You are on page 1of 4

IKATLONG-MARKAHANG PAGSUSULIT

SA FILIPINO 3
Pangalan:___________________________________ Petsa: _____________
Baitang: ____________________________________ Marka: ____________

Panuto: Sagutin ang bawat tanong mula sa kuwentong napakinggan na “Ang Bagong Sapatos ni Lito”. Isulat
ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Bakit napalundag sa saya si Lito?


a. Nanalo siya sa paligsahan. c. Binigyan siya ng bagong laruan.
b. Nagkaroon siya ng bagong sapatos.
2. Ano ang ginagawa ng nanay ni Lito sa bahay?
a. Nag-aalaga ng mga hayop. c. Nag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid.
b. Nagtatanim ng mga halaman.
3. Kailan naisipan ng tatay ni Lito na maglako ng mga paninda?
a. Isang umaga b. Isang hapon c. Isang gabi
4. Saan naglako ng mga prutas at gulay ang tatay ni Lito?
a. Sa bayan b. Sa siyudad c. Sa barangay
5. Paano nagkaroon ng bagong sapatos ang bata sa kuwento?
a. Bumili ang tatay niya ng sapatos sa mall. c. Nakapulot sila ng sapatos sa bayan.
b. Pinalitan ng sapatos ang tindang prutas ng tatay niya.
Panuto: Basahin ang teksto o talata at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
Tamang Paghuhugas ng Kamay

Sa lahat ng bahagi ng katawan, madalas ang kamay ang makakukuha ng mikrobyo sa paligid. Marami
kasi tayong hinahawakang bagay na marumi kung kaya dapat palagi tayong maghuhugas ng kamay bago
kumain. Sa paghuhugas ng kamay, mainam na gumamit tayo ng malinis na tubig. Sabunan ang kamay nang
maigi na hindi bababa sa 20 segundo saka banlawan. Sundin ang tamang hakbang ng paghuhugas ng kamay
upang maiwasan na magkasakit.
6. Ano ang pamagat ng talata?
a. Tamang Pag-eehersisyo c. Tamang Paghuhugas ng Pinggan
b. Tamang Paghuhugas ng Kamay
7. Saan madalas makukuha ang mikrobyo?
a. Sa silya b. Sa damit c. Sa paligid
8. Kailan maghuhugas ng kamay?
a. Bago kumain b. Bago matulog c. Bago magsipilyo
9. Paano ang tamang paghuhugas ng kamay?
a. Gumamit ng tubig lamang. c. Gumamit ng malinis na tubig at sabon.
b. Gumamit ng alcohol at pabango.
10. Bakit mahalagang malinis lagi ang ating kamay?
a. Upang makaiwas sa sakit.
b. Upang maganda tingnan.
c. Upang hindi magalit si nanay.
Panuto: Kopyahin ang salitang kilos na ginamit sa bawat pangungusap. Isulat sa pape ang iyong sagot.
11. Nagsisipilyo ako ng ngipin araw-araw.
12. Kami ni Nena at Popoy ay nag-iigib ng tubig.
13. Binunot ni kuya ang mga puting buhok ni Mama.
14. Ang mga aso ay tumatakbo nang mabilis.
15. Kaming magkapamilya ay sama-samang naglinis ng bahay.
Panuto: Sa iyong pagsisimula, basahin at unawain ang talata. Mula sa iyong binasa, sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa ibaba at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

