You are on page 1of 5

Reviewer in Filipino 2

Pangalan: _____________________________________________________ Iskor: _______

I. Mga Talasalitaan

GAWAIN A.
PANUTO: Punan ng nawawalang letra ang mga kahon para sa kasingkahulugan ng
salitang nakasalungguhit.

1. Inanyayahan ako ng kaibigan ko sa kanyang kasal.

2. Nakakita ako ng isang butil ng bigas sa lupa.

3. Siya ay nag-aalinlangan kung dapat ba siyang pumunta sa party o hindi.

4. Ang mga magsasaka ay naghahakot ng mga ani mula sa kanilang taniman.

5. Ang pag-iimpok ng pera ay mahalaga para sa kinabukasan.

6. Ang bagyong dumating ay nagdulot ng malaking kalamidad sa aming lugar.

7. Ang hindi pagtupad sa pangako ay nagdulot ng sama ng loob sa kanyang kaibigan.

8. Ang sunog ay napinsala ang kanilang tahanan at ari-arian.

9. Ang pagkasawi ng mahal sa buhay ay lubos na nakakalungkot.

10. Nagtulungan ang mga lifeguard upang sagipin ang nalulunod na bata.

11. Siya ay nais maging isang mahusay na abogasya sa hinaharap.

12. Ang kanyang adhikain sa buhay ay makatulong sa mga nangangailangan.

13. Ang mamamayan ay mag-alsa laban sa katiwalian ng gobyerno.

14. Sa gitna ng krisis, ang mga tao ay nagkapit-bisig para sa kaligtasan.


15. Ang rebolusyon ay nag-umpisa sa pangarap ng pagbabago.

16. Ang kanyang gawain sa komunidad ay kahanga-hanga.

17. Ang pagkakamali ay isang leksiyon na dapat nating pag-aralan.

18. Matapos ang isang mahirap na araw, natulog siya ng mahimbing.

19. Ang kanyang mga lihim ay nakakubli sa ilalim ng masusing pagsusuri.

20. Ang bundok ay pinalibutan ng mga makikinis na ulap.

21. Dali-daling sumakay siya ng jeepney para makarating sa opisina.

22. Ang ulan ay tumitila na, nagbibigay ng pag-asa sa sakahan.

23. Ang tensyon sa paligid ay umiigting bunga ng pangyayaring iyon.

24. Ang lindol ay nagdulot ng matinding pinsala sa aking lugar.

25. Dahil sa bagyo, kinansela ang lahat ng flights ngayong araw.

26. Hinagkan niya ang kanyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita.

27. Habang ako'y naglalakad, napansin kong may nakamasid sa akin mula sa kabilang
kanto.

28. Pagkatapos ng mahabang paghihintay, niyapos niya ako ng mahigpit at may ngiti sa
kanyang mga mata.
29. Ang kanyang mga sambit ay puno ng karunungan at payo na nagbibigay inspirasyon
sa lahat.

30. Kahit na may mga pagsubok, ang pagmamahalan ng pamilya ay sapat upang
mapalad ka sa buhay.

GAWAIN B.
PANUTO: Tukuyin sa Hanay B ang kasalungat na salita mula sa Hanay A. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

______1. masipag a. gabi


______2. tag-araw b. maliit
______3. umaga c. tamad
______4. malaki d. nabuo
______5. marami e. mahina
______6. malakas f. kaunti
______7. mabilis g. patuloy
______8. nasira h. tag-ulan
______9. nagpaigting i. pagbaba
______10. pagtaas j. pagtulak
______11. paghila k. mabagal
______12. mainit l. nagpalakas
______13. tumigil m. malamig
______14. mabigat n. pampubliko
______15. pribado o. magaan

II. Paghingi at Pagbibigay ng Pahintulot

PANUTO: Lagyan ng puso (❤) ang patlang kung ang mga pangungusap ay gumagamit
ng wastong paghingi at pagbibigay ng pahintulot at bilog (〇) naman kung hindi.

_____1. Maari bang hiramin ko ang iyong lapis?


_____2. Puwede bang magtanong kung anong oras ang aalis ang bus?
_____3. Gagamitin ko na ang krayola mo sa iyong kahon.
_____4. Sa akin nalang ang mga kendi mo.
_____5. Maari bang kunin ang larawan mo para sa proyektong ito?
_____6. Pinahihintulutan kitang gamitin ang aking mga lapis.
_____7. Kukunin ko na ang iyong pagkain.
_____8. Pinapayagan kitang pumasok sa aming bahay.
_____9. Puwede bang makisilong sa iyong payong?
_____10. Kinuha ko na sa iniyong bahay ang mga baso.
III. Wastong Pagtanggap ng Balita

PANUTO: Kulayan ng dilaw ang bituin kung ang nasa loob ay isang balita.

