You are on page 1of 6

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

Learning Area Filipino 6


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)

Paaralan Pallocan East ES Baitang Baitang 6


LESSON Guro Reylen A. Maderazo Asignatura Filipino
EXEMPLA Petsa Markahan Unang Markahan
R
Oras Bilang ng Araw 3 araw
(see PIVOT 4A BOW for the
number of days)

Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


I. LAYUNIN  Magagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t-
ibang sitwasyon

A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa


napakinggan
B. Pamantayan sa Pagganap Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang isang isyu o paksa mula sa
tekstong napakinggan
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap sa iba’t-ibang
(If available, write the indicated sitwasyon
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan Natutukoy ang mga pangngalan at panghalip
(If available, write the attached
enabling competencies)

Paggamit ng Wastong Pangngalan at Panghalip sa Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon


II. NILALAMAN

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
RM-No.306, s.2020, PIVOT-4a-BOW, p.56
CG, p.119, F6WG-Ia-d-2

b. Mga Pahina sa Kagamitang LM sa Filipino 6, p.12


Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk Filipino Yaman ng Lahing Kayumanggi, p.117, pp. 155-156
d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa Modyul, worksheets
pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Panimula ALAMIN
Sa araling ito, maipamamalas mo ang kakayahan at pagkamatatas mo sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin. Pagkatapos nang araling
ito, inaasahan na magagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-
usap sa iba’t ibang sitwasyon batay sa tula, tungkol sa sakit na umiiral hindi lamang sa ating
lugar kundi sa iba pang bansa.
  
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

B. Pagpapaunlad SUBUKIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang bawat pangungusap. Piliin ang angkop na
sagot sa kahon. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Pantangi Pambalana Panghalip Pangngalan


 

(Tingnan ang Pivot 4A Learner’s Material, p.12)

TUKLASIN

Alam nyo ba kung paano tayo makatutulong na sugpuin ang sakit na COVID19? Kilala nyo
ba ang mga taong tumutulong upang masugpo ito?
 

Bawat tao ay may kakayahang maging bayani ng pamayanan na kanyang


kinabibilangan. Magkakaiba man ang hanapbuhay at estado sa buhay, malaki ang papel na
ginagampanan ng bawat isa.
Ngayon ay tuklasin natin ang mga bayani sa panahon ng krisis na ito.
 
Magiting, Matapang, Masunurin,
Bagong Bayani ng Bayan
Ma.Debelen R. Magadia
 
Sa likod ng bawat ngiti at pagsaludo sa’yo,
Mapagkalingang haplos ng kamay sa noo,
Sa matiyagang pagtigil sa loob ng bahay mo,
Maituturing kang bayani ng henerasyong ito.
 
Pulis, sundalo, tanod, sila itong mamamayan,
Hindi alintana, maghapon sa arawan at ulanan,
Kahit pa nitong madla, pag-initan at sigawan,
Haharangan mga daan, upang ika’y protektahan.
 
Nars, doktor, siyentipiko at mga medical staffs,
Nagpapagod, nagpupuyat, serbisyong walang kupas,
Sa puso’y may takot at agam-agam sa isipan,
Ngunit mas matimbang, pagkalinga at pagdamay.
 
Travel goals mo man Macau, Hongkong o Palawan,
Mas mainam pa rin ang pumirmi sa tahanan,
Iwas COVID, iwas gastos, walang batas na nilabag,
Sa sariling bayan natin ito’y isang malaking ambag.
 
Superherong walang kapa, mga bayaning di-kinilala,
Magigiting, matatapang, malasakit ang sandata,
Kami’y nagpupugay, nagbubunying walang humpay
Mga bagong bayaning sa bayan ay ibinigay.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

 Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Paano nakatutulong ang mga pulis, sundalo at tanod upang maprotektahan tayo sa
nakamamatay na COVID19?
2. Sino-sino ang mga itunuturing na bayani sa panahon ngayon ng krisis?
3. Ano ang kabutihang dulot kung tayo ay mamamalagi sa ating tahanan?
4. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong upang makaiwas sa sakit?
5. Pagkatapos ng umiiral na “Enhanced Community Quarantine” (ECQ), ano ang
unang-una mong gagawin para iyong kapwa?

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.1: Isulat ang mga pangngalan at panghalip na ginamit sa
tula.
 