Galit

Galit na galit ang langit. Ang buhos ng ulan ay napakalakas na para bang wala nang bukas. Ang kulog na
maririnig ay parang malakas na pagsabog. Ang matatalim at nakatatakot na kidlat ay makikita sa madilim na
papawirin.
16. Tungkol saan ang binasang talata?
a. Galit na langit c. Matatalim na kidlat
b. Malakas na ulan d. Nakabibinging kulog
17. Ano ang pangunahing kaisipan sa binasang talata?
a. Galit na galit ang langit c. Ang napakalakas na buhos ng ulan
b. Ang kulog na sumasabog d. Ang kidlat na matatalim sa papawirin
18. Alin ang nagpapatunay na galit na galit ang langit?
a. Ang malakas na buhos ng ulan
b. Ang kidlat na matatalim ang nakikita sa papawirin
c. Ang kulog na maririnig ay parang malakas na pagsabog
d. Lahat ng nabanggit
19. Ano ang tawag sa mga pantulong na impormasyon sa pangunahing kaisipan?
a. Unang kaisipan c. Sumusuportang kaisipan
b. Pangwakas na kaisipan d. Wala sa nabanggit
20. Ano ang pantulong na impormasyon base sa nabasang talata?
a. Ang buhos ng ulan ay napakalakas c. Ang kidlat ay makikita sa madilim na papawirin
b. Ang kulog ay parang malakas na pagsabog d. Lahat ng nabanggit
Panuto: Bigyang-hinuha ang sumusunod na pangyayari. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
21. Naiwan ni Dong ang inihaw na isda sa mesa na walang takip. Nakapasok ang pusa. Ano kaya ang susunod
na mangyayari?
a. Kakainin ng pusa ang ulam. b. Tititigan ng pusa ang ulam. c. Aamuyin ng pusa ang ulam.
22. Lumabas at pumila ang mga mag-aaral papuntang kantina. Ano ang mahihinuha mo bago ang pangyayari?
a. Tumunog ang bell. b. Nagsimula na ang klase. c. Kumain ng meryenda ang mga bata.
23. Maraming bitbit na kendi si Gab. Makalipas ang isang oras sumigaw siya ng “Araaay!” habang hawak ang
kaniyang mukha. Ano kaya ang nangyari kay Gab?
a. Nadapa si Gab. b. Nakatulog si Gab. c. Sumakit ang ngipin ni Gab.
24. Makulimlim. ang kulay ng langit. Malamig ang dampi ng hangin sa aking mga balat. Ano kaya ang susunod
na mangyayari?
a. Iinit ang panahon. b. Tila uulan mamaya. c. May bagyong paparating.
25. Dilaw na ang mga dahon ng halaman ni Jessa sa loob ng bahay. Ano ang posibleng mahinuha bago ang
pangyayari?
a. Nalanta ang halaman. b. Tumubo ang halaman. c. Nakalimutan diligan ang halaman.
Panuto: Basahin mo ang mga talata at pagkatapos ibigay ang angkop na pamagat nito. Isulat sa papel ang titik
ng iyong sagot.
26. Dali-daling naghanda si Jose upang pumasok sa paaralan. Pagdating sa paaralan, agad siyang naglinis ng
kanilang silid-aralan. Hindi nagtagal ay dumating si Bb. Barro na nakangiti sa kaniya. “Magandang umaga
po!”, magalang na bati niya.
a. Ang Aking Silid b. Ang Aking Guro c. Ang Batang Mabait
27. Masama ang panahon kaya walang pasok. Naisip ng magkapatid na sina Samuel at Lita na tumulong na
lang sa kanilang Ina sa mga gawaing bahay. Natuwa ang kanilang mga magulang. Kinabukasan, dinagdagan
ng kanilang Ama ang baon nila.
a. Walang Pasok b. Mga Gawaing Bahay c. Ang Magkapatid na Matulungin
28. Dumaan sa parke si Roberto malapit sa kanilang bahay. Nagandahan siya sa mga bulaklak na rosas na
itinanim doon. Ito kasi ang paboritong bulaklak ng kaniyang Nanay. Pag-uwi niya sa bahay ay naisipan
niyang magtanim ng rosas upang matuwa ang kaniyang Ina.
a. Ang Tanim sa Parke b. Magtanim ng Rosas c. Ang Paboritong Bulaklak ni Nanay
29. Isang hapon, namasyal sa Botanical Garden ang mga mag-aaral sa Ikatlong Baitang. Dito makikita ang iba’t
ibang uri ng halaman na maaaring magamit sa kanilang pag-aaral. Pagod man sila sa pamamasyal, bakas pa
rin sa kanilang mukha ang tuwa dahil sa napakagandang karanasan.
a. Mga Uri ng Halaman b. Ang Mag-aaral sa Baitang Tatlo c. Ang Pamamasyal sa Botanical Garden
30. Ang Barangay San Roque ay mapayapang lugar. Walang nagaganap na kaguluhan dito. Lahat ng
naninirahan sa lugar na ito ay pawang magkakakilala at magkakasundo. Napakasarap manirahan dito.
a. Ang Barangay San Roque b. Naninirahan sa San Roque c. Mapayapang Lugar ng San Roque
ANSWER KEYS FOR FILIPINO
1. B
2. C
3. A
4. A
5. B
6. B
7. C
8. A
9. C
10. A
11. nagsisipilyo
12. nag-iigib
13. binunot
14. tumatakbo
15. naglinis
16. A
17. B
18. D
19. C
20. D
21. A
22. A
23. C
24. B
25. C
26. C
27. C
28. C
29. C
30. C

You might also like