You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
DIVISION OF GENERAL SANTOS CITY
ROMANA C. ACHARON DISTRICT
ROMANA C. ACHARON ELEMENTARY SCHOOL
CALUMPANG , GENERAL SANTOS CITY

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


Filipino 4
TP: 2023-2024

Pangalan:___________________________________Baitang at Pangkat:___________________
Guro:________________________________Petsa:_____________________Iskor: __________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at bilugan ang
titik ng tamang sagot.

Para sa bilang 1-2: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Pagkatapos,
sagutin ang mga tanong kaugnay nito.
1. Alin sa mga sumusunod na larawan ang wasto para sa hakbang na ito, “ Gumuhit
ng isang bilohaba. Isulat mo ang pangalan ng iyong alagang aso sa loob ng bilog.”
A. B. Brownie C. D. Brownie
Brownie Brownie

2. Alin ang wasto para sa larawan? “Gumuhit ng parihaba. Gumuhit ng tatlong


bilohaba sa loob nito, at kulayan ng itim ang gitnang bilohaba.”
A. C.

B. D D.

Para sa bilang 3-5: Gamitin nang wasto ang pang-abay sa loob ng kahon upang
mailarawan ang salitang kilos sa bawat pangungusap.
A. Mabilis B. Matalino C. Matiyagang D. Taimtim

3. _________ naglilinis ang mag-anak ng kanilang bahay dahil kalilipat lang nila dito.
4. ________________ na nagdarasal ang mag-anak dahil may sakit ang ama nila.
5. Ang bata ay ___________________ na tumakbo dahil siya ay hinahabol ng aso.

Page 1 of 6 pages Q3 FIL 4


Para sa bilang 6-9: Basahin at unawaing mabuti ang talata. Ilarawan ang tauhan batay
sa ikinilos, ginawi, sinabi at naging damdamin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

Si Bb. Cruz ay nakatira sa isang malaki at magandang tahanan. Ang tangi


niyang kasama ay ang mga katulong lamang. Palagi siyang nagdarasal sa harap
ng altar. Hindi rin niya nakalilimutang magbigay ng tulong sa mga
nangangailangan. Naawa siya sa mga batang nakikita niyang palaboy-laboy sa
lansangan upang maghanapbuhay.
Isa sa mga katulong ay si Aling Tessa na may isang anak. Halos lumaki na
ang bata kay Bb. Cruz kaya ito ay mahal na mahal niya.
Isang araw ay nagkasakit siya. Buong araw ay hindi umaalis sa tabi niya
ang nasabing katulong. Naalala raw niya ang malaking utang na loob niya rito.
Nalaman ito ng mga kapitbahay niya at sabay-sabay na nagdasal upang madaling
gumaling at hiniling nila na bigyan pa siya ng mahabang buhay.

_________6. Alin sa mga sumusunod ang katangian ni Bb. Cruz?


A. mabait C. mapagmalaki
B. malungkot D. masakitin

_________7. Alin sa mga sumusunod ang katangiang ipinakita niya sa mga batang kalye?
A. maawain C. mainggitin
B. mainisin D. matuwain

_________8. Palagi siyang nakaharap sa altar, aling katangian ito?


A. madasalin C. mapagkunwari
B. mainipin D. masama

__________ 9. Aling katangian naman ang ipinakita ng katulong niya?


A. mainggitin C. matuwain
B. masama D. marunong tumanaw ng utang na loob

Para sa bilang 10-12 : Basahin at unawaing mabuti ang Editoryal sa ibaba at sagutin
ang mga tanong ukol dito. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

EDITORYAL - Nasaan na ang mga nakumpiskang sibuyas?


(Pilipino Star Ngayon) – Enero 14, 2023-12:00am

Mula pa Disyembre 2022, sunud-sunod na ang mga nakukumpiskang smuggled na


sibuyas. May nakukumpiska sa Manila at Subic ports. Sabi ng Bureau of Customs (BoC), pinag-
aaralan nila kung puwedeng ipamahagi sa mamamayan ang mga nakumpiskang sibuyas lalo
na’t biglang nagmahal ang sibuyas na umabot sa P700 ang bawat kilo. Ganito rin ang naging
plano ni President Marcos Jr. na baka puwedeng dalhin sa Kadiwa Centers ang mga
nakumpiskang sibuyas. Ganunman, may mga nangamba na baka makasama sa kalusugan ang
mga nakumpiskang sibuyas lalo’t hindi dumaan ang mga ito sa quality control. Ang mga
pinalusot na sibuyas ay posible umanong makalason kaya kailangan munang masuri. Wala
nang narinig ukol sa mga nakumpiskang sibuyas noong Disyembre. Hindi na nalaman kung
ipinamahagi ito sa mamamayan sa pamamagitan ng Kadiwa o hinayaan na lang ba mabulok.

