You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
LIBJO ELEMENTARY SCHOOL
CENTRAL LIBJO, BATANGAS CITY

Unang Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 2


Ikaapat na Markahan

A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.

_______1. Ito ay bagay na dapat tinatamasa o maranasan ng isang tulad mo upang ikaw ay
mabuhay ng matiwasay at maayos.Alin ito?
A. karapatan B. pananagutan C. tungkulin D. Gawain

_______2. Tinatamasa mo ang iyong karapatan kapag ikaw ay __________ .


A. malungkot B. masaya C. nahihirapan D. nagugutom

______3. Upang maging malusog ang isang bata, alin sa mga sumusunod ang dapat ibigay sa
isang batang tulad niya?
A. celphone/tablet B. mga damit C. masustansyang pagkain D. A at C

______4.. Nais ni Tope na maging isang doktor sa kanyang paglaki kaya’t pinapasok siya ng
kanyang mga magulang sa paaralan malapit sa kanilang tirahan. Anong karapatan
ang tinatamasa ni Tope?
A. Karapatang makapaglibang
B. Karapatang magkaroon ng pamilyang mag-aaruga
C. Karapatang makapag-aral
D. Karapatang magkaroon ng maayos na tahanan

_____5. Maganda ang plasa ng aming komunidad. Maraming mga bata ang ligtas na naglalaro
rito tuwing walang pasok sa paaralan.Ano ang gagawin mo upang mapanatili ang
kalinisan at kaayusan ng pook – libangan?
A. Itapon ang basura sa tamang lalagyan
B. Pitasin ang mga bulaklak
C. Bunutin ang mga halamang nakatanim dito
D. Sirain ang mga kagamitan sa palaruan.

_____6. Hindi nag-aaral si Ben dahil sa kahirapan. Dahil sa libreng edukasyon, tinulungan siya
ng isang Kagawad ng Barangay na makapasok sa paaralan.Ano ang gagawin ni Ben?
A. Tatanggihan ang tulong na ibinibigay ng kagawad sa kanya
B. Magsisikap siyang makatapos ng pag-aaral
C. Manghihingi na lang ng limos
D. Tutulong na lang sa kanyang mga magulang sa paghahanapbuhay

Lead and Educate toward Success


Address: Central Libjo, Batangas City
Telephone No. (043) 727-1358
Email: 109616@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS CITY
LIBJO ELEMENTARY SCHOOL
CENTRAL LIBJO, BATANGAS CITY

_____7. Maraming mga bata ang may angking kakayahan sa pag-awit at pagsayaw sa aming
komunidad. May proyekto ang aming kapitan na paligsahang pangkultural upang
malinang ang kakayahang ito.
A.Aalamin ang tungkol sa paligsahang pangkultural
B.Magsasanay sa natatanging kakayahan
C. Makikilahok sa gaganaping paligsahan
D. Lahat ng ito ay tama

_____8. Sa ilalim ng tulay naninirahan ang pamilya nina Robert. Pinagtagpi-tagping kahon at
plastic ang kanilang bahay. Anong tulong ang maaaring ibigay ng pamahalaan sa
pamilya ni Robert?
A.Bibigyan ng perang pagpapagawa ng bahay
B.Hihingi ng tulong sa kapitan ng barangay.
C. Bibigyan ng libreng bahay ng pamahalaan
D. Paalisin at gigibain na lang ang bahay

_____9. Ang bawat karapatan ay may katumbas na______________.


A. pagpapahalaga B. talino C. pagsasaayos D.pananagutan

_____10. Kumakain ng masustansyang pagkain sa tamang oras ang mga bata. Ano ang epekto
nito sa mga bata?
A. Magiging malusog ang mga bata. C. Magiging malinis ang kapaligiran
B. Magkakaroon ng panlaban sa sakit. D. A at B

Panuto:Kilalanin ang kaugnay na karapatan ng bawat isang mamamayan. Isulat ang letra ng
tamang sagot. Hanapin ito sa loob ng kahon.

A. Karapatang maging malusog C. Karapatang makapaglibang


B. Karapatang makapag-aral D. Karapatang proteksiyunan laban sa pang- aabuso

______11. Laging sinasaktan si Lope ng Tatay niya. Nagsumbong siya sa pulis.

______12. Si Rita ay nag-aaral sa ikalawang baitang.

______13. Masayang naglalaro ang mga bata sa paaralan.

______14.Nagpunta sa Health Center si Maria upang magpabakuna.

______15. Sama-samang naliligo sa tabing dagat ang pamilya Santos.

Lead and Educate toward Success


Address: Central Libjo, Batangas City
Telephone No. (043) 727-1358
Email: 109616@deped.gov.ph

You might also like