You are on page 1of 6

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

Learning Area Filipino 6


Learning Delivery Modality Modular Distance Modality (Learners-Led Modality)

Paaralan Pallocan East ES Baitang Baitang 6


LESSON Guro Reylen A. Maderazo Asignatura Filipino
EXEMPLA Petsa Markahan Unang Markahan
R
Oras Bilang ng Araw 3 araw
(see PIVOT 4A BOW for the
number of days)

I. LAYUNIN Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


 Makasusulat ng kuwento; talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay

A. Pamantayang Nilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa


apakinggan
B. Pamantayan sa Pagganap Nasasaulo ang isang tula/awit na napakinggan at naisasadula ang isang
isyu o paksa mula sa tekstong napakinggan
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC) Nakasusulat ng kuwento; talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay
(If available, write the indicated
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(If available, write the attached
enabling competencies)

Pagsulat ng Kuwento, Talatang Nagpapaliwanag at Nagsasalaysay


II. NILALAMAN

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
MELC sa Filipino Grade 6, RM-No.306, s.2020, PIVOT-4a-BOW, p.56
CG, p.119-120(F6PU-Id-2.2, F6PU-Ih-2.1, F6PU-If-2.1)

b. Mga Pahina sa Kagamitang LM sa Filipino 6, pp. 36-38


Pangmag-aaral

c. Mga Pahina sa Teksbuk

d. Karagdagang Kagamitan
mula sa Portal ng Learning
Resource
B. Listahan ng mga kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa Modyul, worksheets
pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Panimula ALAMIN

Sa araling ito, maipamamalas mo ang pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,


karanasan at damdamin sa pamamagitan ng kakayahan sa

pagsulat ng kuwento, talatang nagpapaliwanag at nagsasalaysay. Matapos pagdaanan ang


aralin na ito, ikaw ay inaasahan na makasusulat ng kuwento, talatang nagpapaliwanag at
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

nagsasalaysay.

SURIIN

Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

Sari-manok
ni Paz M. Belvez

May kaisa-isang anak na dalaga ang Sultang Maranao sa Lanao. Maganda, mabait,
magalang at matulungin si Sari. Hindi kataka-takang mapamahal sa Sultan at sa mga tao si
Sari.

Nang sumapit ang ikalabingwalong taong kaarawan ni Sari, isang malaking piging ang
iginayak ng Sultan para sa kanya. Ipinagdiwang ito sa malawak na bakuran nila Sari.
Nagagayakan ang buong paligid. Talagang marangya at masaganang salu-salo ang inihanda
ng Sultan sa pinakamamahal na anak.

Masayang-masaya ang lahat, nang biglang may lumitaw na malaking-malaking manok


na tandang. Nagulat ang balana. Hangang-hanga sila sa magarang tindig ng manok. Lalo
pang nagulat sila nang sa isang iglap ay nagbago ng anyo ang tandang na manok. Naging
isang makisig na prinsipe ito. Magalang itong bumati sa lahat at pagkatapos ay nagsalita nang
malakas.

“Naparito ako upang kunin ang dalagang minamahal ko. Siya ay matagal ko nang
binantayan, inalagaan at minahal,”ang sabi ng mahiwagang prinsipe. Lalong nagulat ang
lahat at halos walang nakakilos o nakapagsalita man lang.

Muling nag-anyong tandang ito at kinuha ang dalagang si Sari. Lumipad itong paitaas. Mula
noon ay hindi na nakita pa si Sari at ang manok.

Lungkot na lungkot ang Sultan. Hinintay ang pagbabalik ng anak at ng manok. Iniutos ng
sultan sa pinakamagaling na manlililok ng tribu na lumilok sa kahoy ng magilas na tandang
na tumangay sa anak.

Nayari ang isang napakagandang lilok sa kahoy. Ito ay mahal na mahal ng sultan at tinawag
na Sari-manok.Naging simbolo ito ng tribu at nananatiling sagisag ng mga kapatid nating
Muslim.

Sagutin:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Ano-anong mga lugar ang nabanggit sa kuwento?
3. Anong bahagi ng kuwento ang nagpakikita ng kasukdulan ng mga pangyayari?
4. Paano nagwakas ang maikling kuwento?
5. Ano ang naging suliranin ng kuwentong nabasa?

B. Pagpapaunlad SUBUKIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Basahin ang maikling kuwento at isulat ang mahahalagang
detalye nito sa pamamagitan ng paglalagay sa talahanayan. Gawin ito sa inyong sagutang
papel.

(Tingnan ang Pivot 4A Learner’s Material, p.36)


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

TUKLASIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Sagutin ang
sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa isang malinis na papel. Gawin ito
sa inyong sagutang papel.