Page 2 of 6 pages Q3 FIL 4


Ngayong buwan na ito, ilan pang container van na naglalaman ng sandamakmak na
sibuyas na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso ang nasabat ng BoC. Noong Enero 3,
nakasabat muli ang BoC ng saku-sakong sibuyas sa Manila port na nagkakahalaga ng P17
milyon. Itinago ang mga sibuyas sa talaksan ng mga damit na “ukay-ukay”. Tatlong shipment ng
sibuyas ang nasabat ng BoC. Makalipas lang ang ilang araw, mayroon na namang nasabat na
sibuyas ang BoC.

Habang marami ang nasasabat na sibuyas, patuloy din naman sa pagmahal ang sibuyas.
Noong nakaraang linggo, sinabi naman ng Department of Agriculture (DA) na mag-aangkat ang
bansa ng 21,060 metric tons ng sibuyas para mapunan ang kakulangan. Pumalag naman ang
grupo ng mga nagtatanim ng sibuyas sapagkat hindi na kailangang umangkat dahil sapat ang
suplay at mag-aani na ng sibuyas ngayong Enero. Subalit inaprubahan na ni President Marcos
Jr. ang importasyon ng sibuyas kahit noon ay sinabi niyang masakit sa loob niya ang mag-
import lalo pa ng agri products.

_____10. Alin sa mga sumusunod ang pinag-uusapan sa editoryal?


A. tungkol sa Bureau of Customs C. tungkol sa sibuyas
B. tungkol Department of Agriculture D. tungkol sa ukay-ukay

_____11. Sino ang may plano na dalhin sa Kadiwa Centers ang mga nakumpiskang
sibuyas?
A. Ang Bureau of Customs C. Si Pangulong Duterte
B. Ang Department of Agriculture D. Si Pangulong Marcos Jr.

_____12. Sa anong buwan nagsimulang nagkumpiska ng smuggled na sibuyas?


A. Abril B. Disyembre C. Marso D. Mayo

Para sa bilang 13-16: Basahin at unawaing mabuti ang isang debate sa ibaba at sagutin
ang mga tanong ukol dito. Isulat ang titk ng tamang sagot sa patlang.

Karapat-dapat ba ang pagpapatupad ng “No Assignment Policy”?

Di-sang-ayon:
Sa ganang akin, ang pagpapatupad ng polisiya bagaman nakabatay sa
kalusugan at kapakanan ng mga bata, at sumasang-ayon sa probisyong karapatan-
pantao, ay akin itong tinututulan, dahil alinsunod din sa batas at karapatang-pantao.

Karapatan ng mga bata na magtamo ng edukasyon at matuto sa paaralan. Kung


tutuusin ay hindi sapat ang walong oras bawat araw, limang araw sa isang Linggo upang
magampanan ng mga guro ang sinumpaang tungkulin upang turuan ang mga bata, kaya
pinagtitibay ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga takdang-aralin.

Hindi ito kabawasan sa family bonding time, sapagkat ang pagtulong ng


pamilya sa pagsasagawa ng takdang-aralin ng kanilang anak ay isang paraan ng
pagpapalalim ng kanilang relasyon sa isa’t-isa. Hindi lamang sa panonood ng sine,
pagkain sa labas o paglilibang sa parke ng mga bata ang kailangan kundi kalinga
rin ng magulang sa paggabay sa mga gawaing pampaaralan. Hindi kalabisan sa
mga bata ang mga ito at hindi ito pahirap, abuso, pagmamalabis, diskriminasyon
o alin man sa mga sinambit sa “Child Protection Policy”.

Sang-ayon:
Maaaring hindi nakasulat ang salitang nakaaapekto sa karapatan ng mga
bata sa Child Protection Policy, ngunit kung babasahin mo nang buo ang batas ay
may pahayag na ganito, “and other forms of abuse entitled”. Ito ang kinabibilangan

Page 3 of 6 pages Q3 FIL 4


ng polisiya na pipigil sa mga kawangis, katulad o kasimbigat na epekto ng mga takdang-
aralin sa mga bata. Hindi naman siguro ito kalabisan o kabawasan sa pagkatuto ng mga
bata sa larangan ng edukasyon.

