You are on page 1of 2

UNANG BUWAN NG PAGSUSULIT

The Cecilian School of Laguna Inc.


SY: 2019-2020
Ika-anim na baitang

Pangalan: ______________________________ Petsa: _________________


Seksyon: _______________________________ Bb. Pia D. Espanillo

A. Panuto: Bilugan ang mga panghalip na nasa pangungusap at piliin ang mga
pangngalan upang mabuo ang pangungusap.

1. Siya ay may alagang ________ na laging tumitilaok tuwing umaga.


a. Aso c. Manok
b. Ibon d. Pusa
2. Palagi akong nagbabasa ng _________ upang maging handa sa pagsusulit.
a. Libro c. pahayagan
b. Telepono d. kwaderno
3. Sila ay labing-isang magkakapatid, at ang pang pito sa kanila ay si?
a. Narsisa c. Rizal
b. Josephine d. Francisco
4. Doon ako nakatira malapit sa ____________ kung saan ako pumapasok
bilang mag-aaral
a. Paaralan c. Pook-panuruan
b. Eskwelahan d. Silid-aralan
5. Siya ang pumatay kay Magellan
a. Bangus c. Lapu-lapu
b. Dilis d. Tilapia

B. Piliin at bilugan sa pangkat ng mga salita ang kahulugan ng salitang may


salungguhit sa bawat bilang.

1. pakikibaka para sa karapatan – pakikipagkaibigan, pakikilaban,


pakikipagtalakayan, Pagtatanungan
2. pagpupugay sa madla – gumagalang, nagpapaalam, bumabati, sumusulat
3. pundasyon ng samahan – batayan, tungkulin, kasapi, karapatan
4. mapaparam sa isipan – matutuloy, makukuha, malalaman, mawawala
5. pangungulimbat – saan mang dako, pagkahulog, pagnanakaw, pag-aaral,
pagtatanim

C. Isulat ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.

1. masamang tangka-
2. gantimpalang salapi-
3. patakaran sa mga paaralan-
4. ipinagbunyi ang tagumpay-
5. kapakanan ng mahihirap-

D. Isulat sa patlang ang panlaping ginagamit sa bawat salita.

1. lumitaw- _______ 6. kaibig-ibig-________


2. tauhan- _______ 7. pangalawa-________
3. madawag-_______ 8. nag-aawitan-________
4. kaaalis- _______ 9. nagsasalimbawan-________
5. mamumugad- ______ 10. kamahal-mahalan-________

E. Ibigay ang bunga ng sumusunod na mga sanhi.

1. Sama-sama ang mga kabataan sa paggawa ng proyekto.


2. Nagtatapon ng basura sa ilog ang mga tao.
3. Pinutol na ang mga kahoy sa gubat.
4. Nagbubunga ng maruming usok ang mga pabrika.
5. Naglilinis ang mga tao sa kanilang paligid.

F. Isulat ang salitang pahambing kung ang pangungusap ay naghahambing at


kontrast kung ang pangungusap ay nagkokontrast.

1. Ang kuwago ay malaki gayon din ang lawin.


2. Gising sa gabi ang kuwago samantalang ang ibang ibon ay tulog.
3. Gumagamit pa siya ng typewriter na kakaiba na sa karamuhang gumagamit
ng computer.
4. Ang hanging amihan na naggagaling sa silangan ay kasinlamig ng hanging
habagat.
5. Kung ang tag-ulan ay sumasapit, alikabok sa daan ay naaalis.

You might also like