You are on page 1of 2

1.

TAUHAN
Likha ng mga manunulat ang kanyang mga tauhan. May pangunahing
tauhan kung kanino nakasentro ang mga pangyayari at mga pantulong na
tauhan.
2. TAGPUAN/PANAHON
Dinadala ng may-akda ang mambabasa sa iba't ibang lugar, sa iba't ibang
panahon kung saan at kailan nagaganap ang mga pangyayari.
3. SAGLIT NA KASIGLAHAN
Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa mga
pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan
4. SULIRANIN O TUNGGALIAN
Tumutukoy ito sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at sumasalungat
sa kanya. Ang tunggalian ay maaaring Tao laban sa kalikasan, Tao laban sa
sarili, Tao laban sa Tao/lipunan.
5.KASUKDULAN
Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo
o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. KAKALASAN
Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa kasukdulan.
7. WAKAS
Tinatawag na trahedya ang wakas kapag ang tunggalian ay humantong sa
pagkabigo ng layunin o pagkamatay ng pangunahing tauhan. Tinatawag
na melodrama kapag may malungkot na sangkap subalit nagtatapos
naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan.

May siyam na uri ng maikling kuwento:

1. Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring


pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng
kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.

2. Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran


at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

3. Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying


hindi kapanipaniwala.

4. Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa


kasalukuyan ng buong bayan.

5. Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring


kasindak-sindak.

6. Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang


kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o
nakapagbago sa tauhan.

7. Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang


damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan.
Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

8. Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari


ang interes ng kwento.

9. Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa


ang kwento ng katatawanan.

1.Simula-ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang


haharapin ng pangunahing tauhan
2.Gitna-ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang
saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging
kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing
tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa
kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang
bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
3.Wakas-Ang katapusan ang kababasahan ng magiging resolusyon ng
kwento. Maaaring masaya, malungkot, panalo o talo. Kung minsan
binibitin ng awtor ang wakas.

You might also like