Ang kalusugan ng isang bata ay may kalakip na emosyonal at sosyal na


pangangailangan na siyang binibigyan ng diin ng polisiya upang maging malusog
ang bawat pamilya. May unawaan at sapat na oras upang sila ay magkasama-sama. Ito’y
dumaan sa masusing pag-aaral at may layuning baguhin ang nakasanayang gawain sa
pagkatuto. Bagkus, kailangang bigyang pansin ang mas nararapat na pangangailangan
ng mga bata sa kasalukuyang panahon.

_____13. Alin ang pinagtatalunan ng magkatunggali?


A. Kung nararapat ang “No Assignment Policy”?
B. Kung papayagan ang “No Assignment Policy”?
C. Kung ayon sa batas ang “No Assignment Policy”?
D. Kung makatarungan ba ang “No Assignment Policy”?

_____14. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa dahilan ng hindi sang-ayon?


A. dumaan sa pag-aaral
B. emosyonal at sosyal na dahilan
C. bigyang daan ang nararapat na paraan
D. saksi dito ang lahat ng mga nagtapos at dumaan sa ganitong paraan.

_____15. Alin ang pinagbatayan na polisiya ng hindi sang-ayon upang tumutol sa


polisiya?
A. Child Abuse Law
B. Child Protection Policy
C. No to Assignment Policy
D. Yes to Assignment Policy

_____16. Alin sa mga sumusunod ang isa pa sa pinagtatalunan ng magkatunggali?


A. kriminalidad
B. pang-aabuso sa mga bata
C. oras sa pamilya
D. oras sa pag-aaral

Para sa bilang 17-19: Suriin ang bawat pangungusap kung ito ay nagpapahayag ng
opinyon o katotohanan. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon.

A. Katotohanan B. Opinyon

_____________ 17. Sa palagay ko, marami ang huminto sa pag-aaral dahil sa pandemya.
_____________ 18. Si Ferdinand Marcos Jr. ang pangulo ng Pilipinas.
_____________ 19. Maraming buhay ang nasawi dahil sa mga sakit na dala ng COVID 19.

Para sa bilang 20-23: Basahin at unawain ang mga pahayag. Gamitin sa pagpapahayag
ng magagalang na salita tungkol sa hindi pagsang-ayon sa pakikipag-argumento. Piliin
ang letra ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat tanong.

______20. Hindi ka sumasang-ayon sa “No ID, No Entry” sa ating paaralan. Paano mo ito
sasabihin?
A. Eh, di na ako papasok sa paaralan.
B. Makabubuti nga po ito sa mga mag-aaral.
C. Gumamit po tayo ng ID para po makapasok tayo.

Page 4 of 6 pages Q3 FIL 4


D. Bakit ba kasi nagpapatupad ng ganyang patakaran ang ating paaralan?

______21. Labag sa kalooban mo ang pagpapabakuna laban saa CoVid 19, dahil
nangangamba ka na maaaring magkaroon ito ng masamang epekto sa
kalusugan. Alin ang angkop na sasabihin?
A. Kung ayaw kong magpabakuna ay hindi naman ako mapipilit.
B. Nakakatakot talagang magpabakuna, huwag kayong pumayag.
C. Hindi mabuti ang pagpapabakuna dahil may masamang epekto ito sa
katawan ng tao.
D. Para po sa akin, hindi po ako sumasang-ayon sa pagpapabakuna laban sa
COVID 19 lalo na kung may epekto sa kalusugan.

______22. May bagong proyektong inilatag ang inyong SPG. Hindi mo gusto ang mga
platapormang inihahain. Isa kang kasapi ng samahan. Paano mo dapat
sabihin ang pagsalungat?
A. Huwag niyo akong hingian ng opinyon tungkol sa bagay na iyan.
B. Hindi makabubuti sa nakararami ang proyektong balak na ipatupad.
C. Pag-isipan muna ninyong mabuti ang proyekto baka magsisi tayo sa bandang
huli.
D. Sa aking nakikita, magkakaroon tayo ng problema sa bagay na ito, maaari ba
nating rebyuhin ang bagay na ito?

