog Festival.
C. Naglilinis si Mario sa kalsada dahil sa kalat.
13. Isang magsasaka si Mang Jose. Napakalaki ng kanyang lupang sakahan. Tinataniman niya ito ng
mais at palay. May malawak din siyang gulayan.
A. Ang Pagtatanim B. Ang Sakahan ni Mang Jose
C. Ang Mga Produkto
14. Ano ang tawag sa pananalita na naglalarawan kung paano ginawa, ginagawa o gagawin ang kilos?
A. Pang-abay na Panlunan B. Pang-abay na Pamanahon
C. Pang-abay na Pamaraan
15. Linising mabuti ang basyong bote bago ito muling gamitin. Paano nililinis ang mga basyong bote?
A. mabuti B. padabog C. waldas
16. Nagtago sa ilalim ng mesa ang pusa. Saan nagtago ang pusa?
A. ilalim B. mesa C. pusa
17. Kapag ginagawa natin ang ating aralin at nag-aaral nang mabuti. Ano ang maaaring bunga nito?
A. makakuha ng malaking marka sa pasulit
B. magkaroon ng malaking handaan
C. babagsak ang grado natin
18. Maraming isda sa ilog noon kaya maraming mabibiling isda sa palengke. Alin dito ang sanhi?
A. kakaunti ang isda sa ilog
B. maraming mabibiling isda sa ilog
C. maraming isda sa ilog noon
19. Namamatay ang mga isda dahil sa mga itinapong mga basura. Alin dito ang sanhi?
A. mga itinapong basura
B. namamatay ang mga isda
C. mga itinapong mga isda
20. _________ pangulo ng bansa ang mga lugar na maraming naapektuhan ng virus ay mag lockdown.
A. Ayon sa B. Para sa C. Tungkol sa
21. Dapat sundin natin ang mga patnubay o health protocols _______ Covid-19 para
hindi tayo mahawaan ng virus.
A. Laban sa B. Para sa C. Ukol sa
22. Sinabihan niya kaagad ang kanyang mga magulang ___________ kanyang narinig na balita.
A. ayon sa B. laban sa C. ukol sa
23. Narinig ko na ang balita kagabi pa anak ___________ Covid-19 iyan di ba? “Wika ni Aling Marites”.
A. ayon sa B. para sa C. tungkol sa
24. Ginawang tapunan ng mga basura ang mga ilog natin ngayon kaya nagkaroon tayo ng malaking baha. Alin
ang bunga nito?
A. Ginawang tapunan ang mga ilog.
B. Nagkaroon tayo ng malaking baha
C. Maraming mga basura ang mga ilog.
25. Hinihintay si Mang Lando na umuwi __ula sa kaniyang trabaho.
A. l B. m C. p
26. Dinala agad ni Nanay Iska sa ospital si Jeric. Alin dito ang pandiwa ?
A. agad B. dinala C. ospital
27. Dadating ang aking pinsan mula probinsiya mamayang hapon. Anong aspekto ng pandiwa ang salitang
sinalungguhitan?
A. Pangnagdaan B. Pangkasalukuyan C. Panghinaharap
28-30. Kumpletuhin ang tsart.

Ang sampaguita ang pambansang bulaklak. Ito ay may puting kulay na sumisimbolo sa kalinisan at
pagkadalisay. Napakamahalimuyak ng bulaklak na ito.

I. Pangunahing Paksa:

II. Sumusuportang Paksa:

A. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
B. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

You might also like