You are on page 1of 17

Pangkalahatang Panuto: Piliin ang

titik ng tamang sagot.

Para sa aytem bilang 1-6, sagutin ang
mga sumusunod na tanong base sa
nabasang pabula.
May isang uhaw na uhaw na uwak na gustong uminom sa pitsel na naiwan sa mesa. Makipot lamang
ang bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ng uwak ang kaniyang tuka upang sipsipin ang tubig . Sinisikap
abutin ng uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan . Kahit anong pilit niya ay hindi niya maabot ang
tubig. Labis na ang pagkauhaw ng ibon.
Tumingala siya, luminga- linga at tumingin sa paligid. Alam niyang may kasagutan sa alinmang
problemang kinakaharap niya. Tama siya ! Sa isang iglap ay naisip niya ang kasagutan. Lumipad siya sa labas at
tumuka ng munting bato na inihulog sa loob pitsel. Nagpabalik- balik siya sa paglagay ng mumunting bato
hanggang tumaas ang tubig at umabot sa makitid na bunganga ng pitsel . Nakainom ang uwak at natugunan ang
pagkauhaw niya sa isang iglap lamang.

1. Ano ang naging suliranin ni uwak?

A. Uhaw na uhaw siya.
B. Makipot ang bunganga ng pitsel .
C. Mahirap magpabalik-balik kumuha ng maliliit na bato.
D. Hindi natugunan ang kaniyang pagkauhaw.

2. Anong paraan ang naisip ni uwak upang makainom ng tubig?

A. Itinumba niya ang pitsel sa pamamagitan ng kaniyang tuka upang makainon ng tubig.
B. Tumuka siya ng mumunting bato at inihulog sa pitsel hanggang umabot ang tubig sa
makitid na bunganga.
C.Pinilit niya ipinasok ang kaniyang ulo sa bunganga ng pitsel.
D. Inantay niyang may tao magpuno ng tubig sa pitsel.
May isang uhaw na uhaw na uwak na gustong uminom sa pitsel na naiwan sa mesa. Makipot lamang
ang bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ng uwak ang kaniyang tuka upang sipsipin ang tubig . Sinisikap
abutin ng uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan . Kahit anong pilit niya ay hindi niya maabot ang
tubig. Labis na ang pagkauhaw ng ibon.
Tumingala siya, luminga- linga at tumingin sa paligid. Alam niyang may kasagutan sa alinmang
problemang kinakaharap niya. Tama siya ! Sa isang iglap ay naisip niya ang kasagutan. Lumipad siya sa labas at
tumuka ng munting bato na inihulog sa loob pitsel. Nagpabalik- balik siya sa paglagay ng mumunting bato
hanggang tumaas ang tubig at umabot sa makitid na bunganga ng pitsel . Nakainom ang uwak at natugunan ang
pagkauhaw niya sa isang iglap lamang.

3. Paano natugunan ng uwak ang kaniyang problema?

A. Naging mahinahon at nag-isip ng matinong solusyon.
B. Nakahingi siya ng payo sa ibang mga ibon.
C. Naisip niya ang ginawa ng ibang ibon sa gubat.
D. May diwatang bumulong sa kaniya.

4. Anong aral ang Ipinararating ng pabula?

A. Ang mahirap ay di dapat gawin.
B. Huwag piliting lutasin ang anumang problema.
C. Ang bawat suliranin ay madaling tugunan kung ating iisipin.
D. Magiging madali ang buhay kung di mo iintindihin ang paglutas ng suliranin.
May isang uhaw na uhaw na uwak na gustong uminom sa pitsel na naiwan sa mesa. Makipot lamang
ang bunganga ng pitsel kaya hindi maipasok ng uwak ang kaniyang tuka upang sipsipin ang tubig . Sinisikap
abutin ng uwak ang kaunting tubig sa malalim na sisidlan . Kahit anong pilit niya ay hindi niya maabot ang
tubig. Labis na ang pagkauhaw ng ibon.
Tumingala siya, luminga- linga at tumingin sa paligid. Alam niyang may kasagutan sa alinmang
problemang kinakaharap niya. Tama siya ! Sa isang iglap ay naisip niya ang kasagutan. Lumipad siya sa labas at
tumuka ng munting bato na inihulog sa loob pitsel. Nagpabalik- balik siya sa paglagay ng mumunting bato
hanggang tumaas ang tubig at umabot sa makitid na bunganga ng pitsel . Nakainom ang uwak at natugunan ang
pagkauhaw niya sa isang iglap lamang.

