You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
SOROSORO ELEMENTARY SCHOOL
SOROSORO, BATANGAS CITY

Paaralan Sorosoro Elementary School Baitang 2


Guro BABYLYN R. INTAC Asignatura Filipino
Araw at Petsa Mayo 18, 2023 Kuwarter Q4W3D4

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakakamit ang mga kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang
sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o
nibel at kaugnay ng kanilang kultura.
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan,paaralan at
pamayanan F2WG-IIg-h-5

D. Pagpapaganang Kasanayan
Nagagamit ang salitang kilos gawain tungkol sa iba’t-ibang gawain sa paaralan

II. Nilalaman
A. Paksa: Nagagamit ang salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa paaralan
B. Sanggunian: MELC Filipino 2, pahina 149, Budget of Work (BOW) Filipino 2, pahina 18
FILIPINO 2-Module,
Mga Kagamitan sa Pagtuturo: laptop, powerpoint presentation, mga larawan
C. Pagpapahalaga:
III. Pamamaraan
A. Balik-aral:
Panuto: Tingnan ang mga larawan. Ano –anong gawain sa tahanan ang ipinakikita ng larawan.

Address: Sorosoro, Batangas City


Telephone Number :( 043) 332 5179
Email: 109594@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
SOROSORO ELEMENTARY SCHOOL
SOROSORO, BATANGAS CITY

Pagganyak

https://www.youtube.com/watch?v=sljhrDcODsk Alituntunin sa Paaralan

B. Paglalahad
Basahin ang kuwento
“Inay, papasok na po kami sa paaralan,” ang magalang na paalam ng magkapatid na Jenny at Nelson
sa kanilang ina. Pagpasok sa paaralan, isinabay na nila ang kanilang kaklase na si Roy papunta sa silid-
aralan. Tulad ng nakagawian na nila, nagwawalis, at nagpupunas ng mesa at bintana ang magkapatid
bago pa magsimula ang klase. Habang ang kanilang ibang kaklase ay masayang nagkukuwentuhan sa
kanilang nalalapit na bakasyon. Dinatnan ng guro na malinis ang silid-aralan. Nagsimula na ang klase.

Talakayan
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang tauhan sa kuwento?
2. Sino ang isinabay nila pagpasok sa paaralan?
3. Ano ang gawaing pampaaralan ang ginawa ng magkapatid?
4. Ano naman ang ginawa ng iba nilang kaklase?
5. Tulad nina Jenny at Nelson,gumagawa rin ba kayo ng gawaing pampaaralan?Ano-anong gawain ang
inyo ginagawa?

Pandiwa ang tawag sa mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw. Nagagamit ang mga salitang kilos sa
iba’t- ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayanan.
Mga halimbawa:
1. Ang mga bata ay nagwawalis sa loob ng silid-aralan.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang usapan ng mga bata sa bawat bilang. Hanapin at isulat sa sagutang papel ang mga
salitang kilos.

Address: Sorosoro, Batangas City


Telephone Number :( 043) 332 5179
Email: 109594@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
SOROSORO ELEMENTARY SCHOOL
SOROSORO, BATANGAS CITY

1.

Paglalahat
Ano ang Pandiwa?
Aplikasyon
PANUTO: Basahin ang pangungusap at piliin ang tamang sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.
_____ 1. Nakita mong marumi ang inyong paaralan. Ano ang gagawin mo?
A. Lalo kong dudumihan B. Lilinisan ko ito
C. Magyaya pa ako ng ksama upang dumihan ito. D. Pabayaan ko ito
_____ 2. Ikinalat ng ibang mag-aaral ang basura. Ano ang gagawin mo?
A. Ililigpit ko B. Itapon sa ilog
C. Sisipain ko ito D.Titingnan ko
_____ 3. Nagtulong tulong ang mga bata at guro na magtanim ng bulaklak sa paaralan. Ano ang
gagawin mo?
A. Aalagaan B. Aapakan C. Bubunutin ko D. Pipitasin ko
_____ 4. Nakita mong maraming halaman ang natutuyo. Ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko B. Didiligan ko C. Itatapon ko D. Pabayaan ko
_____ 5. Pinitas ng bata ang mga bulaklak sa paaralan. Ano ang gagawin mo?

Address: Sorosoro, Batangas City


Telephone Number :( 043) 332 5179
Email: 109594@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV–A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
SOROSORO ELEMENTARY SCHOOL
SOROSORO, BATANGAS CITY

A. Aawayin ko B. Pabayaan ko C. Sasali ako sa pamimitas D. Sasawayin ko

IV. Pagtataya
Panuto: Bilugan ang mga salitang kilos na ipinapakita ng larawan.

1. nagsusulat naggugupit gumuguhit

2. kumakain nagkakalat nagtatapon

3. kumakanta sumasayaw nagdarasal

4. tumutula nagbibilang umaawit

5. nagtatapon nagkakalat umiinom

V. Takdang-Aralin:
Basahin at pag-aralan ang susunod na aralin.

VI. Indeks of Masteri


_______ Pursiyento
VII. Pagninilay
A. _____ Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

B. _____Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation

Address: Sorosoro, Batangas City


Telephone Number :( 043) 332 5179
Email: 109594@deped.gov.ph

You might also like