You are on page 1of 7

Summative Test in Filipino 6

Unang Markahan 2020

Pangalan:_____________________________________ Iskor: ________

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong sa ibaba nito. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

May isang uhaw na uhaw na uwak na gustong uminom sa pitsel na naiwan sa mesa.
Makipot lamang ang bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ang tuka upang sipsipin ng
uwak ang tubig. Hirap na hirap abutin ng uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan .
Kahit anong pilit ay hindi mabawasan ang sobrang pagkauhaw ng ibon. Tumingala siya at
luminga- linga sa paligid. Alam niyang may kasagutan sa alinmang problemang kinakaharap
niya. Tama siya ! Sa isang iglap ay naisip niya ang tanging kasagutan. Lumipad siya sa labas
at tumuka siya ng munting bato na inihulog sa loob pitsel. Nagpabalik-balik siya sa paglagay
ng mumunting bato hanggang umabot ang tubig sa makitid na bunganga ng pitsel.
Nakainom ang uwak at natugunan ang pagkauhaw niya sa isang iglap lamang.

1. Ano ang naging suliranin ni uwak?


A. Uhaw na uhaw siya.
B. Makipot ang bunganga ng pitsel kaya di niya maipasok ang tuka upang sipsipin ang
tubig.
C. Mahirap pabalik-balik kumuha ng maliliit na bato.
D. Hindi natugunan ang kaniyang pagkauhaw.
2. Paano nalutas ng uwak ang kaniyang suliranin?
A. Itinumba niya ang pitsel sa pamamagitan ng kaniyang tuka upang makainon ng tubig.
B. Tumuka siya ng mumunting bato at inihulog sa pitsel hanggang umabot ang tubig
sa makitid na bunganga.
C. Pinilit niyang ipinasok ang kaniyang ulo sa bunganga ng pitsel.
D. Hinintay niyang may taong magpuno ng tubig sa pitsel.
3. Kung ikaw si uwak, paano mo lulutasin ang suliranin?
A. Gagawin ko rin ang ginawa ni uwak upang matugunan ang aking pagkauhaw.
B. Iwan muna ang pitsel at maghanap na ibang maiinuman.
C. Patumbahin ang pitsel upang makainom.
D. Tumawag ng mga kasama upang tulungan ako.
4. Ano kaya ang maaaring mangyari kay uwak kung hindi natugunan and pagkauhaw?
A. mamatay si uwak
B. magwawala si uwak
C. manghihina si uwak
D. magkakasakit si uwak
5. Ano sa tingin mo ang aral na napulot mo sa kuwento?
A. Ang bawat suliranin ay madaling sagutin kung ating iisipin
B. Ang mahirap ay di dapat gawin
C. Huwag piliting lutasin ang problema
D. Maging maluwag ang buhay kung di intindihin ang paglutas ng suliranin.

1
6. Sino ang tauhan sa kuwento?
A. uwak B. pitsel C. bato D. tubig
7. Alin sa mga sumusunod ang maaaring pamagat ng kuwento?
A. Ang Paglipad ng Uwak C. Ang Uwak at ang Pitsel
B. Ang Uhaw na Uwak D. Ang Tubig at ang Uwak

B. Buuin ang pangungusap sa pagpili ng wastong pangngalan upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Bilugan ang titik ng tamnag sagot.

8. Ang _______ ay lumilipad sa kalawakan.


A. cake B. nanay C. ibon D. mag-aaral
9. Ang ________ ay nananahi ng bestidang isusuot ni Fe.
A. mag-ama B. nanay C. mag-aaral D. Magsasaka
10. Nagtatanim ng mga petsay ang _________ sa kanilang likod bahay.
A. ibon B. cake C. mag-ama D. kalabaw
11. Bumili ng _________ ang ate niya dahil kaarawan niya ngayon.
A. cake B. ibon C. mag-aaral D. mag-ama
12. Naglalaro ng basketball ang ________.
A. nanay B. mag-aaral C. baka D. cake

C.Piliin sa kahon ang titik ng panghalip na gagamitin sa sumusunod na salaysay.