5. Alam ni Uwak na may kasagutan sa alinmang problemang kinakaharap niya. Ito ay

nagpapahiwatig na si uwak ay ___________.
A. mautak C. mahina
B. madiskarte D. matatag

6. Alin ang angkop na pamagat ng pabula?

A. Ang Paglipad Ng Uwak C. Ang Uhaw Na Uwak
B. Ang Uwak At Ang Pitsel D. Ang Tubig At Ang Uwak
Para sa aytem bilang 7-13, basahin
ang maikling sanaysay at piliin ang
wastong palagay sa maaaring
kalabasan ng mga pangyayari.
Malungkot na malungkot si Juan. Wala siyang kinita. Makakagalitan na naman siya ng
kanyang ina. Namahinga sandali si Juan sa ilalim ng malaking puno. Walang ano-ano ay may
tumawag sa kanya. “Juan, kawawa ka naman. Tutulungan ka namin sa iyong problema,” sabi
ng duwende sa harapan niya. Hindi nakapagsalita agad si Juan.

7. Si Juan ay __________________.
a. nagalit b. nagulat c. napahiya d. naiyak

8. Batay sa sinabi ng mga duwende, sila ay nagpapakita ng ______.

a. pagkaaliw b. pagkadismaya c. pagkagiliw d. pagmamalasakit

“Huwag kang matakot, Juan. Tutulungan ka namin,” patuloy ng duwende. “Paano?” tanong
ni Juan. “Heto ang mahiwagang bato. Anumang hihilingin mo rito ay ibibigay sa iyo,” sabi ng
duwende. At nawala ang duwende.

9. Ang nasa isip ni Juan ay __________.

a. pagtataka b. pagkatuwa c. pagkabigla d. pagkainip

10. Ang mga duwende sa pagkakataong ito ay nagpapakita ng pagiging __________.

a. magiliwin b. mapaglaro c. matulungin d. mahabagin
Ikiniskis ni Juan sa palad ang bato gaya ng bilin ng duwende at saka humiling si Juan ng
masasarap na pagkain. Nanlaki ang mga mata ni Juan.

11. Siya ay __________.

a. namangha sa nakita b. nagkaroon ng panlalabo ng paningin
c. natakot d. nahulog sa bangin

Kinain ni Juan ang masasarap na pagkain. Nang mabusog na siya ay nagdudumali siyang
umuwi ng bahay. Malayo pa ay natanaw na si Juan ng kanyang ina. Nanlisik ang mga mata ng
ina.

12. Ang ina ni Juan ay __________.

a. tuwang-tuwa b. lungkot na lungkot c. galit na galit d. sabik na sabik
“Huwag po kayong magalit, maydala po akong mahiwagang bato na kapag kiniskis sa palad
at humiling tayo, ito ay ipagkakaloob,” sabi ni Juan, “Heto po ang bato.” “Ako Juan, ay huwag
mong ululin. Panay ka kaululan. Ipukpok mo sa matigas mong ulo ang dala mong bato,” sabi
ng ina ni Juan.

13. Ang ina ni Juan ay __________.

a. paniwalang-paniwala sa kanya b. nais makipagsapalaran sa bato
c. walang tiwala sa kanya d. bilib na bilib sa kaniya

Para sa aytem bilang 14-18, piliin sa kahon ang titik ng panghalip na gagamitin sa
sumusunod na salaysay.

A. Ako‘y B. ito C. doon D. kami E. mo

Naranasan 14.______ na bang lumangoy sa dagat? 15._______ may nakatutuwa ngunit

nakakatakot na karanasan sa dagat. Namasyal 16._______ noon sa dinarayong Boracay
beach, 17. _______ ang una kong nakitang malinaw at kulay berdeng tubig na
dalampasigan. Malinis at malamig ang 18. _______.
Para sa mga bilang 19-23, piliin ang salitang magbibigay ng pinakamalapit na kahulugan
sa salitang may salungguhit sa bawat pangungusap.
19. Kakabog-kabog ang dibdib ni Rita dahil bubunutan siya ng ngipin.
A. inaatake B. natatakot
C. nabibigla D. kinakabahan

20. Napaiyak ang batang lalaki dahil tinutuya siya ng kaniyang mga kalaro.
A. pinupuri B. hinahangaan
C. tinutukso D. pinagtatawanan

21. Ang maangas na tao ay kinaiinisan ng maraming tao.

A. mabait B. mayabang
C. masipag D. mapagkumbaba

22. Ayon sa mga doktor, anumang sugat ay marapat na nilalanggas upang makaiwas sa
pagkakaroon ng impeksiyon.
A. nililinis B. ginagamot
C. tinatanggal D. Hinuhugasan
23. Matagal bago naampat ang dugo mula sa sugat ng aking daliri.
A. natuyo B. dumaloy
C. napigilan D. napahinto
Para sa aytem bilang 24-26, basahin ang talata at piliin ang angkop na pamagat nito.

Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating
bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron.
Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan
ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa
ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.

24. Alin ang angkop na pamagat ng talata?

a. Tradisyon ng mga Pilipino c. Ang Bayanihan
b. Kapistahan ng mga Pilipino d. Mga Kapistahan sa lalawigan

Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming

suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong
tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang
mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya
kaya’t patuloy mong ingatan.

25. Alin ang angkop na pamagat ng talata?

a. Ang Pamilyang Pilipino c. Ang Problema sa Pamilya
b. Ang Pamilya d. Biyaya ng Diyos ang Pamilya
Ang Kawanihan ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue) ay ang sangay ng
pamahalaan na namamahala sa pangongolekta ng buwis ng mga mamamayang may
hanapbuhay. Bawat manggagawang Pilipino ay may tungkuling magbayad ng kaukulang
buwis. Ang buwis na ibinabayad ang siyang ginagamit na pondo ng pamahalaan sa
pagpapaganda at pagpapaunlad ng ating bansa.

26. Alin ang angkop na pamagat ng talata?

a. Ang kawanihan ng Rentas Internas c. Ang kawanihan ng internas rentas
b. Ang Kawaniihan ng Rentas Internas d. ang kawanihan ng internas rentas
Para sa bilang 27-31, sagutin ang mga impormasyong hinihingi hinggil sa kard katalog.

27. Anong uri ng kard katalog ang ipinakita?

A.Kard ng Paksa B. Kard ng May-Akda
C. Kard ng Pamagat D. Kard ng Patnugot

28. Sino ang may-akda ng aklat na ito?

A. Cuasay , Pablo M B. JGM & Corporation
C. Aragon, Angelita L., et.al D. C2011

29. Kailan nilimbag ang aklat na ito?

A. 1992 B. 2010
C. 2011 D. 2017
Para sa bilang 27-30, sagutin ang mga impormasyong hinihingi hinggil sa kard katalog.

30. Ang kard katalog na ito ay isang ________.

A. Kard ng Paksa B. Kard ng Pamagat
C. Kard ng May-akda D. Kard ng patnugot

31. Anong uri ng libro ang nakasulat sa kard na ito?

A. Aklat sa Filipino para sa mga batang edad lima pataas.
B. Aklat sa Filipino para sa Ikalimang Baitang.
C. Bagong lathala na libro para sa mga batang limang taong gulang.
D. Ikalimang sinulat na libro ni Aragon, Angelita.
Para sa aytem bilang 32-35, basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong.
Ang Ilog Pasig noon ay isang mahalagang rutang pantransportasyon na may habang 25
kilometro, malinis ang tubig na dumadaloy sa ilog. Tunay na kabigha-bighani sa
kagandahan ang ilog na ito. Kasingganda raw ito dati ng Grand Canal sa Venice. Ito ay
napalilibutan ng mga berde at malalagong puno at halaman. Sagana ito sa iba’t ibang uri
ng isda at buhay-dagat. Ito rin ang nag-uugnay sa Look ng Maynila at Look ng Laguna. Ito
rin ang nagsasala ng mga sobrang tubig mula sa Look ng Laguna at sa iba pang labintatlong
ilog at estero sa Manila.

