You are on page 1of 4

QUARTER 3 SUMMATIVE TEST 3

Filipino 3

Pangalan:____________________________Baitang:______________ Iskor:______

I. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang hinihinging bahagi sa liham sa Hanay A. Isulat ang letra ng iyong
sagot.

____

____

____

____

____
II. Panuto: Basahin at subukan mong maghinuha sa magiging lagay ng panahon. Isulat ang tamang sagot
sa nakalaang espasyo.

__6. Ano kaya ang posibleng dala ng hanging habagat sa buong MIMAROPA?
A. pag-ulan
B. mainit na panahon
C. maalinsangang panahon

___7. Batay sa Ulat Panahon, ano ang inaasahang mangyayari sa paitaas na bahagi ng bansa sa Miyerkules?
A. pag-ulan
B. matinding init

1
C. matinding hangin
___8. Naglabas ng yellow rainfall warning ang PAG-ASA. Ano ang posibleng maidulot nito sa lugar na
apektado?
A. babaha sa nasabing lugar
B. matutuyo ang mga pananim
C. magiging maaliwalas ang panahon
___9. Hulaan mo kung anong magiging lagay ng panahon kinabukasan.
A. mainit
B. maulan
C. mahangin
___10. Ano kaya ang dapat gawin ng mga tao kapag panahon ng tag-ulan?
A. mamasyal
B. manatili sa bahay
C. magpalipad ng saranggola
III. Panuto: Bigyang-hinuha ang sumusunod na pangyayari. Isulat ang letra ng tamang sagot sa espasyo.
___11. Naiwan ni Dodong ang inihaw na isda sa mesa nang walang takip. Nakapasok ang pusang si Ming-ming.
Ano kaya ang susunod na mangyayari?
A. Kakainin ng pusa ang ulam.
B. Tititigan ng pusa ang ulam.
C. Aamuyin ng pusa ang ulam.

___12. Lumabas at pumila ang mga mag-aaral papuntang kantina. Ano ang hinuha bago ang pangyayari?
A. Tumunog ang bell.
B. Nagsimula na ang klase.
C. Kumain ng meryenda ang mga bata.

___13. Maraming bitbit na tsokolate si Xev. Makalipas ang isang oras sumigaw siya ng “Araaay!” habang
hawak ang kaniyang mukha. Napaano kaya si Xev?
A. Nadapa si Xev.
B. Nakatulog si Xev.
C. Sumakit ang ngipin ni Xev.

___14. Makulimlim ang kulay ng langit. Malamig ang dampi ng hangin sa aking mga balat. Ano kaya ang
susunod na mangyayari?
A. Iinit ang panahon.
B. Tila uulan mamaya.
C. Magkakaroon ng bahaghari.

___15. Tuyo na ang mga dahon ng halaman ni Aaliyah sa loob ng bahay. Ano ang posibleng hinuha bago ang
pangyayari?
A. Nalanta ang halaman.
B. Tumubo ang halaman.
C. Nakalimutang diligan ang halaman.

IV. Panuto: Basahin mo ang mga talata at pagkatapos ibigay ang angkop na pamagat nito. Isulat sa
papel ang titik ng iyong sagot.
___16. Dali-daling naghanda si Jose upang pumasok sa paaralan. Pagdating sa paaralan, agad siyang naglinis ng
kanilang silid-aralan. Hindi nagtagal ay dumating si Bb. Barro na nakangiti sa kaniya. “Magandang umaga po!”,
magalang na bati niya.
a. Ang Batang Mabait
b. Ang Aking Guro
c. Ang Aking Silid
___17. Masama ang panahon kaya walang pasok. Naisip ng magkapatid na sina Samuel at Lita na tumulong na
lang sa kanilang ina sa mga gawaing-bahay. Natuwa ang kanilang mga magulang. Kinabukasan, dinagdagan ng
kanilang ama ang baon nila.
a. Ang Magkapatid na Matulungin
b. Mga Gawaing Bahay
c. Walang Pasok

2
___18. Dumaan sa parke si Roberto malapit sa kanilang bahay. Nagandahan siya sa mga bulaklak na gumamela
na itinanim doon. Ito kasi ang paboritong bulaklak ng kaniyang nanay. Pag-uwi niya sa bahay ay naisipan
niyang magtanim ng gumamela upang matuwa ang kaniyang ina.
a. Ang Tanim sa Parke
b. Magtanim ng Gumamela
c. Ang Paboritong Bulaklak ni Nanay

___19. Isang hapon, namasyal sa Plaza ang mga bata. Sila ay naglaro sa palaruan, naglakad sa hardin, at
nagkuwentuhan sa tabi ng entablado. Pagod man sila sa pamamasyal, bakas pa rin sa kanilang mukha ang tuwa
dahil sa napakasayang karanasan.
a. Ang Pamamasyal sa Plaza
b. Ang Mga Bata
c. Ang Isang Hapon

___20. Ang Barangay San Roque ay mapayapang lugar. Walang nagaganap na kaguluhan dito. Lahat ng
naninirahan sa lugar na ito ay pawang magkakakilala at magkakasundo. Napakasarap manirahan dito.
a. Ang Barangay San Roque
b. Naninirahan sa San Roque
c. Mapayapang Lugar ng San Roque

PERFORMANCE TASK
Panuto: Iwasto ang nilalaman ng bawat bahagi ng liham. Pagkatapos, sipiin at isulat ito sa isang malinis
na papel.

mahal kong Belinda

263 Rizal Street


Puerto Galera, Oriental Mindoro
March 15, 2021

3
magandang araw sa iyo, Belinda! Kumusta ka na? Gusto sana kitang imbitahin sa aking kaarawan sa darating na
Linggo, ika-20 ng Marso, 2022. Inaasahan ko ang iyong pagdating sa nasabing pagdiriwang

roma
iyong kaibigan

You might also like