You are on page 1of 3

Legacy of Wisdom Academy of Dasmariñas, Inc.

Golden City, Salawag, Dasmariñas City


UNANG BUWANANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6
Pangalan: ____________________________________Baitang: ________________Iskor:_____
I- Sagutin ang mga sumusunod na tanong base sa nabasang pabula.Piliin ang titik ng tamang sagot.
May isang uhaw na uhaw na uwak na gustong uminom sa pitsel na naiwan sa mesa. makipot lamang ang
bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ng tuka ang ulo upang sipsipin ng uwak ang tubig. Hirap na hirap
abutin ng uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan . Kahit anong pilit ay hindi mabawasan ang sobrang
pagkauhaw ng ibon. Tumingala siya at luminga- linga at tumingala siya sa paligid. Alam niya may kasagutan
sa alinmang problemang kinakaharap natin. Tama siya! sa isang iglap ay naisip niya tanging ang kasa- gutan.
Lumipad siya sa labas at tumuka siya ng munting bato na inihulog sa loob pitsel. Nagpabalik balik siya sa
paglagay ng mumunting bato hanggang umabot ang tubig sa makitid na bunganga ng pitsel. Nakainom ang
uwak at natugunan ang pagkauhaw niya sa isang iglap lamang.
1. Ano ang naging suliranin ni uwak?
A. Uhaw na uhaw siya
B. Makipot ang bunganga ng pitsel kaya di niya maipasok ang tuka upang sipsipin ng
tubig.
C. Mahirap pabalik balik kumuha ng maliliit na bato
D. Hindi natugunan ang kaniyang pagkauhaw
2. Paano nalutas ng uwak ang kaniyang suliranin.
A. Itinumba niya ang pitsel sa pamamagitan ng kaniyang tuka upang makainon ng
tubig.
B. Tumuka siya ng mumunting bato at inihulog sa pitsel hanggang umabot ang tubig
sa makitid na bunganga
C. Pinilit niya ipinasok ang kaniyang ulo sa bunganga ng pitsel
D. Inantay niyang may tao magpuno ng tubig sa pitsel.
3. Paano mo lulutasin ang suliranin Kung ikaw si uwak?
A. Gagawin ko ang ginawa ni uwak upang matugunan ang akin pagkauhaw
B. Iwanan ko na lang ang pitsel at maghanap na ibang maiinuman
C. Patumbahin ang pitsel upang makainom.
D. Tatawagan ko ang mga kasama ko upang tulungan ako.
4. Maari mo bang hulaan ang mangyayari kung sakali hindi nakainom si uwak sa oras ng kaniyang pagkauhaw?
A. mamatay si uwak
B. magwawala si uwak
C. manghihina si uwak
D. magkakasakit si uwak
5. Ano sa tingin mo ang aral na napulot mo sa pabula?
A. Ang bawat suliranin ay madaling sagutin kung ating iisipin
B. Ang mahirap ay di dapat gawin
C. Huwag pilitin lutasin ang problema
D. Maging maluwag ang buhay kung di intindihin ang paglutas ng suliranin.
II-Piliin ang tamang titik ang maging hinuha ng mga sumusunod pangyayari.
6. Patuloy ang pagtatapon ng tao ng basura sa ilog
A. Dudumi ito at mamatay lahat ang isda rito
B. Magiging malinis ang kapaligiran dahil sa pagtapon ng basura sa ilog.
C. Magiging malusog ang isda sa ilog
D. Maging sariwa ang hangin ng mga taong nakatira malapit sa ilog.

7. Paglanghap ng makapal at maitim na usok na ibinubuga ng tambutso ng sasakyan.


A. Ito ay nakapagdudulot ng kaginhawaan sa mga tao
B. Maraming magkakasakit sa baga.
C. Magiging maliksi ang mga tao dahil sa usok na kanilang nilalanghap
D. Ang mga puno sa paligid ay magiging malusog.

8. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang mag-ama.
A. Ang mag-ama ay mangingisda sila sa dagat
B. Ang mag-ama ay magliwaliw sa dagat
C. Ang mag-ama ay maliligo sa dagat
D. Ang mag-ama ay nagkayayaan tingnan ang dagat

9. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ng magsasaka.
A. Ipagbibili ng magsasaka ang mga palay
B. Ipamimigay niya sa mga nangangailangan
C. Itatago niya ito habambuhay
D. Ipapakain niya sa mga alaga niyang hayop.

10. Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng kalaro at kababata ni Cris.
A. Nais lang ng nanay makakain ang kaniyang mga kapit- bahay
B. Nais ng nanay na ipagyabang na sila ay maraming pagkain
C. Kaarawan ni Cris
D. Masaya ang nanay na makita maraming tao sa kanilang bahay
11-12. Kilalanin ang uri ng pangngalan ng mga salitang may salungguhit.
11. Ang kanyang pagsigaw ay nangangahulugan ng kagalakan.
A. di-kongkreto B. payak C. kongkreto D. pantangi
12. Nagdulot ng kasiyahan sa aming lugar ang hinding inaasahang pagdating ng artistang si Coco Martin.
A. di-kongkreto B. pambalana C. kongkreto D. pantangi
13-15. Tukuyin kung anong kayarian/kasarian ng Pangngalan ang may salungguhit na salita.
13. Sabi ng aming guro mag-ehersisyo upang lumakas ang katawan.
A. payak B. tambalan C. maylapi D. inuulit

14. Araw-araw na pumapasok sa trabaho ang kanyang kapatid.


A. maylapi B. inuulit C. payak D. tambalan
15. Pagtitinda ng gulay ang hanapbuhay ng kanilang mga magulang.
A. inuulit B. payak C. tambalan D. maylapi
16-20. Basahin nang maayos ang sitwasyon. Iayos ang mga hakbang sa pagsasaing ng bigas. Lagyan ng
tamang bilang1-5.
16. ______Hugasan ng dalawang beses ang bigas.
17. ______Lagyan ng dalawang tasang tubig ang bigas. Kung ano ang sukat ng bigas, gayundin ang sukat ng
tubig.
18. ______Lutuin ang bigas ng 20 minuto o hanggang sa ito ay maluto.
19. ______Maglagay ng dalawang tasang bigas sa saingan.
20. ______Isalang ang sinaing sa katamtamang apoy.

Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit ayon sa takbo ng kaisipan sa pangungusap.
21. Ang paaralan ang pandayan ng kaisipan para maging handa ang mga mag-aaral sa pagharap sa magulong
buhay sa mundo.
A. gawaan B. sanayan C.usapan D. larangan
22. Nagiging isang mabisang sandata ang pagkakaroon ng isang mahusay na edukasyon laban sa
kamangmangan.
A. baril B. pang-aapi C. panghatawD. pananggol
23. Agaw-buhay na nang isugod sa ospital ang maysakit, tila hindi na ito magtatagal.
A. inagaw ang kanyang buhay C. hinimatay
B. di na tumitibok ang puso D. malapit ng mamatay
24. Lagi nating pakatandaan ang kasabihang: “Pag may isinuksok, may madudukot.”
A.aasahan B. may magagamit C. may mananakaw D. isinabit
25. Sa probinsya ay mapayapana ang buhay ni Lola Viring.
A. matahimik B. maaliwalas C. namatay D. masalimuot

26-30. Buuin ang pangungusap sa pagpili ng wastong titik ng pangngalan sa kahon upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

A.Cake D. ibon
B. Mag-aaral E. nanay
C. Mag-ama

26. Ang _______ ay lumilipad sa kalawakan.


27. Ang ________ ay nananahi ng bestidang isusuot ni Fe
28. Nagtatanim ng mga petsay ang mga _________ sa kanilang likod bahay.
29. Bumili ng _________ ang ate niya dahil kaarawan niya ngayon.
30. Ang _______ ay naglalaro ng basketball.

You might also like