You are on page 1of 13

Paggawa ng Kabutihan, Isang Pasasalamat sa Diyos

Nakapagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos


(EsP5PD - IVe-i - 15)

DAY 1
Mag-isip tayo: Isa, Dalawa, Tatlo...
Buuin ang kaisipan sa pamamagitan ng paglalagay ng titik sa kahon sa
ibabaw ng bilang. Gamitin ang alpabetong may katumbas na bilang sa ibaba
upang mabuo ang kaisipan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13
N O P Q R S T U V W X Y Z
14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

9 11 9 14 1 12 21 12 21 7 15 4

14 7 4 9 25 15 19 1 14 7

16 1 7 7 1 23 1 14 7

11 1 2 21 20 9 8 1 14
Sagutin ang mga tanong:

•Ano ang iyong nabuong kaisipan?


•Sumasang-ayon ka ba sa nabuong kaisipan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
•Magtala ng mga kabutihang gawain mo bilang
isang mag-aaral.
DAY 2
Pag-aralan at suriin ang islogan.

Ang paggawa ng mabuti ay


kinalulugdan,
Ng Diyos na dapat nating
pasalamatan.

• Anong kaisipan ang ipinapakita ng


islogan?
• Sumasang-ayon ka ba sa islogan? Bakit?
Ipaliwanag sa maikling talata
ang islogan. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
DAY 3
Paano mo ipapakita ang pasasalamat sa Diyos sa
pamamagitan ng paggawa ng kabutihan?

Sumulat ng isang tula na nagpapakita ng pasasalamat sa


Diyos sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.

_______________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________
Tandaan Natin

Ang pagsunod at paggalang sa


nakatatanda, pagrespeto at paggawa ng
kabutihan sa kapwa ay isang magandang
gawain para sa kabataang tulad mo. Ang
paggawa ng mabuti ay ikinalulugod ng
Diyos. Ito ay isang paraan ng pagpapakita
ng pasasalamat sa Kanya.
DAY 4
Pangkatang Gawain

Bumuo ng tatlong pangkat. Kayo ay


magkakaroon ng lima hanggang sampung minuto
upang pag-usapan sa bawat pangkat ang mga
sitwasyong igagawa ng dula-dulaan. Pumili ng
lider na siyang magpapadaloy ng talakayan sa
pangkat.
Pangkat 1 - Paggawa ng kabutihan sa loob ng
silid-aralan.
Pangkat 2 - Paggawa ng kabutihan sa pamilya.
Pangkat 3 - Paggawa ng kabutihan sa mga
kaibigan.
DAY 5
Lagyan ng √ ang patlang kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng paggawa
ng kabutihan at × kung hindi.
_____ 1. Pagbibigay ng tulong sa mga
nasunugan ng tirahan.
_____ 2. Magpahiram ng gamit sa taong
nangangailangan ngunit walang
pambili.
_____ 3. Pagtatapon ng basura sa harap
ng bahay ng kapitbahay.
_____ 4. Hindi pagsasabi ng totoo.
_____ 5. Paggalang sa opinyon ng iba.

You might also like