Ngayon ang Ilog Pasig ay animo’y lupa. Ito ay puno ng mga naipong basura, napakarumi,
nakadidiring tingnan at nakasusulasok ang amoy ng ilog. Halos wala ka nang makikitang
buhay na isda sa dito. Nagsimulang dumumi ang katubigan sa ilog nang mag-umpisang
tirahan at tayuan ng kung ano-anong estruktura ang gilid ng ilog. Naging tapunan ito ng
mga basura ng mga nakatira malapit dito. Dahil dito, unti-unting umalis ang mga hayop na
naninirahan sa ilog na, ang iba pa nga, sa kasamaang palad, ay namatay. Sa ngayon,
gumagawa ng hakbang ang gobyerno natin at ang iba’t ibang ahensiya na buhayin muli
ang Ilog Pasig.
32. Paano inilalarawan ng may-akda ang tubig na dumadaloy sa Ilog Pasig noon?
A. Ipinagmamalaki niya ang linis at linaw ng tubig sa Ilog Pasig.
B. Ipinagmamalaki niya ang yaman ng Ilog Pasig.
C. Napakahaba at napakalalim ng tubig sa Ilog Pasig.
D. Nakaaaliw mamangka at bumiyahe sa pinagdugtong na mga look.
Ang Ilog Pasig noon ay isang mahalagang rutang pantransportasyon na may habang 25
kilometro, malinis ang tubig na dumadaloy sa ilog. Tunay na kabigha-bighani sa
kagandahan ang ilog na ito. Kasingganda raw ito dati ng Grand Canal sa Venice. Ito ay
napalilibutan ng mga berde at malalagong puno at halaman. Sagana ito sa iba’t ibang uri
ng isda at buhay-dagat. Ito rin ang nag-uugnay sa Look ng Maynila at Look ng Laguna. Ito
rin ang nagsasala ng mga sobrang tubig mula sa Look ng Laguna at sa iba pang labintatlong
ilog at estero sa Manila.

Ngayon ang Ilog Pasig ay animo’y lupa. Ito ay puno ng mga naipong basura, napakarumi,
nakadidiring tingnan at nakasusulasok ang amoy ng ilog. Halos wala ka nang makikitang
buhay na isda sa dito. Nagsimulang dumumi ang katubigan sa ilog nang mag-umpisang
tirahan at tayuan ng kung ano-anong estruktura ang gilid ng ilog. Naging tapunan ito ng
mga basura ng mga nakatira malapit dito. Dahil dito, unti-unting umalis ang mga hayop na
naninirahan sa ilog na, ang iba pa nga, sa kasamaang palad, ay namatay. Sa ngayon,
gumagawa ng hakbang ang gobyerno natin at ang iba’t ibang ahensiya na buhayin muli
ang Ilog Pasig.

33. Paano inilahad ng nagsasalaysay ang kaniyang damdamin sa nangyari sa Ilog Pasig sa
kasalukuyan?
A. Ipinahiwatig ng tauhan ang kaniyang galit sa nakasusulasok na amoy ng ilog.
B. Ipahahayag ng tauhan ang sobrang lungkot sa kinahihinatnan ng ilog.
C. Ipidadama ng tauhan ang kaniyang paghihiganti sa mga tao na sumira sa ilog.
D. Ipababatid ng tauhan ang matinding pagkadismaya sa nangyari sa Ilog Pasig.
Ang Ilog Pasig noon ay isang mahalagang rutang pantransportasyon na may habang 25
kilometro, malinis ang tubig na dumadaloy sa ilog. Tunay na kabigha-bighani sa
kagandahan ang ilog na ito. Kasingganda raw ito dati ng Grand Canal sa Venice. Ito ay
napalilibutan ng mga berde at malalagong puno at halaman. Sagana ito sa iba’t ibang uri
ng isda at buhay-dagat. Ito rin ang nag-uugnay sa Look ng Maynila at Look ng Laguna. Ito
rin ang nagsasala ng mga sobrang tubig mula sa Look ng Laguna at sa iba pang labintatlong
ilog at estero sa Manila.

Ngayon ang Ilog Pasig ay animo’y lupa. Ito ay puno ng mga naipong basura, napakarumi,
nakadidiring tingnan at nakasusulasok ang amoy ng ilog. Halos wala ka nang makikitang
buhay na isda sa dito. Nagsimulang dumumi ang katubigan sa ilog nang mag-umpisang
tirahan at tayuan ng kung ano-anong estruktura ang gilid ng ilog. Naging tapunan ito ng
mga basura ng mga nakatira malapit dito. Dahil dito, unti-unting umalis ang mga hayop na
naninirahan sa ilog na, ang iba pa nga, sa kasamaang palad, ay namatay. Sa ngayon,
gumagawa ng hakbang ang gobyerno natin at ang iba’t ibang ahensiya na buhayin muli
ang Ilog Pasig.

34. Sa anong ilog inihahalintulad ang kagandahan ng Ilog Pasig noon?

A. Nile River sa Africa B. Underground River sa Palawan
C. Grand Canal sa Venice D. Yangtze River sa China
35. Sa iyong palagay, sapat ba ang ginagawa ng pamahalaan upang ibalik ang ganda
ng Ilog Pasig? Pangatwiranan.
_________________________________________________________________________

You might also like