Pangngalan Panghalip
   
   
   
   

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.2: Uriin ang sumusunod na mga salita sa kahon kung ito
ay – Tao, Bagay, Hayop, Lugar o Pangyayari. Isulat ang sagot sa kahon.

bata langgam
tipaklong Pasko
lapis silid-aralan
sapatos paruparo
nanay SM Batangas

TAO BAGAY HAYOP LUGAR PANGYAYARI

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.3: Basahin ang mga pangungusap. Ano ang pinatu- tukuyan
o hinahalinhan ng mga salitang may salungguhit?

Tukuyin mo kung ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit.


1. Si Celia ay maganda. Siya ay may mahabang buhok.

2. Bumili ng laptop si Dindo. Ito ay kanyang gagamitin sa pasukan.

3. Nabigla kaming lahat nang sabihing may nagpositibo ng COVID19 sa aming bayan.

PAGYAMANIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.4: Basahin ang usapan. Piliin ang mga pangngalan at isulat
ito sa kolum ayon dalawang uri ng pangngalan.

Willie: Hayan na si lola Conching. Pihadong may sermon na naman tayo.


Lassie: Kasi kasalanan naman natin. Hindi natin inuubos ang pagkain.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

Willie: Kasi nga, dala ni lola ang bigas mula sa probinsya, kaya nagagalit siya kapag hindi
natin inuubos ang kanilang plato.
Lassie: Tama naman siya, hindi ba? Pasalamat nga tayo at dindalhan tayo ng sakusakong
bigas na ani sa bukid nina lola.

Pambalana Pantangi

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1.5: Piliin ang mga panghalip at isulat sa kahon.

1. Kami ay pupunta sa Baguio sa bakasyon.

2. Mamamsyal tayo sa magagandang pook doon.

3. Sasakay ako sa kabayo bukas ng umaga.

4. Mamasyal sila sa Trinidad.

5. Sa kanilang bahay kami matutulog.

C. Pakikipagpalihan ISAGAWA

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumawa ng isang dula-dulaan tungkol sa kung paano


makaiiwas sa nakahahawang sakit. Siguraduhin na magagamit ang pangngalan at panghalip
sa dula-dulaan. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

(Tingnan ang Pivot 4A Learner’s Material, p.12)

LINANGIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.1: Sagutin ang tanong sa pamamagitan ng 5-6 na


pangungusap. Gumamit ng mga angkop na pangngalan at panghalip.

 Paano ka makatutulong sa iyong kapwa sa panahong may krisis?

IANGKOP

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.2: Gumawa ng maikling awit o pagbati para sa mga
frontliners gamit ang pangngalan at panghalip upang ipakita ang pagpapahalaga sa kanilang
ginagawang pagsisilbi sa bawat mamamayan sa ating bayan.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

D. Paglalapat ISAISIP
Ngayon ay isaisip mo ang mga kaalamang ito:
 
 Pangngalan ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar at pangyayari.
 
May dalawang uri ang pangngalan:
 
1. Pangngalang Pantangi - tumutukoy sa tiyak na ngalan sa tao, bagay, hayop, pook o
pangyayari.
2. Pangngalang Pambalana - tumutukoy sa di-tiyak na ngalan sa tao, bagay, hayop, pook o
pangyayari.

Halimbawa:

  tao bagay Hayop lugar pangyayari

Pantangi Miss Adidas Bruno SM Batangas Pasko


Reyes

Pambalana guro sapatos Aso pamilihan pista

 Panghalip- tumutukoy sa salitang ginagamit bilang panghalili sa mga pangngalan.

Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, siya, kanila, siya, kaniya,
ito, iri/ire, niri/nire, nito ganito, ganiri, iyan, niya, ayan, hayan, diyan, ayun, hayun, iyon,
yaon, niyon, noon, doon

TAYAHIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Gamitin nang wasto ang sumusunod na pangngalan at


panghalip sa usapan. (mask, tahanan, Aling Lorna , COVID19, mo, doon, alcohol, Lunes,
Pamilihang Lungsod ng Lucena, Sila). Gawin ito sa inyong sagutang papel.

(Tingnan ang Pivot 4A Learner’s, p.12)

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod :

Nauunawaan ko na ____________________________.
Nabatid ko na _________________________________.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

You might also like