You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Balanga
BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL

NOBYEMBRE 10, 2021

MALA- MASUSING BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO 3

I. LAYUNIN
Nailalarawan ang mga elemento ng kuwento gaya ng tauhan, tagpuan at banghay ng
kuwento (F3PBH-Ie-4, F3PB-IIb-e-4).

II. PAKSANG- ARALIN


PAKSA: PAGLALARAWAN SA MGA ELEMENTO NG KUWENTO
KAGAMITAN: LAPTOP
SANGGUNIAN: SLM(FILIPINO) MODYUL 11

III. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panalangin
2. Pagbati sa Klase
3. Pagtatala ng Liban
4. Pagbibigay ng Pamantayan sa Online Class

B. Panlinang na Gawain
1. BALIK- ARAL
(Magbibigay ang guro ng iba’t ibang sitwasyon at tutukuyin ng mga mag- aaral ang mga
magagalang na salitang angkop sabihin batay sa sitwasyon)
Sitwasyon 1: Isang umaga, nakita mo ang iyong guro na si Gng. Santos sa parke. Ano
ang iyong sasabihin? a. Magandang umaga po, Gng. Santos. b. Magandang gabi po, Gng. Santos.
c. Magandang tanghali po, Gng. Santos.
Sitwasyon 2: Gusto mong humiram ng lapis sa iyong kaklase. Ano ang sasabihin mo? a.
Makikiraan po. b. Magandang gabi po. c. Maaari ko bang mahiram ang lapis mo?
Sitwasyon 3: Hindi mo sinasadyang mabasag ang platong hinuhugasan mo. a. Hindi ko
kasalanan! b. Wala akong pakialam. c. Paumanhin po. Hindi ko po sinasadya
Sitwasyon 4: Binigyan ka ng regalo ng iyong inay at itay sa iyong kaarawan. a.
Paumanhin po. Hindi ko po sinasadya. b. Maraming salamat po inay at itay. c. Magandang gabi
po inay at itay

2. PAGGANYAK
(Magpapanood ng isang video ang guro, ito ay isang maikling kuwentong pinamagatang
“Ang Oso at ang Dalawang Magkaibigan”. Sasagutin ng mga mag- aaral ang mga
katanungan matapos manood)

Phase 1 Bagong Silang Balanga City Bataan


Telephone No.: (047) 240-45-43
Email Address: bagongsilanges.balangacity@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Balanga
BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL

Mga Katanungan:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino- sino ang mga gumanap sa kuwento?
3. Saan nangyari ang kuwento?
4. Anong bahagi ng kuwento ang pinakatumatak sa iyo?
5. Ano ang natutunan mo mula sa kuwento?

C. PAGTALAKAY SA ARALIN

Ang kwento ay isang akdang pampanitikan na likha ng guni-guni at bungang-isip na hango sa


isang tunay na karanasan o pangyayari sa buhay.

Pamagat- nakasaad dito ang paksa o pag-uusapan sa kuwento.


Tauhan- ito ay ang gumanap sa kuwento
Tagpuan- ang panahon o lugar kung saan nangyari ang kuwento
Banghay- tawag sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari

D. PAGSASANAY
1. GAWAIN 1
Bagong Kaibigan
ni: Jessa Mae R. Pendon
Pasukan na naman. Abala na ang lahat sa Mababang Paaralan ng Pagsabangan. Ang mga mag-
aaral ay masaya dahil makikita na naman nila ang kanilang mga kaklase at kaibigan. Napapaiyak
na si Marta sa kaba. Magsisimula na kasi ang klase ngunit hindi pa niya nahahanap ang kaniyang
silid-aralan. Ilang saglit lang may lumapit na sa kaniya na batang babae at nagpakilala bilang si
Rita. Natuwa si Marta. Sa wakas may bago na siyang kaibigan.
PANUTO: Itambal sa Hanay B ang tinutukoy na paglalarawan sa bawat elemento ng
kuwento sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. PAMAGAT A. Paaralan
2. TAUHAN B. Marta at Rita
3. TAGPUAN C. Bagong Kaibigan
4. BANGHAY (Unang Pangyayari) D. Pasukan na naman, natutuwa ang lahat.
Maliban sa batang si Marta.
5. BANGHAY (Pangalawang Pangyayari) E. May isang batang lumapit sa kanya at
nagpakilala bilang si Rita.
6. BANGHAY (Huling Pangyayari) F. Napaiyak si Marta sa kaba dahil, hindi
niya makita ang kaniyang silid-aralan.

Phase 1 Bagong Silang Balanga City Bataan


Telephone No.: (047) 240-45-43
Email Address: bagongsilanges.balangacity@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Balanga
BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL

2. GAWAIN 2
Ang Magkaibigan
ni: Raquel A. Tangga-an
Nagpunta ang magkaibigang Lara at Fara sa parke malapit sa kanilang bahay.
Nagandahan sila sa mga bulaklak na nasa paligid. Nais sana nilang pumitas pero may nakasulat
na “Bawal Pumitas ng Bulaklak”. Kaya umuwi na lang sina Lara at Fara sa kani-kanilang
tahanan at ibinalita sa kanilang mga nanay ang magandang bulaklak na kanilang nakita.
PANUTO: Kumpletuhin ang hinihingi ng graphic organizer.

E. PAGLALAPAT
Punan ang bawat patlang upang makabuo ng sariling kuwento.
Ang Matalik na Magkaibigan
ni: _____________________

Sina __________ at _________ ay matalik na magkaibigan. Mahilig silang maglaro sa


____________. Isang araw, habang naglalaro sila ay nakakita ng ______________. Ito ay kanilang
inalagaan.

IV. PAGLALAHAT

Kumpletuhin ang pahayag.

Ang mga elemento ng kuwento ay ang _____________, _____________, ________________ at


_______________________.

Phase 1 Bagong Silang Balanga City Bataan


Telephone No.: (047) 240-45-43
Email Address: bagongsilanges.balangacity@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of City of Balanga
BAGONG SILANG ELEMENTARY SCHOOL

V. PAGTATAYA
Tukuyin ang mga elemento ng kuwento batay sa nakasaad sa bawat pangungusap. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. Ito ang nagsasaad ng lugar na pinangyarihan sa kuwento.
a. pamagat b. tauhan c. tagpuan
2. Ito ay elemento ng kuwento na nagsasaad ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
a. banghay b. pamagat c. tauhan
3. Ito ay bahagi ng kuwento na nagsasaad ng mga taong gumaganap nito.
a. pamagat b. tauhan c. banghay
4. Ito ang tema ng kuwento.
a. pamagat b. banghay c. tagpuan
5. “Sa isang maganda at malawak na hardin” Ito ay halimbawa ng anong elemento ng kuwento?
a. tauhan b. pamagat c. tagpuan

VI. TAKDANG- ARALIN

PANUTO: Uriin ang mga salita kung ito ba ay para sa tauhan, tagpuan, banghay, at pamagat ng
kuwento. Isulat muli sa loob ng paru- paro batay sa elemento.

Inihanda ni:

CZARINAH JEANELL G. ANULACION


Guro I

Itinala ni:

MARIA JOVITA B. SINGZON


Punong- Guro II

Phase 1 Bagong Silang Balanga City Bataan


Telephone No.: (047) 240-45-43
Email Address: bagongsilanges.balangacity@deped.gov.ph

You might also like