Naranasan ___13__ na bang lumangoy sa dagat? ___14__ ay may nakatutuwa ngunit


nakakatakot na karanasan sa dagat. Namasyal __15___ roon sa dinarayong Boracay beach,
ang una kong nakitang ay malinaw at kulay berdeng tubig na dalampasigan. Malinis at
malamig ang tubig. Hindi ___16 makakalimutan ang karanasan na nagdulot ng saya .Nais
__17 na balikan ang Boracay kasama ang mga kaibigan?

A. Ko
B. mo
C. kami
D. namin
E. ako

D.Suriin ang mga sumusunod na pangyayari o sitwasyon . Piliin ang angkop na hinuha sa
bawat pangyayari.

18.Patuloy ang mga tao sa pagtatapon ng basura sa ilog.


A. Magiging marumi ito at mamamatay lahat ang isda rito
B. Magiging malinis ang kapaligiran dahil sa pagtapon ng basura sa ilog.
C. Magiging malusog ang isda sa ilog
D. Magiging sariwa ang hangin ng mga taong nakatira malapit sa ilog.
19. Paglanghap ng makapal at maitim na usok na ibinubuga ng tambutso ng sasakyan.
A. Ito ay nakapagdudulot ng kaginhawaan sa mga tao.
B. Maraming magkakasakit sa baga.
C. Magiging maliksi ang mga tao dahil sa usok na kanilang nilalanghap.
D. Ang mga puno sa paligid ay magiging malusog.

2
20. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang mag-
ama.
A. Ang mag-ama ay mangingisda sila sa dagat.
B. Ang mag-ama ay magliwaliw sa dagat.
C. Ang mag-ama ay maliligo sa dagat.
D. Ang mag-ama ay nagkayayaan tingnan ang dagat.

21. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako.
A. Ipagbibili ng magsasaka ang mga palay
B. Ipamimigay niya sa mga nangangailangan
C. Itatago niya ito habambuhay
D. Ipapakain niya sa mga alaga niyang hayop.

22. Nagluto ng mga kakanin si Nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng kalaro at
kababata ni Cris.
A. Nais lang ni Nanay na makakain ang kaniyang mga kapitbahay.
B. Nais ni Nanay na ipagyabang na sila ay maraming pagkain.
C. Kaarawan ng kaniyang anak na si Cris.
D. Masaya si Nanay na makitang maraming tao sa kanilang bahay.

A. Piliin ang angkop na panghalip upang mabuo ang pangungusap. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

23. Si Lolo Basilio ang pinuno ng samahang tumutulong sa nangangailangan. ______ ay


sinusunod ng marami.
A. Sila B. Siya C. Niya D. Tayo
24. Laging binibisita si Nanay ng kaniyang mga kaibigan. Masaya ______ nagkukumustahan.
A. ko B. iyo C. siyang D. silang
25. Tulog si Baby. Nais ____ bang bantayan?
A. mo B. ka C. iyo D. ikaw
26.Nakita niya ang hari at may kausap. ______ ang kausap ng hari?
A. Sino B. Ano C. Kanino D. Saan
27. Nakabihis na silang lahat. ______ pupunta ang mga bisita Mariel?
A. Saan B. Sino C. Ano D. Kanino
28. Ang haba na ng buhok mo? Kailan mo ipapagupit ____.
A. ito B. iyan C. iyon D. doon
29. Naghihintay kami sa labas ng simbahan. _____ sa malayo nakaparada ang kotse.
A. Dito B. Diyan C. Doon D. Iyon
30. May nakapaskil na simbolo sa tabi niya. Huwag kang dumaan ____ dahil basa ang sahig
na iyan.
A. dito B. diyan C. doon D. niyon

3
B. Piliin ang tamang sangguniang gagamitin sa pagsasaliksik.

31. Ito ay isang aklat na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa iba’t-ibang paksa.
Makikita rin dito ang mga artikulo tungkol sa mga katotohanan sa isang bagay, tao, pook o
pangyayari.
A. Encyclopedia B. Atlas C. Almanac D. Diksiyonaryo

32. Pinagkukunan ng kahulugan, baybay, o ispeling, at nagpapantig ng salita at nakaayos ito


ng paalpabeto.
A. Diksiyonaryo B. Atlas C. Almanac D. Encyclopedia

33. Isang teknolohiyang maaaring pagkunan ng maraming kaalaman sa tulong ng network


ng mga kompyuter sa buong mundo.
A. Internet B. Diksiyonaryo C. Atlas D. Almanac

34. Aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansiya, at lokasyon ng mga lugar.
A. Almanac B. Atlas C. Internet D. Diksiyonaryo

35. Isang palapad na drowing ng mundo o ng bahagi nito.


A. Mapa B. globo C. Internet D. Atlas

36. Ito ay isang replika ng mundo.


A. globo B. internet C. Almanac D. mapa

37. Ano ang angkop na pamagat ng talatang ito?

Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating Pilipino ay ang mabuti nating


pagtanggap sa mga panauhin.Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat
isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan, nagluluto ang
pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin.
Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.