1. Bagong batas na nagpapahintulot sa mas maagang pagbubukas ng mga negosyo,


inaprubahan ng kongreso.

2. Nagluto si Mama ng masarap na adobo para sa hapunan ng buong pamilya.

3. Hiniling ni Gab na bigyan siya ng payo ng kanyang mga magulang tungkol sa


kanyang hinaharap na karera.

4.Mabilis na pag-angat ng presyo ng krudo, inaasahan ng ekonomista na magdudulot


ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

5. Makabuluhang proyekto para sa mga mag-aaral, inilunsad ng lokal na pamahalaan.

6. Nag-aaral si Anna ng maaga araw-araw upang makakuha ng mataas na marka sa


kanyang pagsusulit.

7. Unang kaso ng Delta variant ng COVID-19, naitala sa isang komunidad sa bansa.

8. Naglakbay sina Carlos at Grace patungong beach upang magkaroon ng masayang


bakasyon.

9. Ang mga bulaklak sa hardin ay mababango,

10. Pangulo ng bansa, naglabas ng pahayag ukol sa mga hakbang para sa mas
maayos na edukasyon.

IV. Pang-angkop na NA at NG

PANUTO: Punan ang mga sumusunod na mga parirala ng wastong pang-angkop.

1. mabait _____ bata


2. malawak _____ bukirin
3. masaya _____ pamilya
4. tahimik ____ silid
5. sampu ____ daliri
6. malinis ____ bakuran
7. isda ____ matinik
8. bulaklak ____ mabango
9. berde ____ tsinelas
10. bato ____ puti

PANUTO: Bilugan ang pang-angkop na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Ang mga manlalarong Pilipino sa liga ay nagwagi.


2. Bagong sapatos ang regalo ni nanay sa akin.
3. Umiiyak ang nagugutom na sanggol,
4. Ang tuyong dahon ay inalis niya.
5. Ang bansang Pilipinas ay isang arkipelago.
V. Pang-ukol na (Ayon sa/ Ayon kay) (kay/kina) (Ni/Nina)

Gawain A.
PANUTO: Basahin ang bawat pangungusap. Bilugan ang tamang pang-ukol na ginamit
sa pangungusap.

1. (Ayon sa, Ayon kay) eksperto, ang pagkalat ng sakit na dala ng Covid-19 ay
maiiwasan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malayong distansya sa isa't isa.
2. (Ayon sa, Ayon kay) mga bata sa kalye ang mga biniling pagkain ni Pedro.
3. (Ayon sa, Ayon kay) mga pulis, wala na tayong dapat na ikabahala dahil nahuli na
ang mga nakatakas na magnanakaw.
4. Ang pag-aaralan namin sa araw na ito ay (ayon sa, ayon kay) kalikasan.
5. (Ayon sa, Ayon kay) mga bayani ang kanilang pinag-uusapan.
6. (Ayon sa, Ayon kay) guro, kasama ako sa may karangalan.
7. (Ayon sa, Ayon kay) Dr. Pol, mahirap ang magkasakit.
8. (Ayon sa, Ayon kay) Leni, ang bulaklak ay mabango.
9. (Ayon sa, Ayon kay) mga politiko, ipagagawa nila ang mga sirang kalsada.
10. (Ayon sa, Ayon kay) mga mamamahayag sa telebisyon, darating ang pangulo sa
Malolos.

Gawain B.
PANUTO: Bilugan ang angkop na pang-ukol para mabuo ang diwa ng pangungusap sa
bawat bilang.

1. Hiningi namin (kay, kina) Jeremy ang mga lumang relo.


2. (Kay, Kina) Tessa ang salamin na yan.
3. (Kay, Kina) Mark at David ang mga gitara na ginamit.
4. Sinabi mo na ba (kay, kina) Emily at Elmer na aalis na tayo?
5. Pinasundo (kay, kina) Kuya Jun ang mga bisita ni nanay.
6. Ang awitin na ito ay para (kay, kina) Alona.
7. Nagtatago (kay, kina) Bantay ang mga bata.
8. Nagsumbong (kay, kina) Miss Beth ang mga bata.
9. Nagpaalam ka na ba (kay, kina) Mike at Joy?
10. Para (kay, kina) Felipe at Dennis ang mga dumating na sulat.

Gawain C.
PANUTO: Punan ng tamang pang-ukol na ni at nina.

1. Tinahi _____ Vanessa ang butas na damit.


2. Parating na ang bisita ______ Lucio at Lanie.
3. Nanalo ang nilikha na guhit ____ Jethro sa patimpalak.
4. Pinanood _______ Apple, Ali at Angel ang palabas sa plasa.
5. Pinitas _____ Riza ang bulaklak sa hardin upang ilagay sa plorera.

You might also like