You are on page 1of 8

Kuwento para sa PAKIKINIG

Ang Langaw at Ang Kalabaw


Isang araw habang si Kalabaw ay masayang-masayang naliligo sa ilog. Napuna niya ang
isang langaw sa kaniyang tabi. “Langaw, anong ginagawa mo rito? Pagalit ang tanong ni
Kalabaw. “Pasensiya ka na. Hindi ako makalipad sapagkat nabasa ang aking pakpak,”
malungkot na sagot ni Langaw. “Ganoon ba? Hintayin mo ako at lulutasin ko ang iyong
problema,” sabi ni Kalabaw kay Langaw.

IIang minutong nagdaan at bumalik si Kalabaw na may dala-dalang mga dahon. Inilagay
ni Kalabaw ang isang dahon sa kaniyang bibig at dahan-dahan niyang ipinahid sa pakpak ni
Langaw.

Patuloy na ginawa ito ni Kalabaw upang matuyo ang pakpak ni Langaw. “Kalabaw,
maraming salamat sa iyong pagtulong. Marahil kung wala ka ay namatay na ako,”masayang
wika ng Langaw. “Balang-araw ay maibabalik ko rin ang iyong kabutihan”, sabi ni Langaw.

Isang araw, may mga mangangaso na napadpad sa kagubatan. “Hayun, may kalabaw na
kumakain ng damo. Barilin mo na at baka makawala pa, “ ang sabi ng mangangaso sa kanyang
kasama. Nakaakma na ang baril nito nang dumating si Langaw. Lumipad siya nang mabilis sa
tainga ng mangangaso hanggang sa bigla na lamang napaputok nito ang baril.

Nang marinig ni Kalabaw ang putok, kumaripas ito nang takbo. Makalipas ang isang
linggo, muling nagkita ang dalawa. Naikuwento ni Langaw kay Kalabaw ang kaniyang ginawang
pagbabayad ng utang na loob.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Schools Division of San Carlos City
San Carlos City, Pangasinan

ACHIEVEMENT TEST SA FILIPINO 4


SY 2022-2023

Pangalan: _______________ Baitang at Seksyon: _____

I.PAKIKINIG

Panuto: Pakinggang mabuti ang babasahing kuwento ng guro. Pagkatapos ay


sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang magkaibigang nagtulungan sa kuwento ay sina_____.


a. Kalabaw, Langaw at mangangaso
b. Kalabaw, Langaw at magsasaka
c. Kalabaw, Langaw at mangingisda
d. Kalabaw, Langaw at magmimina

2. Alin ang unang pangyayari sa kuwento?


a. Naliligo si Kalabaw sa ilog.
b. Iniligtas ni Langaw si Kalabaw.
c. Tinulungan ni Kalabaw si Langaw.
d. Nabasa ang pakpak ni Langaw kaya hindi siya makalipad.
3. Paano nailigtas ni Langaw si Kalabaw sa mga mangangaso?
a. kinagat ni langaw ang mga mangangaso
b. pumasok si langaw sa ilong ng mangangaso
c. lumipad si langaw sa tainga ng mangangaso kaya naiputok ang baril
d. hinabol ni langaw ang mga mangangaso

4. IIang minuto ang nagdaan at bumalik si Kalabaw na may dala-dalang mga dahon.
Inilagay ni Kalabaw ang isang dahon sa kaniyang bibig at dahan-dahan niyang
ipinahid sa pakpak ni Langaw. Batay sa kuwento, paano mo mailalarawan si
Kalabaw?
a. Mabait at matulungin si Kalabaw.
b. Mapanglait si Kalabaw.
c. Masayahin si Kalabaw.
d. Madamot si Kalabaw.
II. WIKA AT GRAMATIKA. Panuto; Basahing mabuti ang bawat pangungusap at
sagutin ang bawat katanungan.

5. Napagod si Arnold sa maghapong pagwawalis at paglilinis. Anong salita ang


ginamit bilang pangngalan sa pangungusap?
a. napagod b. paglilinis
c. maghapon d. Arnold

6. Maagang nagtungo sa palengke si Inay noong Linggo. Alin sa mga sumusunod


ang pangngalang tumutukoy sa lugar?
a. Maaga b. Inay
c. sa palengke d. Linggo

7. Isang hapon, nagmamadaling naglalakad papuntang paaralan si Joana nang


nakasabay niya sa pagpasok si Gng. Perez. Ano ang dapat sasabihin ni Joana?
a. Magandang hapon po, Gng. Perez!
b. Ipagpaumanhin po ninyo, Gng. Perez.
c. Walang anuman po, Gng. Perez.
d. Maraming salamat po, Gng. Perez.