_______23. Nag-uusap ang mga kaibigan mo hinggil sa problema nila sa pag-aaral. May
hindi ka sinang-ayunan sa isa sa kanila. Paano mo ihahayag ang iyong
opinyon o pananaw?
A. Mag-usap nga kayo nang maayos para magkaintindihan kayo.
B. Makinig kayo sa akin, may maganda akong solusyon sa inyong problema.
C. Ikinalulungkot ko sa isa sa inyo ay may dapat pag-isipan bago magdesisyon.
D. Kakampihan ko muna ang isa sa inyo, para mas maging matibay ang desisyon
niya.

Para sa bilang 24-27: Tukuyin kung anong bahagi ng pananalita ang ginamit sa
paglalarawan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Piliin ang titik ng
iyong sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang bago ang bilang.

A. Pang-uri C. Pandiwa
B. Pang-abay D. Panghalip

_____ 24. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.


_____ 25. Ang mga hayop ay mapayapang naninirahan sa kagubatan.
_____ 26. Minamahal niya nang wagas ang kaniyang inang bayan.
_____ 27. Ang pagmamahal niya sa kanyang inang bayan ay wagas.

Para sa bilang 28-30: Gamitin nang wasto ang pangkop na nasa loob ng kahon upang
mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin ang titik ng wastong sagot sa loob ng kahon at
isulat sa patlang.

A. -ng B. na C. -g D. at

28. Malinis _________ papel ang naitapon ng katulong sa basurahan.


29. Maraming dahon _________ tuyo ang nagkalat sa bakuran.

Page 5 of 6 pages Q3 FIL 4


30. Malayo __________ bayan ang pinuntahan naming noong isang linggo.

Para sa bilang 31-33: Suriin ang bawat pangungusap at gamitin nang wasto ang
pangatnig sa loob ng kahon upang mabuo ito. Piliin ang titik ng wastong sagot sa loob
ng kahon at isulat sa patlang.

A. kapag B. upang C. para D. kung kaya

_______31. Makatutulog lamang ako _______________natapos ko ang aking mga gawain


ngayon.
_______32. Nagsusumikap siya ________________ makakuha ng mataas na marka.
_______33. Nagsabi na siya ng totoo _______________ kaming dalawa ay nagkasundo na.

Para sa bilang 34-37: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat bilang.
Piliin ang wastong simuno at panaguri na bubuo sa diwa nito. Piliin ang titik ng wastong
sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

A. Ang mga bata B. matiyagang nag-aaral sa silid-aklatan


C. nagluto ng keyk kahapon D. ay masayang namimingwit ng isda

34. Ang mangingisda ay ____________________________.


35. ______________________ ay naglalaro sa parke.
36. Ang aking ate ay ________________________________.
37. Ang mga mag-aaral ___________________________________.

Para sa bilang 38-40: Basahing mabuti ang bawat talata at tukuyin ang angkop na
pamagat para rito. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
_____38. Hindi tayo nilikhang mag-isa dahil walang taong nabubuhay para sa sarili
lamang. Kailangan natin ang iba upang maging kaagapay sa saya at
lungkot ng buhay.Pinagsikapan nating mamuhay nang payapa at matiwasay
kasama ang iba. Umiiwas tayo sa gulo at away dahil gusto nating
magkaroon ng maraming kaibigan at kasama sa buhay.

A. Kapayapaan C. Halaga ng Buhay


B. Pakikisama D. Yugto ng Buhay

_____39. Kabilang sa kilalang pagkaing Pinoy ang puto bumbong. Ito ay kulay
lila o ube at kakaning gawa sa giniling na malagkit at bigas. Isa ito sa mga
pinakatanyag na pagkaing mabibili tuwing sasapit ang panahon ng
kapaskuhan.

A. Ang Lilang Puto C. Ang Puto Bumbong


B. Pagkaing Pinoy D. Ang Masarap na Puto Bumbong

______40. Abalang-abala ang lahat sa paghahanda at pagluluto ng pagkain.


Mayroon naming naglalagay ng palamuti at mga lobo sa bawat haligi ng
bahay. Maya-maya pa’y nagsidatingan na ang mga bisita at bago sila
kumain, umawit muna sila ng Happy Birthday Song kay Hilda.

A. Ang Kaarawan ni Hilda C. Ang Masayang Pagtitipon


B. Ang mga Lobo at si Hilda D. Paghahanda sa Kaarawan ni Hilda
Page 6 of 6 pages Q3 FIL 4

You might also like