A. Ang Mabuting Katangian ng mga Pilipino C. Ang Matibay na Pamilya


B. Ang Tradisyon ng mga Pilipino D. Ang Pagiging Malikhain ng mga Pilipino

C. Basahin ang kuwento. Sagutin ang mga tanong sa ibaba nito.

Bakit Maigsi ang Buntot ng Oso

Isang araw, nagkasalubong sina Oso at Lobo. Maraming dalang isdang ninakaw
si Lobo. Tinanong ni Oso Kung saan niya kinuha ang mga isda. “Kaibigang Oso,” ang sabi
ni Lobo. Maagang-maaga pa ay namimingwit na ako”. Nainggit si Oso. Ibig niyang
malaman kung saan at paano namingwit si Lobo. “Madali lamang. Pumunta ka sa ilog-
yelo. Butasan mo ng kapiraso ang yelo at ilusot mo ang iyong buntot. Tiisin mong
umupo nang matagal. Huwag mong iintindihin kung namamanhid ang iyong buntot.

4
Kumakagat na rito ang isda. Habang tumatagal ang pagkakaupo, higit na marami kang
isdang mahuhuli,” ang sabi ni Lobo. Ganoon nga ang ginawa ni Oso. Inilusot niya ang
kanyang buntot sa ilog-yelo hanggang sa manigas ito. Nang bunutin niya, naiwan ang
kapiraso nito sa ilalim.

38. Paano inilusot ni Oso ang kanyang buntot sa ilog-yelo?


a. inilusot ang buntot sa butas c. sumayaw
b. lumipad ang oso d. humalakhak nang malakas

39. Bakit sinabi ni Lobo na dapat tiisin ni Oso ang pag-upo roon?
a. upang lumapit ang mga isda c. upang makahuli ng maraming isda
b. upang matunaw ang yelo d. upang makapagpahinga nang mabuti
40. Bakit maiksi ang buntot ng oso?
a. dahil pinutol ng Lobo c. dahil ipinanganak na maiksi ang buntot
b. dahil sa pagkababad sa yelo d. dahil kinain ng isda

5
TALAHANAYAN SA ISPESIPIKASYON
SA FILIPINO VI
UNANG LAGUMANG PAGSUSUSULIT
UNANG MARKAHAN

Layunin Bilang ng Bahagdan Kinalalagyan


Aytem ng Aytem

1.Nakasasagot sa mga tanong tungkol sa 7 17.5% 1-7


napakinggang/ nabasang kwento, pabula,
tekstong pang-impormasyon at usapan.

2. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan 5 12.5% 8-12


at sa pakikipag-usap sa ibat-ibang sitwasyon.

3. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip at 5 12.5% 13-17


sa pakikipag-usap sa ibat-ibang sitwasyon.

4. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng 5 12.5% 18-22


mga pangyayari bago, habang, at matapos ang
pagbasa.

5. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip na 8 20% 23-30


panao,paari,pananong,pamatlig, pamaklaw sa
pakikipag-usap sa iba’t-ibang sitwasyon.

6. Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian 6 15% 31-36


sa pagsasaliksik

7. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa 1 2.5% 37


binasang/napakinggang talata

8. Nasasagot ang tanong na bakit at paano. 3 7.5% 38-40

6
KABUUAN 40 100% 1-40

ANSWER KEY:

1. b 21. a
2. b 22. c
3. a 23. b
4. c 24. d
5. a 25. a
6. a 26. a
7. a 27. a
8. c 28. a
9. b 29. c
10. c 30. b
11. a 31. a
12. b 32. a
13. b 33. a
14. e 34. b
15. c 35. a
16. a 36. a
17. d 37. a
18. a 38. a
19. B 39. c
20. A 40. d

You might also like