(Tingnan ang Pivot 4A Learner’s Material, pp.36-37)

1. Mula sa kuwento, sino ang Dakilang Ama ng Bayan?


A. Jose Rizal C. Manuel L. Quezon
B. Andres Bonifacio D. Diosdado Macapagal
2. Saan nagmula ang Dakilang Ama ng Bayan?
A. Lubao Pampanga C. Laiya, Batangas
B. Lucena Quzon D. Calamba, Laguna

3. Kailan siya isinilang?


A. Setyembre 22, 1910 C. Setyembre 11, 1911
B. Setyembre 28, 1910 D. Setyembre 25, 1911

4. Anong wika ng dulang pangtanghalan ang sinusulat ng kanyang ama? A. Bisaya


B. Tagalog
C. Ilokano D. Kapampangan
 
PAGYAMANIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2.1

Sumulat ng maikling talatang nagsasalaysay/nagpapaliwanag tungkol sa ginawang home


quarantine nang napakatagal dahil sa Covid-19. Sundin ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng
talata/kuwento.

C. Pakikipagpalihan ISAGAWA

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Naranasan mo na bang magbasa ng kuwento? Ano-anong


kuwento ang mga ito? Ang pagbabasa ay isang paraan upang makakuha ng iba’t-ibang
impormasyon at kaalaman. Ikaw bilang isang mag-aaral ay maaari ding sumulat ng sariling
kuwento. Mula sa iyong sariling karanasan o anumang bagay na nakapukaw ng iyong
interes. Sa pamamagitan nito ay maipapahayag mo ang iyong pagkamalikhain. Gawin ito sa
inyong sagutang papel.

(Tingnan ang Pivot 4A Learner’s Material, pp.37-38)

LINANGIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3.1: Sumulat ng maikling talatang


nagsasalaysay/nagpapaliwanag tungkol sa larawan sa ibaba. Sundin ang mga dapat tandaan
sa pagsulat ng talata para maging mas madali ang pagbuo nito.
 
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

IANGKOP

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3.2: Basahin at unawain ang mga susing salitang nasa ibaba.
Bumuo ng maikling talatang nagsasalaysay sa kaisipang nakapaloob dito. 

  pag-aaral Mark laro grado/marka

D. Paglalapat ISAISIP
  Ang kuwento ay isinusulat upang magpabatid, maglahad, at magpalawak ng isang
balita, impormasyon at makatotohanang pangyayari batay sa karanasan, pag-aaral,
pananaliksik, at pakikipanayam. Ito ay isinusulat sa paraang kawili-wili upang lalong
makahikayat sa mambabasa.
 
Mainam na naipapahayag ang sariling kaisipan,damdamin at emosyon. Ang isang
mag-aaral na kagaya mo ay may kakayahan ding makapagsulat ng isang natatanging kuwento
kagaya ng mga nababasa mo.

Ang maikling kuwento ay isang anyong panitikan na may layuning magsalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ito ng kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.

Ano-ano ang mga elemento sa pagsusulat ng maikling kuwento?

1. Tauhan – binubuo ng pangunahing tauhan at kasamang mga pantulong na tauhan.

2. Tagpuan/Panahon- ay ang panahon at lugar para maging totoo ang kuwentong binabasa.

3. Saglit na Kasiglahan – inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa sa pagkilala sa


mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.

4. Suliranin o Tunggalian – ito ay paglalabanan ng ng pangunahing tauhan at ng mga kalaban


niya sa kuwento. Ang tunggalian ay maaaring tao laban sa kalikasan , tao laban sa sarili, tao
laban sa tao.

5. Kasukdulan – ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng


bumabasa ang magyayari sa pangunahing tauhan, kung siya’y mabibigo o magtatagumpay sa
paglutas ng suliranin.

6. Kakalasan – ito ang kinalabasan ng paglalaban.


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

7. Wakas – ito ay nakadepende sa tagumpay o kabiguan ng tauhan sa kuwento, kung maging


trahedya ba o may kasiya-siyang pagtatapos.

TAYAHIN

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Bumuo ng isang kwento mula sa nais mong paksa.
Gawin ito sa inyong sagutang papel.

(Tingnan ang Pivot 4A Learner’s Material, p.38)

V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o portfolio ng kanilang
nararamdaman o realisasyon gamit ang mga sumusunod :

Nauunawaan ko na ____________________________.
Nabatid ko na _________________________________.
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Batangas City
District II (JAPMES)
PALLOCAN EAST ELEMENTARY SCHOOL
Pallocan East, Batangas City

You might also like