8. Nasagi ni Ailynn ang baunang-tubig ni Jason. Natapon ang tubig na laman nito.
Ano ang dapat sabihin ni Ailyn kay Jason?
a. Sorry Jason, hindi ko sinasadya.
b. Walang anuman, Jason.
c. Maraming salamat, Jason.
d. Linisan mo ang natapong tubig, Jason.

9. “Saan ka nakatira Liane?” tanong ni Abe. “_______ ay nakatira sa Barangay


Magtaking,” sagot ni Liane. Ano ang tamang panghalip ang gagamitin saa patlang?
a. Siya b. Ikaw
c. Ako d. Kami
10. Ako at aking pamilya ay nagsisimba tuwing araw ng Linggo.
____________ ay masayang nagmemeryenda pagkatapos ng misa. Ano ang tamang
pamalit sa mga pangngalang may salungguhit?
a. kayo c. kami
b. Sila d. Tayo
11. Ikaw, si Ate at Nanay na lang ang pumunta sa Dagupan. Umuwi na lang
________ nang maaga baka umulan. Anong tamang panghalip ang dapat gamitin sa
sinalungguhitang mga pangngalan?
a. Kami b. ikaw c. Kayo d. Sila
PANUTO: Para sa bilang12-13. Suriin ang bawat larawan. Piliin ang tamang
panghalip para sa pangungusap.
12.

a. Ito b. iyan c. iyon

13.
a. Ito b. Iyan c. Iyon
14. Ipinanganak na maykaya si Leny. Nabibili niya ang kanyang mga gustong
laruan. Nakakain din siya ng mga masasarap na pagkain. Ano ang kasalungat
ng salitang may salungguhit?
a. mayaman b. mahirap c. masayahin d. angat

15. Alin sa mga sumusunod na pares na salita ang mahahanap mula sa salitang
‘KABUHAYAN?
a. ama, yaman b. laya, saya
c. buhay, kaya d. kama, pala

16. Natutuwa ang magulang sa pagtutulungan ng magkakapatid. Ano ang


kasingkahulugan ng salitang natutuwa?
a. nasisiyahan b. nalulungkot c. natakot d. natuwa

17. _________ tayo papasyal kina lolo at lola? Ang tamang salita pananong sa
patlang ay __________.
a. Ano b. Sino
c. Bakit d. Kailan
18. Ano ang angkop na salitang gamitin sa pangungusap na ito,
“_______ po kayo pupunta si Tiya Naty? Puwede po ba akong sumama?” tanong
ni Masha.
a. Ano b. Sino
c. Saan d. Kailan
19. Nais mong malaman ang lugar ng ganapan ng palatuntunan sa Buwan ng
Wika. Paano ang gagawing pagtatanong?
a. Ano ang paggaganapan ng palatuntunan?
b. Kailan ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika?
c. Saan gaganapin ang palatuntunan ng Buwan ng Wika?
d. Sino-sino ang gaganap sa Buwan ng Wika?

20. Laging pumupunta si Nanay Rosa sa maluwang na hardin. Alin sa mga


sumusunod na salita ang naglalarawan sa hardin?
a. malawak b. marumi
c. maluwang d. malago
21. Dapat panatilihing __________ ang ating mga katawan upang malayo sa sakit.
a. mabango b. malinis
c. malusog d. maganda
22. Araw-araw, ito ang ginagawa ni Alex. Buklat ng aklat, sulat sa papel, basa sa
kuwaderno. Si Alex ay _______________.
a. naglalaba b. nagluluto
c. nag-aaral d. nagliligpit ng pinagkainan

23. Igib ng tubig, ibabad ang mga marumi. Sabunin ant kusuting Mabuti ang mga
damit. Ano ang ginagawa ni Marissa?
a. naglalaba b. naglilinis
c. nag-aaral d. nagliligpit
24. Araw-araw akong ____ upang maging malinis at malusog ang aking katawan.
Ibigay ang angkop na kilos sa pangungusap ?
a. kumakain b. naglalaro c. naliligo d.natutulog

25. Kaarawan ni Cindy. Nakita niya ang bagong damit na binili ng kanyang ina.
“_____________ akin po ba ang bagong damit na ito, Nanay?” tanong niya.
Ano ang tamang pang-ukol na gagamitin?
a. Para sa b. Ukol sa
c. Laban sa d. tungkol sa

26. ___________ ulat panahon, mayroong bagong bagyong paparating sa mga


sumusunod na araw.
a. Para sa b. Ayon sa
c. Laban sa d. Tungkol sa

27. _____ sa kalinisan sa barangay ang napag-usapan sa pagpupulong sa


barangay.
a. Ayon sa b. Para sa c. Tungkol sa d. Ukol sa

28. ________ na tumakbo si Kuneho samantalang makupad naman si Pagong. Ang


dapat gamitin na salitang naglalarawan sa kilos na tumakbo ay _____.
a. mabagal b. mahinhin
c. mabilis d. dahan-dahan

29. Ang mga pang-abay ay naglalarawan ng isang kilos o gawi. Sa pangungusap na,
Magaling sumayaw si Sarah Geronimo. Alin ang pang-abay sa pangungusap?
a. Sarah b. magaling
c. sumayaw d. si
30. Masayang kumain, nagkantahan at nagsayawan ang lahat. Paano isinagawa ang
pagkain, pagkanta at pagsayaw ng mag-anak?
a. mabagal b. mabilis c. malungkot d. masaya

Para sa aytem 31-32, basahin ang teksto sa ibaba. Sagutin ang mga tanong at piliin
ang tamang sagot.
Ang Piknik sa Peace Park
Isinulat ni: Cristy S. Agudera

Nagsisimba ang pamilya ni G. Roy Ramos tuwing Linggo.


Pagkatapos magsimba, nagpipiknik silang mag-anak sa Peace
Park. Sama-sama silang kumakain sa parke sa inihandang
pagkain ni Nanay Alma tulad ng adobong manok, sinigang na
hipon na may gulay, inihaw na bangus at mga prutas.
Masayang masaya sila tuwing nagsisimba at saka nagpipiknik.

31. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng pamamasyal ng mag-anak?


a. dahil wala silang magawa sa bahay
b. sapagkat marami silang perang panggastos
c. upang maglaan sila ng oras at panahon sa pamilya
d. upang makaiwas sa gawaing bahay

32. Ano ang magandang bunga kung maglalaan ng panahon para sa pamilya?
a. Magiging dagdag gastusin lang ito.
b. Magiging pabigat ang pamamasyal para sa pamilya.
c. Magiging mas matibay ang pagsasamahan ng pamilya.
d. Maraming gagawin at liligpitin sa bahay pag-uwi.
33. Nabukulan si Ben dahil nadulas siya sa basang sahig.
Ano ang sanhi sa pangungusap?
a. dahil nadulas c. madulas ang sahig
b. nabukulan d. basa ang sahig

34. Sundin ang panuto.


Gumuhit ka ng bilog. Sa loob ng bilog gumuhit ka ng hugis puso. Isulat ang
salitang, ‘Salamat po’ sa gitna ng puso. Alin sa mga sumusunod na guhit ang
nakasunod sa panuto?

a. b.

c. d.

35. Naghahanap si Liza ng Aklat ng iba pang mga Awiting pambata bukod sa
nakasulat sa aklat. Anong bahagi ng aklat ang gagamitin niya?

a. b.

c. d.
36. Sa ____________ makikita ang taon kung saan at kalian nilimbag ang aklat.

a. karampatang-ari b. pamagat
c. talaan ng nilalaman d. indeks
37. Ito ay matatagpuan sa mga huling pahina ng aklat. Dito makikita ang kahulugan
ng mahihirap na salita sa aklat. Anong bahagi ito?
a. Glosaryo b. Pabalat c. Paunang Salita d. Talaan ng Nilalaman

38. may inihain akong pansit sa kusina. Gusto mo bang kumain

Alin sa mga sumusunod ang tamang pagkakasulat ng pangungusap?

a. may Inihain akong pansit sa kusina. Gusto mo bang kumain.


b. May inihain akong pansit sa kusina. Gusto mo bang kumain?
c. May inihain akong pansit sa kusina. gusto mo bang kumain!
d. May inihain akong pansit sa kusina. Gusto mo bang kumain,

39. pinagsasabihan ni gng Torio ang mga pasaway na mga bata

Piliin sa ibaba ang tamang pagkakasulat ng pangungusap.

a. Pinagsasabihan ni Gng. Torio ang mga pasaway na mga bata.

b. Pinagsasabihan ni gng torio ang mga pasaway na mga bata

c. pinagsasabihan ni Gng. Torio ang mga pasaway na mga bata?

d. Pinagsasabihan ni Gng. Torio ang mga pasaway na mga bata!

40. Alin sa mga pangalan ang may tamang pagkasulat?


a. Gng. Adelmira M. Mendoza c. Gng. Adelmira m. Mendoza
b. gng. Adelmira M. Mendoza d. Gng. Adelmira M. MENDOZA

You might also like